Chereads / The Barista - Numero Series 1 / Chapter 13 - Thirteen

Chapter 13 - Thirteen

It's been a week after me and Kuya Uno discussed the grounds of the deal. Bilang marupok naman sa mga pogi, syempre, um-oo ako.

But seriously, I've learned so much sa mga cooking lessons I've taken from him and so far, I'm much of a great help sa Omelas kahit na ba isang linggo pa lang since I signed the deal. Though it's not really easy sa umpisa kasi I almost set first sa buong cafe plus the taste and odor test I've undertaken to be qualified as an amateur taste-tester, most epecially, Kuya Uno's apprentice.

Most of all, my greatest achievement is that I also gained friends there. Nagantihan ko na rin si Cinco for laughing at me the last time and I also apologized to Sais nang sikmuraan ko siya, tellimg him that I'm sorry that I ain't sorry.

"Hoy marupok, tapos mo na ba yung chapter 3 ng research?" I immediately drifted back from my own world to reality when Nami asked me about the research. Hindi naman sa self-proclaim marupok ako pero parang ganoon na nga.

Halos malugmok naman ako sa sarili kong table remembering na next week na rin pala ang pasahan nun.

"I'm almost done with it pero hindi pa rin ako satisfied" amok ko pa. Mabuti na lang ay break time namin for the afternoon classes kung hindi ay mapapagalitan na naman ako ng subject teacher namin.

I mean, who wouldn't be surprised if you're gonna see your student, 5'9 in height, probably taller than you ay nag-aamok sa sarili niyang table na parang sinapian ng kung anong espiritu. Being shocked is quite an understatement, to be honest.

"Patingin nga" Jeanne cut us out, asking for the laptop placed in Kris' table. Mahinahon ko namang inabot sa kanya iyon dahil wala na akong pera pambili ulit and mama would probably scold me until my ears bleed.

Napadukdok naman ulit ako sa table ko as she's busy checking the whole chapter 3 with Nami. Like as in, finally, hindi lang ako at si Jeanne ang bumubuhat sa grupo ngayon.

Nagpapasalamat na lang talaga ako na tinamaan sila ng konsensya nang malaman na dalawang paper ang inaasikaso ko for this sem dahil kaunti na lang talaga ay ma-burn out na ako sa mga gawain.

'Sino ba naman kasing nagsabi na mag-SHS ako? Much more take ABM?'

"Joanna Medina! Jeanne Echavez, Nami Concepcion, narinig nyo na ba ang balita?" Kris was frantic when she entered the classroom. Kasunod naman niya si Rein na mahinahong kumakagat sa turon. Bigla naman tuloy akong nagutom.

"Ano na naman iyang nasagap niyong chismis?" intrigued, Nami asked.

Kaagad naman silang naupo sa tabi namin, forming a circle to hear what they're going to say. Maging ako sa sarili ko ay hindi napigilang lumapit para marinig ang sasabihin nila.

"Ililipat daw yung department natin sa isang branch, sa CDSJ." bulong pa ni Kris sa amin. Nakahinga naman ako nang maluwag, iyon lang pala.

Matagal na kasi bali-balita na ililipat ang department namin sa bagong building na tinayo sa CDSJ bago pa man kami mag-Senior high. Dapat nga ay last year kami ma-relocate dun sa building na iyon pero ngayong taon lang siguro natapos.

"Kelan daw tayo lilipat?" tanong pa ni Jeanne. Tamo ito, basta talaga gantong mga balita ay iiwan ang kahit anong ginagawa niya.

"Baka raw next week. Tahimik lang kayo ah, narinig ko lang ito kay Ma'am Rhoxy kanina sa CR" mostra pa ni Kris sa amin.

Bumalik naman na kami sa sarili naming pwesto nang tumunog ang bell at nagpatuloy akong dumukdok sa table ko, trying to catch some sleep dahil mukhang magpupuyat na naman ako mamaya after pumunta sa cafe to test some food.

Mabuti na lang ay walang umabala sa akin dahil group meeting lang ang pinagawa sa amin so I slept for at least an hour bago mag-uwian. Thankful naman ako sa mga ka-grupo ko na tahimik na gumagawa ng mga tasks nila that they would send mamayang gabi at hinayaan akong umidlip panandalian.

"Joe, nandyan na sundo mo" Raine shaked me for a little while to make sure na nagising ako. Gusto ko naman siyang patigilin pero hilo pa rin ako sa pagyugyog na ginawa niya.

"Eto na, wait lang" pangkalma ko sa kanya. Tiningnan ko naman muna ang lagay ng pagmumukha ko sa aking cellphone kung mayroon ba akong tulo-laway or muta man lang dahil nakakahiya naman kay Kuya Uno.

Baka mamaya ay tuksuhin na naman ako noon na antukin. Kaagad ko ring sininop iyong laptop at ibang libro ko na nakalagay sa table na ginawa kong unan before standing up and bidding my farewell to Raine and Kris.

"Bagal mo naman ghorl, tara na" tawag sa akin ni Jeanne na aburido sa may pintuan. Panigurado ay mainit na naman ang ulo dahil naroon na naman si Rich sa cafe.

Hindi ko naman siya ma-gets kung bakit siya sumasama pero ang dahilan niya ay makikinood siya sa pagluluto namin ni Kuya Uno para man lang may matutunan siya kahit papaano.

If I know, kaya lang naman niya ako sinasamahan is to spy what's happening between me and Kuya Uno or dahil naroroon si Rich.

In just alittle while, nakalabas na kami ng building namin and ready to leave the academy when someone called us. Hindi naman na ako nabigla nang makitang si Sais iyon, driving his car kasama si Cinco na may tangay na babae na naman.

"Sakay" he told us which we obliged naman. Nauna na akong sumakay sa likod at sa passenger seat naman si Jeanne, leaving them two alone. Naging mas close kasi silang dalawa, nagkabati sa panunukso sa amin ni Kuya Uno when our relationship is purely platonic.

Hindi ko naman alam kung maaaburido ako kay Cinco at sa kasama niya na naglalampungan sa tabi ko. Gusto ko man siyang batukan ay malamang tutuksuhin din ako nito katulad ni Jeanne at Sais. Mabuti na lamang ay nakarating na kami sa cafe in no time kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Good aftie" bati ko sa mga staff nang makapasok ako. Kaagad naman na akong pumunta diretso sa kitchen and placed my bag sa isang upuan. Napansin ko namang wala pa si Kuya Uno kung kaya't inayos ko muna ang sarili ko, putting an apron and styling my hair in a clean bun before putting the hair net.

"Joe, baka raw medyo ma-late si Uno ah, late raw kasi nagsimula iyong last class niya" Evelyn told me, one of the cashier staffs though part-timer lang. Iba namang barista ang nakatoka today dahil naka-sched na kami na mag-taste test kami ni Kuya Uno for the new desert na ilalagay sa menu.

Tinanguan ko na lang siya, indicating that I got her message. Sinamahan ko naman na siyang lumabas sa counter and helped with some things that I can handle such as slicing the cakes ordered and preparing some non-caffeinated drinks.

These past few days ay nagiging busy sa cafe and sometimes I feel bad na masyadong nag-spend ng oras sa akin si Kuya Uno lalo na today dahil baka rin i-testing na namin iyong product that we decided to pursue for the Entrepreneurship class mamaya if may time pa kung kaya't tinangay ko na rin si Jeanne for some support though hindi ko naman madala lahat ng ka-grupo ko to do it because we don't own the place.

Kahit na ba si Rich ang may-ari, it's just disrespectful to use the cafe's kitchen ng ganoon karaming estudyante kung kaya't we'll do a second round of taste-test sa langka nugget namin in Rich's house on Saturday.

"Joe, isang slice ng Love cake and another slice of tiramisu, please" Gab, the one na nasa cashier na pumalit muna siguro kay Evelyn told me. Marahil siguro tapos na ang shift niya at hinintay lang akong makarating dito para sabihin sa akin ang binilin ni Kuya Uno. Nginitian ko naman na siya at agad na sumunod though I sanitized myself, washed my hands sa sink before proceeding on getting the cake.

"Aren't you tired yet?" Jeanne asked me na nakapila sa cashier to order something. She looks worried about me pero I just smiled at her to reassure her. Napapadalas na ang ngiti ko sa mga tao sa paligid ko, pansin ko kaya siguro sumasakit ang pisngi ko. At mas lalo pang sasakit mamaya!

"I'll just serve this at uupo muna with you while waiting for Kuya Uno" I told her to ease her worry a little. Ayoko naman kasing ini-stress siya sa mga gantong simpleng bagay lalo na't alam kong kapakanan ko naman ang iniisip niya.

"Hello everybody~" rinig ko namang bati ng isang nakakatulig na boses na pumasok sa cafe. How come na iyong boses ng may-ari ng cafe na ito ay nakakabwisit? Much more na ka-batch lang namin sya pero may ganto na agad, sariling business? Perks of being yayamanin nga naman, eka ni Rich.

"Ayan na naman ang demonyo" pairap pa na sabi ni Jeanne. Minadali ko na ang pag-prepare ng dalawang slice ng cake at inabot kay Gab which he humbly received.

"Salamat" sabi pa nito sa akin at tinanguan ko lang siya. Wala pa naman masyadong dagsa ng mga customer kung kaya't umupo muna ako sa table na pinili ni Jeanne, waiting for her to return.

"Ba't ka nandito? Chupi ka nga yayamanin" usal ko nang umupo si Rich sa tapat ko. Nakataas pa ang paa, showing off his luxurious leather shoes. HIndi ko naman maiwasang mapairap.

'Kahit kailan talaga itong lalaking ito.'

Ngayon ay nakuha ko na at hindi talaga maipagkakaila na magpinsan sila ni Kuya Uno. While Rich is showing off his materialistic things, the other one is always showing off his princely visuals.

"Sorry, I'm late" natayo naman ako sa pagkakaupo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Pero nang makita ko kung sino iyon, na-guilty ako nang medyo na-disappoint ako.

"Oy Joe, ikaw pala 'yan" Four greeted me with a finger guns while showing his deep dimples when he smiled.

"Naks naman, maaga ka ngayon? Wala ka pang nababasag na bote ng alak ulit? My wallet's prepared just so you know" biro ko pa sa kanya. Napakamot naman siya sa batok nya, probably reminiscing what happened that night sa convenience store na kinatawa ko.

"So far, wala pa naman. It's just that..." nag-aalinlangan pa niyang usal, weighing his words well.

"It's just that?" dugtong ko pa pero bago pa man niya masagot ang tanong ko ay may panibagong agaw eksena na naman ang emekstra.

"Cuatro, umiikli talaga ang buhay ko sa'yo" nabigla naman ako nang pumasok ang isang nag-aalburotong Kuya Uno together with Dos. Kung anong kinapula ng isa ay kung anong kinaputi ni Dos while hysterically laughing.

"Cuatro, bayaran mo na muna iyong pampaayos ng kotse niya" halos masamid pa si Dos sa kakatawa. I wonder kung ano na naman ang nasira ni Four.

"Eh, kuya, sorry na. I promised I just tried to park the car, malay ko bang may puno sa likod" Four explained to the not bulging Kuya Uno. Napahagikhik naman ako sa sinabi nito which made him dart his frustrated look at me.

Nanggigigil, Kuya Uno asked, "Anong malay mong walang puno sa likod?! Napakalaki ng narra tree sa parking, hindi mo nakita?!"

Napailing na lang ako nang makita ko pang medyo natatawa si Four sa ginawa niya habang pinagsasabihan sya ni Kuya Uno.

I don't know but I'm more willing to watch the drama between them than cook something today. Who knows what's going to happen and how this thing would unfold.

"Bayaran mo ako" hinahon na pakiusap ni Kuya Uno.

Umiiling naman si Four, rejecting his proposition, "Ang yaman mo na eh! Ask Tito to buy you another car"

"Eh kung ayoko?" hamon pa ni Kuya Uno rito, his look taunting. Inawat naman na siya ni Dos habang tumawa nang tuluyan si Four.

"Shhh ka lang, sadya ko talaga 'yon" he whispered. Binatukan ko naman siya.

Susko, kawawa naman iyong kotse at napag-tripan.

"Ikaw, ano ba ireregalo mo sa kanya?" he added. Namaang naman ako sa tanong niya, my thoughts drifting away. Last week ko pa kasi pinag-iisipan iyon.

"Bahala na" pagpapasa-walang bahala ko muna. Paniguradong mamayang gabi ko pa iyong pag-iisipan.

Naningkit naman ang mata ko sa kanya, accusing them in my mind. I immediately saw his shift of demeanor no matter how he tried to hide it. Siguro nga, gaano ka man katalino ay may mga bagay kang hindi matatago.

"Now I know the reason why" I darted him a look that he immediately picked up. He closed the gap between us and sush-ed me, making me completely breathless.

'Oh my biceps Four, oh my biceps!'

"Secret lang natin 'yon" he whispered. Hindi naman sa maarte or what pero kaagad iyong nagbigay ng kiliti sa tenga ko. Napakarupok ko nga naman talaga!

I was about to whisper back something to him nang bigla na lang akong nahatak ng isang pwersa. Kaagad naman akong binati ng seryosong-seryoso na si Kuya Uno who's eyes were on Four. Mukhang lalong na-bad trip ito, halata naman sa kanyang inasal.

"H-hi?" I greeted him awkwardly as if I was caught cheating. Nilingon naman ako nito, his eyes softened when he met mine. Nginitian ko naman siya nang hilaw, trying na kumawala sa pagkakahawak niya sa braso ko nang hindi niya nahahalata.

"Anong ginagawa mo rito?" he asked as if he's clueless about my agenda here in the cafe today. He brushed off Four just like that and gave me all his attention. 'Di ko naman tuloy alam kung ma-flatter ba ako sa ginawa niya o maiilang.

"We talked about it last night, 'di ba?" I tried to remind him subtly.

Napag-krus ko naman ang mga braso ko, quite amazed on how he forgot na ngayon ang araw na magsisimula ang napag-usapan sa kontrata. Halos mangiti naman ako nang lumibot ang mata niya sa iba't ibang direksyon, thinking kung ano nga ba ang napag-usapan namin kagabi.

"Can't recall?" mapanuya kong tanong, giving him a sarcastic smile. I distanced myself a little from him dahil amoy na amoy ko na naman iyong manly niyang pabango.

Malamang kung hindi ako lalayo ay tuluyan na akong tatangayin sa himpapawid because his scent is really, not to brag, heavenly.

I was about to take a step back nang medyo na-out of balance ako. I was ready to hit the floor when I felt someone was stabilizing me from behind. Kaagad ko namang nilingon kung sino ito and found Four there, struggling a little.

"Would you mind kung aayos ka na ng tayo? You're a lil heavy" he told me. Nanlaki naman ang mata ko at umayos na ng tayo.

"Sorry Four, sorry na" I apologize. Gusto kong pukpokin ang ulo ko because of my clumsiness.

I don't know but hiyang-hiya lang talaga ako sa nangyari but not that embarassed na pulang-pula ang pagmumukha ko.

'Kay Uno ka lang naman kasi ako tinamaan'