Chereads / The Saintess, The Villainess, and The Enchantress / Chapter 45 - Kabanata 45: Ang anak ni Lusifero

Chapter 45 - Kabanata 45: Ang anak ni Lusifero

Sa pagpapatuloy....

Nanggagalaiti sa galit si Selena nang malaman niya kung sino ang pumatay sa kanyang guro.

Hilama: May nakuha din si Eliza na libro kay Rain ngunit ng binasa namin ay mayroong mga kulang-kulang na pahina.

Selena (May pinunit siguro ang aking guro na importanteng mga pahina, kailangan kong makuha't mahanap ang mga iyon kahit anong mangyari sapagkat nararamdaman ko na ang mga nawawalang pahina ay mayroong patungkol sa akin.) .... (Ngunit kailangan ko munang makatakas dito para magawa ko iyon). Nasaan na ngayon si Eliza?

Hilama: Patay na siya

Selena (Paano ko maipaghihiganti ang guro ko kung patay na ang taong pumatay sa guro ko?!) Sino ang pumatay sa kanya??

Hilama: Zilpher Farley

Selena *nagulat*

Hilama: Hhmm??, hindi ba sinabi sa iyo ng asawa mo at sa pagkakaalam ko ay alam niya ang lahat ng nangyari sa iyo noong nandito ka noon sa lungga namin nang madukot ka namin.

Selena (Kung ganun ay kaya niya ba ako pinatulog upang madukot ng mga halimaw muli at magamit sa mga plano sapagkat kakampi ng mga halimaw ang buong bansa ng Exolorus??, Kaya siguro nanatiling matatag at makapangyarihan ang Exolorus at hindi nakakaranas ng krisis dahil sinusuportahan sila ni Nefertirani. Ibig sabihin din ba nito ay pinaglalaruan lang ako ng mga taong mula sa bansang Exolorus lalo na ni Zilpher at yung mga pinatay namin na magkasama, kwentuhan, katuwaan, planong paghihiganti ay isang palabas lamang upang pagkatiwalaan ko siya ng husto?!) *kinagat ang labi*

Hilama: Oh, bakit naging ganyan ang ekspresyon mo??, huwag mong sabihin na naloko ka din ni Zilpher??

Selena: ?!

Hilama: Kaya nga namatay si Eliza eh, dahil nga nalinlang siya gamit ang mga salita ng asawa mo.

Zilpher *lumuhod* Pangako, tutulungan ko kayong makuha si Selena basta tanggalin ninyo lang yung sumpa na ibinigay ninyo sa akin noon, hirap na hirap na kasi ako, Eliza. Nagmamakaawa ako sa inyo, tanggalin ninyo lang ito't mangangako ng katapat at magiging sunud-sunuran ako sa inyong mga halimaw.

Selena (Kung ganun ay hindi palabas yung mga pinakita't ipinaramdam niya sa akin pero bakit niya ako pinainom ng pampatulog??, Hindi sana ako madudukot kung gising at nakalaban lang ako kanina) Tsskkk!!!

Pagkatapos ay biglang may dumating na babae na may mahabang sungay at itim na mga pakpak.

???: Mukhang nandito na ang alaga ko *ngumiti*

Hilama at Kaori *yumuko* Maligayang pagdating, Mahal na Reyna!

Selena (Nefertirani!!!)

Nefertirani: Hhhmmmm..... (Kahawig niya talaga si Calla kaya masaya ako na ikaw ang nadukot imbis na yung kapatid mong isa. Gustong-gusto ko kasi na lumuhod, magmakaawa, at maging sunud-sunuran sa akin si Calla sapagkat nanggigil ako sa mga ginawa niya laban sa amin noon!! pero hindi na mahalaga ang mga iyon, ang mahalaga ngayon ay....) Magagamit na din kita sa wakas para sa mga plano ko!

Selena: Hindi ako papayag na gamitin ninyo ako ng ganun na kadali't sa kahit anong gusto ninyong paraan!

Nefertirani: Tignan natin *ngumiti*

Kaori: Kailangan natin pong matanggal sa kanyang kamay ang suot niyang pulseras upang mapasunod siya.

Nefertirani: Sige, tanggalin ninyo

Kaori: Ngunit may problema, mayroong mahikang nakalagay sa pulseras na kung saan ang taong nagbigay at nabigyan ng pulseras na ito ang tanging makakatanggal ng pulseras na ito.

Nefertirani: Kung ganun ay tanggalin ninyo ang mahikang nakalagay sa pulseras na iyan

Kaori: Sige, Kamahalan!

Nefertirani: Alam mo naman siguro kung paano matatanggal ang pulseras na iyan, tama ba??

Kaori *tumango*

Selena (Tsskkk!!, masama ito!)

Nagsimulang magsalita si Kaori sa wikang Latin.

Nefertirani: Hilama, utusan mo ang mga Jelly Monsters na atakihin ang lugar na kung saan ay matatagpuan si Zilpher.

Hilama: Sige po *umalis*

Lumipas ang isang oras....

Habang nagpupulong sina Zilpher....

Bang!

Kawal: Kamahalan, Sinusugod ng mga Jelly Monsters ang bayan ng Kanux!

Zilpher *tumayo* (Mukhang galing ang mga halimaw sa mismong kampo ni Nefertirani) Magsipaghanda kayo, pupunta tayo ng bayan upang patayin ang lahat ng mga halimaw na sumusugod doon!

Mga Kawal *yumuko* Opo!

Samantala.....

Kaori *tinanggal at binato ang pulseras sa lapag*

Selena: Acckkk!!!! (May nararamdaman akong hindi tama't dapat na dumadaloy sa buong katawan ko!)

Hilama: Oh ito, para mas mapabilis ang pagpapalit mo ng anyo *tinurukan ng pulang likido sa kanang braso ni Selena*

Selena: Aahhh!!!

Unti-unting nagiging pula ang kulay ng mata ni Selena at nagiging itim ang kanyang buhok.

Samantala....

Sa mansyon ng mga De Lolce....

Sa hapagkainan

Aella: Miss ko na Si Ate

Aerielle: Ako din (Sana'y maayos ang kalagayan mo diyan sa Exolorus, Selena)

Ngayon ay balik na tayo sa nangyayari kay Selena.

Sa isipan ni Selena....

Sa isang madilim na kwarto ay nakahiga si Selena sa kulay itim na kama habang may itim na piring ang kanyang mga mata, may itim na tape sa kanyang bibig, at nakatali ang kanyang mga paa't kamay sa hawakan ng kama gamit ang pulang laso. Pagkatapos ay may lumapit at tumabi sa kanya na isang babae na may mahaba't makulot na buhok at pulang mga mata na may kasuotang kulay itim na mahabang bestida.

???: Dito ka lang muna, Selena, ako ng bahalang magpagalaw sa isip, puso't katawan mo *ngumiti ng nakakatakot*

Samantala ang grupo ni Gusano ay tumutulong sa mga tao na lumikas sa bayan ng Kanux.

Gusano: Umalis na kayo!

Habang ang grupo naman ni Zilpher ay nakikipaglaban sa mga Jelly Monsters.

Zilpher: Yaahhh!!!

Swish! Swoosh!!!

Ngayon ay bumalik na tayo kay Selena...

Selena *napapikit ng mga mata't napayuko ng ulo*

Maya-maya....

Selena *dumilat at tumingin kina Nefertirani*

Naging kulay pula ang mga mata ni Selena't naging kulay itim ang kanyang buhok.

Nefertirani *ngumiti* Ikinagagalak namin na makita kang mabuhay muli, Ireña

Lahat ng halimaw ay lumuhod sa harapan nina Nefertirani at Ireña.

>Si Ireña ay anak ni Lusifero, pinakamagaling na mandirigma, matalino, at pinamumunuan ang hukbo noon ni Lusifero ngunit siya'y napatay din noon nina Calla at Sylvan bago mapatay ang kanyang ama.<

Clank! Clank!!!

Natanggal ni Ireña ang kadenang bumabalot sa buong katawan niya.

Ireña: Nefertirani, ikaw ba ang muling bumuhay sa akin gamit ang katawang ito??

Nefertirani: Ganun na nga, Prinsesa

Ireña: Kung ganun, ano ang gusto mong ipagawa sa akin??

Nefertirani *ngumiti* Gusto kong wasakin mo ang buong sanlibutan at muli nating pagharian ang mundong ito na tayo lamang na mga halimaw ang nabubuhay dito.

Ireña *ngumiti* Sige, pumapayag ako

Nefertirani: Pero bago muna iyon, gusto kong patayin mo si Zilpher Farley sapagkat pinatay niya ang iba sa amin.

Ireña: Nasaan ang taong sinasabi mo?

Nefertirani: Nasa may Kanux, sasamahan ka ng aking kanang kamay na Si Hilama sa paglalakbay at pagpunta mo doon.

Hilama *yumuko* Ikinagagalak kong makita't masilayan ang iyong kapangyarihan, kagandahan, at kalupitan na ipapamalas mo sa mundong ito, Prinsesa Ireña

Ireña: Kailangan ko ng espada't kalasag

Nefertirani: Huwag kang mag-alala, ipinahanda ko na ang susuotin mo't mga sandata na gagamitin sa labanan sa aking mga alagad.

Ireña *ngumiti* Kung ganun, simulan na natin ang pagsakop sa buong mundo.