Chereads / The Barista - Numero Series 1 / Chapter 16 - Sixteen

Chapter 16 - Sixteen

It's been a week since I've been into hiding. Ilang araw na akong hindi sumisipot sa cafe ng pitong iyon at lahat sila ay iniiwasan ko sa loob ng ilang linggong iyon.

Hindi naman siya gaanon kahirap since we're from different schools pero tuwing uwian talaga ako kinakabahan na baka mahuli nila. It's just that ang kapalit para hindi sila makita or makasalubong ay sobrang aga kong uuwi or sobrang late akong lalabas ng school dahil magtatago pa ako sa library or doon lang ako sa loob ng isang cubicle sa women's room gaya ngayon.

"Hindi ka pa ba uuwi Joe? Anong oras na oh" Nami confronted me. Niyakap ko na lang ulit ang bag kong punong-puno ng libro at damit, trying to convince myself na okay lang kahit mamaya pa ako makauwi. Kahit na ba kasi ilang linggo ang lumipas ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari nung nakaraan.

It haunts me. In my dreams, in my wildest imagination, kahit saan ako magpunta. It's as if I'm under a trance kapag naaalala ko iyon. Kaagad akong namumula at napapangiti na parang tanga.

'Crush mo lang naman sya eh,' pangungumbinsi ko sa sarili ko pero ba't ganito na agad?

Ang bilis. Nakakalula. Nakakatakot.

Para sa isang baguhang katulad ko, hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga nangyari. Kung paano ko siya haharapin at kung paano ako makakatingin sa kanya nang hindi namumula ay hindi ko pa rin alam ang sagot.

"Mauna na ba kami umuwi? Hinahanap na kasi ako ni Lola," pagpapaalam sa akin ni Nami kung kaya't nahinto ako sa malalim na pag-iisip.

"Okie, ingat kayo ha," sabi ko na lang at patuloy na pumalumbaba habang naghihintay na lumipas ang oras. Trenta minutos na lang kasi bago magsara ang school at bago ako umalis dito nang walang nakakakita.

"Text ka na lang kapag nakauwi ka na" huling sambit na lang niya bago ko narinig ang pagsara ng pintuan ng cr na ito.

Muli akong nabalot ng katahimikan kung kaya't hindi ako ganoon ka-kumportable. Kinuha ko na lang ang phone ko at nakitang may mga messages na naman ang mga ugok na miss na raw nila ako at kung kelan ko raw ba balak magpakita. Hindi ko na lang binigyang-pansin na mag-reply dahil hindi ko pa rin talaga alam kung kelan.

I just played my favorite playlist na nagpapakalma sa akin. I shuffled it and a love song played na kaagad ko namang pinagsisihan kasi siya na naman ang naaalala ko.

[playing: Iris by Goo goo dolls]

"And I don't want the world to see me," the chorus played. Napapikit naman ako, remembering how he tried to conceal his emotions just to make me feel better when I was in 7-eleven, sulking about my failed crush-attempt with Grayson.

"'Cause I don't think that they'd understand," and those eyes, his eyes looks like he wants to say something but he's hesitating. He's torn about something that I don't know.

"When everything's made to be broken," and it's as if he's been hurt so much more before that he's scared of telling me what it is.

"I just want you to know who I am."

Napabuntong-hininga na lang ako. Heto na naman ba ako, nag-aassume? Nandito na naman ba ako sa stage na akala ko ay mayroon na pala kaming koneskyon at pagkakaintindihan pero wala naman pala?

Nawala na lang ako sa malalim na pag-iisip nang may narinig akong katok sa may pintuan ng washroom, secret sign namin ni Kuyang Janitor kapag wala nang tao sa buong school. Kaagad naman na akong tumayo sa pagkakaupo ko at inayos ang sarili bago lumabas sa cubicle na pinagtatamabayan ko.

'Hanggang kelan pa kaya ako ganito?' tanong ko na lang sa sarili ko nang humarap ako sa salamin sa may mahabang sink na naririto. Hindi ko alam pero bigla na naman akong namumula, kapwa naaalala ang nangyari ilang linggo na ang nakararaan.

"Wait lang Kuya, ha. Mag-ayos lang ako ng sarili ko sandali," pasabi kong medyo may kalakasan para marinig ni Kuyang Janitor sa labas ang sinasabi ko.

Inayos ko lang naman ang pagkakapusod ng buhok ko para hindi ito hanginin mamaya pagsakay ko sa jeep. Ayoko namang umuwing parang Sadako sa bahay at baka atakihin pa sa puso si Mama at makalbo ako nang di oras.

Napakunot na lang ang noo ko nang wala akong narinig na reply ni Kuyang Janitor. Karaniwan kasi kapag ganito ay siya ang nagsisimula ng kwento. Noong nakaraan nga lang ay nagku-kwento siya tungkol sa kanyang college life dahil na rin siguro sa sinabi kong natatakot ako umalis sa school na ito.

"Ang tahimik mo naman Kuya Joel. Nakakapanibago ka" sita ko sa kanya at napahagikhik na lang na parang tanga sa salamin habang binabalik ko ang suklay ko sa loob ng bag ko.

"Hay nako Kuya, kung akala mo matatakot ako sa'yo, nagkakamali ka. Hindi ako takot sa multo, mas takot akong makasalubong yung taong kinukwento ko sa iyo" ngingisi-ngisi kong dada noong inaayos ko na ang kwelyo ng aking uniform na nagulo kanina.

"Paano ba naman kasi ako hindi matatakot, pulang-pula ako nung huli nya akong nakita! Halatang kilig na kilig ako kahit na gusto ko syang iwasan. Hindi ko kasi alam kung may gusto na ba ako sa kanya o gusto nya kaya ako!" rant ko pa.

Inayos ko na ang back bag ko at nang makita kong disente na ang itsura ko ay napahinga na lang ako nang maluwag.

"Ayoko naman kasing mag-assume, nakakasawa" dagdag ko pa at hinugasan pa ang kamay ko, trying to get rid ng mga germs.

Nang matapos na ay pinunasan ko na ang kamay ko ng tissue at dali-dali nang tumungo sa pinto at binuksan ko ito sabay sabing, "At tsaka naman kasi, kung siya na talaga, sana siya na. Ayoko ng mixed signals. Isa pa, na-awkward-an ako sa pagtawag ko sa kanya ng Kuya Uno, nagtutunog tuloy na-"

"Na ano?" tanong nung taong iniiwasan ko nang ilang linggo. Nakasandal pa siya doon sa pader kung kaya't para na naman siyang nagmo-model sa front page ng magazine.

Nakakainis! Nakakainis kasi ang gwapo-gwapo niya!

Hindi ko naman tuloy alam kung mamumula ba ako sa kilig o mamumutla sa takot. Eto na nga ba ang sinasabi ko kapag hindi planado, ang dali kong mag-panic! Nakukutkot ko tuloy ang sarili kong kuko sa kaba.

'Tatakbo na ba ako o hindi?' pag-iisip ko. Siguro naman sa laki ng hallway ay hindi niya ako mahahablot kapag bigla na lang akong nagtatakbo. Ang kaso ay sa kalsada ako hindi makakatakbo dahil sa dami ng aso!

"Nagtutunog ano?" iritado niyang tanong sa akin kaya naman nabuwisit ako. I tried to avoid his gaze but I immediately failed seeing how intense his look upon me. Iniwasan ko na lang siya at dire-diretsong naglakad palayo sa washroom pero kaagad din niya akong nahila pabalik.

"Yung ano ba kasi? Ano bang ginagawa mo rito?" angal ko sa kanya habang kumakawala sa pagkakahawak niya. Hindi naman iyon ganoon kahigpit at kaagad naman niya akong pinawalan, dahil ang intensyon lang naman niya ay pigilan akong umalis at hindi ang pwersahin niyang manatili.

"Why were you hiding? May nagawa ba akong masama?" maamo naman na niyang tanong sa akin nang harapin ko siya. Halos manlambot naman ako sa nakita ko kaya naman tumalikod muli ako.

'Walangya ka Joe, ang rupok mong gaga ka'

"W-wala kang nagawang masama, it's just me," utal kong sambit at naglakad na. Ramdam ko namang nakasunod lang siya sa akin at hindi na muling nagsalita pa. Nang makalabas naman na ako ng school ay alam kong nasa likod ko pa rin siya at walang balak na sumakay sa kotse niya.

"Sakay" angat-kilay kong baling sa kanya sa tapat ng kotse niya. Nagulat naman siya sa inasal ko at nagpa-panic na hinahagilap ang susi niya sa bulsa niya. Hindi ko namang maiwasang mapangiti because he looks adorable just like that pero kaagad akong nag-poker face nang lingunin niya ako.

Nang mapagbuksan niya ako ng pinto ng kotse ay tinaasan ko naman muli siya ng kilay, saying, "I told you na sumakay sa kotse mo, not that I'm joining you for a ride," mataray kong sabi sa kanya kahit na ba nagbibiro lang ako.

Kaagad naman siyang natameme at biglang lumungkot ang mukha na para bang napagalitan ng nanay o naagawan ng candy. Pigil na pigil naman ako sa paggngiti pero noong nakita kong maluha luha siya ay ako naman ang di mapakali at kaagad na niyakap siya.

Ramdam na ramdam ko tuloy yung upper body niya as he leaned closer at naririnig ko ang medyo mabilis na pagtibok ng puso niya. Naramdaman ko naman ang pag-akap niya sa akin at kaagad naman akong namula nang ma-realize ko ang nagawa ko pero hindi naman ako makawala sa yakap niya na medyo mahigpit pero nakakahinga ka pa rin naman.

"Ang kakapal naman ng mukha ninyo na pagtaksilan ako!" rinig ko mula sa malayo pero parang kami ang pinapatamaan. The voice sounded like Tres' pa nga, making my eyebrows furrow.

"Ang daya mo Kuya Uno, sabi mo tatangayin mo sa cafe pero sinosolo mo na pala si Joe rito" naiiling na sambit ni Seven na nasa tabi lang pala namin.

Napalayo tuloy ako kay Uno nang makawala ako sa yakap nito pero kaagad naman akong nahablot ni Dos dahil muntik na pala ako masagasaan ng dumadaang tricycle.

"Be careful," bulong nito sa akin na kinapula ko pa lalo.

Kaagad namang natahimik ang lahat sa nangyari at hindi ko rin alam kung ano nag gagawin ko.

"Nasaktan ka ba Joe?" tanong sa akin ni Kuya Uno na kinalingon ko sa kanya. Nilapitan naman niya ako at sinipat kung may gasgas ba ako o anumang sugat. Medyo tuliro pa ako sa nangyari as I try to process what just happened.

"Joe, okay ka lang?" rinig kong nag-aalalang tanong ni Six sa akin kaya napatingin ako sa gawi niya. Unti-unti naman akong tumango kahit na ba tulala pa ako at ramdam pa ang higpit ng pagkakayakap sa akin ni Dos.

Narinig ko namang tumikhim si Kuya Uno kung kaya't kaagad dumistansya sa akin si Dos. Inayos ko naman ang damit ko, trying to compose myself as I faced them once more. Nang maharap ko naman sila ay bumungad sa akin ang nakakunot nilang mga noo, making me feel judged and bad at the same time.

"Masama pa loob ko sa'yo," I heard Seven whispered to himself na rinig na rinig ko naman, bago siya tumalikod sa amin at nauna nang maglakad palayo sa amin, patungo sa direksyon ng cafe.

Napakagat naman ako sa labi ko, trying to think of an acceptable reason kung bakit ko nga ba sila iniiwasan pero lahat lang ng iyon ay patungo sa iisang paksa. 'May gusto na kasi ako sa kaibigan nyo at nalilito ako sa mga action nya kaya lumayo na ako bago pa ako mahulog nang tuluyan,' pagrarason ko sa loob-loob ko. Pero bago ko pa man iyon masabi ay napailing na lang ako sa naiisip ko.

"Why bother avoiding me when all of us here know that you like me?" Uno questioned me as soon as he can, as if he read what's on my mind.

And that caught me off-handed. I obviously don't know the answer. Hindi kasi ako sanay sa mga kumprontasyon most especially about what I feel. It's as if sharing people what I feel and my emotions is something that is really off for me. I feel weak and vulnerable when I do that.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagtikhim ni Four, nudging me closer to him. Naramdaman ko kaagad iyong bigat niya sa pagkakaakbay sa akin. Halos mabaliw naman ako nang maamoy ko siya as he smelled ambrosial, something that is far off the axe gold guys like my classmates. "Sagutin mo na si Uno," he told me na kinalaki ng mata ko.

"Huh?" hindi ko makapaniwalang react sa kanya, biting my lips during the process.

"Ang sabi ko, sagutin mo na yung tanong ni Uno. My God, woman! Sure ka ba talagang ABM student ka sa level ng analyzation mo na yan?" he questioned me.

"Wow, you actually have the guts to ask her that, 148 IQ. Akala ko ba atheist ka, why use the phrase 'My God,' huh?" sabat ni Dos sabay pingot sa katabi ko na kanya nang kinaladkad palayo sa amin. Maging sila Sais, Tres at Cinco ay sumunod na sa kanila, with Cinco giving me a genuine smile as he's probably trying to comfort me but it just made me more nervous ngayong kami na lang ni Kuya Uno ang naiwan sa kinatatayuan namin.

"Ano," I broke the silence as I started to stare at my shoes as if it's the most interesting thing in the world right now.

"I know you're confused, frustrated even. And that was probably the reason why you're avoiding the Numeros these past few weeks..." panimula niya. "And I... got mad and frustrated too kasi I know that you like me too but you're nowhere to be found." dagdag pa niya na kaagad na kumuha sa atensyon ko at napatingin ako sa kinalalagyan niya. I saw him looking at me, with a pout after telling those lines habang ginugulo ang maayos niyang buhok as if shaking off his head of him with no apparent reason.

"But Joe, aaminin ko na nitong mga nakaraan sumama ang loob ko sa pag-iwas mo. I got mad every single day na papasok sila Cinco sa cafe na hindi ka kasama at sa dahilan nila na 'di ka nila naabutan ni minsan noong mga araw na 'yon," he expressed his feelings, his eyes telling me that he meant it.

"Pero napaisip ako kung bakit naging ganoon ang reaksyon mo, kahit na alam kong gusto mo rin ako. I know that you doubt whether this is worth the shot or not. I know that you're doubting about things regarding me kasi sa tingin mo na ang bilis ng mga pangyayari," he continued as he started stepping forward patungo sa akin but stopped when he's a meter away from me. Hindi naman ako mapakali at hindi rin ako makatingin sa kanya nang diretso but as soon as I met his eyes, tila ba hindi ko na maialis ang pagkakatitig ko rito.

"And that's why I'm here. Not to confront you why you did those but to tell you, straightforward, that I like you and to give you the assurance that I really do," sambit pa niya as he took more steps forward, leaving at least a foot distance away from me.

"With that, I would really appreciate you dropping the 'Kuya' honorifics and start calling me 'baby' instead."