Pagkauwi nila....
Gusano: Bakit ngayon lang kayong dalawa umuwi hah, Selena't Zilpher??
Selena: Um.... (Paano ko ba sisimulan??, masyadong maraming nangyari sa amin kahapon lalo na nung gabi...) *napalunok*
Zilpher *hinawakan ang kanang kamay ni Selena* Nag honey moon na kami *ngumiti*
Kinilig ang mga Kawal....
Selena *binatawan ang kamay ni Zilpher* Zilpher!! *namula*
Zilpher *ngumiti*
Gusano: Parang noong isang araw lang ay magkaaway kayo tapos ngayon ay bati na kayo't may nangyari pang himala, Hahaha!!
Selena: Hayyss!!! *napabuntong hininga*
Zilpher *tinuro ang pisngi ni Gusano* Mukhang namamaga yung suntok ko sayo kahapon ah
Gusano *hinawakan ang pisngi* Oo nga, haha!
Zilpher: Nga pala, pasensya na para diyan *hinawakan ang kaliwang balikat ni Gusano* Pero nang dahil sa pangyayari yan at sayo.... *lumapit sa tenga ni Gusano't may binulong* sinabi na sa akin ni Selena ang salitang "Mahal kita." Oh pano?, pupunta kami muna ni Selena sa kwarto *hinawakan ang kamay ni Selena*
Selena: ???
Zilpher *hinila si Selena't naglakad*
Selena: Zip, dahan-dahan lang!, huwag kang magmadali!
Pagkaalis ng dalawa ay ngumiti si Gusano.
Pagbukas ni Selena ng pintuan ng kwarto nila ay biglang:
Selena: Zi-zip?!
Binuhat siya ni Zilpher papuntang kama.
Zilpher *ibinaba si Selena ng dahan-dahan sa kama*
Selena *tumingin sa mga mata ni Zilpher* Eh?, huwag mong sabihin na gagawin natin ngayong umaga pa lang yung ginawa natin kagabi? *namumula*
Zilpher *hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ni Selena* Oo *ngumiti*
Selena: Ee-eehhh?!!! *namula ng husto*
Zilpher: Binabalak ko ngang gawin ito araw-araw at maya't-maya sayo, Hahaha!!!
Selena: ZILPHER FARLEY!!!
Zilpher *dahan-dahang lumapit sa leeg ni Selena*
Selena *pinakit ang mga mata*
Zilpher: Pfftt!!!, Hahahaha!!!!!
Selena (Huh?!) *dumilat* ?!
Zilpher *hinalikan ang noo ni Selena* Sige na, magpahinga ka na muna diyan. May gagawin lang ako saglit.
Selena *umupo* (Ang lakas ng loob para gawing katatawanan at biruin ang isang De Lolce!) Makakaganti din ako sayo mamaya *pabulong*
Ngunit biglang nauhaw si Selena...
Nang papalabas na ng pinto si Zilpher....
Selena: Zilpher!
Zilpher *huminto't lumingon* Bakit??
Selena: Meron bang tubig sa repridyireytor??
>repridyireytor, reprihador, at repriherador ay pare-parehas lang ng ibig sabihin at mas kilala ito sa wikang Ingles at tinatawag na refrigerator o sa pagpapaikili ay ref.<
Zilpher *naglakad papunta kay Selena* Bakit??
Selena: Nauuhaw ako
Zilpher: Ah titignan ko at kapag mayroon akong nakita ay ibibigay ko sayo
Selena: Ah sige
Bago magpunta si Zilpher sa repriherador ay palihim siyang nagpunta at may kinuha sa aparador.
Zilpher *binulsa ang bagay na kinuha niya*
Pagkatapos ay pumunta siya sa may repridyireytor.
Zilpher *binuksan ang repridyireytor* (Walang tubig pero merong orange juice).
Pagkatapos ay kumuha siya ng basong babasagin at kutsara mula sa tauban at sinalinan ito ng orange juice na galing sa pitsel. Tapos ay may nilagay pa siya na maliit na kulay na puting gamot sa baso at hinalo niya ito sa orange juice gamit ang nakuha niyang kutsara.
Zilpher (Akala ko ay kailangan pa kitang paturukan kay Heraldo ngunit hindi ko na kailangan pang ipagawa yun sa iba sapagkat umaayon sa akin ang tadhana sa gusto kong mangyari).
Mga ilang minuto lang ay bumalik na Si Zilpher kay Selena.
Zilpher: Walang tubig pero mayroon na orange juice doon sa may repriherador.
Selena: Ah, pwede na iyan *kinuha ang baso mula kay Zilpher* Gulp! Gulp!!
At naubos ni Selena ang laman ng baso.
Selena: Salamat *binigay ang baso kay Zilpher*
Zilpher *tinanggap* Sige na, matulog ka na muna ng mahimbing, Sel
Selena: Si--, Huh?! (!!!) *hinawakan ang ulo* (Bakit parang....) Nahihilo ako.... *tumumba sa kama't napapikit ng mata* (Bakit, Bakit mo nagawa sa akin ito, Zilpher??) zzzz!!!!
Zilpher *lumapit at hinalikan ang pisngi ni Selena* Mas maigi na ako na lang ang kumalaban sa mga higante ngayon kaysa ang tumulong ka kasi lagi ka na lang napapahamak sa tuwing sumasama ka sa aking laban.
Pagkatapos ay umalis at lumabas na ng kwarto si Zilpher.
Zilpher: Natanggap ninyo ba ang sulat na itinali ko sa paanan ng agilang pinadala ko dito kanina?
Gusano *yumuko* Opo, nabasa na namin kanina ang plano nating pagsalakay ngayon sa kuta ng mga hingante't mababangis na halimaw.
Zilpher: Sige, tayo na mga kawal!, tapusin na natin ang misyong ito nang sa gayon ay makauwi na tayo sa ating kaharian!
Mga Kawal *itinaas ang mga sandata* Opo, Kamahalan!
Zilpher: Maiwan na kayo dito, Heraldo't Ismael at protektahan ninyo ang mga tao dito lalo na Si Selena.
>Si Ismael ang pinakabatang mandirigma ni Zilpher.<
Tumango ang dalawa....
Zilpher *hinawakan ang balikat ni Heraldo't may binulong* Kaya mo naman di ba na lumaban??
Heraldo: Oo, Kamahalan
Zilpher: Tayo'y lilikas na!!
Pagkaalis nina Zilpher ay nagsimulang managinip si Selena.
Napapaginipan niya ang nangyari sa kanya noong nadukot siya.
Selena *dumilat* Nasaan ako?? (!!!) A-anong lugar na ito?! *natakot*
Nanginig siya sa takot dahil sa mga nakita niya sa kanyang paligid na binabalot ng kadiliman. Mga ulo ng tao na nakasalpak sa isang mahabang kahoy, mga mata na nasa loob ng isang lalagyan na may tubig ang nakalagay sa lalagyanan ng mga libro, mga manikang duguan, mga kalansay, at madami pang iba. Napansin niya din na napapalibutan siya ng itim na kandila, nakahiga sa isang itim na kabaong, at ang kanyang mga leeg, binti't kamay, at mga paa ay tinalian ng mga itim na kadena.
Selena (Ano ito?!) Tsskkk!!!
Pagkatapos ay may lumapit sa kanyang babae na may sungay sa ulo't may itim na pakpak na maihahalintulad sa pakpak ng mga itim na anghel at nagpakilala ito sa kanya.
Nefertirani: Ako si Nefertirani, ang iyong magiging Master *ngumiti ng nakakatakot*
Samantala ay kasalukuyan ng nakikipaglaban sina Zilpher...
Zilpher: Yaahhh!!!!
Lumipas ang tatlong oras...
Zilpher (Masyado silang malalakas, mukhang kailangan ko ng magpalit ng anyo).
Ngayon, balik tayo na ulit sa panaginip ni Selena.....
Habang napapaginipan ni Selena kung paano siya pinag-eksperimentuhan, pinahirapan, tinuruan na pumatay ng walang awa, pinalakas, at kinontrol nina Nefertirani, Eliza, at ng iba pa doon ay biglang may sumugod doon sa hotel.
Heraldo *lumabas ng kanyang kwarto at nakita si Ismael kaya agad niya itong nilapitan at tinanong* Ano ang nangyayari?!, bakit may naririnig akong sigawan ng mga tao't bakit ang daming natakbo at nagsisilikas?!
Ismael: Ayon sa aking natanungan kanina ay mayroon daw pong nanggugulo na mga halimaw.
Heraldo: Halimaw?! (Paano nangyari iyon? eh natalo na namin lahat ng halimaw sa buong parte ng Exolorus pwera dito) Pero sa kasalukuyang nakikipaglaban sina Zilpher na ngayon para mapatay ang lahat ng halimaw na nandito *pabulong* (Kung ganun ang sumusugod sa amin ngayon ay maaaring galing mismo sa kampo ni Nefertirani pero bakit??) *nag-isip ng mabuti* (Binalaan na ako dito ni Zilpher kanina patungkol dito).
Biglang naalala ni Heraldo ang sinabi ni Eliza sa kanila noong pinapahirapan nila ito sa dapitan.
Heraldo (Oo nga pala, bakit ko nakalimutan?) .....
Eliza: Si Selena ang susi sa lahat, sa aming tagumpay, dahil may ipinagkaloob kami sa kanya na kung saan ay siyang tatapos ng lahat ng nilalang dito sa buong sangkatauhan pwera sa aming mga halimaw. At nang dahil din sa kanya ay maipapamalas na namin sa buong mundo ang tunay naming lakas at kapangyarihan.
Heraldo: !!!! (Ang Duchess!, balak nilang kunin si Selena upang maisakatuparan na ang mga plano nila!) Ang Reyna!, kailangan nating puntahan ang Reyna!!
Tumakbo at umakyat ng hagdanan sina Heraldo't Ismael.