Sa pagpapatuloy.....
Zilpher *napahinto sa pagpupunas ng dugo sa kanyang leeg* Pero sa una lang yon, iba na ang mga plano ko ngayon!
Selena: Alam ko kasi nararamdaman ko at nakikita ko ang mga ginagawa mo't desisyon sa buhay at isa pa, matagal ko ng alam na gusto mo ako, Zilpher
Zilpher: Ano?!
Selena: Sinabi sakin noon ni Aling Chana nang kinausap niya ako
Zilpher: Hayysss!!, nung nagpunta ka sa bahay nila, dahil doon ako hinimatay??
Selena *tumango*
Zilpher: Ang daldal talaga ni Aling Chana *napabuntong hininga*
Selena: Pero bakit iba yung itsura mo kapag nagiging Titan ka ngayon kaysa noon at doon sa may Atlantis.
Zilpher: Noong nililigtas kasi kita sa may asul na kweba ay mapupugutan na sana ang ulo ko ng isang pirata kaso may biglang nagpakita sa isipan ko't kinausap ako ng isang Diyosa.
Selena: Diyosa?!
Zilpher *tumango* (Si Prinsesa Callista) At doon na nagsimulang makontrol ko ang katawan at isip ko sa tuwing nagiging Titan ako at napipili ko na din ngayon ang araw at oras na gusto't ayaw kong magpalit ng anyo. Kaya siguro nag-iba bigla ang itsura sa tuwing nagiging Titan ako.
Selena: Hhmmm...., Edi hindi mo na kailangan ng bunga ng puno ng kaginhawaan??
Zilpher: Hindi na
Selena: Eh yung dugo ko, kailangan mo pa??
Zilpher: Iba na nga ang mga plano ko ngayon sa buhay
Selena: Ah pero ano bang meron sa dugo ko at kung bakit ito sana yung magbibigay sayo ng imortalidad?, siguro ay mayroong nilagay sa akin yung mga dumukot sa akin noong magdadalaga pa lang ako na hindi ko pa din maalala hanggang ngayon.
Zilpher: ..... (Pasensya na, nangako ako kay Diyosa Callista na kailangang hayaan kitang maalala mag-isa mo ang reinkarnasyon mo't tungkol sa bagay na iyan). Zilpher: Pero nga pala, bakit ka naiyak kanina habang kausap at kayakap si Gusano *nag-aalala*
Selena: Pinapakalma din ako ni Gusano noon sapagkat sinabi ko sa kanya na nagseselos ako sa kausap at katabi mo kanina.
Zilpher *lumingon kay Selena* Sa kasintahan ni Chandi??
Selena: Oo, hindi ko kasi alam noong una pero nasabi na din sa akin ni Gusano at ang pangalan daw ng katabi mo ay Natharina Flores
Zilpher: Oo, kinausap kasi ako ni Natharina kasi binabalak na daw nilang magpakasal ni Chandi sa susunod na taon at madami pang iba patungkol kay Chandi.
Natharina: Puting rosas o pulang rosas??, Hhmmm...., ano bang mas mabango doon, Kuya??
Selena: Ah, kaya pala kayo masayang-masaya na nag-uusap kanina. Pasensya ka na, kung nalaman ko lang agad, edi sana ay hindi ako nakaramdam ng selos kanina.
Pagkatapos iyon sabihin ni Selena ay itinulak siya sa may lapag ni Zilpher.
Selena: Ano ang ginagawa mo?!
Zilpher *hinigpitan ang hawak sa dalawang kamay ni Selena* Pero kung hindi ka nagselos kanina edi hindi mo masasabi kay Gusano ang tunay mong nararamdaman para sa akin, hindi tayo sana mapupunta sa ganitong sitwasyon, at hindi mo din sana masasabi na "Mahal mo ako" kanina, Sel.
Selena: Zip....
Zilpher: Sel, ang plano ko na ngayon ay panatilihin ka sa tabi ko pang habang buhay kahit anuman mangyari at magiging kapalit nito.
Selena *tumingin sa mga mata ni Zilpher*
Zilpher *tumingin sa mga mata ni Selena* Gusto ko din na makasama ka na patumbahin si Nefertirani kaya kung maaari sana ay huwag ka ng umalis matapos ang limang buwan mo ng panatitili dito na kasama ako na pinagkasunduan natin. Gusto kong mawala ang bisa ng kasunduan natin pero tutulungan ko pa rin at ang bansa ninyo sa lahat ng kailangan ninyo basta't manatili ka lang dito ng pang habang buhay sa tabi ko.
Selena: Pero ako ang Duchess ng Philippeldephia!
Zilpher: Pero ako naman ang asawa mo't ikaw ang reyna ng buong kaharian ng Exolorus.
Selena: Hayysss!!! *napabuntong hininga*
Zilpher: Ipasa mo na lang sa Isa sa mga kapatid mo ang pagiging Duchess ng Philippeldephia
Selena: Pag-iisipan ko munang maigi *umiwas sa tingin ni Zilpher*
Zilpher: Kung ganun ay ito na lang ang natatanging paraan para manatili ka ng panghabang sa piling ko
Selena (Huh?!) *tumingin kay Zilpher* A-ano ang giggginagawaaa mo?!, babbakkk----, Tsskkk!!! *namumula*
Zilpher *tinanggal ang pang-itaas* Huwag kang mag-alala, nalinis ko naman na kanina ng mabuti ang katawan ko at isa pa, nagamot mo naman na din ako *dahan-dahang lumapit sa leeg ni Selena* Mabilis lang ito at pangako, hindi ito masakit, Sel, Mahal kong, Selena *hinalikan ang leeg ni Selena*
Selena *kinagat ang labi*
At ayun na nga, may nangyari na nga doon sa dalawa.
Pagkatapos ay biglang umulan ng nyebe ng gabing iyon.
Kinaumagahan....
Nagising at nagbihis si Selena....
Selena *hinawakan ang likod* Ackk!!, ang sakit ng likod ko (Kasalanan ito ni Zilpher!) Hayysss!!! *napabuntong hininga* Pero nasaan na pala yun?? *lumabas ng kweba* (Ah, umulan ba ng nyebe kagabi??)
Zilpher: Magandang umaga, Sel *ngumiti*
Selena *lumapit kay Zilpher* Okay na ba ang mga sugat mo??
Zilpher: Medyo
Selena: Saan ka nagpunta??
Zilpher *itinaas ang mga dala-dala niyang plastik na may prutas* Namitas ng makakain natin sa may puno. Hehe, bakit mo ako hinahanap??, Siguro ay nag-aalala ka sa akin at namiss mo ako noh kahit saglit pa lang ako na nawala *ngumiti*
Selena: Hindi ah, Hhmmppphhh!!!
Zilpher: Hahaha!!!
Pagkatapos ay pumasok na sila ng loobeng kweba't kumain.
Tapos.....
Zilpher: Kailangan muna nating maligo't magpalit ng damit bago tao pumunta sa mga kasamahan natin para makapagplano sa gagawin nating pagsugod sa kuta ng mga hingante't mababangis na hayop.
Kaya nagpunta sila sa isang sapa...
Zilpher: Sabay na tayong maligo *ngumiti*
Selena: Anong sa-sssabayy??!!!!, Woah!!!
Hinala ni Zilpher papuntang sapa si Selena...
Splash! Splash!!
Selena *tinakpan ang katawan gamit ang kanyang braso* (Ang linaw at kitang-kita tuloy halos yung katawan ko sapagkat nabasa ang suot kong damit ngayon) Tsskkk!!!
Zilpher: Ano bang tinatakpan mo eh....
Lumapit si Zilpher kay Selena at may binulong sa tenga nito.
Selena *hinampas ang kanang braso ni Zilpher* Zi-zilpher!!! *namula't natataranta*
Zilpher *ngumiti*
At pagkatapos nun ay nagsimula na silang maglakad....
Habang naglalakad sila ay may tumingala si Selena sa kalangitan at may nakita siya kaya napahinto siya din sa kanyang paglalakad.
Selena: Ang taas ng lipad nung agila
Zilpher *tumingala din* Oo nga, lahat ng klase't uri ng ibon sa buong mundo ay dito matatagpuan sa Kanux.
Pagkatapos ay nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad habang masaya na nag-uusap.