"Why do I have my surname written at the back of your notebook?"
Nagislat ako when Kuya Uno asked that question after a long silence na namagitan sa amin noong sabihin nyang crush niya ako.
'I have a crush on you'
'I have a crush on you'
'I have a crush on you'
Isang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang mga sinabi niyang iyon. Gaya ng kapag lagi ko siyang nakikita ay iyong agad ang pumapasok sa isip ko at nabablangko na lang ang lahat. Paano naman kasi ako maniniwala kung ganoon kabilis?
Ilang linggo ko rin sya pilit iniiwasan kahit na ba minsan ay kailangan naming mapag-isa sa kitchen but hell! This is the first time na kinausap niya ulit ako casually dahil nitong mga nakaraang linggo ay puro utos at mga instruction nya lang sa pagluluto ang lumabas sa bibig niya. Well, bukod dun sa time na nasinghalan nya ako kasi ginamit ko yung kitchen knife para iahon iyong elbow pasta para sa spaghetti imbes na gumamit ng gamit para doon.
Hindi ko alam kung paano pa ako nakakaakto nang normal ngayon sa harapan niya pagkatapos niya sabihin iyon. Sa mga unang minuto pa nga ay halos hindi na naman ako mahina kung kaya't grabe ang hingal ko nang alugin niya ako para mahimasmasan.
"S-Sure ka bang notebook ko iyon?" pagtanggi ko pa. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at pinirmi ito sa paghahalo ng dry ingredients para sa cake na gagawin namin. Hindi pa kasi ako nakaka-move on sa mga sinabi niya ay may panibagong kahihiyan ko na naman ang kaagad niyang binato.
"Well, may pangalan mo sa may front page nun so I'm quite sure about it." ngisi pa niya sa akin.
"...And you quite know what notebook I'm talking about which proves my hypothesis" dagdag pa niya at pumalumbaba na lamang sa harapan ko.
Hindi na lang ako nagsalita dahil lalo lang akong nabubuko na crush ko nga siya. Napairap na lang ako sa kawalan sa inis sa pag-aakala ko naman ay sabay kaming gagawa. Iyon pala ay ako ang pagagawain niya habang siya ay ididikta lang kung ano ang susunod na step sa paggawa ng cake na ito.
"Edi wow," sagot ko na lang bago manahimik uli.
I'm still spacing out because of his confession that he likes me. I mean, paano? How? Ganun kabilis? Bakit?
Maraming pa ring tanong ang nasa utak ko ang I can't wait to tell it to Jeanne later. Ganito ba? Iyong pakiramdam na kapag na-crush back? Naguguluhan? May sense of doubt?
Sa sobrang tagal ko na ata nag-iisip, naibalik ko lamang ang atensyon ko sa ginagawa ko nang tumikhim si Kuya Uno,"You look bothered,"he stated.
Umiling na lamang ako sa kanya, stopping what I'm doing at huminga nang malalim bago siya harapin.
"I'm a little confused," I blurted out na kinakunot naman ng noo niya at kinaseryoso.
He stood up and moved to the chair beside me, observing me.
"Why are you confused? Because of me?" nag-aalala nyang tanong. It's as if he's scared about making me feel negative things. Mayhaps he's sensitive when it comes to affecting other people's lives or make other people feel bad because of him.
"Dapat na ba akong kiligin?" biro pa nito pero hindi naman ako nagpadala.
"Sabihin mo lang, gagawin ko. Malakas ka sakin ey," dagdag pa niya.
"How can you easily say that?" kaagad ko nang direkta sa kanya, putting the whisk down to the bowl behind me before looking up at him. Napakunot tuloy ang noo niya sa inasta ko.
I don't know but I felt a little guilty when his gaze met mine. He seems to be distracted, pre-occupied in his own thought while staring at me. It's like what he did back then sa 7-eleven when he seemed to remember something.
He seemed to remember pain and bitterness with that expression of him and this is the first time for me to see that. Maybe because he's usually goofy and maybe because he's always playing around and bringing the mood up.
Hindi naman tuloy ako matigil sa kakaisip kung ano ba sa mga salita ko ang sinabi kong mali which triggered that reaction from him. Am I being too much? Maybe? HIndi pa naman kasi kami ganoon ka-close pero sa pagbabato ko ng tanong sa kanya ay halos wala na akong preno.
"What? How can I easily say that I like you?"
Nabasa ko naman ang labi ko sa tanong niyang iyon as he puts a distance between us nang umatras siya para humilig sa center kitchen island habang ako naman ay nakasandal malapit sa banggera.
"Bakit nga ba?" natatawa nya pang tanong sa sarili nya na kinakunot ko lalo ng noo. Para naman kasing binibiro na naman nya ako at hindi na ako masyadong natutuwa.
"It's because you're really...likeable" seryoso naman niyang tugon bago tumalikod at inasikaso ang mga bowl doon. Naiwan naman akong nakatayo at nakatitig lang sa ere sa sinabi niya.
Wala naman kasing nagsasabi sa akin na kagusto-gusto ko. Kung bibigyan ko man ng pagkakataon na tanungin ang ibang tao kung bakit nila ako nagustuhan ay dahil sa mga baon kong pagkain. Hindi naman sila buraot sa part na iyon no?
Napakunot na lang ulit ang noo ko at pinagsawalang-bahala iyong sinabi niya. Kaagad ko nang inasikaso ang pag-whisk sa mga wet ingredients.
"And I don't know but I see myself with you in the near future" dugtong pa niya na kinabitaw ko sa hawak ko. Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong seryoso siya sa sinasabi niya.
Hindi ko alam kung gaano katagal namayani ang katahimikan pagkatapos kumalasing ng whisk ko na hawak sa silver bowl na naiwan sa harap kong hindi na muling nagalaw. Napapunas na lang ako ng mga kamay ko sa apron ko at hindi na nag-atubiling lumabas at iniwan muna sya roon. Hindi ako makahinga nang maluwag sa mga kaganapan.
"Jigab!"agaw pansin sa akin ng isang malaking bulto na nakaupo sa pinakamalapit na table dito sa counter. Napansin ko namang lahat sila ay naroon at kami lang ni Kuya Uno ang wala. Nginitian ko kaagad si Four at lumapit na sa kinaroroonan nila.
"Oh Wreck-it-Ralph, ano na naman ang panibagong item ang nasira mo ha?" biro ko nang makalapit ako. Kaagad naman niya akong inirapan habang tumatawa naman na parang walang bukas 'tong pinagkambal ng kaguluhan.
Habang nag-iinisan sila ay pasimple na lang akong kumuha ng french fries na nasa table at kumain. Nakakapagod din minsan kasama itong mga ito! Hindi mo alam kung anong mga kalokohan ang pumapasok sa isip at maya-maya ay halos aatakihin ka sa mga pinaggagagawa.
"Hulaan mo, bibigyan kita ng tatlong item. Tas kapag nahulaan mo may kiss ka kay Kuya Uno" sabat ni Cinco na kinapula ko muli.
Kaunti na lang talaga ay magiging kamatis ako sa tindi ng pagkapula ko tuwing kasama ko ang pitong ito lalo na ang pinakamatanda sa kanila. At ang mas lalong nakakainis ay wala akong magawa o masabi kapag-katapos nila akong biruin. Kahit ilang patong ata ng foundation at concealer ay di matatago itong pamumula ko kapag nababanggit siya.
"Alam mo Cinco, punyeta ka talaga" banat ko na lang sabay hagis sa kanya ng french fries na kakasawsaw ko lang sa ketchup. Kaagag namang nanlaki ang mata niya sa gulat at hindi na nakaiwas pa.
"What the fuck?!" napatayo na lang siya at naiiling na lang. Kinabahan naman ako ng slight dahil baka magalit ito sa akin at hindi na ako sunduin kahit na ba ako itong obligadong sumabay sa kanya at sa mga babae niya tuwing uwian.
"Sayang yung fries" lutang naman na sabi ni Sais sabay kuha noong french fries at sinubo. Inabutan naman niya si Cinco ng tissue pamunas sa pisngi nya na nadungisan ng ketchup.
"Hay nako, di ko talaga alam kung saan ka ika-classify Sais, sa mga buraot o sa mga patay-gutom" anas ni Dos sa isang gilid. Tatawa na sana ako sa sinabi niya nang makita kong parang hindi naman siya nagbibiro dahil blangkong-blangko ang mukha niya.
"Anyways, eto na yung items na pamimilian mo" basag ni Cinco sa awkward na katahimikan pagkatapos iyon sabihin ni Dos. Basta, pati rin ako ay kinakabahan sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"First item, door of Kuya Dos' room" saad pa niya habang ako naman ay pinagdaop ang mga palad, kinakabahan sa mga pinagsasasabi niya. Para naman kasi akong hahatulan sa mga kalokohan nila.
"Second item, kotse ni Tres," he continued,"... and last but not the least, cellphone ni Kuya Uno"
"Choose your fighter ngayon!" Sais exclaimed habang humahalakhak na parang gumagawa ng kababalaghan. Sa lalim ba naman ng boses niya ay napapaisip pa rin ako kung bakit ganoon siya tumawa. Kapag ba naman kasi ang tumawa ng ganoon ay masasamid ako which could possibly lead to my inevitable death.
"Mandatory ba tong pagsagot ko, wala naman akong benefits na matatanggap eh" reklamo ko sa kanila at nagbalak nang tumayo at umalis sa banda nila pagkatapos kong kumuha ng fries at isinubo.
"Luh, ang choosy mo naman. May kiss ka na nga sa kuya Uno namin, ano pa ba gusto mo?" nanlalaking mata na kwestyon sa akin ni Cinco na kinairap ko na lang.
"Sino bang nagsabi na gusto ko ng kiss galing sa kuya mo? Ha?" hamon kong tanong sa kanya at tumalikod na which I instantly regret dahil kaagad na bulto ni Kuya Uno sa counter ang bumungad sa akin.
"Sabi ko nga, sasagutin ko yang tanong mo" nagtitimpi kong sabi sa kanila na kinangiti naman nila. Tingnan mo itong mga ungas na 'to, gustong-gusto akong naiirita at napagti-tripan.
"Oh, ba't bumalik ka, akala ko ba ayaw mo sa kiss ng kuya ko?" medyo malakas na boses na tanong ni Sais sa akin kung kaya naman kaagad kong tinapalan ang bunganga nito ng kamay ko.
"Ikaw talaga, sino bang nagsabi na ayaw ko?!" gigil kong bulong sa kanya. Patuloy naman siyang pumapalag at nararamdaman ko namang nagbabalak na siyang kagatin ang kamay ko kung kaya naman kaagad ko na siya binitawan. I try to regain myself naman, pilit kinakalma ang sarili dahil isa pang pangbubuska ng mga ito ay uuwi sila nang may purple na marka sa pagmumukha nila.
"So gusto mo nga?" pang-trigger nya pa sa akin kung kaya't pinanlakihan ko na siya ng mata.
"Ano? Place your bets. Wala namang mawawala sa'yo eh" Four persuaded kung kaya naman natulala na ako sa kawalan, thinking of the wrong answer.
Sa lahat ba naman kasi ng pamimilian ay halos lahat ay may posibilidad na masira ni Four! Hindi ko ba naman kasi alam kung anong klaseng kamay ang meron siya at kung anong hawakan ay nasisira or nababagsak niya.
Even last week, nasira niya yung pinahiram kong calcu na tipong hanggang ngayon ay namomroblema pa ako kahit alam ko namang papalitan niya.
'Kahit isang truck pa ng calcu ipadala ko sa'yo, sorry na talaga' sabi pa niya.
"Wala bang clue dyan?" intriga ko sa kanila. Para naman silang walang narinig at umiwas ng tingin sa akin, lalo na si Four dahil alam niyang kahit aksidente ay nasasabi o naku-kwento niya ang hindi dapat.
"Mama mo kulay blue," bara ni Seven sabay takbo sa counter kung kaya naman hindi ko na hinabol pa dahil naroon yung gusto kong iwasan kahit panandalian.
"Bilis, mamili ka na" pagmamadali pa sa akin ni Tres kung kaya naman napangiti na lang ako ng pilit habang nag-iisip ng maisasagot.
Ano kaya ang maling sagot? Napatanong na lang ako sa sarili ko, as I convince na yung mali ang maisagot ko dahil ayoko naman umi-score kay Kuya Uno ng kiss. I'm not that type of girl na madaling matangay. Hindi ako marupok and most of all, I'm a strong independent woman.
"The first one" confident ko nang sagot sa kanila. Panigurado naman kasi na kung yung una yung nawarak ni Four ay baka wala siya rito ngayon at kasama namin.
It'll be 'sumalangit nawa ang kaluluwa ni Four dahil sa bagsik ng isang supladong Dos'. Napakatindi na lang talaga ng kamay ni Four kung pati ba naman pintuan ay nasira niya.
Hindi naman sa masyado akong kabado sa presensya ni Dos but he seems like the type of person na seryoso. Not in a sense na katulad ni Kuya Uno dahil around Kuya Uno, I could still joke around but not now dahil sa anumang dahilan ay kinikilig ako.
Kaagad naman silang napangiti ng nakakakaba sa sinagot ko. Maging ang mga kamay ko ay nanginginig. Sana naman kasi iyong yung isa sa mga maling sagot dahil mas malaki ang probability na mali iyon. Kapit lang tayo sa 66.66% na mali ang nasabi ko.
"Naks, gusto talaga ng kiss ni madam Joe! Kuya Uno, may utang kang halik dito ah" Cinco told Uno behind me, probably still in the counter. Hindi naman ako makalingon dahil lalo akong naiilang kahit na ba kasama ko ang mga kaibigan niya.
"What utang?" I heard a voice behind me whispered na nagpataas sa balahibo ko.
"I'm not used in having liabilities. Tell me nang mabayaran ko na kaagad" dagdag pa niya before I felt someone beside me and gave a peck on my cheeks.
As if during that moment ay na-estatwa ako at hindi ako makahinga. Kahit na ba naramdaman ko na siyang lumayo ay ramdam na ramdam ko pa rin ang bakas ng damplis na halik na iyon. Para naman tuloy akong bomba, nag-iinit ang mukha ko at paniguradong namumula na ako.
'Walang hiya ka Four, ang sabi mo walang mawawala sa akin pero bakit biglang tinangay yung kaluluwa ko?'