Chereads / The Former Villain / Chapter 5 - Chapter 3

Chapter 5 - Chapter 3

Third Person's POV

'Ba't pa ako umasa? Eh palagi naman siyang walang pake sa 'kin.'

Kitkat was once again disappointed when Jax turned around his back to them and didn't care which he usually does. It's always like this scenario whenever Kitkat was in trouble.

This is the first time she asks for help but it still doesn't work. Kitkat wanted Jax to avoid Clark's group but this time she's so desperate. She really wanted to avoid them. She knew that Noreen's the one who ordered Lance to get her because she's been avoiding her for almost three days now.

Hindi lang sa inagaw ni Noreen si Clark sa kanya, ginawa rin siyang utusan sa grupo. Dahil sa walang gustong kumalaban sa kanila maliban sa gangsters na kasali sa rankings, wala siyang magawa kundi sundin ang mga utos nila. Takot siyang parusahan. Wala ring pake si Clark sa pinaggagawa ng members niya at ni Noreen kay Kitkat kaya mas lalo siyang nasasaktan. 'Di tuloy alam ni Kitkat kung mahal ba talaga siya ni Clark n'ong time na sila pa.

"Bitawan mo 'ko! Sasama na 'ko sa 'yo!"

Kinagat niya ang kanyang labi pagkatapos niyang sabihin iyon. Nasasaktan siya dahil pati si Jax ay walang pake sa kanya kahit na humingi na siya ng tulong. Ano ba talaga ang in-expect niya? Na magiging magkaibigan sila kasi palagi niya itong pinapansin? Nah! Jax is a cold-hearted one.

...

Jax saw a student holding a cola in can and without a second thought, he snatched it right away which made the student shocked. Sa malayo pa lang, agad niyang binato ang hawak niyang cola sa lalaking kumaladkad kay Kitkat. Sapol naman ito sa ulo at napahiyaw sa sakit kaya 'di maiwasang ngumisi ni Jax.

"Pota! Sino 'yon!" galit nitong sigaw tsaka napalingon sa gawi ni Jax. Napalingon din si Kitkat sa kanya at nanlaki ang mga mata nito. Nang malaman ni Lance na siya ang may gawa, binitawan niya agad ang braso ng dalaga tsaka mabilis na nilapitan si Jax.

Sa mga estudyanteng nakakita, nagsimula naman silang nagbulong-bulongan dahil sa nangyari. 'Yong iba huminto pa talaga para manood.

"Diba siya 'yong tahimik na baguhan na palaging first rank?"

"Oo, baguhan pa 'yan dito. Ang alam ko, ngayong taon lang siya lumipat dito."

"Kinalaban pa niya ang isang member ng Mysterious Knights! Sayang siya!"

"Siguro bukas 'di na siya tatantanan ng mga 'yan. Paalam na lang sa kanya in advance."

'What a name! So disgusting!' Jax smirked by what he heard. He already knew the name of the group of first gang rank and he still couldn't think why those stupid named it that way. For him it's so childish and lame.

'Mysterious Knights? What's that? They're that mysterious as fuck? And Knights? What the hell! Were they in disney?'

Deep inside nawala ang lungkot ni Kitkat nang makita si Jax pero at the same time ay kinakabahan siya sa mangyayari.

'Ba't kinakabahan ako bigla sa pagngisi niyang 'yan?' sa isip ng babae.

Galit na galit si Lance na lumapit kay Jax. Nakapamulsa pa ito habang nakangisi sa kanya at inaantay siyang lumapit dito.

Bago pa tuluyang makalapit si Lance sa kanya, sinalubong niya ito ng isang malakas na tadyak sa dibdib dahilan nang napaatras si Lance at napagulong sa lupa. Mostly sa mga nakakita ay napasinghap, 'yong iba napasigaw pa. Mas lalo tuloy nilang nakuha ang atensyon ng karamihan.

Si Kitkat naman ay napatakip sa bibig gamit ang dalawang kamay niya dahil sa 'di niya inasahang kayang gawin iyon ni Jax. Napaka-unexpected mula sa taong napakaseryoso sa pag-aaral at lumalayo sa gulo.

Jax smirk and smile devilishly knowing that the asshole is now feeling more embarrass than before. Lance quickly got up and brushes his hair upward out of frustration while cursing. Jax crossed his arms and just raise his right eyebrow while looking at Lance with thrill on his eyes.

'I miss doing this!' Jax thought.

His smile fades away as he felt some intent gaze from his right side. He didn't look who it is but he already knew that it is the leader of Mysterious Knight watching them intently together with his members.

As Jax also loves attention, he felt more thrilled and excited than earlier.

Mabilis na lumapit si Lance sa kanya at susuntokin na sana siya... nang mabilis lang niya itong inilagan. Ni hindi nga siya napaatras mula sa kanyang pwesto.

Madali niya namang nahawakan nang mahigpit ang braso nito at sobrang bilis niyang nasuntok sa tiyan si Lance. Napayuko naman ito sa sobrang sakit pero 'di pa rin binitawan ni Jax ang braso nito.

Sa mga normal na estudyanteng nakakita, 'di alam kung anong nangyari kasi 'di nila masyadong nakita ang pagsuntok ni Jax dahil sa sobrang bilis nito. Sa gilid naman nanonood nang seryoso sina Clark, kasama pa nito ang girlfriend niyang si Noreen at ang apat pa nilang ka-myembro.

They were both shocked and amazed. Who would have thought that the silent transferee before had a guts fighting them back. He was so mysterious to them and they didn't even have an idea where he came from. But they knew that base on his clothes and things, he's not poor.

Mas hinigpitan pa lalo ni Jax ang paghawak niya sa braso ni Lance dahilan nang namimilipit siya lalo. Ginawang mabuti ni Lance na 'di mahalata ng karamihan na nasasaktan na siya sa simpleng paghigpit lang ng hawak nito. Sinubukan niyang tingnan ang lalaking kaklase ni Kitkat tsaka sinamaan niya ito ng tingin. Pero 'di man lang ito mukhang natakot sa kanya at nakangisi pa.

"Pagbabayaran mo 'tong gago ka!"

"I'm just letting you pay me so that we're even. You even poured me your fucking cola earlier!" Jax smirked again and it is intentionally.

The moment Jax threw him the cola in can, they're already even.

This is the first time Lance heard this guy talk but he couldn't believe he's speaking in English. It's not that he's ignorant about it; it is just rare that someone speaks English in this lowlife school. And those rare once were all rich.

Nilapit ni Jax ang mukha niya kay Lance at mahinang nagsalita. "Hide your pain properly so you wouldn't be embarrassed. This is what you wanted right? Getting everyone's attention? Would you want them to know you're feeling such pain from me?"

Jax's voice is colder than what he expected and his naughty grin which made him feel more irritated.

"Fuck you!" malutong na mura ni Lance sa kanya na ikinatawa ng kunti ni Jax.

Inilayo ni Jax ang mukha niya at nagtitigan silang dalawa. Jax couldn't hide his grin while Lance gritted his teeth out of anger. Nasasaktan na siya nang sobra pero hindi niya magawang ipakita sa lahat iyon kasi pagtatawanan siya. Jax knew that guys like them had so much pride and ego.

"Tangnang mo! Ito ang huling araw na mag-aaral ka ritong matiwasay. 'Di mo pa yata kilala kung sinong binangga mo!"

Umakto naman si Jax na parang natakot siya sa sinabi nito, pero ilang segundo lang ay natawa siya nang mahina na parang pinipigilan niyang tumawa. Mas lalo namang nagalit si Lance at nainis sa inasta nito.

'I'm not this corny before. I was cool rather!'

He couldn't stops smiling realizing how corny that phrase was. After recovering, he looks at him seriously and said, "and you also doesn't know how asshole I was."

Walang ibang nakakaalam kung anong pinag-uusapan nila kasi pareho lang silang nagbubulungan. Mas lalong hindi mapakali si Kitkat dahil sa nangyari. Hindi niya alam kung hihilahin ba niyang muli si Jax paalis o hindi. Kasi sa totoo lang, hindi pa rin siya makapaniwala kay Jax. Siya lang ang nakakita na sobrang higpit na pala ang paghawak nito kay Lance. Kaya pala hindi ito gumalaw eh sa mga oras na 'to, nagpapasikat na 'to sa karamihan.

'OMG! Pa'no niya natadyakan sa dibdib si Lance? Omg! Ba't ang hot niya? Siya ba talaga ang Jax Blaine na kilala ko?'

Hindi pa rin tumigil ang malakas na pagtibok ng puso ni Kitkat habang hindi inaalis ang tingin niya kay Jax. Mas lalo siyang na-inlove sa binata.

Hindi naman alam ni Kitkat na matindi na pala siyang tinitigan ni Clark sa malayo habang tulala siya kay Jax.

Binitawan ni Jax si Lance at sinuntok agad sa mukha nang napakalakas. Natumba si Lance at mas dumami ang taong nanunuod sa kanila. Lalapitan na sana sila ng ka-myembro ni Lance pero pinigilan sila ni Clark.

Nacu-curious si Clark sa lalaking kumalaban kay Lance. Alam niyang magaling makipaglaban si Lance at kahit sino ay wala pang kumalaban sa kanila nang mag-isa lang.

Nang muling nakatayo si Lance, napatingin siya sa paligid at 'di niya inasahang marami na palang nanunood sa kanila. Galit na galit niyang binaling ang masama niyang tingin sa lalaking nasa harapan niya.

"If you bully someone, bully properly!" malamig nitong sabi sa kanya. Tinitigan pa siya nito sa mata at 'di niya alam kung anong maramdaman niya sa mga titig nito.

Hindi na nakapagpigil ang mga members ng Mysterious Knights at lumapit na sa dalawa. Binalingan ng tingin ni Jax ang ibang members nito tsaka muling nag-smirk.

"I didn't even fight you and they already back you up? You call yourself a fighter?" muling pang-iinsulto niya kay Lance tsaka napalingo-lingo pa.

Tinalikuran na niya ito at mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Kitkat at kinaladkad ito paalis sa lugar. Susundan pa sana sila ng members ng Mysterious Knights pero pinigilan sila ng leader nila.

Inis na inis namang nakatingin si Noreen kay Kitkat kasi matagal na niya itong hinintay na lumuhod sa harapan niya at humingi ng patawad dahil sa 'di pagsunod ng kanyang utos. Napasulyap din siya sa lalaking gumawa ng eksena kanina at 'di niya maiwasang magtaka.

"He's a rare one," sabi ni Noreen na ikinatango ni Clark.

Hindi na sila nakihalubilo sa mga kasama nila at umalis lang sa lugar.

Napahinto naman si Noreen nang may naalala siya. "Why he looks familiar to me?" wala sa sarili nitong banggit. 

...

Itutuloy...