March 13, 2017
10:42 pm
Dear Diary,
Kinausap ko ang mga internet bestfriends ko at kinuwento ang nangyari. Sinabi nilang much better if ipapaalam ko sa relatives ko ang nangyari o di kaya sa officials para mabilis silang mahanap. 'Yun na sana ang gagawin ko pero biglang dumating si Sage sa bahay.
Nagulat siya nang makita ako at siyempre dahil takas mental si me, nagkunwari din akong nagulat kaya ayun, binatukan ako. Sinabi niyang may sasabihin siya sa akin eh inaasar ako, kaya inasar ko rin hanggang sa nakalimutan na niya sasabihin niya. HAHAHAHA, nakakatuwa. Palakpakan, inasar pa ako eh. Nakalimutan tuloy niya ang sasabihin niya. Galing, D, 'di ba? Kaya ayun, pinalayas ko nga.
Bigla niyang naalala ang sasabihin niya. Buti naman, kasi ayokong magsayang ng oras. Hahanapin ko pa ang magaling kong pamilya.
Sinabi niyang umalis daw ang magaling kong pamilya, dala-dala ang mga bag na punong-puno. Akala niya kasama ako kasi andami daw nilang dala, D. 'Yun daw sabi ng nanay niyang chismosa, hehe. Nagbakasyon ba sila ng sobrang aga at nakalimutan akong isama? Ano 'to? Home Alone 4 real life version?
'Yun lang naman iniulat ni Tinyente Sage sa akin, kulang nalang ang telgrama. Kulang siya sa kagamitan kaya irereklamo ko siya sa opisina ni Heneral Reagan. HAHAHAHAHAHAHAHAHAH.
Aalis na sana ako para makipagteam up sa Vindeta ng barangay kaso may mga pabibong mga lalaki na naman ang humarang. Nakita ko na naman si gurang. Ba't ba sa aalis ako, haharang-harang 'to? Nagdala pa talaga ng back-up.
Nakahilera ang mga matatangkad na lalaki tapos naka sunglasses pa, D. Basta, tinatamad akong idescribe. Parang body guard lang ng mga mayayaman, ganorn. Ang dami nila grabe, ang sikip na nga sa bakod namin tapos hihilera pa ang mga ito? D, 'di naman ata pwede iyorn 'di ba?
So ayun, pinilit ako ni gurang na sumama sa kaniya. Siyempre, hindi ako pumayag. Baka pagbalik ng magaling kong pamilya dito, mapapalayas agad ako sa mumunting bahay namin. Marami pa akong pangarap sa buhay. Pero may alas sila laban sa akin. Nilabas lang naman nila ang mga mababait na aso na nagbabalak akong kagatin. Napakaswerte ko talaga. Mukhang imported ang mga aso. Tatawagin ko nalang itong 'Wild Couar' tas kasama niya ay 'Friends'. 'Pag pinagsama, 'Wild Cougar and friends'. Panibago na namang kaaway na hahadlang sa daan kapag bibili ako.
At dahil ayokong malapa ng aso, sumunod nalang ako. Pero! Pero nagpabuhat ako sa isa sa mga body guards dahil hindi nila inilalayo ang wild cougar and friends. Hanggang sa pinasakay ako ng van na mukhang mamahalin. Mas okay sana kung limousine. Choosy ako, D, eh.
Hindi ako sanay na sumakay ng mga ganoong kotse. Hindi kinakaya ng sikmura ko. Wala pang kendi. Feeling ko, end of the world na 'non, D!
Ff, D. Binaba nila ako sa isang malaking mansion. Para lang akong nananaginip nun, grabe. Para akong nasa libro. Baka ampon lang ako, D? Baka naandito 'yung tunay kong magulang tas ipinagkasundo ako dito sa gurang na 'to tas patanda nang patanda mapopol kame sa isa't isa tapos nakita ko na naman yung umampon sa akin tapos mag-aagawan 'yung real parents at foster parents ko. Nilamon na ako ng sistema ng libro. Dapat na akong patumbahin HAHAHAHAHAHAH.
Pero, D, hindi talaga ako makapaniwala. Kase, alam mo 'yon? Parang, fictional lang eh. Parang exaggerated ang nangyari. Iniwan lang ako ng pamilya ko tas may nangidnap na sa akin? Impossible.
Dahil nga hindi ako sanay sa loob ng kotse nang walang kinakain na kendi, hilong-hilo ako at ang hina ng sikmura ko. Buti hindi ako nasuka nung time na 'yun. Tapos, D, ipinasok na nila ako sa kumikinang na mansion at nakakita ng dalawang couple na matatanda. Englishera at englishero naman ang mga ito.
Kinausap ako nung couple at sinabing aampunin daw nila ako. Siyempre 'di ako pumayag kasi babalik pa ang magaling kong pamilya. Sinabi nilang wala na daw sila. Iniwan na daw ako ng tuluyan. Hindi ako naniwala at patuloy na tumatanggi. Hanggang sa sinabing naaksidente daw sila habang pauwi na sa amin. May ipinakita pang pictures. 'Dun na ako nadurog. Kasi silang-sila ang nasa pictures na iyon. Sinabing malapit lang daw sila noong nangyari ang insidente kaya lumapit sila para tumulong. Hanggang sa dumating na daw ang oras na tutuluyan na talaga sila, ipinagkatiwala ako ng magaling kong pamilya sa couple na 'to. Ang mga magulang ko ay kaibigan daw nila. Old friends kako, magkaibigan noong high school.
Sumakit yung lalamunan ko at ayokong magsalita kasi kapag nagsalita ako, sure akong tutulo na ang mga luha ko.
Sinabi ng dalawa na sila na daw ang bahala sa akin. Papalitan din daw ang middle initial at apiledo ko. Magiging Marcella Astrid Guerrero Espinosa.
Magandang pakinggan. Para lang akong nasa panahon ng kastila at ako yung senorita or di kaya nasa Espanya lang ako.
Pero talaga bang patay na sila? 'Di kasi ako masyadong naapektuhan. Pakiramdam ko buhay pa sila. Hindi enough ang pictures para maniwala ako. Kailangan ko ng katawan.
Back to the topic, D. Isa-isa nilang pinakilala ang pamilya nila. May dalawa silang anak. Isang mga nasa 22 ang edad na ang pangalan ay Atlas Lucifer at si gurang, kasing-edad ko lang, pangalan, Izar Adonis. Actually, D, parehas silang masungit. Magkapatid nga.
Nagpakilala naman ang couple, ang pangalan ng babae ay Svetlava Regina at nung asawa niya ay Fabio Vasilio. Pang Spain talaga. Pero ang problema, masusungit.
Tinanong ko kung anong opinion ko tungkol sa kanila, D. Inuna ko si Izar the gurang, siyempre. "Etong anak niyong si Izar, ang bata pa at ang gwapo kaso… Ansungit! It makes him look like a gurang. Para siyang matandang snobber katulad nung kapitbahay ng pinsan ko." Siyempre gulat sila, lalo na si Izar da gurang.
Sinunod ko naman yung kuya niya. "Etong panganay niyo, tita, may lahi, may looks, mukhang matalino, at mukha ring demonyo. Halata na, sa pangalan palang. Lu-ci-fer." Tapos, D, ansama ng tingin sa akin ni Lusiper. Nagsasabi lang naman ako ng opinion ko ah?
Tapos yung tatay naman. "Eto namang asawa niyo, ideal father siya para sa akin. Medyo mataba-taba at medyo kulubot din ang balat. Perpektong-perpekto para gawing comforter. Mukhang strikto din. 'Di nga lang bagay sa kaniya yung buhok niyang medyo mahaba. Pagupitan niyo na 'yan sana." Natawa naman yung babaeng magma HAHAHAHA jk, Svetlava ang ibig kong sabihin.
Sinunod ko si magma the host. HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH. "Kayo naman… Attitude niyo parang si Pirena sa Encantadia tapos yung mukha niyo, parang si Donya Matilda. Kung ipagsasama, Pirena Matilda!" At hindi sila makapaniwala.
Siyempre after ng getting to know ganon. Nagsarili na kami ng mundo. Gusto ko pa man silang kausapin eh ang susungit eh. Ang susungit. Ang laki ng mansion pero walang buhay. Hayst.
Siyempre yung maids na kumausap sakin, tinour ako sa boung mansion. Mas malaki pa ata yung mansion kaysa sa Malacanang eh. Ang laki at ang ganda sobra. Sabi ko nga, D, nananaginip lang ako. Napakaimposible kasing mangyari ito. Mga 0.000000000001%
May kwarto na daw ako. Pagpasok ko, kwarto pa ba 'to? 'Yun nasabi ko sa isipan ko, D, nung nakapasok ako. Parang kasing laki na ng room sa isang mamahaling hotel eh. Pagpasok ko 'din, D, parang sala lang siya tapos may pa pinto-pinto pa. Anlaki ng kwarto ko huwaw. Pero walang laman, sad. Ang meron lang, cabinet, cr, kama na puti, at terrace. Kulang sa design yung apartment na 'kwarto' para sa kanila.
Anlambot ng kama wuhoo! Ansarap matulog dito, D. Magpapalit na rin ako ng diary. Tapon na kita. Jk HAHAHAHAHAHHA