Chereads / Wild Wild Love (Complete) / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Sir Jann Michael POV

Naging masaya ang aming pagsasama , mag-iisang taon na din kaming nagsasama ni marjorie, excited ako ngayon araw naito kasi anniversary namin ngayon, may sopresa ako sa kanya, kasi nagpareserve ako sa isang resort , balak ko doon kami magcelebrate, napabook na ko ng isang linggo, tinapos ko lahat ng aking mga trabaho at yung magiging trabaho ko next week kasi nga balak ko magbakasyon kasama ang misis ko , baka ito na ang tamang panahon para makabuo kami ng aming supling, kasi sa nakalipas na ilang buwan , hindi kami makabuo buo, ewan ko ba anong nangyari , nagpacheck up naman kami, parehas naman kaming healthy at ni wala man isa sa amin ang may diperensya at sabi ng doktora , baka daw hindi pa namin panahon, Nag-usap naman kami ng asawa ko, hmmm.. ang gandang bigkasin "asawa ko" talagang pag ari ko na siya. Napag-usapan naman namin na habang wala pa kaming anak, siy na muna ang baby ko, kaya hinayahan ko siya sa kanyang mga gustong gawin, kahit anong mahiligan nito binibigay niya, kasi nga ito muna ang kanyang baby.

Nalala ko pa kaninang tumawag ako sabi ko sa kanya, kaninang alas diyes ng umaga "mahal" sabi ko

"ano yun mahal, bakit napatawag ka?"sagot ng asawa ko sa akin, kakaiba ang kanyang tono , parang may kasamang inis, inis dahil akala nitong naaklimutan ko na anniversary namin pero ang totoo lang talaga sindaya ko na ndi ito batiin para masopresa ko ito

"mahal, happy anniversary" sabi ko sa kabilang linya habang nakangiti ako , may kislap ang aking mga mata, kaninang umaga , nagpanggap ako , mula pagkagising, hanggang sa pagkain ng almusal at pati kaninang nagpaalam ako papasok ng trabaho, hindi ko siya binate ito kaya ang asim ng kanyang mukha, inasar ko pa nga siya sabi ko "araw ba ng datu puti ngayon, may dalaw kaba mahal?, bakit ng asim ng mukha mo" sabi ko sa kanya habang nakangisi at nakita kong ngumuso ito lalo, pagdating sa kanya nagiging mapang asar ako at palabiro na ndi ako ganoon dati, ang dami nitong nabago sa akin, ang dami kong ugaling nabubuksan pag siya ang kaharap ko, mahal n mahal ko kasi ito kaya siguru pagdating sa kanya ang dami kong emosyon na nailalabas, sabi nila noong high school ako,, saan daw ako pinaglihi bakit iisang emosyun lang makikita nila sa aking mukha , emosyong hindi mo mabasa kasi , kaya kong magtago ng emosyon at kaya ko ndi makitaan man lang ng kahit ano sa saking mukha , ewan ko bang kung talento ito o ano. Pagkatpos kong sabihin sa kanya ang aking pang-aasar , nagpaalam na kong papasok sa aking trabaho at habang nasa sasakyan ako ndi mapigilan mapangiti .

"naalala mo mahal?, kala ko pagod kalang kaya hindi mo naalala " sagot ng asawa ko sa akin sobrang napakalambing ng boses niya, lalo tuloy akong naiinlove sa kanya, sa araw araw ng ginawa ng Dios lalo ko itong minamahal , parang ayaw ko ng magising isang araw kung ndi ko masisilayan ang kanyang napakagandang ngiti na sumasalubong sa akin tuwing gigising ako

" hindi ko naman nakalimutan mahal, bakit ko kakalimutan ang pinakamasayang araw sa buhay ko, sa buhay natin"sagot ko sa kanya habang nakangiti , alam ko kahit ndi niya ako nakikita , alam kong alam niyang nakangiti ako sa kanya dahil maririnig sa aking boses ang sobrang tuwa

"ganoon mahal, bakit hindi mo man ako binati kanina umaga "sabi niya sa akin, alam ko kahit hindi ko siya nakikita , alam kong nakapalabi ito at alam kong nagtatampo ito ng sobra, ahehehe sobrang matampuhin pa naman nito

" kasi ngayon kita balak batihin mahal ko at balak ko din sabihin sayo, ayusin mga gamit natin mahal, yayain sana kita mag pangasinan tayo, nagpareserve ako doon , doon ko balak magcelebrate mahal, nga pala mahal damihin ng kaunti ang aayusin mong mga damit natin kasi isang linggo tayo doon" sabi ko sa kanya habang nakangiti at may kislap ang aking mata sa sobrang saya

"ganoon ba mahal, alam mo mahal ako din may sopresa sayo pero mamayako na sasabihin pagnakita tayo" sabi ng mahal ko, habang mababakas sa boses nito na sobrang saya nito

"Anong bang sopresa mo sa akin mahal ko?" sabi ko sa kanya,habnag nag-iisip , ano kaya sopresa ni misis sa akin, baka may bago siya natuklasan na bagong recipe ay gusto niyang ipatikim sa akin dahil ganoon naman lagi tatawag sa akin at sasabihin niya sa akin may sopresa ito, tapos pag uwi ko sa bahay may bago pala ito natuklasan na bagong recipe sa kanyang binibake na biscuit, cake at mga iba't ibang tinapay. Masaya ako sa kanya tuwing nakakatuklas ito dahil mababakas na sobrang saya nito, kapag nakangiti ito napapangiti na din ako , atleast hindi niya naiisp na hanggang ngayon wala pa kaming anak, at masaya akong nababaling sa iba ang kanyang atensyon.

"sekret mahal ko" sabi niya na may lambing sa kanyang boses

" sige na nga mahal, malalaman ko din yan mamaya, nga pla mahal susunduhin kita mamayang alas sais ah, tapos bibiyahe natyo papuntang pangasinan, masaya kaba mahal na mtutupad ko na pinangako sa iyo ng isang araw na magpapangasinan tayo" sabi ko sa kanya habang nakangiti at iniimagine ko masaya kaming tumatakbo sa buhangin doon papunta sa dagat at masayang nagtatampisaw sa dagat

" oo mahal ko , masayang masaya ako, o sige na mahal ituluy mo na ang trabahomo, hihintayin kita sa bahay ng ala sais , good bye mahal ko" sabi ng asawa ko, nakangiti akong sabay ng pagbaba ko ng cellphone ko ay mababakasa sa aking mukha ang sobrang saya

Totoo pala ang sabi nila "happy wife, happy life" dahil masaya ang aking asawa, masaya din ang buhay mag-asawa namin, dahil masaya siya aty sumasaya ako. Tama nga ang sabi nila pagmasaya ang asawa lahat ay magfloflow ng maayos

Sa araw araw na nilikha ng Dios , walang araw na ndi ako naging masaya , simula ng makilala ko siya, ang buhay ko na malungkot, walang kulay, ito ay napalitan ng isang makulay at yung suplado, arogante, nakakatakot kung tumingin, napalitang ng isang masayahin na lalaki, laging nakangiti, laging nakatawa at naging masasayahin, ng dahil sa pagmamahal ko sa asawa ko at sa pagmamahal niya sa akin kaya naging parang nag iba ang aking buong pagakatao.