Sa pagpapatuloy.....
Zilpher: Grrgghhhh!!! (Buti na lang ay mas malakas ako kaysa sa mga Titan na ito)
Gusano (Bakit kaya kami tinutulungan ng Titan na to??)
Samantala.....
Noong papunta na sina Ismael at Heraldo ay biglang may mga halimaw na humarang sa kanilang daanan.
???: Poo-Poo!!
Heraldo (Mga Peabombers!)
>Ang mga Peabombers ay katulad lamang ng mga Peashooters ng Plants vs Zombies ngunit ang kanilang kulay ay pula at nakakagalaw sa pamamagitan ng mga ugat na nakakapit sa ilalim ng kanilang tangkay. Naglalabas din sila ng mga bolang sumasabog kapag tumama ito sa kanilang biktima.<
Ismael *nilabas ang espada* Puntahan mo na po ang Reyna at tumakas na kayo!, ako na ang bahala dito!
Heraldo: Sige! *tumakbo palayo*
Ismael: Yaahhh!!! *sinugod ang mga Peabombers*
Samantala sa kwarto ni Selena....
May isang babae na may kayumanggi na balat, may salamin, may kahel at kulot na buhok, may dilaw na mga mata, at nakasuot ng berdeng damit, pantalon, guwantes, at bota na kung saan ay pinapalibutan ito ng madaming dahon ang papalapit ng papalapit sa natutulog na Si Selena.
??? *huminto* Kailangan ka na ng reyna mo, Selena
Nang may ituturok na ito kay Selena ay biglang.....
Bang!
???: Sino ka??!!!
??? *lumingon* Ah, ang isa sa mga aso ng hari ng Exolorus *ngumiti*
??? (Teka..., parang kilala ko to....) Hilama??!!!!
Hilama: Ako nga, Heraldo
>Si Hilama ay naging kaklase noon ni Heraldo sa kolehiyo at gustong-gusto na babae noon ni Heraldo.<
Heraldo: Bakit ka naging kakampi ka ni Nefertirani??, di ba, tama??, Si Nefertirani ang nagpadala sayo dito??
Hilama: Oo at matagal na akong kakampi ni Nefertirani, dahil isa din akong halimaw. Isa pa, kaya lang ako nag-aral sa eskwelahan mo noon sapagkat minamanmanan ko ang bawat kilos ninyo, Hahaha!!!
Heraldo: Kaya pala hindi na kita masulatan at hindi ko na alam ang nangyayari sayo pagkatapos nating magtapos ng kolehiyo sapagkat kauri ka din pala ng babaeng iyon! *may nilabas na panturok mula sa kanyang bulsa at sinugod si Hilama* (Mahirap para man sakin ito dahil nagustuhan ko siya noon pero isa siyang halimaw at binilin sa akin ng kaibigan ko na protektahan ko ang babaeng pinakamamahal niya) Lumayo ka sa Reyna namin!
Samantala....
Gusano: Oh, Kamahalan, Saan ka nagpunta??
Zilpher: May ginawa lang saglit *napalunok* (Siyempre, kailangan kong lumayo para makabalik sa dati kong anyo) Oh, tapos na pala ang labanan *nagkukunwaring nagulat*
Gusano: Oo, tinulugan kami nung isang Titan na naiiba sa lahat ng Titan. Yung kwinento ko sayo kanina, yun iyon, yun din ang tumulong sa amin noong sinugod ng tao mga halimaw sa Simbahan.
Zilpher: Ah.....
Maya-maya....
Zilpher: Aalis na tayo!!
Ngayon, balik na tayo kay Selena.....
Heraldo: Yaahhh!!!!
Hilama *inilagan* Hanggang ngayon ay mahina ka pa din *hinawakan ang mga braso ni Heraldo at sinuntok ang tiyan nito*
Heraldo: Ack!!! *may lumabas na dugo mula sa kanyang bunganga* Ahh!!! *natumba at nabitawan ang panturok*
Hilama *tinapakan ang panturok ni Heraldo* Sa patalinuhan ka lang talaga may binatbat ngunit sa usaping pisikalan ay walang-wala ka, para ka lang isang maliit na langgam*
Heraldo: Tsskkk!!! *hinawakan ang kanyang masakit na tiyan*
Hilama *hinablot ang damit at binuhat si Heraldo papuntang pader at itinaas ito* Kaya ka inaaway noon eh kasi napakahina mo! *sinakal si Heraldo*
Heraldo: Ackkk!!!
Habang sinasakal siya ay bigla siyang may naalala tungkol sa isang pangyayari sa kanyang kolehiyo.
Sa sulok ng silid-aralan....
Bully #1 *tinatadyakan si Heraldo*
Bully #2 *tinatadyakan din si Heraldo*
Bully #3: Yan ang bagay sayo, hahaha!!!
Bully #4: Bida-bida ka kasi sa klase!
Heraldo: Ackkk!!! *hinawakan ang kanyang ulo't tiyan*
Pagkatapos ay may biglang pumukpok sa ulo ng mga bully gamit ang walis.
Bully #1: Halima?!
Bully #2: Tsskkk!!!!
Halima: Kapag hindi ninyo siya tinigilan ay isusumbong ko kayo sa prinsipal!
Kaya biglang tumakbo't umalis ang grupong nang bubugbog kay Heraldo.
Halima: Ayos ka lang?? *ngumiti*
Heraldo *namula*
At doon na nga naging kaibigan at nagsimulang magustuhan ni Heraldo si Halima.
Heraldo: Ack!, lahat ba ng ipinakita mo sa akin noon ay peke??, hindi ba talaga kaibigan ang itinuring mo sa akin noon??
Halima: Oo, lahat ay peke *ngumiti ng kaunti*
Heraldo *ngumiti* Hah!, tama ang desisyon ko na hindi aminin ang tunay kong nararamdaman sayo noon.
Halima: ....
Hanggang sa binawian ng buhay si Heraldo....
Heraldo (Patawad, Kamahalan ngunit nabigo ako sa misyon na inutos ninyo sa akin) Patawad din, Selena (Sana ay naging mabait ako sayo noon at sana ay inayos ko ang trato ko sayo) *napapikit ng mata*
Halima: Napakadali naman nun, hindi ko kinailangan na gamitin ang kapangyarihan ko bilang isang Poison Ivy *lumakad muli papunta kay Selena*
>Ang Poison Ivy ay isang uri ng halimaw na kung saan ang kanyang dugo ay dinadaluyan ng lason kaya lahat ng mahawakan niya ay namamatay at nang dahil dito ay hindi siya tinatablan ng kahit anumang uri at klase ng lason, virus, bakterya, at fungi. Nakokontrol at naiimpluwensiyahan din niya ang kahit na sinuman na nais niya't tao sa pamamagitan ng taglay niyang karisma't kagandahan. Higit sa lahat, nagtataglay ito ng kapangyarihan na kayang bumuhay ng mga halamang namatay, gawin itong halimaw, at pakilusin ito sa kahit anong paraan na gusto niya.<
Hilama: Ngayon ay wala ng makakapigil pa sa akin na makuha ka
Biglang....
Bang!
Hilama *nainis* Na naman?! *lumingon*
Ismael: Ano ang nangyari dito?!
Nakita ni Ismael na nakahandusay sa lapag si Heraldo.
Ismael: Tskkk!!!
Hilama *tinanggal ang guwantes ng kaliwa niyang kamay, may lumitaw at bumukas na mata sa kanyang kaliwang palad, at tumakbo papunta kay Ismael*
Bago pa lamang na mailabas ni Ismael ang kanyang espada ay nahawakan ang kanyang kanang braso ng mahigpit ng babaeng tumakbo na papunta sa kanya. Pagkatapos ay....
Ismael (Berdeng usok?!) *cough!, cough!!!*
Hilama *binitawan ang braso ni Ismael* Pasensya ka na, bata pero dito na matatapos ang buhay mo
Hinawakan ni Ismael ang kanyang leeg at napasandal siya sa may pintuan. Unti-unting umitim at naging purple ang kanyang mga balat at ang kulay berde niyang ugat ay naging kahel.
Ismael: Hah! Hah!! *nanunuyot ang laway at nahihirapang magsalita* Ahh!!!
Hanggang sa nawalan na siya ng balanse at tumumba ang buong katawan niya sa may lapag. At naging isang kalansay.
Ismael *binuksan ang pinto* Pasok at buhatin ninyo si Selena, aking mga alagad* (Mukhang pinainom nila ng pampatulog si Selena) Ngunit hindi ko alam kung bakit nila ginawa yun pero... *ngumiti* (Pabor yun sa akin kasi makukuha ko si Selena ng walang kahirap-hirap).
Binuhat ng mga alagad ni Hilama si Selena.
Hilama: Tapos na ang misyon natin dito, tayo na!
At ayun na nga ay umalis na sila habang kasama nila Si Selena.