Chereads / Marcella's Diary / Chapter 13 - Day 101

Chapter 13 - Day 101

June 18, 2017

9:03 pm

Dear Diary,

This first week of school is crazy. Imagine, you are assigned to do multiple tasks and projects then the due date is the same?! Sa sobrang dami ay kani-kanina lang ako natapos. Group task naman 'yung iba pero may mga members talaga na pabuhat. Ang ginawa lang ay magpasa ng gawain. Ang galling, ang laki ng naitulong. Sobra.

Pero naeenjoy ko naman. At first, I thought that my classmates are academically obsessed since they are one of the top students. Mahilig din pala sila sa kalokohan at maiingay. First week na first week ay nakuha namin ang title ng "pinakamaingay na section" galing sa teachers at sa administrators. Pati na rink ay Kuya Lucifer which happens to be our Math Professor. We are so magaling.

Most of my classmates were weebs, kdrama fans, wattpaders, and kpop lovers. They are always with the trend. May nauso ngang bagong laro. I don't know if laro ba talaga but more on fun siya. Jinks! You'll say that word whenever you and your friend simultaneously said the same word or phrase. Kung sino ang mahuling magsabi ng jinks, siya ang pipingutin sa tenga. Minsan nakakainis dahil bigla-bigla nalang akong pipingutin.

Ate Laurel is still on my side. Kasa-kasama ko siya palagi kahit nasa school, pero nasa loob lang siya ng van na nakapark sa parking ng school. Noong una, iniiwasan kong sumama sa mga classmate ko na maggala after class. I need to focus on my studies especially in science. Magdodoktor pa naman ako. But then, this last Friday, I sama-sama to my classmates to gala. They pilit me eh. Pashnea, ang conyo ko. Basta pinilit nila ako kaya wala na akong nagawa at sumama nalang. Pagkatapos maggala, gusto ko na ulit gumala. Malapit lang kasi ang malls, shops, resto, and etc sa school.

Tuloy parin ang panlalait sa akin ng mga higad. Halata nang kapatid ko si Izar kaya malapit ako sa dalawang magbestfriend na munggo tapos sinasabihan parin nila ako ng malandi. Halatang mga tanga, D. Stay blind daw sabi nila.

Isa pang chika, mars. 'Yung baklang teacher na espren ng tunay kong magaling na ina ay adviser ni Ivona sa section nila. Hindi ko alam na sa EIS pala siya nagtuturo kaya natawag ko tuloy na Batsie sa harap ng maraming estudyante at teachers. Batsie kasi ang tawag sa kanya ng buong brgy namin. Muntikan na tuloy akong bumagsak. Walang araw na hindi ko siya tinawag na Batsie kahit nasa EIS pa kami. Just teasing that bestfriend of my ded mom, hehe.

Some of our teachers are young, like kuya. Kaya nakakausap namin ang mga iyon in a millennial way. 'Yung isa, hugot nang hugot, kesyo 'di daw makamove on eh hindi naman naging sila. Choss. 'Yung iba naman ay may katandaan na. Halos lahat sila ay babae at medyo malaman. Sweet naman kahit papaano at palaging may surprise. To be honest, hindi lahat ng surprise nila ay nakakatuwa. Viola! Surprise quiz! Surprise recitation!

Hmm, maliban kay Izar at Lunox, si Ivona ang isa pang palagi kong kasama. She's maarte like Heather but Heather is more annoying. Si Heather kasi ay 'yung tipong nasanggi mo lang, magshoshower na agad 'yan, mahawakan mo lang ang kamay, magaalcohol na 'yan. Ivona is not like that, ok lang sa kaniya ang madumihan basta ba galing sa laro or something important pero kapag binato mo ng putik nang walang dahilan, her glares will kill you, D.

Hayst, nagpapasalamat nalang talaga ako at tapos na ang mga projects ko. Sinong hindi mas-stress kung tambak-tambak ang pinapagawa sa 'yo? D, sino? Wala divuh?

Goodnight for myself, sweetdreams for myself, I love myself.

Stressed,

Marcella