Chereads / The Saintess, The Villainess, and The Enchantress / Chapter 47 - Kabanata 47: Daedalus

Chapter 47 - Kabanata 47: Daedalus

Sa pagpapatuloy

Ireña *naging asul ang mga mata't naging kulay purple ang buhok niya* Magagawa mo ba akong patayin, Zip?? *malungkot*

Zilpher: Sel?? *binitawan ang espada't naglakad papunta kay Selena*

Selena: Zip, namiss kita ng sobra *namumula*

Zilpher *niyakap ng mahigpit si Selena* Sa wakas ay bumalik ka na sa piling ko, Selena

Gusano *napatingin sa dalawa* (Mukhang okay na ang Reyna namin) *ngumiti*

Hilama *napatingin din* Tsskkk!!! (Anong ginagawa mo, Ireña??) Talaga bang natalo ka ni Zilpher?? *pabulong*

Ngunit tumalsik si Zilpher...

Gusano: Kamahalan!!! *nag-aalala*

Hilama *ngumiti ng nakakabanas* (Sabi ko na eh, hindi basta-basta matatalo si Ireña ng kahit na sino!) As expected of the Princess of Schemes, hahaha!!!

Zilpher *hinawakan ang tiyan na may malaking sugat* Tsskkk!!! *tinignan ang kamay na nalagyan ng dugo mula sa paghawak niya sa kanyang tiyan na may sugat*

Naging pula't itim na buhok muli ni Ireña...

Ireña *tinignan ang kamay na napapalibutan ng itim na awra* Napakadali mo naman na malinlang, Zilpher (Tunay ngang kahinaan ang pagmamahal) *dinampot ang espada ni Zilpher*

Lumapit si Ireña kay Zilpher at inapakan ang tiyan nito na may sugat.

Zilpher: Acckkk!!! *sumuka ng dugo*

Ireña *tinapatan ng espada ang leeg ni Zilpher* May gusto ka bang sabihin bago kitang tuluyang patayin, Zilpher??

Zilpher: Calla....

Ireña *nagulat* Bakit mo kilala ang babaeng iyan?!

Zilpher: ....

Ireña: Magsalita ka! *galit*

Zilpher: Pangako, hahanapin kita at ikaw pa rin ang mamahalin ko sa susunod kong buhay.

Ireña: Ackkk!! *sumakit ang ulo ulit*

Pagkatapos ay may narinig siyang boses sa kanyang isipan.

???: Alalahanin mo ang lahat kung sino ka talaga, Mahal kong Calla

Ireña *nahimatay at bumagsak sa lupa*

Zilpher *pumunta kay Ireña at tinatapik ng mahinga ang kanang pisngi ni Selena* Sel!, Sel?! *nag-aalala*

Sa kaisipan ni Selena....

???: Selena!!, Selena!!!

Selena (kaninong boses iyon??)

Unti-unting natatanggal ang nakatali at nakalagay buo niyang katawan at bibig. Pagkatapos ay natanggal ang piring sa mata ni Selena.

Selena *nakapikit* (Naaamoy ko ang halimuyak at bango na nanggagaling sa tabi ko) Puting rosas?! *binuksan ang mga mata* Ikaw, Ikaw Si---, !!!

Callista: Ako nga ito, Ako si Prinsesa Callista *hinawakan ang kaliwang pisngi ni Selena* Oh, aking anak, tunay ngang napaganda mo *ngumiti*

Selena: Ano ang ginagawa mo dito??

Callista: Nandito ako para tulungan ka, tungkulin ko iyon bilang isa sa mga diyosa ng kalangitan.

Selena (Hindi kaya siya din ang sinasabi ni Zilpher na Diyosa na tumulong sa kanya noon sa may asul na kweba nang mapunta sa piligro ang kanyang buhay??) Ikaw ba ang tumulong kay Zilpher noon sa may asul na kweba??

Callista *tumango* Ginawa akong isa sa mga Diyosa ng Diyos nang dahil sa mga ginawa't ipinamalas kong kabutihan sa mundo ninyo noong nabubuhay pa ako.

Selena: Ngunit bakit??, bakit mo kami gustong tulungan??

Callista: Sapagkat ikaw ang reinkarnasyon ng aking anak na Si Calla

Selena: Ako??!!!

Callista: Muli kang pinili at binuhay ng Diyos upang wakasan na ng tuluyan ang mga halimaw na namumuhay sa iba't-ibang dimensyon, parte ng daigdig, at ilalim ng lupa

Selena: Imposible, paano ako naging Si Calla?!

Callista: Malalaman mo din sa paglabas mo ng kwarto na ito

Selena: Bakit, ano bang mayroon sa labas ng kwarto na ito??

Callista *ngumiti't lumapit sa pintuan* Halika't sabay nating tuklasin ang nasa labas ng pintuang ito

Selena *tumayo't hinawakan ang kamay ni Callista*

Callista: Buksan mo ang pintuan

Selena *napalunok at hinawakan ang busol ng pintuan* ..... *tumingin sa mga mata ni Callista*

Callista *ngumiti't tumango*

Selena *binuksan ang pintuan* !!!!

Nagulat siya sa kanyang nakita....

Ang labas ay katuald lamang sa paligid ng loob ng bulkan at sa sentro nito ay makikita ang isang malaking bato na kasingkulay, nagliliwanag, at umaapoy ng katulad sa araw sa kalangitan. Naglakad sina Selena't Callista papunta sa malaking bato. Pagkapunta nila, binitawan ni Callista ang kamay ni Selena.

Selena: Ito ba ang bato ni Icarus na sinasabi ayon sa kwento't mga alamat??

Callista *tumango* Napuno ng galit at puot ang puso ni Icarus nang dahil sa

pagkulong ni King Minos sa kanya habang kasama ang kanyang ama na Si Daedalus kaya madaling nakontrol, namanipula, at nakuha ng mga halimaw ang bato ni Icarus nang ito'y mahulog sa tubig noong tumatakas sila ng kanyang ama at ang natira mula sa katawan ni Icarus pagkatapos  nang siya'y tumapat sa araw. Pagkatapos ay nilagay ito sa loob mo. Kailangan mong hawakan at kumbinsihin ang puso ni Icarus na kalimutan ang poot at galit upang makontrol mo ito nang sa gayon ay maging isa kayo't maglaho ng tuluyan ang itim na mahikang dumadaloy sa dugo na siyang dahilan ng muling pagbabalik at pagkabuhay ni Ireña na siyang umaangkin, kumokontrol, at may hawak ngayon sa katawan, puso't isip mo.

Selena: Sige

Nang hahawakan na ni Selena ang bato ni Icarus ay biglang sumulpot si Ireña sa kung saan.

Ireña: Hindi!!! *tumakbo papunta kay Selena*

Ngunit nilagyan ni Callista ng puting kadena ang leeg ni Ireña at hinila ito papunta sa kanya.

Ireña: Acckkk!!! (Tsskkk!!!)

At kinadenahan pa ni Callista ang iba pang bahagi ng katawan ni Ireña.

Selena *lumingon at napahinto*

Callista: Sige na, anak, ituloy mo na *ngumiti*

Ireña: Hindi!!!!

Selena (Hayaan mong tulungan ko ang puso mong naghihirap, Icarus) Hayaan mong maging isa tayong dalawa *hinawakan ang bato*

Pagkatapos ay pinikit ni Selena ang kanyang mga mata.

At pagdilat ng mga mata ni Selena ay nakatayo siya at nakita niya ang isang malawak at magandang kwarto.

Selena (Nasaan ako??) *tinignan at hinawakan ang kanyang damit* (Kakaiba din ang aking kasuotan) !!! (Hindi kaya nasa isa sa mga lugar ako ng pinangyarihan ng kwento nina Icarus at Daedalus??).

???: Ayoko ng pagkain na ito, papalitan ninyo ito doon!!

Selena *tumingin sa nagsalita* (Si Pasiphaë!) Ako na po, ang gagawa ng inuutos ninyo, Mahal na Reyna *yumuko* (Ito ang tiyansa ko para makita't mapuntahan sina Daedalus at Icarus)

Pasiphaë *tumango*

Selena *kinuha ang mga pagkain at lumabas ng kwarto*

Inikot ni Selena ang buong kaharian upang mahanap sina Daedalus.

Hanggang sa nakita na nga niya ito na may ginagawang bagong imbensyon.

Selena *lumapit at hinawakan ang kanang braso ni Daedalus*

Daedalus *lumingon* ???

Selena: Kailangan nating mag-usap ng maigi, Daedalus

Nagpakilala si Selena kay Daedalus at ikwinento niya kung paano makukuha ni Pasiphaë ang sumpa na mula kay Poseidon.