March 25, 2017
9:34 pm
Dear Diary,
Hindi ako nakapagdiary kagabi dahil nakalimutan ko. Mas nakafocus ako sa sakit ng tattoo na nilagay nila sa akin. Oo, D, pinatattoo nila ako pero maliit lang. Malapit sa ankle ko ang tattoo. Sabi nila, family tradition lang daw. Feeling ko katapusan ko na kahit paa lang 'yung masakit. Hindi ako makalakad ng maayos. Ewan ko ba kung anong dahilan kung bakit nila ako pinatatattoo. Anong kala nila, 'di masakit?
Inienglish nila ako palagi, D. Tamang tango lang at nagsasagot ng "yes" kahit minsan, 'di ko na sila maintindihan. Ang lawak ng vocabs nila, grabe. Ako lang ata bobo sa pamilya. Kahakdogan nga naman.
And, D. Tuloy padin ang pang-aasar HAHAHAHAHAHA. Inis na inis po sila, ganoon po ako kabait, D.
And wala namang masyadong nangyari. Unti-unti ko nang natatanggap ang pagkamatay nila. Naghahanap ako ng diversion at iyon ay ang pang-aasar sa miyembro ng bago kong pamilya. Kinuwento ko rin ang mga nangyari sa mga internet bestfriends ko at shocks sila sa mga event. Hindi ko naman mareach out si Sage kasi hindi naman iyon active sa socmed.
Kahit nagmumukha akong ewan, tumitingin ako sa langit saka magsasalita mag-isa. Iniimagine na naandiyan ang magaling kong pamilya.
At dahil nga nabanggit ko noon na palagi kong kasama si Ate Laurel, naandito siya sa tabi ko. Ang galing niya sa physical fights habang ako, tamang trashtalk lang. Hehe.
Siyempre nakagawa ako ng kalokohan kaya mas lalong sumakit ang katawan ko. Nilatigo lang naman ako ni Lolo Maxime, feeling close dzuh. Charot lang, baka makita niya 'to, D. Malalatigo na naman ako. HAHAHAHA.
Tamang bonding lang sa mga bago kong pinsan. Hanep kami magbonding eh, bargadulan.
Namemention ko 'yung mga internet bestfriends ko sa 'yo, D, pero hindi ko pa nailalapag ang descriptions nila.Once upon a time, HAHAHA. Once upon a time, there were girls named Murie and Cora. Si Murie ang pinakabata, 11 years old ganon. Tapos si Ate Cora, siya 'yung pinakamatanda, 19 years old. Ako naman ang nasa gitna nila pero ang pinakacute sa amin. Ilang months na kami magkakaibigan, nagkakilala ata kami nung August or July 2016. Nagkakilala kami noong sumali ako sa isang group dahil may contest ata doon. Tapos sila ang naging kagrupo ko. Doon na nagsimula ang aming Fairy Tale.
Night night, D! Magkukuwento ako sa susunod!