Chereads / The Saintess, The Villainess, and The Enchantress / Chapter 49 - Kabanata 49: Ang itawag ninyo sa akin ay Calla

Chapter 49 - Kabanata 49: Ang itawag ninyo sa akin ay Calla

Ipinakita ang bawat patak ng nyebe ang buhay niya bilang si Calla. Kabilang dito ang kanyang mga magulang na sina Callista't Martin, simbolo ng pulang bituin sa kanyang batok, kababatang kasama niyang lumaki't minahal ng husto na Si Sylvan.

Sylvan *binigyan ng puting rosas si Calla* Maligayang Kaarawan sayo, Calla *ngumiti*

Calla *kinuha ang puting rosas mula kay Sylvan* Salamat, Labing-pitong taong gulang na ako, hahaha!!!

Selena *ngumiti*

Ang propesiya, mga kaibigan, at mga ginawa niya para matalo ang mga halimaw at Si Lusifero din. At nang mamatay siya bilang si Calla, nakita niya kung paano ito mangako't pumayag sa desisyon ng Diyos.

Calla *lumuhod* Pumapayag ako ng mawalan ng alaala at mabuhay muli sa daigdig upang ubusin na ng tuluyan ang mga halimaw, Mahal kong Diyos

At muli na nga siyang pinanganak ngunit namatay siya matapos maisilang ni Aerwyna kaya ginawa ni Castel ang lahat upang mabuhay siya kasama ang kanyang mga kapatid na namatay din matapos na maisilang sa mundo ngunit may nasangging mga kemikal si Castel at tumapon sa kanila

na siyang dahilan nang biglaan nilang paghinga ulit sa mundo, pagkakaroon ng kapangyarihan, at pinangalanan siya bilang Selena, pagkabata, mga kapatid na sina Aerielle at Aella, mga taong natulungan at nakilala, at ang koneksiyon at pagkakakilala't pagmamahalan nila ni Zilpher na reinkarnasyon ni Sylvan.

Selena *naiiyak* Sylvan...., ang minamahal kong Sylvan

Kung paano tinulungan at kinausap ni Callista si Zilpher....

Selena (Buti na lang, tinulungan siya ng aking Ina kundi pang habang buhay siyang magwawala sa mundo bilang isang Titan).

Higit sa lahat, ang mga ginawa sa kanya ng mga halimaw noong dinukot siya ang siyang nagpalakas at nagpatibay sa kanyang katawan, isipan, at puso.

Callista: Lahat ng ito'y ginawa't plinano ng Diyos upang ihanda ka sa nalalapit at kakaharapin mong digmaan at delubyo.

Selena *ngumiti kay Callista* Salamat, dahil hindi ka kahit na kailan na nawala sa tabi ko, lagi mo akong tinutulungan sa lahat ng bagay, at lagi mong binibigyan ng linaw at liwanag ang aking kaisipan sa tuwing ito'y naguguluhan at naghahanap ng sagot sa aking mga katanungan.

Callista: Anak, kailangan mo ng magising upang matulungan mo sina Zilpher sa kanilang laban at matapos mo ang misyon na ibinigay sayo ng Diyos.

Selena: Sige po, Ina

Callista *hinalikan ang noo ni Selena* Hanggang sa muling pagkikita natin, Calla

Selena *pinikit ang mga mata*

Samantala....

Gusano: Kainis!! (Kailan ba sila mauubos??, lalo silang nadami!!)

Zilpher: Gising, Sel!!!

Maya-maya ay biglang naging gintong alikabok ang buong katawan ni Selena...

Zilpher: Sel?!

Pagkatapos ay pinuntahan ito ng mga purple na paro-paro at pinaikutan at sinabay ito sa kanilang paglipad sa hangin.

Zilpher: !!!!

Kasama ang mga paro-paro, bumuo ang gintong alikabok ng isang katawan ng babae at nagliwanag.

Hilama *tinakpan ang mata* (Ano ang liwanag na iyon?!)

Gusano: Nakakasilaw!!

Ang lahat ng nandoon ay nasilaw sa liwanag na nagmumula sa may hangin.

Zilpher: Tsskkk!!!

Pagkatapos ang katawan niyo ay binalutan ng ginintuang baluti na kung saan ay halos kasingtulad sa baluti ng mga Valkyrie at tinubuan ng purple na pakpak ang likod nito. Binigyan ito ng ginintuang espada't kalasag sa magkabilang kamay nito at pinaligiran ng mga purple na paro-paro at purple na mahika. Nagkaroon ng maputing balat, kulay puti, mahaba't makulot na buhok, makulay na mga mata, purple na labi, at pinaliligiran siya ng ginintuang awra.

??? *dumilat at lumapit kay Zilpher* Zilpher *ngumiti*

Zilpher: Selena?!

Selena *tumango't niyakap si Zilpher*

Ako nga, nang dahil sa pagpapaalala mo sa akin patungkol sa tunay kong pagkatao ay tuluyan na akong nakalaya mula sa kontrol ni Nefertirani *pinakawalan si Zilpher mula sa kanyang yakap* Ngayon, wawakasan ko na ang buhay ng mga halimaw na naririto! *Lumipad at sinugod ang mga halimaw*

Hilama (Tsskkk!!, nawala na Si Ireña ng tuluyan) Nabigo kami sa plano namin! *kinagat ang labi* Sugurin siya!

Mga Halimaw: Grrgghhhh!!!!

Selena: Umalis na kayo dito't dalhin ang mga sugatan, Gusano!

Gusano: Selena?!

Selena: Huwag kang mamangha't tumunganga diyan, gawin mo ang inuutos ko sa inyo!

Gusano *tumango*

Nilabanan ni Selena ang mga natira't nabubuhay na halimaw sa Kanux.

Gusano: Magiging okay lang kaya siya doon ng mag-isa??

Zilpher: Oo sapagkat nagising na sa wakas ang natutulog niyang tunay na kapangyarihan sa kanyang loob *ngumiti*

Hilama: Bakit naghihilom agad ang mga sugat niya??!!! (Huwag mong sabihin na may Imortalidad na siya?!) Yaahhh!!!! *sinugod si Selena*

Selena *umilag at sinaksak ang puso ni Hilama gamit ang kanyang espada* Ito ang nababagay sa kagaya mong niloko, nilinlang, at pinatay si Heraldo ng walang awa *tinitigan ng masama si Heraldo* At para na rin ito sa ginawa mong eksperimento para sa katawan ko

Hilama: Aahhh!!!!

Bago tuluyang mamatay si Hilama ay nakita niya Si Heraldo na nakatayo't nakatingin sa kanya.

Hilama (Ah, mukhang nagustuhan ko din talaga si Heraldo noon at ngayon) Patawad, Heraldo pero huli na ang lahat bago ko mapagtanto ang tunay kong nararamdaman para sayo *namatay*

Habang nakikipaglaban si Selena ay mayroon pa palang mga natirang torista ang nagtatago sa may batuhan at nakita ang lahat ng pangyayari. Ang mga taong yun ay anak ng mga politiko't mayayaman na pinakulong ni Selena noon nang dahil sa mga krimen na ginawa ng mga ito.

Xyron (May kapangyarihan din si Selena??, edi ibig sabihin ang mga kapatid niya'y may mga kapangyarihan din?!) Ang nakita natin ngayong araw na ito ay maaari natin gamitin laban sa kanila upang mapabagsak ang mga De Lolce ng tuluyan at mapatalsik sila sa kanilang mansyon at trono (Sa wakas ay maipaghihiganti ko na din ang aking ama na nakulong dahil sa pangengelam nila sa kaso noon).

>Si Xyron Von Deutch ay anak ng isang manggagahasa at manyakis na politiko na ipinakulong noon ni Selena't Aella.<

Sumang-ayon ang mga kasama ni Xyron at umalis sila ng palihim sa lugar na iyon.

Lumipas ang isa't kalahating oras....

Selena *pumunta sa lugar nina Zilpher* Maayos ba ang lahat ng nandito ngayon at walang namatay?

Lahat ng nandoon ay tumango....

Gusano: Ang ganda lalo ng kulay na ng buhok mo't parang makulay na mga diyamante ang itsura ng mga mata mo. Higit sa lahat, ang laki't ganda ng kulay ng mga pakpak mo *namamangha* Pwede hawakan?

Zilpher *kinutusan si Gusano*

Gusano: Aray! *hinawakan ang ulo niya* Biro lang eh

Zilpher: Huwag mong pansinin yan, Selena at alam kong pagod ka na, kaya maaari ka na munang magpahinga doon *may itinuro*

Biglang naglaho ang mga pakpak ni Selena...

Gusano: Nawala mga pakpak mo?!

Selena: Itinago't pinaglaho ko muna, hehe! *ngumiti* At kapag nakalitaw ang mga pakpak sa aking likod, ang gusto ko na itawag ninyo sa akin ay Calla *tumingin at ngumiti kay Zilpher*

Zilpher (Natatandaan na niya) Sige, Calla *ngumiti din*