Chereads / Marcella's Diary / Chapter 16 - Day 293

Chapter 16 - Day 293

December 20, 2017

3:23 am

Dear Diary,

It's me again, Marce Espinosa. December na ngayon at break na namin. Hindi kasi ako makatulog kaya nagdiary nalang ako since inaamag na itong notebook na ito. I tried to read some books to fall asleep but I failed, just like my grades, charot.

Ayoko namang magmessenger hindi dahil walang kachat kundi dahil ang sakit sakit sa matang makakita ng mga taong flash. Kakaaccept mo palang ng fr, manliligaw na agad. Anong kala nila sa akin? Easy to get? Ulol. Ang kokorni pa ng banat.

And… About Damaris, I think I like him. Charot. I just have a little infatuation to him because… He's fun to be with? Just that. Wow, englisherist. Kaso, ayoko talaga ng jowa. Hindi ko talaga maintindihan sarili ko eh, gustong may humaharot pero choosy at ayaw jumowa. And . . . May humarot sa akin at sinakyan ko ang trip ng loko and then Damaris saw it tapos ayun, nagtampo. Susuyuin ko ba? Marunong naman ako sumuyo pero hindi ba't nagpapanggap lang kami? I mean, we have no relationship after all. Friend lang ang turing ko sa fourth year na iyon at hindi ako manhid para hindi mapansing may gusto siya sa akin. That's why he's taking advantage of that dare. Sinakyan ko nalang dahil hindi naman totoo. Wala naman talaga akong boyfriend eh.

Yeah, D. I said I like him. Hindi nga lang ganoon katindi. Parang in-a-idolize ko lang because he has the looks, the brain, the good attitude, and talents. Sinong hindi hahanga diyan? Pero hindi naman siya perpekto. I'm not looking for a perfect man, D. I'm just too young and I'm not like Izar and my cousins who are goddamn flirts. Another thing, he doesn't fit my standards. But I hope that I'll find a reason to love him when the time comes. Ayokong manakit dahil nagpapakita ako ng motibo minsan at hindi ko pala siya gusto.

And let me introduce to you AGAIN, D. My dog, Yoshiro. Hangkyut grabe, manang-mana sa may-ari. Wala lang, share ko lang. Mahirap lang kasing itrain ito. Marunong magtrain si Lolo Maxime (ang palaging nanglalatigo sa akin) ng aso kaya bumisita ako sa Manor nila ni Lola. Eye contact talaga ang isa sa mga importanteng bagay pag magtetrain ng aso.

Lolo Maxime and Lola Madeline are the best of the bestest grandparents. Lagi silang naandiyan sa akin tuwing down na down ako. Lola always spoils me with the songs she loves to sing and at the same time, playing guitar. Lolo always latigo me, hehe. Pero kahit ganoon siya, hanga pa rin ako sa kaniya dahil napakaresponsable niya at 'yung words of wisdom, ma-a-amaze ka talaga, D. Lola makes me calm while Lolo protects me. Ampon lang ako pero pinaramdam nila sa aking parte ako ng pamilya nila.

About Mama and Papa naman, they are always busy yet they still find time to be with us. Yeah, minsan nasisigawan nila kami dahil sa stress. Pagod lang sila, alam namin iyang tatlong magkakapatid. They are doing their best to give us a better life, to guide us for the future. They are not that strict 'cuz freedom is precious. May tiwala sila sa amin. We, siblings, know our limitations.

Lolo Bastien. 'Wag na pala iyang isama. Echoserong frog 'yan, charot. He spoils me at everything. If I want a Play Station, then he'll give me that. What I want, I get. Sa angkan ng Hererro-Espinosa, sa akin siya pinakamabait. He even considered me as a gem of the family even I only procrastinate. Same with Lola Mallory. Nakakasabay ko pa nga ang dalawa na uminom ng Cheval Blanc 1971 na kinuha lang namin sa wine cellar ng manor nila. Sila rin ang gumastos sa make-over ng room ko sa mansion nila Mama at Papa. Sa tuwing hinahabol ako ng latigo ni Lolo Maxime, siya ang protector ko. Hehe, I feel honored.

Lolo Daegio, he spoils me with crazy scientific words and medical topics. Basta tungkol sa math at science, gora siya diyan. Nakakausap ko lang siya tuwing may free time siya. He's in medical field 'di ba. He's the Dean of Medicine of Espierro Hospital. Siya ang guro ko sa pagdodoktor kahit si Kuya Leandro ay isang med student. Kuya Andro can teach me naman but he still needs to review the 1,000 slides remaining even he's lethargic.

Lolo Hugo, siya ang pinakatahimik pero pinakasweet. Tinuruan niya akong magpiano tapos 'pag 'di ako nakasunod, ingungudngod niya ang kyut kong pagmumukha sa piano. Sweet 'di ba? Charot lang. He protects me that ano… Punyeta, naubusan na ako ng ingles.

Izar, Kuya Lucifer, my cousins, Agnes, Lunox, and Ree. They are my squad. Sila ang isa ko pang comforter. Away ng isa, away ng lahat. Problema ng isa, problema ng lahat. Like, D, may sumampal lang sa akin, sasampalin din nila. Iba nga lang ang akin. Binugbog ang isa sa kanila, tatawanan ko muna saka ko tatadyakan na parang Kung Fu Panda, hehe. Ang pinagkaiba, payat ako, 'di ako chubby. May pagkakataon nga palang inaway si Arci. Tf, D, si Arci ang anghel ng pamilya, walang pwedeng manakit sa batang iyon! I saw Chaz's reaction sa video call. Atat na atat siyang umuwi ng Pinas para lang maresbakan ang kapatid niya but he needs to stay in Spain for his studies. Ang cute lang tingnan ng magkakapatid na nagpoprotektahan lalo na 'pag mga bata pa.

Sa squad, pantay-pantay ang treatment namin sa isa't isa. Just like Heather, attichoda siya sa akin, attichoda rin siya sa iba. Pwede ring katulad ko. Prankster ako kay Izar, prankster din ako sa iba. Ang solid, grabe. Kahit nasa ibang bansa ang iba, naandoon parin 'yung bonding. Video call, video call lang. Ganorn.

Lastly, Ree. Seidree, my bestfriend. They say that your bestfriend is your guardian angel that God had sent to you. Y naman ganorn. Kampon ng demonyo pinadala sa akin. Iyak. Charot. Ang sarap sa feeling na kyut ka. Okay, okay, D, anong konek? Seryoso na talaga, ang sarap sa feeling na magkaroon ng kaibigan na minamaldita mo na, hindi parin napipikon. Totoong sweet ang mga bisaya. Sweet siya sa akin, at the same time, 'di papatalo lalo na sa kung sino ang mas cute. At ako iyon alangan. Cute siya pero mas cute ako, lol. I'm lucky to have her as my bestfriend.

Laurel, my aide, my guardian, my bodyguard and my partner in crime. Palagi siyang nakabuntot sa akin para masiguro ang kaligtasan ko at para suwayin ako alangan. May mga times na tumatakas ako sa kaniya pero nalalaman pa rin niya kung nasaan ako. Power of the Pilot, tss. Pilot ang tawag sa team na nagbabantay sa aming mga tagapagmana. Huwaw, tagapagmana. Ampon lang ako pero… Ajululu.

I visited my dead family and my best friends' graves pala, D. Ilang buwan akong hindi nakabisita sa kanila sa sementeryo. Busy kasi sa acads at marami pang activities sa school. Pero kahit gaano pa ako kabusy, hinding-hindi ko sila kakalimutan. They became my lesson and motivation. I promise that I'll be the one who will achieve their dreams. I'll thank them for coming in my life in that way. I'm now immune to the pain their deaths dealt to me. Now, I'm happy. Mahirap makamove-on sa pagkamatay ng malapit sa 'yo dahil ang lahat ng mga panahong magkakasama kayo ay nagiging ala-ala nalang at bigla-bigla mo silang namimiss kaya nararamdaman mong nauulila ka sa kanila. Atleast, naging parte sila ng buhay ko. I guess, the came to my life just to guide and teach me. Because of them, I learned how to accept the truth. Kahit pa nakasakit iyan sa iyo ng sobra. Wala naman kasing mangyayari kung hindi natin tatanggapin ang katotohanan 'di ba, D? We'll just become blind and look stupid and desperate.

Kuntento na ako sa anong meron ako ngayon. Hindi dahil sikat ako, mayaman ako, mataas ang grades ko, o maraming kaibigan kundi dahil masaya ako. Ang saya na naranasan ko kapalit sa masakit na pinagdaanan ko. 2017 is about to end. Finding myself again after being broken in pieces is what I consider as a treasure. A wonderful treasure.

Contented,

Marcella Astrid G. Espinosa