July 13, 2017
7:24 pm
Dear Diary,
First day of school, I met some strangers but they became my friends. Ibang-iba ang school na iyon kaysa sa school ko noong g7. Hindi ko alam na lolo ko din sa bago kong family ang dean at owner ng Espierro International School, ang bago kong paaralan. Gaano ba kalaki ang pamilya nila? Parang hindi ko kayang imemorize ang family tree ng mga 'to.
And another thing, 'yung biological cousin ko ay nag-aaral din dito, siya 'yung pinsan kong sinasabi ko last night after the recognition. Ivona Alfardo is her name. Nagulat nga ako eh. Pero mas kagulat-gulat nung nalaman kong binigyan siya ng scholarship. Ate Laurel explained it to me. Binigyan ni Lolo Kalbo ng scholarship itong pinsan ko kasi nga pinsan ko siya. Gusto niya kaming magsama, D. Pero iba naman ang section namin. Pilot Section ako kaya iba ang uniform namin sa ibang estudyante. On the other hand, Ivona, she is in Section 4.
Oh, I almost forgot. Izar is my classmate. He is also in the top section. Maraming nag-s-slut shame sa akin kesyo dikit daw ako nang dikit sa kapatid kong babaero na mukha namang munggo. Siya nga itong lapit nang lapit sa akin, D. Alangan namang maglagay ako ng distancing limit? Sesanghe, kafirst day-first day ng school. Sila naman itong malalandi na pumapatol sa gago. Ang sarap sapakin sa totoo lang.
Lunox is in first section too. Silang dalawa ang halos kasama ko sa room. Magkakatabi pa kami.
Meanwhile, my other cousins, are in abroad. Maliban kay Arci, nasa Antipolo siya nag-aaral, D. I don't know kung bakit hindi siya sa EIS. Her twin, Chaz, is studying in Spain. Siguro tuwing walang pasok lang iyon bumabalik sa Pilipinas.
Maraming bashers sa unang araw ng school. Pero hindi ko sinabing kapatid niya ako. Hindi ko sinabing isa ako sa mga apo ni Lolo Kalbo.
And, oo nga pala. Ang lakas ng loob nilang mag-french sa harap ko at nagmamayabang pa talaga sila without knowing na tinuruan ako ni Laurel ng iba't ibang lengwahe. Guess what, D? Napahiya tuloy sila.
Swerte na nga lang at walang naligaw na hipokrito, hipokrita sa section namin. Lahat ng classmates ko ay kampi sa side ko. 'Yan ang tunay na matalino. Naligaw lang talaga ako ng section.
'Yung mga bashers pala, magaganda pero nung binisita ko lungga nila, kita kong hindi man lang sila makasagot sa recitation. Putak nang putak, wala naman palang utak. Ang dali-dali lang ng question pero walang maisagot. Tss, mga hipokrita.
Intelligent people, ignore. Hindi naman ako matalino kaya papatulan ko na, just kidding. Wala lang namang mangyayari kung papatulan ko diba? Sa guidance lang ang endgame ko kung inuna ko init ng ulo ko.
Unluckily, Math teacher namin si Kuya Lucifer. Siguro wala akong ibang gagawin sa math kundi ang badtripin siya. Sayang lang at hindi ko magagawa ang pinagbabawal na teknik tuwing may quiz dahil he knows me well. Pwede ring sa assignment.
And, tss. First day na first day, pinagawa kami ng essay sa ESP about friendship. It is fucking 100 words. Walang tawad. Tamad pa naman akong magsulat ng essay. Lahat ng sinabi ko sa essay ay hindi totoo. Pagdating sa ESP, nagiging plastic ako. For example, 'yung question, Nakita mong umiiyak ang iyong kaibigang si Johanna, ano ang iyong gagawin?
Sasagutin ko 'yan malamang. PaPaTaHaNiN kU sHa. Pero ang totoo, wala akong paki kay Johanna. Tatawanan ko pa nga eh.
Goodnight. Maaga akong matutulong dahil napakaaga ng pasok namin. 6:00 am. Kaya nga kaninang pagkagising ko ay nasira ang alarm clock ko. Sweetdreams, for me.
Irritated,
Marcella