Chereads / Marcella's Diary / Chapter 4 - Day 3

Chapter 4 - Day 3

March 12, 2017

9:03 pm

Dear Diary,

Wala pading pinagbago simula noong gumising ako kaninang umaga. Hindi na sila umuwi. Iniwan na nila ako. Is it the time to be independent? Is it the time to face my fears? Dati kasi, D… Takot akong maiwan lalong lalo na ng pamilya ko. Ngayon, nangyari na kinatatakutan ko. Iniwan nila ako at ang mas masaklap, hindi ko alam yung dahilan kung bakit at hindi sila nagpaalam. I tried to contact them but no one's answering. Pinasintabi ko muna yung kahihiyan ko sa mga relatives namin para lang malaman kung nasaan sila pero ni isa ay walang sumagot.

Naalala ko tinuro sa amin sa ESP noong elem. Kapag nawawala ka, ireport sa pulis. This time, sila ang nawawala. I guess the police or barangay officials would help me 'cause it's more than 24 hours since they left me. Kaya ayon, lumabas ako at pumunta sa bahay ni Sage para tanungin kung nasaan ang bahay ni kap. Tinanong niya kung bakit ko tinanong pero 'wala lang' ang sinagot ko.

Habang nasa paglalakbay patungong Encantadia jk HAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHAHAHA. Okay, D, korni. Habang naglalakad ako, ay jusko may kamalasan! Nakabangga ko na naman yung lalaki kagabi sa labas ng gate. Ang totoo, D, tuwing nagkikita ba kami nito ay nagkakabunggo kame?

Ang cold ng aura niya. Kaunti nalang talaga at mapapagkamalan mong bangkay siya na naglalakad. Maputi din kasi. Sa sobrang puti, mukhang kulang na siya ng dugo. Sana okay lang siya ano? Kawawa naman kasi itong gurang na ito.

Bagay nga sa kaniya tawaging gurang, D. HAHAHAHAHAHA. Bata pa man, mukhang matanda base sa inaakto. Masyadong masungit. Ehem, not generalizing, D, ha? Ingat-ingat na tayo baka mabasa ng matanda.

Saka na ang pagpupuri sa kaniya. So ayun na nga, D. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta. Pakielamero din eh no? Siyempre sinabi ko, "diyan lang, bakit ba?"

At huwaw, sobrang pakielamero niya eh. Pinabalik ba naman ako sa bahay. Sino ba siya sa inaakala niya diba?

Ibahin mo ako, D, kahit gwapo siya, pa hard to get tayo. Dalagang pilipina dapat.

Aalis na sana ako non kaso hinawakan niya ako sa braso at ang sakit nun, D, ah. Lakas ng force. Kaya wala nalang akong magawa kundi ituro ang bahay ko. Sakit talaga, D.

Ff tayo, simula nung pinapasok ko siya sa bahay kahit hindi siya welcome, tanong na siya ng tanong tungkol sa buhay ko. Nabagok ba siya? Pakielamero talaga.

Pero natigilan ako nung nagtanong siya kung nasaan pamilya ko. Siyempre sinabi ko umalis lang. Pinaalis ko na rin agad at dinahilan na lagot ako kay mama dahil may ibang nakapasok dito at mas masaklap, lalaki pa. Tapos, D, sinabi niyang 'liar' kuno ako. Nagtanong tapos nung sinagot sasabihing liar?

Sinabi niya ring alam niyang nag-iisa nalang ako at walang pamilya. Sinabi niyang ulila na daw ako. Dahil don ay nag-init ang ulo ko. Ayaw kong masabihan ng ulila dahil alam kong babalik sila at magkakasama uli kami. Dalawang araw lang naman silang nawala kaya may pag-asa pa.

Natigilan akong uli nung sinabi niya na paano kung hindi na sila bumalik? Paano kung iniwan na talaga nila ako? Kaya, D, kinuwestyon ko na rin tiwala ko. Paano nga?

"If they don't come back, contact me. I'll give you a new family. In short, be my sister. Someone don't want to let you to be alone. Someone wants you to have a family who can feed you." 'Yan ang naalala kong sinabi niya, the rest, limot ko na.

Sinabi kong pag-iisipan ko. D, hindi pa naman kase sure na iniwan na talaga nila ako. May chance pa kasing bumalik sila. Wala pang balita. It means, 50 percent sure and 50 percent unsure.

Kusa siyang umalis at iniwan ang cellphone number niya sa akin.

Iyan lang yung nangyaring kakaiba ngayon maliban sa wala akong balita sa kanila. Patuloy kong kinokontak lahat ng mga kamag-anak namin para malaman kung nasaan sila.

Magkukuwento uli ako bukas! Goodnight, D!