Chereads / Marcella's Diary / Chapter 15 - Day 234

Chapter 15 - Day 234

October 22, 2017

9:31 pm

Dear Diary,

Ajululu, hakdogen. Sa wakas ay tapos narin ako sa lahat ng school works. My schedule is hectic. Buti nalang at sem break na. Nakakastress sa school but at the same time, nakakaenjoy. I think I found another piece to complete the scattered shits of myself again. Ngumiti na ulit ako at hindi ko na iniiwasang makipagsocialize. 'Yung kalokohan ko, nagspread sa buong mundo dejok.

'Yung sinasabi kong si Seidree sa 'yo noon, D, pwends na kami. Parehong minion at same vibes kami perows medyo may pagkamahinhin siya, ako kase parang naghahamon ng digmaan. She became my closest internet friend. Actually nagmeet-up na kami, sinundo ko sa Cebu. Ang kaso, takot na takot nung nakita ko siya kasi akala niya at ng pamilya niya ay kinidnap. Paano ba naman kase, D, naka-van at naka-black 'yung pinadala kong magsusundo sa gaga. Tinakot ng mga hangal kong alagad.

Shempre, kyut si Ree pero mas kyut ako. Hindi ako papatalo, hakdogen.

So ayun na nga, gala here, gala there. 'Yan ang ginagawa namin ni Ree tuwing may free time. Tinutulungan ko siya sa mga subject niyang pang third year, maliban sa science. Obobs ako doon pero never ginawang mundo ang dapat tao lang. Credits to the owner. Nakita ko lang 'yan sa epbidatcom.

May nagtransfer din pala sa school namin, D. Bestfriend ni Ivona, si Agnes. Classmate namin noong grade 7. Nagtaka kaming dalawa ng pinsan ko kung bakit siya nagtransfer, sabi niya may nag-offer daw. Basta mag-aral lang siya sa EIS at sagot na ni Lolo Kalbo 'yung mga bayarin. Oo, D, si Chairman na naman. Ewan ko ba dun kay lolo, ang hilig magbigay ng scholarship sa mga kampon ng demonyo, hehe, hakdogen.

And… Binigyan ako ng isang aso ng mga hangal kong magulang. Grabe ang pawis ko nang marinig na may dala silang aso habang iniisip kung saan magtatago. 'Yun pala maliit lang. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos makita ang mumunti kong alaga. Hangkyut kaseeee. Sa mukha palang, malalaman mong may lahi. 'Yun pala, may lahi nga at mahal ang ganoong klaseng breed. Nakalimutan ko na kung anong breed, basta aso siya. Yoshiro ang pinangalan ko since lalaki naman siya. Ang hirap itrain grabe.

Naging bestfriend ko naman ang asong ito. When I throw it der, he'll return it to me. Natuto na ring makipagsocialize sa ibang aso at mga tao. Makulit at matakaw. Spoiled na spoiled siya sa akin. Minsan nga habang nilalakad ko siya ay ningungutngot ang tali. Gwavi, ang tigas ng ulo. Minsan ayaw maligo. Nakalutang sa bathtub. Minsan naman kinukuha libro ko pero hindi ningangatngat, binabasa. I told ya, D, susyal siya. Malapit din sila ni Ree. Palagi kasi kaming magkasama despite of being busy ganarn.

Ay oo nga pala, since nasabi ko na sa 'yo, D na palagi kaming magkasama. Ang rami na naming adventures. Tamang bili lang ng Chanel, Louis Viutton, Dior, Gucci and etcetera. Tamang sakay lang sa eroplano habang pinapahabol sa piloto ang kotse na iyon, susyal kami, bat ba? Shoppingt-shopping pag may time at minsan ay nangtitrip ng mga tao sa kung saan basta tamaan kami ng topak, kung ano-anong kalokohan ang nagagawa namin. Natry na rin naming umislide sa hagdanan gamit ang pinagdugtong-dugtong na foam.

Nagkaboyfriend na din ako pero 'di ko gusto. Mukha lang akong jowang-jowa sa socmed pero in personal, lakompake sa ganiyang bagay. Nakakainis kasi si Agnes, dinare akong jowain si Damaris Theo Homer, a fourth-year student, 2 years older than me. Tumanggi ako sa dare at nag-truth nalang. Ayoko sa mga fourth year, mga ghoster 'yun chrt. Basta ayoko sa fourth year. Ang kaso, kalat na kalat na sa buong campus. Tinanggi kong boyfriend ko siya sa mga kaibigan, kila Mama at Papa, sa mga hangal kong pinsan at kapatid, and even at the public! Wala, sarado na ang isip nilang kami na talaga. Well, maliban kay Seidree. Kwinento ko sa kaniya pero sinabi nalang na hayaan at 'wag maging sweet. Baka daw mafall ako, lol.

Noong una, hiniling ko na sana magalit ang elders dahil nagjowa ako sa napakabatang edad at 'yun ang magiging dahilan para mapaghiwalay kami. Then tenenen! What I thought is exactly the opposite of what happened. Wala silang pakialam, di naman daw official. Awts, gege.

Weeks after, I tried to announce that Damaris and I broke up. Iyon lang ang tanging magagawa ko para matigil ang kahibangang nangyayari. Tinanggi naman ni Damaris ang in-announce ko at sinabing nagtatampo lang si me. Aba, aba, aba, chu-ma-chansing, D! Kapal ng mukha. Mayaman nga, gwapo, at higit sa lahat, 'di ko type. Walang naaakit sa buto-butong tao kagaya niya. Mas pinapamukha niya lang sa akin na pandak ako, nyewi. Um-order nga ako ng Gloxi para tumangkad naman kahit papaano. At dahil mabait ako, binigyan ko rin si Ka minion, Ree. Box lang ang binigay ko, alang laman hehe.

Ff, D. Sumali akong Interhigh. Badminton ang larong sinalihan ko. As usual, panalo ang EIS. Ako pa ba, hakdogen. Kaso nga lang, nasobrahan ata ako ng practice, D. Nung last game kasi ay may bigla nalang sumakit ang mga paa ko. Pinilit ko paring maglaro kasi last game na ih, sayang naman kung susuko agad ako. Then ayun, pagkatapos at pagkatapos ng laro, mas sumakit pa ang paa ko hanggang hita. Napahiga ako and tanana! Sinugod ako sa clinic at lutang ang utak ko. Kaunting galaw lang ay sumasakit, parang umaalog. Luckily, Lunox Castor is on my side. Siya lang naman nag-alaga sa akin at binalewala ang basketball game niya.

Hayst, totoo ngang highschool level ang pinakamasaya. Bargadulan doon, bargadulan dito. Quiz doon, quiz dito. Ang solid pa ng section. Bagsak ang isa, bagsak ang lahat. Minsan may paepal dahil sinasabing may assignment sa teacher but in the end, hindi pa namin siya napapatawad dahil iyon lang naman ang dahilan kung bakit kami naguidance lahat.

Skl, D. May mga panahong nasa computer room kaming lahat. Uwian non. Tapos may biglang dumating na teacher at pinaguidance ang section namin. Ako lang mag-isa ang hindi naguidance. I'm bait bata, you know that.

Nagbabasa kasi ng ano mga classmates ko. Even Izar. Si Lunox, absent non kaya safe siya. 'Yung binabasa nila is ano. Is… Yaoi ayun. Kaya ako hindi nasama kasi mabait ako. Hindi ako sa computer nagbabasa, sa libro, hakdogen. Uy jok lang. Harry Potter binabasa ko nun. Hindi ako nagbabasa ng ganoong bagay dahil masyado akong mabait. Ako na humingi ng pasensya sa mga teachers para sa mga apo kong Yaoi is life.

Nagkaroon na rin sa wakas ng make-over ang magara kong kwarto. My bedroom now is much better than my bedroom before. Nagpalagay na rin ako ng alcove bed sa gilid ng bintana at isang walk-in closet. I put some themes and designs to make the room animated. I also added a room for my books. Sa ngayon, hindi na ako kampante na mayroon akong malaking shelf ng libro. Araw-araw or 'di kaya lingo-linggo ay mayroon akong binibiling libro sa book store. Makulit ang kamay ko, D, hehe.

Every weekend ko lang nakakasama 'yung mga pinsan ko. Except from Chaz, Celeste, Paige, and Heather. Sa ibang bansa kasi nag-aaral ang mga batang iyon. Masyadong susyal HAHAHAHA. Every weekend ko ring nakakasama si Lola Madeline. I didn't know na magaling siya mag-guitar. Mas natuto akong maggitara sa kaniya unlike kay Izar dahil nanghahampas iyon ng gitara sa tuwing mali-mali ako.

Actually, marami pa dapat akong ikwento like the birthdays of my siblings, cousins, and the elders kaso basta. Tinatamad ako. Ang huling masasabi ko lang ay pahirap na nang pahirap lessons namin. Sabog na utak ko sa algebra na 'yan.

Nagbabalik,

Marcella