Chereads / The Former Villain / Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 7 - Chapter 5

Jax Blaine' POV

I don't want her to think that I'm opening myself to her. I only needed to remind her that I'm not that weak. Who the hell would think that the former leader of the famous Elites is weak? I still have my pride. I don't want her to overreact and just to stop her damn imagination.

All I wanted is to scare her and I was satisfied by her reaction. She didn't blink while staring straight to my eyes. She's shock and cannot move so I stare her more intently to let her know I was damn serious.

But I noticed her eyes are black than what I thought. This is the first time that I stare at her eyes closely and I admit they are beautiful… aside from that, she looks stupid.

I walk away from her and go back to my position. I get one cigarette and lit it. I glance at her for a second and I saw how idiot she looked like. I turn my back to her as I get my phone and dialed my enemy's number. But damn! He's still cannot be reached!

I don't have a choice so I dialed different number and after a few rang, she answers the call.

"Hindi ko in-expect na tatawag ka," she automatically says that so I rolled my eyes. "So was I…" I sarcastically replied. I didn't also fucking expect that I'm gonna call her.

"Ba't napatawag ka?" her voice still sounds innocent, too different to how she fights.

"I still cannot contact your boyfriend! What happened to that Exseven of yours?"

"And why would I tell you?"

"Admit it Lavandeir, you also doesn't know what he's doing for years now. How I wish he's already in peace. Condolence in advance!"

I'm not just teasing her. I really wish that to happen. I only have one wish that I was so desperate to happen; it's either he already died that's why he's missing in action or turn back the time and just let me die there!

"Ano ba talaga kailangan mo?" she still sounds innocent but she's kinda bit irritated that made me smirk.

I don't really expect we have a conversation like this. She was once one of the bullied before but now she's treating me like how her boyfriend treats me! They must be enjoying this.

I suddenly felt Kitkat's presence walking towards me. 'Now what the hell she wants again?'

Now that she's listening to my call, I wanna end this as soon as possible so I tell Lavandeir the purpose of my call, hoping she might contact Exseven and told him what I wanna tell her.

"I don't care what you might think of my actions so if you have a chance, tell him that seems like I cannot keep my promise to both of you, my fucking saviors and that I can't avoid it!" I sarcastically said the word 'saviors' and she laugh about it.

"Alam kong 'di mo maiiwasan 'yan. I already expected it to happen because you enrolled in that school. Ba't ba sa lahat ng paaralan ay 'yan pa?"

"'Cause I thought I can avoid this mess…" I looked at this annoying seatmate of mine and throw her a glare when she tried to stick her ear to my phone to listen. "…but I cannot!"

It's because of this annoying lady!

"Okay lang naman talaga Jax kasi mukhang may matibay kang rason kung bakit sumali ka sa gulo. Wish you luck to her!"

I was about to curse her when she quickly hangs up! Damn it! I always knew they're still monitoring me! Fuck them! It's been two years already! Why doesn't she only focus finding her boyfriend and build a fucking family for them to stop monitoring me?

I quickly distance myself to this annoying lady and throw her again a serious glare. But she wasn't scared. She's more like curious about something.

"Sino si Lavandeir?"

"It's none of your business!" There's no way I'll tell her. She might think we're close enough. I just want her to stop annoying me!

I sat at the ground and lean my back to the tree and continued smoking.

"Kaibigan mo ba 'yon? Close friend?" she sounds nervous and sad which I don't know why she had this mood swings.

"It's up to what you think! Just sit there and stay away from me. We'll get out after a while!"

I'm just waiting the class hours to end. Probably those mysterious shits still looking for us and I wanted to avoid another mess for now.

Kitkat's POV

Napatigil ako kasi nasaktan ako ng kunti sa sinabi niya. Noon hindi niya ako pinapansin pero ngayon namang pinapansin na niya ako, napakasakit naman magsalita. Buti na lang medyo sanay na akong suplado siya.

"Ngayon mo na nga lang ako kinakausap, ang harsh mo pa!" reklamo ko sa kanya tsaka sinunod ang utos niya at umupo na sa bench.

"Kailan pa ba tayo babalik? Eh mag-aalas sais na!" nakasimangot kong reklamo sa kanya. Ilang beses ko na 'yang tinanong sa pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Ikatlong yosi na nga niya diyan at mukhang malalim pa ang iniisip. Gusto ko sana siyang tabihan kaso tuwing lalapit ako, sinasamaan na niya ako ng tingin.

Sumimangot lang ako nang hindi siya umimik.

Dahil pinapaligiran kami ng malalaking punuan, nagsimula na ring dumilim ang paligid. Nilalamok na ako rito at medyo nilalamig na rin.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakasimangot dito. At kanina na rin siyang nakapikit habang gan'on pa rin ang position niya. Kaso hindi na siya nagyoyosi.

Hanggang ngayon 'di pa rin mawala sa isip ko kung sino si Lavandeir. Narinig ko kanina na may boyfriend na ito kaya siguro kaibigan niya. Nagulat pa ako sa way ng pananalita ni Jax, ang maldito at minsan sarcastic. Pero ang hot niya pa rin pakinggan habang nagsasalita. Englisherong maldito.

Alam ko na talaga noon pa na sobrang yaman talaga nito. 'Di ko talaga alam kung anong rason niya para mag-enroll dito.

Ilang minuto pa ang lumabay at 'di na talaga nakayanan ng pwet ko, sumasakit na kasi sa kakaupo. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Malapit ng mag-7pm, ilang minuto na lang ay matatapos na ang huling klase sa university na ito. May ibang schedule kasi na hanggang 7pm.

Tinitigan ko siya habang nakapikit pa rin at nakasandal sa punoan. Naka-crossed arms siya at nakaupo sa lupa.

Umupo ako sa tabi niya at dumikit pa sa kanya para magpapapansin sana kaso biglang umihip ang hangin nang malakas. Mas lalong lumamig at madilim na rin ang paligid. Nanayo ang balahibo ko at kinakabahan ako nang wala sa oras.

"Hoy Jax Blaine! Natatakot na talaga ako rito! Eh naman eh! Totoo nga 'yong sinabi ko sa 'yong may mga pinatay na rito!"

Hindi ko alam kung natutulog ba talaga siya o nagbibingi-bingihan. Hindi pa rin kasi siya umiimik.

Niyakap ko naman ang braso niya dahil sa tatlong dahilan, nilalamig ako, natatakot kasi nandito kami sa forbidden place at madilim na, at chuma-chansing na rin sa kanya. First time kong mayakap ang braso niya. Next time siya na talaga.

Natatakot man ako nang sobra pero gusto kong pahabain ang takot ko. At the same time, kinikilig kasi akong mag-isa rito.

"Wag kana lang sanang gumising Jax Blaine. Alam kong susungitan mo lang ako eh!"

Isasandal ko na sana ang ulo ko sa balikat niya habang nakayakap sa braso niya nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad ko naman itong kinuha sa bulsa at nakitang si Noreen iyon. Nakatitig lang ako ng ilang segundo sa cellphone pero wala talaga akong balak na sagutin ang tawag niya. Ayoko naman itong e-cancel at hinayaan na lang na tumunog ito para aakalain niyang hindi ko nasagot. Magagalit kasi siya kapag hindi ko sinasagot ang tawag niya lalo na't kina-cancel ko.

Biglang namang gumalaw si Jax sa tabi ko at agad inagaw ang phone ko. Kinancel niya ang tawag tsaka pinatay na rin ang phone ko. Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya.

Baka nagising siya dahil sa ingay. Akala ko sasamaan na naman niya ako ng tingin pero binalik niya lang sa 'kin ang phone at tsaka mabilis siyang tumayo. Agad niya akong hinila paalis sa lugar na 'yon pero hindi papunta sa dinaanan namin kanina.

Hindi pa kami uuwi?

Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong sinandal sa isang punuan. Tinitigan niya ako ng seryoso at nilagay niya ang hintuturo niya sa labi niya sign na pinapatahimik niya ako. "Someone's coming! Don't make a noise or else…" diin na bulong niya na ikinakaba ko rin. "…you don't know what will happen to us here!" Nakakakilabot pa ang pagkakasabi niya kaya mas lalo tuloy akong natakot.

Dahil sa lakas ng tibok ng puso ko sa kaba, alam kong naririnig niya iyon kasi sobrang lapit namin sa isa't-isa. Natahimik ako at kinagat ko ang labi ko para hindi makagawa ng ingay. So totoo nga talagang may mga pumapatay dito! Baka 'yon na ang paparating! OMG!

Nakatingin lang siya sa gawi kung nasaan ang bench habang nakatukod ang isang kamay niya sa punuan na sinasandalan ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa sobrang lapit niya! OMG! Sa liit ng distansya namin, isang abot ko lang, mayayakap ko na siya! Parang nawala bigla ang takot ko ang napalitan ng kunting kilig!

"Stop giggling! You don't look like you're scared!"

'Ano ba 'yan! Pati bulong niya, kinikilig ako!'

"Siguro dahil ikaw ang kasama ko…" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko kaya 'di ko natuloy ang sasabihin ko. 

Mas lalo pa siyang dumikit sa 'kin habang nakatuon pa rin ang tingin niya sa may bench. Parang may tinataguan siya.

'Di ko naman napigilan ang sarili at niyakap ko na siya. Ipinulupot ko ang braso ko sa bewang niya na siyang ikinagalit niya.

"What the fuck are you doing?"

Gusto ko nga sanang itanong din iyon sa kanya kung anong pinaggagawa niya kasi wala naman talaga akong idea. Ang alam ko lang ay may paparating daw. Eh pa'no niya naman nalamang may paparating? Isa pa, sino naman ang pupunta sa ipinagbabawal na lugar maliban sa kanya sa oras na 'to?

"Then what do you wanted to do with her and that transferee?"

Bigla akong natigilan at dahan-dahang napabitaw sa pagyakap kay Jax nang 'di ko inaasahang marinig ang boses ni Noreen. Bigla akong kinabahan nang marinig lang siya.

'Bakit siya nandito?'

"We've been seeing them together lately babe," dagdag pa niya. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang ma-realize ko kung sino ang kasama niya rito.

"Let's stop mentioning her. We're not here to talk about them."

Nang marinig ko ang boses ni Clark, 'di ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Parang na-blanko ako bigla. Na parang nasasaktan pa rin ako na naguguluhan. Alam kong hindi ko na siya mahal kasi natuon na ang atensyon ko kay Jax. Pero bakit ganito?

"Oh babe! That's why I love you!" maarteng sabi ni Noreen. Kahit kailan ayoko talaga sa boses niya!

Pagkatapos n'on, may narinig akong tunog ng bagay na wala akong idea kung ano 'yon.

Dahan-dahan namang tinanggal ni Jax ang kamay niya sa pagtakip sa bibig ko tsaka umatras siya ng kunti. Sumenyas ulit siyang manahimik lang ako. Hinila niya ako palapit sa kanya nang dahan-dahan at hinawakan ang dalawang balikat ko para iharap ako kung nasaan sina Clark.

Madilim na pero nakikita ko pa rin naman sila. Hindi ko lang masyadong maaninag. Pero nang makita ko na sila, sobra akong nagulat nang makitang may hawak na baril si Noreen na inabot ni Clark.

Napanganga ako sa gulat nang kinakasa niya ito at pinaputokan ang lupa. Hindi naman ito nag-ingay na ikinataka ko.

"The gun has a silencer," bulong sa 'kin ni Jax. Dahil alam ko ang meaning n'on kasi narinig ko sa kung saan man iyon, naintindihan ko ang sinabi niya.

'Anong gagawin nila diyan?'

Kitang-kita ko ang kakaibang ngisi ni Noreen. "Thank you for this gift!"

Tiningnan niya si Clark at agad niya itong hinalikan na ikinalaki ng mata ko.

Ilang beses ko na 'tong nakita kasi sinasadya niyang ipakita sa 'kin noon na naghahalikan sila. Pero...

Na-istatuwa naman ako sa kinatatayuan ko habang nanonood lang sa kanilang naghahalikan na parang wala nang bukas. Sa tuwing ginagawa nila 'yan, nag-eenjoy talaga nang sobra si Clark.

Inaamin ko, nasasaktan pa rin ako habang nakatingin sa dalawa.

...

Itutuloy...