Chereads / Wild Wild Love (Complete) / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

Millary POV

Dahil hindi pa ito umalis pagtapos niya ako kantahan, kaya agad ko ito tinanong tungkol kay sir jann michael kung bakit ito ganoon ito kasungit at anong meron dito , nagbiro pa ako ng parang nag memenopause ang kanyang kuya , ndi ko itong nakitang tumawa kaya agad ko itong pinagmasdan sa aking nagtatanong na mukha at gusto ko malaman anong nangyari dito para maging ganoon kasungit at ganoon nalang ang pakakabigla ko ng ikwento nito ang nangyari kay sir jann michaelat kay marjorie sinimulan nito ang pagkwento kung paano nagkakilala ang dalawa hanggang sa naganap na kinamatay ni marjorie , umiiyak ito habang nagkwekwento ito at naiyak din ako ng ikwento nito ang masakit na pangyayari sa buhay ni sir jann michael, habang patuloy ito sa kinukuwento nito ni sir jeronn ay umiiyak ito kasi bumalik dito ang sakit na pinagdaanan ng kanyang kapatid at kung gaano kahirap dito ang pinagdaanan at gaano kasakit ang maiwanan ng asawa at anak nito at kung paano sisihin ni sir jann michael ang sarili at kung paano nito gustong sundan ang kanyang asawa at anak sa kabilang buhay upang makasama nito ang dalawa at ng natapos ito magkwento pumasok na ito sa loob para payapahin ang kanyang sarili at ako ay naiwan sa hardin at sampung minuto ang makalipas ng umalis si sir jeronn ay

nabigla ako ng may biglang masalita sa aking gilid kaht hindi ko ito tignan alam ko kanino boses ito.

"Anong ginagawa mo dito gabi na pasok ka na sa loob" sabi niya sa akin, hindi niya nakikita ang aking mukha dahil nakasubsob ito sa aking palad dahil sa aking pag-iyak at alam kong namamaga ang aking mga mata dahil sa tindi ng emosyon na aking nalabas kanina ng mapakingan ko ang kanyang kwentong pag-ibig , ngayon ay mas lubos na kitang naiintindihan sir jann michael bulong ko s aking sarili at ng aking inangat ang aking mukha ay baagya itong nabigla sa nakita niya sa aking mukha na puno ng luha at sa mata kong namamaga dahil sa pag-iyak at parang naaninag ko ang kanyang pag-aalala dahil sa nakitang niyang itchura ko nagyon pero agad din itong nawala , parang dumaan lang ang pag-aalala sa kanyang mukha, tama ba ang aking nakikita o dinadaya lang ako ng aking paningin

"bakit ka umiiyak?" tanong nito sa akin, dahil hilam ang aking mukha sa luha aking nalabas ay ndi ako makapagsalita kaya tinitigan ko nalang ito at malaya kong napagmasdan ang kanyang mukha ndi ko talaga maiwasan mahalin ang ganitong mukha, napakgwapo nito kilay na makapal, labing manipis at mapula pula, ilong na parang nililok sa sobrang tangos parang gusto ko ng haplusin ang kanyang mukha pero agad ko pinigilan ang aking sarili, nagtimpi ako at dahil ndi ako nagsalita ay nabigla ako sa kanyang naging aksyon kaya bigla nitong nilabas ang kanyang panyo at binigay niya sa akin at sabay sabing " punasan mo ang iyong mga luha, lalo ka pumapangit" sabi niya sa akin, medyo natawa ako ng kaunti dahil sinabi nitong lalo akong pumapangit , ibig sabihin sa kanyang paningin ay pangit ako, ilang segundo nakahawak ito sa kanyang panyo at pinapakuwa nito sa akin ang kanyang panyo na nasa kanyang mga kamay, agad ko ito tinitigan ang panyo at ilang saglit lang ay ang kanyang mukha naman ang aking tinignan at hindi ko alam anong nagtulak sa akin agad ko ito niyakap at parang nawala ako sa king sarili at ang gusto ko lang yakapin ito para mabura ko ang sakit na pinagdaanan nito at ewan ko anong nagtulak din dito at nabigla ako ng gumanti ito ng yakap sa akin, niyakap din nito ako kaya lalo ko hinigpitan ang aking yakap at ganoon din ito, ewan ko ba kung saan napunta ang utak ko kanina ng bigla ko itong yakapin at ng mahimasmasan ako sa aking nararamdamana at peeling ko napadama ko dito na meron itong msasandalan iba kung nakakaramdam ito ng sakit at makalipas ang ilang minuto bumitaw ako sa pagyakap sa kanya

"sorry po sir" sabi ko sa nahihiyang mukha

"okay" sabi nito sa akin sabay talikod sa akin at malaya kong pinagmasdan ang kanyang likod

"magpahinga ka na gabi na" sabi nito at bigla itong humarap sa akin, nahuli nito akong nakatingin sa kanyang likuran

Nakahinga ako ng maluwag pagkaalis ni sir , kala ko sa kagagahan ko matatangal na ako sa trabaho dahil sa bigla ko pagyakap sa kanya pero peeling ko may naanig ako sa kanyang mukha ng bigla itong tumingin ulit sa akin,pag-aalala ba ang naanig ko sa kanya? Nagpumasok ako sa lobb ndi mawala wala ang ngiti sa aking labi at parang ang gaan ng aking loob at nakatulog akong payapa at may ngiti sa labi

Alas otso ng umaga ay nasa hardin ako ngayon para magdilig ng mga bulaklak ng sabihin sa akin ni annie na pinapatawag ako ni sir jann michael , ano kayang kailangan ni sir jann michael at ngayon lang ako nito pinatawag, ayyy ano ba ito tinatanggal na ba ako sa trabaho dahil sa aking ginawa kagabi na pagyakap kaya agad akong nilukuban ng kaba sa aking dibdib , yung ngiti ko sa labi na dala dala ko kagabi ay biglang nawala at agad ko pinatay ang hose na aking gingamit sa pagdidilig at ndi pa rin nawawala ang aking kaba dahil doon at kaagad akong pumasok sa loob at dumeretcho sa loob ng library dahil doon naghihintay sa akin si sir jann michael kumatok muna ako , nakakatatlong kanto ako ng marinig ko ang kanyang mabalagkis na boses na nagtatanong kung sino ang nasa pintuhan ng sabihin kong ako ay narinig ko sinabi niya na pumasok na ako kaya agad na akong pumasok ayaw na ayaw pa naman ni sir jann michael ang pinaghihintay at ng makapasok ako amoy na amoy ko ang panglalaking pabango agad itong nanulay sa aking ilong, ang paborito kong pabangong panlalaki ayyyy grabe ang bango at nakita ko si sir nakaupo ito sa upuan at nandoon ito sa kanyang lamesa may binabasang mga papeles at kaagad akong umupo para makuwa ko ang atensyon niya para maipabatid na nasa loob na ako ng library at matagumpay ko naman nakuwa ang kanyang atensyon at kaagad naman itong tumingin sa akin

"Kumusta kana?"sabi nito sa akin , parang ang kanyang boses ay punong puno ng pag-aalala at kaagad akong napatingin sa kanya, pianatawag ba niya ako para kumustahin lang at sumagot agad ako sa kanya

"okay lang po sir" sabi ko kay sir, bakit kaya niya ako kikumusta, anong meron ,pumuti na yata ang mga uwak at nabigla ako ng bigla itong nagsalita na kinatingin ko dito

"nga pala isasama kita sa villa corazon, maghanda ka ng mga gamit mo , mamaya na tayo aalis, mga alas 10 ng umaga" sabi nito sa akin na kinatingin ko dito at kinatingin ko dito na puno ng pagtataka

" saan po sir? " sabi ko dito, agad ito ngumiti sa akin, ah ngayon ko pala itong nakita nakangiti, lalo pala iton gwapo kung nakangiti,,, ayyy first time ko itong nakitang ngumiti napaka rare nito

"hindi ko alam na bingi ka pala" sabi nito na may ngiti sa mga labi, lalo talaga itong gwapo kung nakangiti ito,, puso ko gabayan mo ako, kasi lalong lumakas kabog ng aking dibbdib, naku puso ko ngiti palang yan, paano pa kung halikan ng mga labing iyan, baka lalo ka magwala diyan at nahalata nito na nakatitigtig lang ako dito kaya nagsabi ito ng biro nito

"huwag mo akong pakakatitingan, baka lalo ka mainlab sa akin" sabi ni sir na may kasamang pang-aasar sa akin na kinapula ng aking mukha at sa nahihiyang itchura ay napatingin ako dito,, ayyy ewan biglang namula ang aking mukha sa kanyang biro

" hindi ko alam na ganyan ka kasensetive sa mga salita, millary" sabi nito sa akin , bakit noong binangit niya ang aking pangalan parang ang gandang pakingan, parang musika ito sa aking pandinig

Puso ko kalma ka lang, sabi ko sa sarili kong puso, wag kang kiligin ng bonga

"sige na mag ayos ka na ng gamit mo, baka mahimatay ka diyan sa kilig" sabi nito sa akin na lalong kinapula ng aking mukha at nakita ko ito na may pilyong ngiti sa kanyang labi , kamukha pala ito ni sir jeronn na may pagkamapang-asar

Agad akong pumunta sa pintuhan , bago ako tuluyan lumbas ay tumingin pa ako dito pero ang hindi napaghandaan na nakatingin din pala ito sa akin habang palabas ako ng pintuhan ng library at ng magtama ang aming mga mata, kumindat ito sa akin na lalo kong kinapula, parang hihimatayin ako sa kilig kaya dali dali akong lumabas para makasagap ng hangin at ng bumalik na sa dating tibok ang aking puso, grabe si sir ang lakas ng kabog ng aking dibdib sa kanyang ginawang pagkindat