Date: March 21, 2021
Time: 9:30 P.M.
Nagmamadaling kinuha ni Jin ang kanyang phone, bag at files na nakapatong sa desk sa isang unit sa Eastwood Hotel, pagkatapos ng paguusap nila ni Jon sa phone.
"Whaaat! Hindi pa pala niya pinapakain si Bullet! Tsk! Ibig sabihin kanina pa 'yun hindi kumakain!" Naisip ni Jin na tumungo muna sa kanyang bahay upang pakainin ang kanyang alagang persian cat na si Bullet, "Babalik na lang ako Chris, hintayin mo ko dito." bulong niya sa kanyang sarili.
Nagmadaling lumabas si Jin sa Eastwood Hotel upang makapunta agad siya sa kanyang bahay. Simula umaga pagkaalis niya ay hindi pa pala kumakain si Bullet, ang alaga nilang pusa, kaya naman ay nagmadali na siyang umuwi at nag taxi na lamang.
Nang makarating na si Jin sa tapat ng pinto ng kanyang bahay, naririnig niya na ang sigaw ni Bullet dahil sa gutom.
"Bullet, saglit lang, nandito na ko." hirit ni Jin.
Pagkabukas ng pinto ay agad siyang nilapitan ni Bullet at tuwang tuwa ito nang makita siya.
Nilapag ni Jin ang kanyang mga gamit sa sofa sa living room, at agad kinuha ang cat food ni Bullet. Habang pinapakain niya si Bullet ay kinausap niya ito, "Bullet, sorry, akala ko pinakain ka na ni Jin Tanda bago ako umalis, 'di ko napansin. Gutom na gutom ka na siguro. Wag ka magagalit sa akin!" natatawang sinabi ni Jin.
Habang kumakain si Bullet ay umupo muna si Jin sa sofa at tinitingnan ang kanyang phone.
"Anong ibig sabihin ni Jin Tanda na hintayin ko daw 'yung tawag ni Chris mamayamg 11:02 p.m.? Ano kaya 'yun? May dalawang oras pa ko bago tumawag si Chris. Babalik na nga ko sa hotel, napakain ko naman na si Bullet."
Kinuha na ni Jin ang kanyang gamit sa sofa at nagpasyang bumalik na muli sa Eastwood. Habang inaayos niya ang kanyang mga dala, napansin niya na tapos na si Bullet kumain ngunit parang binubuksan nito ang cabinet ni Jon sa living room na nakalock.
Nilapitan ni Jin si Bullet at kinarga, "Bullet, walang food d'yan. Ano bang kinukuha mo dito eh nakalock na 'tong cabinet na 'to?"
Tila kumakawala si Bullet habang karga ito ni Jin na hindi nito ginagawa, dahil kapag kinakarga niya ito ay tahimik lang at nakayakap sa kanya. Kaya naman nagtataka siya kung bakit gusto kumawala ni Bullet at kung anong hinahanap nito sa cabinet ni Jon na nakalock.
Binaba niya si Bullet at agad itong tumungo sa cabinet. Hinahaplos nito ang cabinet gamit ang kanyang ulo at gumagawa ng ingay.
Ang akala ni Jin ay gutom pa si Bullet at baka may naamoy na pagkain sa nakalock na cabinet. Kaya naman ay kinuha niya ang susi upang buksan ito. Nang mabuksan niya ang cabinet, hinanap niya ang pagkain na naaamoy ni Bullet, ngunit wala siyang nakita.
Habang tinitingnan ni Jin isa-isa ang mga gamit na nakalagay dito, may nakita siyang isang pamilyar na gamit. Kinuha niya ito mula sa cabinet at tiningnan mabuti.
"Sandali? Bag ko 'to ah? Bakit nandito 'to?" pagtataka ni Jin, "Tanga ko, parehas nga lang pala kami ng bag ni Tanda. Hehe! Wala naman siya ngayon, pero masilip nga at baka may sikretong hindi dapat malaman dito."
Binuksan ni Jin ang bag, at nakita niya ang phone ni Chris sa loob nito. Natawa na lamang siya at napa-face palm, "Paano ako tatawagan ni Chris? Eh nandito 'yung phone niya! Kumag talaga 'yung Jin Tanda na 'yun! Balak pa ko i-prank. Kaya pala sabi niya na wag ko tawagan si Chris!"
Habang hawak ni Jin ang phone ni Chris, biglang lumiit ang mga mata niya at ngumiti na parang may balak siyang gawin.
"Ano kayang lamang ng phone ni Chris? Hehe! Sisilip lang naman ako. Wala naman akong papakialaman. Okay lang ba Bullet?" tanong ni Jin kay Bullet habang pinipilit nito ipasok ang buong katawan sa loob ng bag.
Sinubukan ni Jin na buksan ang phone ni Chris, at bumungad ang passcode.
1-2-0-2 Invalid password
1-2-0-0 Invalid password
"What! Hindi niya birthday 'yung passcode! Gusto ko pa sumubok kaso baka malock yung phone. Hmmm?"
Nakita ni Jin ang option sa phone ni Chris na pwede niya itong buksan gamit ang biometrics or ang fingerprint.
"Malamang sa malamang, hindi nakaregister dito 'yung fingerprint ko dahil hindi ko naman hinihiram phone niya. Pero bahala na."
Sinubukan pa rin ni Jin na gamitin ang kanyang fingerprint gamit ang kanang index finger.
Phone Unlocked!
"Woah! Whaat? Nabuksan ko? Nakaregister fingerprint ko? Paano? Siguro niregister ni Chris yung daliri ko kapag tulog ako! Pero it's time!" natatawang sinabi ni Jin, "Tingnan natin ang mga tinatagong secrets ni Chris—ang mga photos niya."
Binuksan ni Jin ang Gallery app ni Chris at tiningnan ang mga photos na nakasaved at tila sabik na sabik siya sa mga nais niyang makita. Una niyang nakita ang mga pictures ng isang lugar na madilim at walang gamit.
"Ano ba 'tong mga pinagkukuha ni Chris? Ang dilim naman ng lugar na 'to, tsaka wala namang mga gamit. Tingnan ko pa nga 'yung iba."
Habang tinitingnan ni Jin ang mga photos, ay napapangiti siya dahil sa mga selfies ni Chris sa phone.
"Ang dami mo pa lang tinatagong selfies sa phone mo, Chris? Isesend ko nga to sa akin!" natatawang sinabi ni Jin.
Habang nag titingin pa siya ng ibang picture, may napansin siyang kakaiba.
"Sandali, saan 'to? Sa Jinny's 'to ah? Christmas? Bakit may picture si Chris na nasa Jinny's siya nung Christmas? Tsaka nandito kami lahat! Ako, Rjay, Luna, pati si Ms. Jade, pero 'di ba nasa Japan siya noong December?"
Nagtaka si Jin at tiningnan pa niya ang mga pictures na naka save sa gallery ng phone ni Chris.
"Beach? Sa Kanaway Island ba 'to? Ako to tsaka si Chris, pero bakit 'yung date na nakalagay dito ay September 2020? Wala pa si Chris dito ng mga panahon na 'to!"
Labis na ang pagtataka ni Jin dahil ang mga pictures na kasama niya si Chris na naka-save sa phone ay hindi niya matandaan. At ang mga date na nandoon, ay ang mga araw na nasa Japan si Chris, sa pagkakaalam niya.
Biglang kinutuban si Jin sa kanyang phone na hawak. Habang sinisiyasat niya ang mga pictures, ni isa ay wala siyang matandaan sa mga nangyari. May mga nakita siyang mga stolen pictures ng kanyang sarili ngunit hindi niya matandaan ang mga lugar.
"Hindi kaya, ang phone na 'to... ay phone ng Chris sa oras ni Jin Tanda?"
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Jin ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ito ang bigla niyang naramdaman.
Binalikan niya ang mga pinakalatest na photos na naka save sa gallery ng phone ni Chris. Tiningnan niya ang date at napansin niya na kinuha ito noong March 22, 2021 12:03 a.m.
"Hindi maaari! Kay Chris nga ito mula sa oras ni Jin Tanda! Anong ibig sabihin nitong mga pictures na 'to? Anong lugar 'to? Bakit ito ang pinakahuling photo na naka save sa phone ni Chris? Hindi ba dapat mas marami pa 'to? 6 years na ang nakalipas, bakit ito ang last na photo na nakasave dito?"
Dahil labis na ang pagtataka ni Jin, tiningnan niya pa ang ibang laman ng bag ni Jon. Nasa loob ng bag si Bullet at tila ayaw nito umalis. Napansin niya na may niyayakap na sobre ito ngunit hindi niya masyadong pinansin. Hinalukay niya muna ang bag at ang nakita niya lamang bukod sa phone ay ang note na March 21, 2021 306 St. Sta. Mesa.
"Anong ibig sabihin nitong note na ito? Ngayon to ah? Tsaka, saan itong 306 St. Sta. Mesa?"
Sinubukan ni Jin hanapin ang lugar sa kanyang Maps sa phone ngunit hindi ito lumalabas. Habang nag-iisip siya, nakatingin lamang siya kay Bullet na nakasuot sa loob ng bag at tiningnan ang isang sobre na niyayakap nito.
"Bullet, patingin ako ah?"
Nilabas ni Jin si Bullet sa loob ng bag ni Jon at kinuha ang sobre na yakap nito. Nang makuha niya na ang sobre, tila nakaramdam siya ng kaba nang mahawakan niya ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang sobre, at nakita niya ang isang picture at isang letter na nasa loob nito. Kinuha niya muna ang picture at tiningnan ito.
"Oh, hindi ba si Mr. A. 'to tsaka si Ms. Agatha? Hmmm. 'Yung nasa tabi ni Ms. Agatha...sina mama at papa ba 'to?"
Tiningnan ni Jin ang likod ng picture at nagbabakasakali na may mabasa pa siyang mga messages.
"Ribbon Cutting Event, renaming of 306 St. and Grand opening of V. Mapa St., January 2000... Jin Torres Photographer" nagtaka si Jin sa pangalan na nakalagay sa likod ng photo dahil ito ang kanyang pangalan, "Bakit pangalan ko ang nakalagay dito? Pero baka kapangalan lang din siguro? Kaso year 2000 pa 'tong picture at imposible na si Jin Tanda ang kumuha nito, kasi sabi niya, isang beses lang niya nagamit 'yung time machine. Kung babalik naman siya ng 2000, matagal ang hihintayin niya bago magawa ang time machine at tatanda siya. Hindi kaya—"
Kinuha ni Jin ang letter na nasa loob ng sobre at binasa ito. Habang binabasa niya ang letter, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at naiyak na lamang siya. Nilukot niya ang letter dahil sa inis at galit. Naiinis siya sa kanyang nalaman at nagagalit siya dahil nagsinungaling sa kanya si Jon.
"Ito pala 'yung mission na tinatago mo sa akin! Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga? Bakit mo tinago sa akin 'to! Bakit hinayaan mong humantong sa ganito?" naiinis na sinabi ni Jin at tila dismayado siya sa kanyang nalaman, "Tsaka, nasaan 'yung isa pang Jin? Gusto ko siya makausap! Bakit kailangan nila itong itago sa akin!"
Pinunasan ni Jin ang kanyang mga luha, at iniwan ang letter at ang photo sa sahig. Tinatawagan niya si Jon ngunit hindi nito sinasagot kanyang tawag.
Tumayo si Jin sa kanyang inuupuan at huminga ng malalim. Pinakalma niya ang kanyang sarili dahil alam niyang wala siyang magagawa kung magpapanic lamang siya. Lalabas na sana siya upang hanapin kung nasaan si Chris, ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Nagsimula na kumilos ang katawan niya kahit walang kasiguraduhan kung saan siya tutungo, ngunit paglabas niya ng kanyang bahay, nakita niya si Bullet na karga ng isang matandang lalaki na nakangiti sa kanya.
"Ay, pasensya na po kayo. Napunta po ba si Bullet sa bahay niyo? Sorry po kung naistorbo kayo."
Nakatingin lang sa kanya ang matandang lalaki at nginitian lang siya nito habang karga si Bullet.
Tila nagtaka si Jin dahil alam niya na ayaw magpahawak ni Bullet kahit kanino bukod sa kanya o kaya kay Jon, kaya kinausap niya ang matanda, "Kayo po 'yung pangalawang tao na hindi umaalma si Bullet 'pag kinakarga. Ibig sabihin noon, gusto kayo ni Bullet" hirit ni Jin.
Nakangiti lang sa kanya ang matandang lalaki at hindi pa rin ito sumasagot.
"Kukunin ko na po si Bullet para makauwi na po kayo. Salamat po sa paghatid kay Bullet sa bahay namin." nahihiyang sinabi ni Jin habang kinukuha niya si Bullet sa mantandang lalaki.
Nang makuha na ni Jin si Bullet ay biglang nag salita ang matandang lalaki.
"Walang anuman, Jin."
"Kilala mo po ako?" nagtatakang tanong ni Jin habang buhat niya si Bullet.
"Oo, kilalang kilala kita." nakangiting sagot ng matandang lalaki.
"Ah? Ganoon po ba? Hehe! Pasensya na po pero nagmamadali po kasi ako. Makikipagkwentuhan na lang po ako sa inyo next time 'pag wala na po akong ginagawa. Sorry po talaga, hindi kasi maganda 'yung timing ngayon. May hinahabol po kasi ako." hirit ni Jin habang napapakamot siya sa kanyang ulo at nahihiya.
Hindi kumibo ang matandang lalaki at nakatayo lang ito sa kanyang harap. Pinasok na rin ni Jin si Bullet sa loob ng bahay, at kinuha niya ang kanyang phone at ang bag ni Jon na may laman nitong phone ni Chris, at nilock na rin ang pintuan.
Nagsimula na maglakad si Jin paalis sa kanyang bahay nang lumingon siya ulit at nag sorry sa matandang lalaki na nakatayo pa rin sa harap ng kanyang bahay at hindi kumikilos.
"Sorry po talaga ah? Ako po ang pupunta sa inyo sa susunod para makipag-kwentuhan. Thank you po ulit." hirit ni Jin.
Nagsimula na humakbang si Jin nang biglang nagsalita ang matandang lalaki, "Alam mo ba kung saan ka pupunta? Kung saan ka dapat tutungo? Kung saan mo siya hahanapin?"
Napatigil si Jin sa kanyang paghakbang at natulala nang marinig niya ang mga sinabi ng matandang lalaki. Lumingon ulit siya at nagtataka sa mga insinambit ng matandang lalaki sa kanya.
"Ano po ang sabi niyo? Kung saan ako pupunta?" tanong ni Jin.
Tumango lang sa kanya ang matandang lalaki at ngumiti ito.
"Sa totoo lang po, hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta. Nawawala na po talaga ako sa landas ko, nalilito na ako." sagot ni Jin at nakatayo na lamang siya kaharap ang matandang lalaki.
"'Wag ka mag alala, Jin, tutulungan kita." nakangiting sagot ng matandang lalaki.
Medyo nailang si Jin dahil hindi niya maintindihan ang matandang lalaki.
"Paano niyo po ako tutulungan? Alam niyo po ba kung sino ang pupuntahan ko?" tanong ni Jin.
"Oo, alam ko ang pupuntahan mo at kung sino ito." sagot ng matandang lalaki
"Umm, sandali po, hindi ko po kasi kayo kilala. Pasensya na po. Ano po bang pangalan niyo?" tanong ni Jin habang nagkakamot ng ulo.
"Ako? Pangalan ko? Hmm..." nakangiting sagot ng matandang lalaki.
"Opo. Hehe. Nakalimutan niyo na po ba pangalan niyo?" biro ni Jin.
"Nasayo pa ba 'yung pinahiram ko na itim na pantalon?" tanong ng matandang lalaki kay Jin.
Napatingin si Jin sa matandang lalaki, nanliliit ang mga mata at nagtataka, "Anong pantalon sinasabi niya? Hmm. Hindi maganda 'to, nauubos oras ko. Imbis na ginagamit ko 'tong oras na 'to para hanapin si Chris, nakikipagkwentuhan lang ako dito." Ngumiti si Jin sa matandang lalaki at nagpaalam na siyang muli, "Umm, pasensya na po kayo, Sir, hindi ko po alam 'yung sinasabi niyong pants. Aalis na po ako, may hahanapin pa po akong tao. Sige po, sa susunod na lang po tayo mag kwentuhan."
"Pinahiram ko sa iyong pantalon, kasi nadumihan 'yung iyo, gawa ng pulang ballpen. Nasa C.R. ka noon, hindi mo alam kung anong gagawin mo at ako ang nag-abot sa'yo ng pantalon." nakangiting hirit ng matandang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Jin at napatingin sa matandang lalaki, "Ikaw po ba si—"
"Oo, ako nga ito, Jin. Kamusta ka na?" nakangiting sagot ng matandang Jin.
Napalunok bigla si Jin dahil hindi niya inakala na magpapakita sa kanya ang Jin na nakausap ni Jon—ang Jin na bumalik sa panahon kung kailan nabubuhay pa ang magulang nila.
"Ikaw 'yung nag abot sa akin ng pants, dahil alam mong kailangan ko 'yun?" tanong ni Jin.
Ngumiti at tumango lang sa kanya ang matandang Jin.
"Ang sabi niyo po sa letter na binigay mo kay Jin Tanda, na magpapakita ka kung kailangan namin ng tulong. Ito na po ba 'yun?" tanong ni Jin.
"Oo, wag ka mag alala, Jin. Nasisiguro ko na ito na ang tamang pagkakataon na maliligtas natin si Chris." sagot ng matandang Jin.
"Pero, bakit tumanda na po kayo? Bakit hindi ka na bumalik sa tunay mong oras?" tanong ni Jin.
"Matanda na ako, Jin. Wala na akong babalikan sa oras ko. Ang tanging nais ko na lang sa buhay ko, bago ako mawala ay makita si Chris... makita kayo na magkasama. Babaguhin natin ang nakatakda, Jin. 'Wag kang magagalit sa aming dalawa ng isa pang Jin kung hindi namin sinabi sa'yo." sagot ng matandang Jin.
Natahimik lang si Jin, at huminga ng malalim.
"Naiintindihan mo kung bakit hindi niya ito sa'yo sinabi? Dahil sa oras na mapahamak ka, mawawala siya, at mawawala rin ako sa oras na 'to. At maaaring hindi na natin mailigtas si Chris. Sana maintindihan mo." dagdag ng matandang Jin.
Pagkatapos marinig ni Jin ang paliwanag ng matandang Jin, ay tumingin siya rito at ngumiti, "Paano po natin ililigtas si Chris?" tanong ni Jin.
Lumapit ang matandang Jin sa kinatatayuan ni Jin at binulungan ito.
"Whaaaatt! Sigurado po ba kayo sa plano mo?" nag-aalangang sagot ni Jin.
"Magtiwala ka sa akin at magtiwala ka sa kanya." nakangiting sagot ng matandang Jin.
Nagbuntong hininga si Jin at muling nagsalita, "Sige po, dahil naniniwala ako sa inyo at alam kong hindi niyo ko ipapahamak, gagawin ko. Tara na po ba?" hirit ni Jin.
"Tara na, Jin." nakangiting sagot ng matandang Jin.
Bago umalis ay tila may naisip na gawin si Jin, "Saglit lang po, may gagawin lang ako. Isang napakaimportanteng bagay. Pwede po ba kayo sumama sa akin sa loob ng bahay muna?"
Sumang-ayon ang matandang Jin at pumasok muli sila sa bahay.
Kumuha ng papel at ballpen si Jin, umupo sa sahig at biglang nagsulat.
Nagtaka ang matandang Jin sa ginagawa nito kaya tinanong niya si Jin, "Anong sinusulat mo, Jin?"
Pinakita ni Jin ang nilagay niya sa papel at tiningnan ito ng matandang Jin.
Napangiti ang matandang Jin at hiniram ang ballpen kay Jin, "Pahiram ako ng ballpen mo, may idagdag ako." nakangiting hirit ng matandang Jin.
Tiningnan at sinilip ni Jin kung ano ang idinadagdag ng matandang Jin. Pagkatapos ay inabot ng matandang Jin ang papel kay Jin matapos nitong magdagdag ng nakalagay sa papel.
Ngumiti si Jin nang makita niya ito at muling kinuha ang bag ni Jon. Ipinasok niya ang phone ni Chris, ang sobre ng matandang Jin kasama ang picture nila Mr. A., pati na rin ang papel na sinulatan ni Jin at ng matandang Jin. Itinago niya ito sa cabinet kung saan niya nakita at natagpuan ang bag, at isinara ito pagkatapos.
"Okay na po ako, Senior Jin! Tara na?" nakangiting sinabi ni Jin.
"Senior Jin talaga?" natatawang hirit ng matandang Jin.
"Opo, kasi yung isang Jin ang tawag ko sa kanya, Jin Tanda. Eh sa'yo naman, Senior Jin." paliwanag ni Jin habang nagkakamot ng ulo.
"Batang 'to talaga! Tara na at baka hindi mo na maabutan si Chris." Sagot ng matandang Jin, "Ito na ang pinakahuling pagkakataon ko para maayos ang lahat. Hindi ko na rin alam kung hanggang kailan ang itatagal ng buhay ko. Isusugal ko na ang lahat. Ang matagal ko nang pinagisipan at plinano ng napakahabang panahon, Ikaw na ang bahala na tapusin ang lahat ng ito. Sa'yo nakasalalay ang tagumpay na ito." nasa isip niya.
May ibinigay na papel si Senior Jin na nakalagay kung saan matatagpuan ni Jin si Chris.
"Tara na, Senior Jin, magmadali na tayo!" hirit ni Jin.
"Mauna ka na, Jin, dahil hindi na kaya ng katawan ko. Susunod ako, 'wag kang mag-alala." nakangiting sagot ni Senior Jin.
Tumango si Jin at nginitian ang matandang Jin. Pagkatapos ay nagsimula na siyang tumakbo papunta sa 306 St. Sta. Mesa at sinundan ang guide na binigay sa kanya ni Senior Jin.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Date: March 21, 2021
Time: 11:00 P.M.
Paika-ika na mag lakad ang matandang Rjay dahil sa pagkakahampas ni Chris sa kanya. Hinahanap niya si Chris sa buong building at sumisigaw siya habang hawak niya ang kanyang baril. Dahil sa pasikot-sikot ang daan ng building, nahirapan siyang hanapin si Chris.
Habang si Chris naman ay pagod na pagod at pawis na pawis kakatakbo dahil hindi siya makakita ng daan palabas. Naliligaw na rin siya dahil hindi niya alam kung saan ba dapat siya pupunta at kanina pa siya tumatakbo at paikot ikot, hanggang sa nadapa na lamang siya dahil nanghihina na ang kanyang mga tuhod.
Nang mapatigil si Chris at napaluhod, narinig niya ang boses ng matandang Rjay na sumisigaw, "Chris! Hindi ka makakatakas sa akin! Makikita din kita! Papatayin kita! Hinding hindi ka magiging masaya!" sigaw na naririnig ni Chris mula sa buong building.
Takot na takot si Chris dahil baka makita siya nito, kaya upang mapahinga ang kanyang katawan, nagtago muna siya sa isang tagong pwesto upang kumuha ng lakas habang nagtatago. Kinuha niya ang kanyang phone sa bag at tiningnan ang oras.
11:02 p.m.- March 21, 2021
Tinawagan niya si Jin para sabihin at ipaalam ang kanyang lagay.
Meanwhile, hawak ni Jin ang kanyang phone habang naglalakad ng matulin papunta sa building kung saan dinala si Chris. Hinihintay niya ang tawag ni Chris dahil malapit na ang 11:02 p.m, at ito ang bilin sa kanya ni Jon.
Biglang tumunog ang kanyang phone at agad itong sinagot ni Jin. Naririnig niya ang pagkahingal ni Chris at kinausap ito.
Jin: Nasan ka Chris? Ano na ang nangyayari sa'yo? Bakit ka hinihingal!
Chris: He-hello, Jin? May kumuha sa akin pero hindi ko kilala kung sino. Pagkagising ko na lang nandito na ako sa may isang bakanteng building. Sinusubukan kong tumakas pero hindi ko alam kung saan ang palabas. Kanina pa ko tumatakbo, hindi ko alam kung ano na mangyayari sa akin sa oras na ito, pero habang kaya ko pa, gusto ko lang sabihin na hinding hindi ako nagsisi na nakilala kita... Salamat and sorry kung hindi ko man nasabi habang may oras pa ko. Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita Jin. Dahil sa'yo, naramdaman ko kung paano ulit maging masaya. Thank you, Jin.
Jin: Chris, gusto ko sabihin sana sa'yo ng personal. Pero, Chris, mahal na mahal din kita. Sorry kung ang tagal bago ko inamin sa'yo. Sorry kung ang tagal bago ako nagkaroon ng lakas ng loob. Pero araw araw ko sayong sasabihin na mahal na mahal kita, Chris, hintayin mo ko. Pupuntahan kita! Papunta na ko d'yan... Ililigtas kita.
Binaba na ni Chris ang kanyang phone, niyakap ito ng nakangiti at habang naluluha ang kanyang mga mata, na sa wakas, sa pagkakataong ito ay nasabi niya na kay Jin ang matagal niya ng nararamdaman at ang sagot ni Jin ang mas nagpalakas ng loob niya upang lumaban.
Kaya naman ay tumayo muli si Chris, at kahit nanghihina na siya, at pilit niyang binuhat ang kanyang sarili at nagsimula nang maglakad.
Kahit paika-ika na siya maglakad ay pinipilit niya pa rin ang kanyang sarili, dahil sa kagustuhan niya na magkita pa sila ni Jin at gusto niya pang mabuhay.
Habang naglalakad si Chris ay may napansin siyang isang liwanag na nagmumula sa dulo ng isang daan, liwanag galing sa mga poste sa labas ng building.
Nabuhayan ng loob si Chris at nagmadali siyang pumunta sa lugar na may nakikita siyang liwanag. Nang malapit na siyang makarating sa labasan, labis ang ngiti niya, dahil makakatakas na rin siya.
Kaunting hakbang na lang ni Chris ay makakalabas na siya, ngunit, may biglang humarang sa labasan. Biglang dumating ang matandang Rjay at hinarangan ang labasan, habang duguan ang kanyang ulo at may hawak na baril. Nakatingin siya kay Chris na nakangiti at nanlilisik ang mga mata.
Nang makita ni Chris ang taong nakaharang sa labasan, bigla siyang nanghina at natakot dahil sa hawak nitong baril. Napaluhod na lamang siya dahil sa pagod at sa sakit na rin ng kanyang katawan.
"Sino ka ba! Bakit gusto mo kong patayin?" tanong ni Chris habang naluluha na siya at natatakot na sa mga nangyayari.
"Hindi mo ba ko natatandaan, Chris?" tanong sa kanya ng matandang Rjay.
Tiningnan mabuti ni Chris ang mukha ng matandang Rjay kahit na medyo madilim at ang ilaw lamang sa labasan ang nagbibigay liwanag sa lugar.
"Ikaw ba 'yan...Rjay?" sagot ni Chris.
"Haha! Napakagaling mo talaga, Chris! Kaya lahat kami bilib na bilib sa'yo! Pero ito na ang huling araw mo! Handa ka na bang mawala ulit sa mundo?" sigaw ng matandang Rjay.
"Anong ibig sabihin mong mawala ulit?" nagtatakang tanong ni Chris.
"Gusto ko makita na mamatay ka ng isa pang beses!" sigaw ng matandang Rjay habang natatawa at tila nawawala na sa kanyang sarili.
Nalilito at nagtataka si Chris sa isinasambit ng matandang Rjay, kaya naman ay tinatanong niya pa rin ito, at inuubos niya na rin oras at nagbabaka-sakaling may dumating at makakita sa kanila upang mailigtas siya sa kapahamakan.
"Hindi kita maintindihan, Rjay, ang ibig mo bang sabihin, namatay na ako dati? Ha?" tanong ni Chris.
"Akala ko ba magaling ka! Bakit hindi mo mahulaan, Chris?" natatawang hirit ng matandang Rjay.
Tintingnan ni Chris ng mabuti ang mukha ng matandang Rjay, at napansin niya na tila iba ang itsura nito sa mukha ng Rjay na kilala niya.
"Sabihin mo sa akin, sino ka talaga!?" tanong ni Chris.
Napailing bigla ang matandang Rjay at natawa, "Kung sasabihin ko ba sa'yo, maniniwala ka sa akin?" tanong ng matandang Rjay.
"Oo, makikinig ako sa'yo..." hirit ni Chris.
"Hindi ako ang Rjay na kilala mo! Ako ang Rjay na galing sa ibang oras!" sigaw ng matandang Rjay.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Chris at kinabahan siya sa kanyang nalaman.
"Anong hindi galing sa oras na 'to? Ibig mo bang sabihin, 'yung time machine na binubuo ng company natin... na binubo nila Jin ngayon, nagtagumpay sila?" tanong ni Chris, tila napagtanto niya na ang mga pangyayari.
"Mabilis ka talaga magisip, Chris, katulad ng dati! Oo! Nagtagumpay si Jin at bumalik siya sa oras na ito!" sagot ng matandang Rjay.
Natulala si Chris nang marinig niya ang sinambit ng matandang Rjay, dahil sa oras na ito, ang kanyang paghihinala ay nabigyan na ng kasagutan.
"Bakit ka bumalik dito, Rjay? Anong pakay mo sa akin! Bakit kayo bumalik ni Jin dito?" tanong ni Chris.
"Bakit ako bumalik dito? Para mamatay ka na! Para wala na akong kaagaw kay Jin! Hindi ko hahayaang mabago ni Jin ang itinakda! Sa akin lang siya! Hindi ko hahayaan na mabuhay ka pa at masira ang plano ko!" sagot ng matandang Rjay.
Tinapat ng matandang Rjay ang baril kay Chris at handa niya na itong iputok.
"Bakit mo ko gustong patayin! Anong nagawa ko sa'yo?" tanong ni Chris habang nakapikit ang kanyang mga mata sa takot.
Tumawa ng napakalas ang matandang Rjay at tila nababaliw na ito, at sinagot si Chris, "Dahil sinira mo ang tiwala ko sa'yo! Sinungaling ka Chris! Hindi ka tunay na kaibigan! Nang dahil sa'yo, nawala ang attention ni Jin sa akin!"
Kinasa na ng matandang Rjay ang baril at nang malapit niya na itong iputok kay Chris, napatigil siya nang biglang may tumayo sa pagitan nilang dalawa ni Chris.
"Jin! Umalis ka dito!" sigaw ng matandang Rjay.
Dahan-dahang minulat ni Chris ang kanyang mga mata, at nakita niya ang likod ni Jon, at nakatayo ito sa harap niya.
"Jin?" bulong ni Chris sa kanyang sarili.
"Tama na 'to, Rjay. 'Wag mo na ituloy itong balak mo. Pakiusap..." hirit ni Jon.
"Hi-Hindi pwede! Ang tagal ko ng plano 'to, Jin! Hindi 'to pwedeng mapunta sa wala! Umalis ka sa harapan ni Chris! Tatapusin ko na ang buhay niya! Wala ng makakasagabal sa ating dalawa!" sigaw ng matandang Rjay.
"Tama na, Rjay! Paki-usap! Itigil mo na 'to. 'Wag mo hayaan na lamunin ka ng galit. Pag-usapan natin 'to." pakiusap ni Jon.
"Wala na tayong pag-uusapan, Jin! Tumabi ka d'yan!" sigaw ng matandang Rjay.
"Sir Jon, umalis ka na dito! Pakiusap, ayokong madamay ka!" sigaw ni Chris.
Lumingon si Jon at tumingin sa mga mata ni Chris na nakangiti at kinausap ito, "Chris, alam ko na alam mo na ang totoo tungkol sa akin. Pasensya ka na at nagsinungaling ako sa'yo ng mahabang panahon. 'Wag ka mag alala... hindi na kita hahayaang mamatay ngayong pagkakataong ito."
Napapailing si Chris at nagsisimula na tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Jin, please, 'wag mo sayangin ang buhay mo para sa akin. Kung ito 'yung nakatakda para sa akin, tinatanggap ko, 'wag lang kitang makita na mamamatay sa harap ko! Hindi ko kakayanin!" sagot ni Chris.
"Chris, matagal na panahon ang hinintay ko para dito. Ito 'yung araw na pinaghandaan ko, dahil pagkatapos nito, alam ko mabubuhay ka. 'Yun na lang ang gusto kong makita ngayon, na makita kang buhay kasama ang Jin sa oras na 'to. 'Wag ka mag alala sa akin, Chris, nakapagpasya na ako. Kung mawala man ako, hindi mawawala ang Jin sa oras na 'to. Ako ang bahala sa'yo." nakangiting paliwanag ni Jon.
Hindi pa rin matanggap ni Chris ang paliwanag at ang gustong mangyari ni Jon.
Tiningnan naman ni Jon ang matandang Rjay at kinompronta ito.
"Rjay, alam mo naman kung sino talaga ang mahal ko. Pasensya ka na, kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Hanggang doon na lang talaga ang kaya kong ibigay para sa'yo. Pakiusap, itigil na natin to." hirit ni Jon.
"Hindi... Ayoko!" Tumawa ng malakas ang matandang Rjay at biglang itinutok ang baril kay Jon, "Kung ayaw mo sa akin, ang Jin sa oras na ito ang sisiguraduhin kong mapapasakin!"
Nanlaki ang mga mata ni Jon sa isinambit ng matandand Rjay.
Ikinasa na ng matandang Rjay ang kanyang baril, hudyat na handa niya na itong paputukin. Wala na siya sa kanyang tamang pag iisip, at handa na siyang patayin sina Jon at Chris.
Ipinutok na ng matandang Rjay ang kanyang baril, at biglang napalingon si Jon kay Chris, at ngumiti.
Tinitingnan naman ni Chris si Jon, at tila nangungusap ang kanyang mga mata na ayaw niyang mauwi sa ganito ang lahat, na ayaw niyang makita si Jon na mamatay sa harap niya.
Napapikit na lamang si Chris dahil ayaw niya makita ang mga susunod na mga mangyayari.
Nang tumama na ang bala ng baril at tumalsik ang dugo sa mukha ni Chris, ay dumilat siya bigla at sumigaw.
"JIN!"
Gulat na gulat si Chris sa kanyang nakita. Nakatayo si Jon sa harap niya, at nakita niyang nakahiga na ang batang Jin na duguan.
End of Chapter 29