April 22, 2017
8:12 pm
Dear Diary,
Lumipas ang mga linggo at tanggap na nila ako sa pamilya. Napalapit na rin ako kay Kuya Lucifer at sa iba ko pang pinsan. Nalaman ko na rin ang mga pangalan nila. Sila Kuya Karl, Isaac, Leandro, Akihito, at Rajien. Mga gwapo at matatalinong nilalang. May trabaho na sila pero si Kuys Leandro, nag-aaral pa ng medicine.
At dahil nabanggit ko na gwapo sila, malamang sikat sila sa mga babae. Ang daming lumalapit sa akin para makisuyong iabot 'yung mga regalo nila sa aking mga kuya at pinsan pero noong inabot ko na sa mga hangal, itapon ko nalang daw o 'di kaya akin nalang. Ang galing, D. Ako pa sinusugod at sinasabihang malandi kesyo dikit daw ako ng dikit sa mga fafa nila. Tangina nila with respect, mga kuya ko 'yon eh.
Sila Celeste at Paige naman, nagbakasyon sa France. Ang kambal na Ferriero, nagbakasyon sa Spain. Si Heather the maarte naman, nagbakasyon sa New York. Huwaw, D, dapat sinama ako eh. Ang sususyal naman ng bakasyon sa pamilya nila, malamang makakapunta rin ako ng ibang bansa. Can't wait, D. Magtatampo talaga ako kapag wala silang pasalubong sa akin. Dapat pasalubong nila Celes at Paigs ay 'yung Eifel tower. Dejok lang. Assuming eh noh, D.
Nagstay si Lunox sa Pilipinas kaya siya ang palagi kong kasama. Sa tuwing katabi ko siya, ang sama-sama ng tingin sa akin ng mga halipaparot na walang alam kundi ang lumandi sa mundong ito. Nasampal nga ako ng isa eh, edi sinampal ko rin siya. Palaban, pero 'di pinaglaban. Nung sinubukan na talaga akong saktan ng todo ng higad, dumating ang aking bodyguards na late na naman ng dating. And boom, iyak si gurl ngayon. Ewan ko ba, D, magbestfriend lang naman kami ni Lunox eh.
Bonding namin ni Izar ngayon ay ang paglalaro at pang-aasar. Siya ang tandem ko sa paggawa ng kalokohan sa bahay. Kapag walang maprank, edi naandoon kami sa harap ng computer, naglalaro ng Minecraft, Terraria, or Watch Dogs 2.
Patuloy parin po akong nilalatigo ni Lolo Maxime dahil bwisit na bwisit ito sa akin. Opo, D, ganoon po ako niyan kamahal. Hehe. Pero seryoso, alam ko namang matanda na siya eh at ganyan ang way ng pagdidisiplina niya. Wala naman akong reklamo at nag-eenjoy pa nga ako kasi parang naglalaro lang ng habulan pero may latigo ang taya.
Doon naman tayo sa mga bago kong magulang na umampon ng isang malaking hinayupak na walang silbe sa mundong ito. Tinuring nila ako na parang tunay nilang anak at ramdam na ramdam ko iyon. Alam mo kung bakit, D? Malamang hindi. Basta ramdam ko. Hindi naman sila tulad ng iba na marahas at mapang-abuso at doon ako swerte sa part na iyon.
Si Lolo Hugo, nasa bakasyon daw. Ireland ata ang pinuntahan. Hindi man lang sinama ang kyut niyang apo. Bihira lang siya bumisita sa mansion pero sulit naman. Bwisit na bwisit din sa akin.
At, D, kung noon ay nasa tabi ko si Ate Laurel habang nagd-diary, ngayon wala siya. Pinauwi ko na agad dahil bukas ay maaga ang alis ko. Ako naman ang magbabakasyon, wuhoo! Sa bakasyon ko, isasama ko na ang mga internet bestfriends ko. Yes, D, makikipagmeet-up na ako kila Murie and Cora since rumami ang laman ng bulsa ko. Saan nga ba kami pupunta? Edi sa Korea!
Awi! Ajajajajajajaja! HAHAHAHAHHAHA. Seryoso, D, sa South Korea kami magbabakasyon. Anong akala nila, sila lang? Ako din, MUAHAHAHAHHAA.
Oh sya, matutulog na ako nang maaga. Ayokong mamiss ang pinakamasayang pangyayari bukas. Sobra na akong excited sa flight papuntang South Korea. Babay!