March 10, 2017
11:24 pm
Dear diary,
Biyernes ng gabi, wala nang pasok at recognition na namin bukas. Ibig sabihin, graduate na ako ng grade 7. Maraming nangyari ngayong araw. Wala namang ibang nangyari katulad ng nakasanayan. Umalis ako kaninang tanghali kasama ng kaibigan kong si Sage at Reagan para umattend ng practice ng kalokohan HAHAHAHA. Para umattend ng practice sa badminton ang ibig kong sabihin, D. Malamang pagod kami pagkatapos pero hindi ang mga cells for unbelievable takas mental pinagbabawal na teknik. Yung daan kase patungo sa court ay may subdivision. Kaya pag-uwi, D, nadaanan namin yung white house na may black panther. Aso yung tinatawag kong black panther pero ganon lang pinangalan namin doon kase palage kaming hinahabol at ang bangis. So ayun na nga, D, nadaanan namin yung white house pero di inaasahang ang naandoon ay black panther and friends. Shempre kahit tatlo kami at mas malaki, takot kame. Hindi kami yung tulad nung iba doon na nagtatapang-tapangan pero mangiyak-ngiyak na sa huli. Kaya, D, ganito ginawa namin. Naglinya-linya kame. Tulakan kung sino sa harapan at suwerte yung nasa likuran. Kaso, D, hmpk, ako nasa harapan. Si Sage, nasa likod, tas si Rea, sa gitna. Angal ako malamang, takot akong malapa ng aso eh. Kaso, D, final desisyon na. Wala na tayong magagawa. Malapa na kung malapa basta tatakbo ako.
Tentenenen! Para kaming robot kung maglakad, nanginginig na ewan din. Noong naandon na kami sa tulay,may tulay kase pagdaan sa white house eh, tapos yun nga, warf warf! Nagwarf warf mga aso tas si Sage, takbo pabalik sa puno ng santol habang kami ni Rea, naiwang nakasandal sa tulay. Minamalas nga naman kase ako nasa unahan.
Oh tapos, warf warf pa mga aso. Parang competition ng palakasang tumahol. 'Di ko magawang tumakbo, pati narin si Rea. Edi ako na nag-adjust nung time na 'yon. "Atrash, atrash, Rea, atrarsh." Grabe, D, 'di ko talaga magawang ibuka ng bibig ko nang maayos kaya ganyan. Buti nalang at naintindihan ni Rea kaya umaatras siya ng dahan dahan habang tuloy paden sa pagwarf warf ang black panther and friends. At nung medyo makalayo kami nang onti, takbo pabalik sa puno ng santol sabay batok kay Sage dahil iniwan kami sa tulay.
Sinisi namin si Sage kaya nangyari yon kasi tumakbo siya pabalik. Umupo muna kami ng saglit at kahit gusto na naming umuwi, hindi namin magawa dahil may harang na mga pabidang black panther and friends. Sobra akong nanginig sa nangyari kaya ayon, inasar ako ng dalawa kong magaling na kaibigan.
Wala na kaming balak na dumaan pero hindi naman kami makakauwi nito, 'yun lang yung daan pauwi eh. Then the miracle appeared! May dumaang tricycle at sakay nito ang isa naming practice mate. Dahil mabait sila, 'di gaya nung squad ng mga aso, pinasakay kami nito. Kami namang tatlong takas mental, paunahan makaupo sa likod. Eh 'di ba nga, D, nanginginig ako, kaya doon nalang ako sa loob. Baka yung tricycle naman yung habulin.
Malayo yung bahay ng kapractice mate namin sa amin kaya binaba kami nito sa isang bahay. Iba yung daan ng mga bahay namin eh, kaya BDO nalang kami. Find your way. Tama ba? Basta yun na yun.
Hindi parin kami makamove on sa ambush na nagyari sa white house kaya pinag-usapan namin ito. Masyado kaming mababait na bata kaya hindi kami naglakad pauwi. Tumambay nalang muna kami sa gilid. Nakaisip ako ng katarantaduhan kaya inaya ko mga ito. Alam mo kung ano 'yon, D? Siyempre hindi.
One, two, three *dingdong* sabay takbo. Huli na nang malaman namin na may aso doon kaya hinabol kami ng asong payat. Mga mukhang gangster naman ang mga asong 'to. Kaya, run. Binilisan ko na ang pagtakbo kahit 'di ko na kaya kaya boom! Minamalas ka nga naman, nasira tsinelas ko kaya dali-dali ko 'yong kinuha at tumakbo na parang ewan. Mas malas pa kasi mainit yung kalsada. Ang suwerte ko 'di ba?
Fast forward tayo, D, naghiwa-hiwalay na kaming mga magkakaibigan. Pero magkasama parin kami ni Sage. Tuwing hapon kasi ng linggo ay nagcocomputer shop kami o di kaya naglalaro ng minecraft habang kumakain ng cracklings.
Umuwi muna kami sa sarili naming mga bahay para magbihis. Hingal na hingal akong umuwi pero nagawa ko paring sumigaw ng "mama, ano ulammm!" Ganoon ako, D, kapag umuuwi. Sisigaw ng mama. Walang nagrespond, nilibot ko yung maliit naming bahay at boom, wala sila, D. Namalengke siguro. Mag-aabang nalang ako ng chuckie or yakult. Kung wala, edi kahit isda nalang sana na hinati. Kung wala paden, edi sinigang.
Nagbihis ako ng pambahay at kumain ng tanghalian. Saka ako pumunta kay Sage dala-dala ang wallet ko na may design na logo ng chanel pero hindi naman talaga iyon chanel HAHAHAHA. Hindi ako pumasok sa bahay ni Sage dahil merong napakabait na aso doon na nananahol. Itago na natin sa pangalang Reagan jk HAHAHAHA. Rufus pangalan ng aso nila, D, matakaw at ang taray. Dinaig pa ang chismosang kapitbahay sa sobrang lakas tumahol. Warf warf! D, sabayan mo akong tumahol. Warf warf! HAHAHAHA.
Nag-antay ako sa labas ng bahay nila at nang makababa si Sage, paunahan kaming tumakbo papunta sa com shop na nasa kabilang universe pa HAHAHAHA. 60 pesos ang binayad namin para sa dalawang computer na 2 hours gagamiten. Naglaro lang kami ng Kogama doon. Hindi kami makalaro ng roblox dahil itong si Sage ay nakalimutan ang password niya.
Natapos ang 2 hours na paglalaro sa com shop kaya umuwi na kami. Kinuha ang mga selpon namin at ang cracklings na miryenda namin. Kinonek ko phone niya sac p kong basag para makapagmultiplayer sa minecraft world naming wala paring inupgrade. Siya tagasibak ng kahoy, ako naman ang tagamina. Paulit-ulit lang hanggang sa pinapalaki namin ang bahay. Tamang asar lang din sa mga zombie sa labas ng bahay HAHAHAHA.
So ayun na nga, D, natapos na lang kami at hindi parin umuuwi ang magaling kong pamilya. Naglayas na siguro, nagsawa na sa bahay. HAHAHAHA. Gaya ng mga ginagawa ko habang wala sila, wattpad there, wattped here. Eat there, eat here. Bubuksan ang tv tapos magseselpon lang, tamang sayaw lang sa kwarto, at patuloy na nagpapakabaliw.
Fast forward uli, D, umabot na ng 9 pm pero wala padin sila mama. Nagsimula na akong mag-alala. Nagsimula narin akong mag-overthink. OA pakinggan kase normal lang naman sa iba, D, na gabihin ang pag-uwi ng pamilya pero dapat kanina pang five or six sila nakauwi kung namalengke lang. Baka naman pumuntang taytay tapos 'di ako sinama? Hindi ba?
Pero iba na ngayon, D. Time check tayo, 11:56 na at wala parin sila kaya sobra na akong nag-alala. Hindi ako makatulog kaya sa sobrang boredom ay nagdiary nalang ako. Wala narin akong mapanood sa tv. Siguro itulog ko nalang ito. Malamang bukas ay naandito na sila dahil hindi naman puwede na hindi sila uuwi dahil kung hindi, saan sila pupunta? 'Di ba? At isa pa, recognition namin bukas at kailangang naandon sila para sabitan ako ng medal. Oh, tama na. Goodnight nalang, D. Antok na ako. Bukas uli.