Chereads / March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 32 - Chapter 32: Thank you and Sorry

Chapter 32 - Chapter 32: Thank you and Sorry

Date: March 21, 2021

Time: 11:02 P.M.

Pagkamulat muli ng mga mata ni Chris, nakita niya na nasa labas ng building ulit siya ng pinangyarihang insidente. Nagtago muna siya sa liblib na pwesto na kanyang tinaguan noon.

Ganoon ulit at nakita niya si Jon na pumasok sa loob ng building. Pagkalipas ng limang minuto, ay dumating naman si Jin at tumigil sa tapat ng entrance ng building.

Tumayo siya sa kanyang tinataguan at nilapitan niya si Jin na nakatayo sa tapat ng entrance.

"Chris?" gulat at nagtataka na sinabi ni Jin.

Naluha si Chris nang marinig niya ang kanyang pangalan na isinambit ni Jin, dahil matagal-tagal na rin nang huli niyang marinig ang boses nito.

"Jin, sandali lang."

"Teka, ako ang dapat magsabi niyan, Chris. Hindi ba nasa loob ka dapat ng building?" pagtataka ni Jin, "Mali ba ang sinabi sa akin ni Senior Jin?" nasa isip niya.

Hindi alam ni Chris kung anong pagpigil ang gagawin niya habang hinihintay ang taong tutulong sa kanila na sinabi sa kanya ng matandang Jin, kaya bigla niyang niyakap si Jin na siyang ikinagulat nito.

Dahil sa gulat ni Jin, hindi niya alam kung ano ang kanyang ikikilos, ngunit sa yakap ni Chris, ay may iba siyang naramdaman.

"Tapatin mo ako, hindi ikaw ang Chris sa panahon na 'to?" mahinahong tanong ni Jin.

Hindi makasagot si Chris at nagsimula na siyang maiyak habang yakap niya ang katawan ni Jin.

"Chris, hindi ako pwedeng magtagal dito, mamamatay ka kung hindi ako aalis dito."

Umiiling lamang si Chris at hindi pa rin siya sumasagot at patuloy ang kanyang pag iyak habang nakasandal ang kanyang mukha sa dibdib ni Jin.

Huminga ng malalim si Jin at saka tinanggal ang mga kamay ni Chris na mahigpit na nakayakap sa kanya. Ayaw niya sanang puwersahin ang pagtanggal sa mga mahigpit na yakap ni Chris ngunit wala na siyang magawa.

"Pasensya ka na sa gagawin ko, Chris."

Hinalikan niya ang mga labi ni Chris na siyang ikinagulat nito kaya ang matinding kapit nito sa pagkakayakap ay biglang humina at natulala na lamang.

"'Wag, Jin. Kaunting oras na lang, please."

"Wala na tayong oras, Chris."

Nagsimula nang maglakad si Jin at nang malapit na siyang makapasok sa entrance ng building, ay may sumigaw ng kanyang pangalan sa malayo.

"Jin! Sandali lang!"

Napatingin sina Chris at Jin sa isang boses na pamilyar sa kanila at nang makita nila kung sino ito, napagtanto nila na si Rjay ito kasama ang matandang Jin na naglalakad papalapit sa kanilang tinatayuan.

"Senior Jin? Rjay?" hirit ni Jin.

Pinunasan ni Chris ang kanyang mga luha at napangiti nang makita niya sina Rjay at ang matandang Jin.

Nang makalapit na sina Rjay at Senior Jin kina Chris, ay kinausap niya ito, "Chris, maraming salamat sa pag pigil kay Jin sa sandaling oras." nakangiting hirit ng matandang Jin.

"Whaat? Anong pag pigil sa sandaling oras? Wala na tayong oras!" sigaw ni Jin.

Biglang lumapit si Rjay kay Jin at may inabot na isang regalo na nakabalot sa isang green na plastic box.

"Jin, I'm sorry, sana mapatawad mo ako. Hindi ko na 'to madadala sa pupuntahan ko. Alagaan mo 'to para sa akin." nakangiting sinabi ni Rjay habang pinipigilan niya ang kanyang sarili na lumuha. Pagkatapos ay tumingin siya kay Chris at kinausap ito, "Chris, I'm sorry din dahil sa akin, marami kang mga pinagdaanan na hindi magaganda. Itong gagawin ko ang alam kong magiging kabayaran para sa lahat ng kasalanan ko sa'yo."

Huminga ng malalim si Rjay at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng building.

Naiwan na lamang sina Jin, Senior Jin at Chris sa labas ng building. Dahil sa pagtataka, binuksan ni Jin ang regalo na binigay sa kanya ni Rjay.

Tumambad kay Jin ang music box na binigay niya kay Rjay noong birthday nito. Pagkabukas niya sa music box, may nakita siyang isang letter at binasa niya ito.

Hi Jin,

Mukhang hindi ko na madadala itong music box na niregalo mo sa akin. Araw araw ko itong nililinis dahil ito 'yung pinaka unang bagay na binigay mo sa akin.

Ang galing lang dahil nakilala ko ang tatlong Jin sa buhay ko—ikaw, si Kuya Jon, at ang matandang Jin.

Nakausap ko na ang matandang Jin, at marami akong nalaman sa kanya. At dahil doon, ako pala ang may pinakamalaking pagkakamali sa'yo.

Sabi ko nga sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para sa'yo. Kaya heto ako, gagawin ko na ang pinakamalaking desisyon sa buong buhay ko.

Maraming salamat, kapatid. Napasaya mo ako at pasensya ka na sa mga nagawa ko. Ito lang ang kaya kong gawin para mabayaran ko ang lahat ng kasalanan ko sa'yo.

Thank you and sorry.

—Rjay

Pagkatapos mabasa ni Jin ang sulat ni Rjay, napatingin siya sa matandang Jin, "Anong ibig sabihin ni Rjay?"

"Ang tanging makakapigil lang sa pagkamatay niyong dalawa ni Chris ay pigilan ang kanyang matandang sarili. Ngunit hindi ko alam kung sa paanong paraan niya ito gagawin." sagot ng matandang Jin.

"Hindi! Hindi pwede 'to! Alam ko kung anong balak ni Rjay!" sigaw ni Jin.

Gunshot!

Nanlaki ang mga mata nilang tatlo at pumasok sa loob ng building nang marinig nila ang pagputok ng isang baril.

Sina Jin at ang matandang Jin lamang ang sumunod sa lugar kung saan nila narinig ang putok, habang si Chris ay nagtago sa hindi kalayuan upang hindi siya makita ng Chris sa panahong ito at pinanood ang mga pangyayari.

"Rjay!" biglang sumigaw si Jon.

Sinalo ni Rjay ang bala ng baril ng matandang Rjay at tumama ito sa kanyang puso. Ngunit bago bumagsak ang kawatan niya, lumingon siya kay Jin na kararating lamang, na lumuluha ang mga mata ngunit may mga ngiti sa kanyang mga labi... hanggang sa bumagsak ang katawan niya sa sahig.

Kumalat na ang dugo na nagmumula sa puso ni Rjay kung saan tumama ang bala ng baril sa kanya.

"Hindi! Hindi 'to maaari! Anong ginawa mo! Hindi pwede!" galit na galit na sinabi ng matandang Rjay at lumapit ito sa pwesto ng katawan ng batang Rjay.

Ginigising niya ang batang Rjay at pinipilit na bumalik ang malay nito, ngunit huli na ang lahat at nanghihina na ito.

Marami ng dugo ang inilabas ng katawan ni Rjay at nagbabago na rin ang kanyang kulay. Namumutla na ang kanyang mga labi, ngunit nagawa pa nitong magsalita.

"Sabi ko sa sarili ko, hindi ako magiging katulad mo. Tama na, malaya ka na... malaya na rin ako. Hindi na tayo mahihirapan, Rjay."

Ngumiti si Rjay sa huling pagkakataon hanggang sa binawian na siya ng buhay.

"Wag! 'Wag kang umalis! 'Wag ka munang mamamatay!" sigaw ng matandang Rjay, at dahan dahan niyang palihim na kinuha ang sniper knife sa kanyang belt.

Tumingin ang matandang Rjay kay Chris na nanlalaki ang mga mata at galit na galit.

Sinugod niya si Chris upang saksakin ito nang biglang hinablot ni Jon ang kamay niya.

"Jin! Bitawan mo ko! Bakit mo ba nililigtas 'yang lalaki na 'yan? Puro pag papahirap ang ginawa niya sa'yo!" sigaw ng matandang Rjay habang pinipilit niyang kumawala sa pagkakahawak sa kanya ni Jon.

"Rjay, tama na. Palayaan na natin ang mga sarili natin, gaya ng ginawa ng batang sarili mo. Ayaw niya maging katulad mo." sagot ni Jon.

Gamit ang isa pang libreng kamay ng matandang Rjay, may dinudukot siya sa kanyang bulsa. Isang sniper gun na balak niyang gamitin sa mga di inaasahang pagkakataon.

Ngunit ng kanya itong madukot sa bulsa, nagulat siya dahil nakita niya na unti-unti na nagliliwanag ang kanyang katawan—hudyat na maglalaho na siya.

"Ayoko! Ayoko pa mawala! Babaguhin ko pa ang nakatakda!" sigaw ng matandang Rjay.

Itinututok niya ang sniper gun kay Chris, na siyang hinarangan muli ni Jon.

"Kung hindi ka aalis dyan, Jin, sabay kayong mamamatay ni Chris!" sigaw ng matandang Rjay.

Hindi kumibo si Jon at nakatitig lang siya sa matandang Rjay.

Kinasa na ng matandang Rjay ang sniper gun, at nang pindutin niya na ito, bumagsak na ang sniper gun sa sahig.

Tuluyan nang naglaho ang katawan ng matandang Rjay sa kasalukuyan.

Napayuko na lamang si Jon at naluha dahil hindi niya gusto ang mga nangyari. Hindi niya inakala na makikita niyang mamamatay sa harap niya ang isa sa matalik niyang kaibigan na itinuring niya ng kapatid at pamilya.

"Paalam, Rjay. Pasensya ka na kung sa ganito humantong ang buhay mo." bulong ni Jon sa kanyang sarili habang pinahmamasdan ang katawan ng batang Rjay.

Napanood lahat nina Jin at ng matandang Jin ang buong pangyayari, pati na rin si Chris na nagtatago sa di kalayuang pwesto.

Lumapit na si Jin kay Chris na nasa likod ni Jon at itinayo ito.

"Chris, okay ka lang ba? Kumapit ka lang sa akin. Alam ko na hindi mo pa kayang maglakad." nag aalalang sinabi ni Jin habang itinatayo niya si Chris.

Lumapit ang matandang Jin sa katawan ni Rjay na nakahandusay sa sahig.

"Hindi ko man gusto ang naging desisyon mo sa pagpigil sa iyong matandang sarili, pero tatanawin ko to na isang malaking utang na loob, Rjay." bulong ng matandang Jin.

"Jin Tanda, ano nang gagawin natin ngayon? Tumawag ka na ng ambulansya para kay Rjay!" nag aalalang sinabi ni Jin.

Naluluha pa rin si Jon ngunit nakangiti siya at biglang huminga ng malalim.

Lumapit ang matandang Jin kay Jon at inilagay niya ang kanyang kamay sa kanang balikat nito at kinausap.

"Sa wakas, nagawa na nating iligtas si Chris at baguhin ang hinaharap, ngunit may isa tayong kaibigan na hindi inaasahang mawala." hirit ng matandang Jin kay Jon.

"Sa totoo lang, kung hindi dahil sa tulong mo, hindi tayo magtatagumpay." sagot ni Jon.

"Oh, pwede ba mamaya na tayo magkwentuhan kasi si Rjay oh? Hindi pwedeng basta na lang natin siya iwan dito. Tsaka Senior Jin, marami ka pa pong ikukwento sa akin tungkol kina mama at papa. Tsaka ikaw Jin tanda! May kasalanan ka sa akin! Hindi mo pinakain si Bullet kaninang umaga!" naiinis na sagot ni Jin ngunit pabiro niya itong sinabi.

Nakangiti lang si Jon at ang matandang Jin kina Jin at kay Chris. Natutuwa sila dahil sa wakas, pagkatapos ng matagal na paghihintay, nakita na rin nilang magkasama ang dalawa at buhay.

"Sandali lang, bakit nagliliwanag kayong dalawa?" nagtatakang tanong ni Jin.

Kinapa ni Jin ang kanyang katawan kung may sugat ba siya o tama ng baril.

"Teka! Buhay ako! Bakit kayo nagliliwanag!" gulat na sinabi ni Jin.

Ngumiti ang matandang Jin at nagpaliwanag.

"Mukhang hanggang dito na lang kami, Jin. Nabago na ang hinaharap. Dahil nabuhay si Chris, hindi na namin kailangan pang bumalik sa nakaraan. Wala ng rason para bumalik kaming dalawa. Tila ang pagbalik namin sa nakaraan ay burado na." paliwanag ng matandang Jin.

"Anong ibig mong sabihin, Senior Jin? Hindi ko na kayo makakasamang dalawa?" nagtatakang tanong ni Jin.

Unti unti nang lumuluha ang mga mata ni Jin dahil ayaw niya talaga umalis ang dalawang Jin na galing sa magkaibang panahon.

"Sandali lang! 'Wag niyo muna ako iwanan! Marami pa akong tanong! Kailangan ko pa kayong dalawa! Senior Jin, gusto pa kita makilala... marami pa akong gustong malaman. Jin Tanda, 'wag ka muna umalis! Hindi totoo na ayaw kitang kasama sa bahay! Masaya ako na nandito ka, na kasama kita sa bahay natin. Hindi na 'yun kumpleto pag wala ka!  Wala ng maglilinis at magluluto para sa akin! Tutulungan na kita, hindi na kita aawayin palagi, 'wag muna kayo umalis! Anong gagawin ko para pigilan 'to! Sabihin niyo!" naiiyak na sinabi ni Jin.

"'Wag ka magalalala Jin, nandito lang kaming dalawa para sa'yo. Lagi mong tatandaan, na iisa lang tayo. Kaya kahit saang oras o panahon man, magkasama lang tayo." sagot ni Jon at hinawakan niya ang ulo ni Jin, "Makakapunta na ako sa bago kong tunay na oras kung saan ikaw na ang may gawa." nakangiting sinabi ni Jon.

"Gumawa ka ng maraming bagong masasayang alaala kasama si Chris. Wag mong gagawin ang mga pagkakamali na nagawa namin. 'Wag ka mag alala, mawala man kami, pero hindi kami mawawala sa alaala mo. Masaya ako nakita kita at nakilala kita, Jin. Masaya ako na makita kayong dalawa ni Chris bago ako pumanaw sa mundo." nakangiting paalam ng matandang Jin.

"Baka pwede pa natin ayusin. Kaya pa 'to! Pakiusap!" naiiyak na sinabi ni Jin.

Nagshake hands na ang matandang Jin at si Jon, at nagpaalam sa isa't isa.

"Maraming salamat, Senior Jin, kung 'yun ang tawag ni Jin sa'yo. Salamat sa tulong at sa pagsugal ng buhay mo." nakangiting paalam ni Jon sa matandang Jin.

"Salamat din at dahil sa'yo, naisakatuparan natin ang plano. Salamat, Jin." nakangiting sinabi naman ng matandang Jin.

Tumitindi na ang pagliwanag ng dalawang Jin. Wala ng magawa si Jin kung hindi umiyak na lamang at makita ang dalawang Jin na dahan-dahang naglalaho sa paningin niya.

Meanwhile, sa lugar kung saan nagtatago ang isa pang Chris, "Mukhang kailangan ko na bumalik sa tunay kong oras. Baka makita pa ako ng Chris sa panahon na 'to. Maraming salamat sa inyong lahat... lalo na sa'yo Rjay." bulong ni Chris sa kanyang sarili.

Inayos na ni Chris ang kanyang relo upang bumalik sa kasalukuyang oras. Huminga siya ng malalim at pumikit.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: July 21, 2021

Time: 9:30 A.M.

Umiiyak sina Luna at Jade dahil sa huling bilin sa kanila ni Chris. Ang buong akala nila ay mawawala na si Chris sa kanilang mga alaala dahil nais nitong baguhin ang nakaraan.

"Bakit naman kasi naisip pa ni Chris na baguhin 'yung nangyari! Hindi niya ba alam na mamimiss ko siya?" naiiyak na sinabi ni Jade.

"Dapat hindi na natin siya pinatuloy, Ms. Jade! Ayaw ko dumating 'yung araw na dadaanan ko na lang siya basta basta dahil hindi ko na siya kilala! Ayaw ko mangyari 'yun!" hirit naman ni Luna habang umiiyak rin.

Habang nag iiyakan ang dalawang babae, naisip nila na mag save ng mga pictures ni Chris sa kanilang phone upang hindi nila ito makalimutan.

Sa hindi inaasahan, biglang napatigil ang lahat nang makita nila na nagliwanag ang transporter ng time machine. Lahat sila ay lumapit dito upang makita kung anong nangyayari.

Nang humina na ang ilaw na nagmumula sa transporter, laking gulat nilang lahat at napatili ang dalawang babae.

"Chris!" sigaw nina Jade at Luna.

Napadilat si Chris dahil nagulat siya sa sigaw ng dalawang babae. Binuksan ka agad nila Luna at Jade ang transporter upang mayakap si Chris.

"Bata ka! 'Wag na 'wag mo ng uulitin 'yung mga sinabi mo, Chris! Alam mo bang lahat kami dito nalungkot dahil doon? Akala namin hindi ka na namin talaga makikita!" naiinis na sinabi ni Jade habang naiiyak siya, ngunit natutuwa rin siya sa pagbalik ni Chris.

"Para na kitang kapatid, Chris! Mamimiss kita ng sobra kung hindi ka na bumalik! Tsaka kung hindi ka na namin makilala, nag save na kami ni Ms. Jade ng pictures natin! Bad ka, Chris! Pero love na love kita!" naiiyak na sinabi ni Luna habang niyayakap niya si Chris.

"Pasensya na kayong lahat kung pinag-alala ko kayo. May kakaibang nangyari kasi, kaya nakabalik ako dito." hirit ni Chris.

Bumitaw mula sa pagkakayakap si Luna at lumabas sila Chris mula sa loob ng transporter.

"Oo nga, Chris, anong nangyari?" tanong ni Jade.

"Babalik sana ako sa oras kung kailan kami nagkakilala ni Jin. Gusto ko sanang pigilan ang pangyayari na 'yun—" kwento ni Chris ngunit napatigil siya dahil pinalo nina Jade at Luna ang magkabilang balikat niya.

"'Wag mong uulitin 'yan! Kung ayaw mong hindi kita pansinin ng mahabang panahon!" hirit ni Jade.

"Nako, Chris! Nanggigigil ako sa'yo! Ituloy mo na kwento mo! Gusto ko happy ending 'yan ah?" hirit ni Luna.

"Nang papalapit na ko kay Jin noong oras na 'yun, may nakabanga akong isang matandang lalaki, mga nasa 60 years old na siya. Pero hindi ko inakala na ang lalaking nakabangga ko... ay si Jin pala na nanggaling mula sa iba pang panahon." kwento ni Chris at napatigil na naman siya dahil sumingit si Jade.

"Hindi ba ito 'yung Jin or si Jon na nanggaling 6 years from now?" tanong ni Jade.

"Hindi po, Ms. Jade. Ang Jin na 'to, bumalik sa oras kung kailan nabubuhay pa sina mama at ang parents ni Jin—"

Napatigil na naman si Chris sa kanyang kwento dahil sumingit si Luna, "Ang mama mo? So meaning si Tita Agatha? Pero kung bumalik si Jin nang mga panahon na 'yun and hindi pa perfect 'yung time machine, ibig sabihin nakulong na siya ng matagal sa past? Tama ba ako?" tanong ni Luna.

"Oo, tama ka Luna. Mas pinili niya na makulong sa nakaraan, para magawa ang kanyang plano, ang plano na iligtas ako mula sa pagkamatay. Hindi ko inakala na kahit ganoong katagal ang hihintayin niya, hindi siya sumuko."

Nagyakapan ang dalawang babae at tila natutuwa sila ikinukwento ni Chris tungkol sa pagmamahal ni Jin para sa kanya na kahit anong oras at anong panahon, siya pa rin ang iniisip nito.

"Nang makilala ko itong matandang Jin, pinabalik niya ko sa March 21, 2021 muli. Sabi niya, maiiwasan na daw ang pagkamatay namin ni Jin, kung pipigilan o idedelay ko lang ang pagpasok ni Jin sa building. Ang sabi niya, may isang lalaki na pipigil sa pagkamatay namin—"

Napatigil muli si Chris dahil sumingit si Jade, "Ibig sabihin... buhay si Jin?" gulat na tanong ni Jade.

Huminga ng malalim si Chris bago nagpatuloy sa kanyang pagkukwento.

"Oo, nabuhay kami ni Jin, ngunit may kapalit. Hindi namin ito inaasahan lahat. Hindi ko rin inakala na gagawin niya ito—"

Napatigil na naman si Chris dahil sumingit naman si Luna, "Sino 'tong pumigil, Chris? Gusto ko siyang pasalamatan." hirit ni Luna.

Biglang tumulo ang mga luha ni Chris at hindi niya napigilang umiyak.

Nalungkot sina Luna at Jade para kay Chris at hinaplos nila ang likuran nito.

"Wala na siya, Luna... wala na siya." naiiyak na sinabi ni Chris.

Hindi na napigilan ni Luna ang sarili niya at naiiyak na rin siya dahil nalulungkot siya na nakikita niyang umiiyak si Chris kahit hindi niya pa alam ang buong kwento.

"Sino? Sinong wala na? Sabihin mo?" naiiyak na tanong ni Luna.

"Wala na si Rjay. Sinakripisyo niya ang sarili niya. Dahil 'yun lang ang tanging paraan para maglaho ang Rjay na bumalik mula sa hinaharap na gustong pumatay sa akin. Sinalo niya ang bala para sa aming dalawa ni Jin. Wala na ang kaibigan natin."

Hindi na kinaya nina Luna at Chris ang mga pangyayari at nag break down sila. Niyakap na lamang sila ni Jade upang damayan.

"Hindi na tayo makukumpleto sa lunch time. Hindi na na rin natin maririnig tawa niya kapag kasama si Jin. Higit sa lahat, hindi na natin siya makakasama sa mga bonding moments natin." naiiyak na sinabi ni Luna.

Tuloy tuloy lang ang pagiyak nina Chris at Luna habang niyayakap sila ni Jade.

"Pero kung nasaan man si Rjay ngayon, alam ko masaya na siya para sa atin. Nakita ko ang huli niyang mga ngiti. Namatay siya na may mga ngiti sa mga labi, at hindi siya nagsisisi sa ginawa niya." hirit ni Chris habang maluha luha pa ang kanyang mga mata.

"Si Jin? Nasaan si Jin?" tanong ni Luna habang humihikbi.

Nagpunas ng mata si Chris at humiwalay mula sa pagkakayakap mula kay Jade.

Tiningnan ni Chris ang buong paligid ng laboratory at tinitingnan kung nasaan si Jin, ngunit hindi niya ito nakita.

Lumabas sina Luna, Jade at Chris sa labatory at pumasok sa loob ng bahay ni Jin upang tingnan kung nandoon siya.

Sinilip ni Jade sa kitchen, si Luna sa CR, at si Chris naman sa kwarto ngunit hindi nila natagpuan si Jin. Sinubukan rin nilang ipaamoy ang mga gamit ni Jin kay Bullet ngunit hindi nito maamoy kung nasaan si Jin.

"Nasaan si Jin? Chris, may alam ka bang isang lugar na gustong pinupuntahan ni Jin?" tanong ni Jade.

Inisip ni Chris kung ano ang mga lugar na pwedeng puntahan ni Jin kung sakaling mag isa lamang ito.

"Sa bahay niyo kaya, Chris?" tanong ni Luna.

"Hindi pupunta si Jin sa amin. Takot siya sa mga aso namin, at lalo na kay papa. Kaya malabo na sa amin siya pupunta." paliwanag ni Chris.

"Eh sa Jinny's? Tingin mo nandoon siya?" tanong ni Jade.

"Pwede! Tara, puntahan natin siya." sagot ni Chris.

Sumakay sila sa kotse ni Chris na nakaparada sa tapat ng bahay ni Jin, at siya na rin ang nag drive. Natuto siyang mag drive tatlong buwan pagkalipas ng March 21, 2021, dahil ayaw niya na umasa kina Mr. Jill na lagi siyang pinagsisilbihan.

Nang makarating na sila sa Jinny's, tiningnan nila ang mga tables ngunit wala rin si Jin doon. Pumasok si Chris sa kitchen upang tanungin si Jinny na nag lilinis ng mga utensils.

"Oh, Chris, bakit ka naparito?" tanong ni Jinny habang naghuhugas ng mga plato.

"Tita Jinny, nakita niyo po ba si Jin?" tanong ni Chris.

"Hindi. Hindi ba  wala na si Jin?" nagtatakang tanong ni Jinny.

Ngumiti si Chris at umiling.

"Buhay po si Jin, Tita Jinny, hindi po siya nawala." nakangiting sagot ni Chris

"Oh my God! Buhay si Jin? Paano? Bakit? Saan!" gulat na tanong ni Jinny at napatigil siya sa paghuhugas.

"Tsaka na lang po namin ikukuwento sa inyo, pagbalik namin ni Jin. Aalis na po kami. Maraming salamat po." sinabi ni Chris at nagpaalam na siya kay Jinny.

Pagkalabas niya sa kitchen ay iniisip pa rin niya kung saan niya pwedeng matagpuan si Jin.

Napatingin si Chris sa isang mic na nakaset sa stage at tila may naalala siya dito.

"Alam ko na kung nasaan si Jin." biglang sinabi ni Chris

"Saan?" tanong ng dalawang babae.

"Basta, makikita niyo rin." hirit ni Chris.

Pumasok na sila muli sa kotse at nagsimula na mag drive si Chris.

Habang nag mamaneho si Chris, biglang nagtanong si Jade, "Chris, hindi ba ito yung daan papunta sa office building natin?"

"Opo, Ms. Jade." nakangiting sagot ni Chris.

"Ibig mong sabihin, nasa office si Jin?" tanong ni Luna.

"Oo, at tingin ko, alam ko na kung nasaan siya." sagot ni Chris.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nakarating na sila sa office building, at tumungo sa elevator. Nang makasakay na sila sa elevator, pinindot ni Chris ang PH button para makapunta sa roof top.

"Nasa roof top si Jin?" tanong ni Luna.

"Oo, kapag gusto niya magpahinga o gusto niya gumaan ang loob niya, pumupunta siya sa roof top." nakangiting sagot ni Chris.

Elevator Chime - Pent House

Lumabas na sila ng elevator at agad tumungo sa pinto ng roof top.

Pagkabukas ni Chris sa pinto ng rooftop, napatigil siya at huminga muna nang malalim.

"Go, Chris, dito lang kaming dalawa ni Luna. Manonood kami ng happy ending!" hirit ni Jade.

"Sige na, Chris, puntahan mo siya. Dito lang kami, 'wag mo kaming papansinin. If may marinig kang tumitili or pumapalo palo... 'wag mong papansinin! Okay?" hirit naman ni Luna.

Tinutulak na nila papasok si Chris, na siya namang tumango sa dalawa at ngumiti.

Pumasok na siya at dahan dahang naglakad.

Habang papalapit na siya sa swing sa may rooftop, may nakita siyang isang lalaki na nakatalikod sa kanya  at pinagmamasdan lang ang paligid.

Nagtago muna si Chris sa hindi kalayuang pwesto mula sa swing, at nagsimula siyang mag hum.

Narinig ito ng lalaking nakaupo sa swing, ngunit hindi kumikibo. Hindi gumagalaw o nagsasalita ang lalaking nakaupo sa swing, kaya tumigil si Chris sa pag hum.

Biglang nagsalita ang lalaking naka upo sa swing, "Bakit ka tumigil? Gusto ko pa marinig boses mo, Chris."

Naluha si Chris nang marinig niya ang mahinahon na boses ni Jin.

Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at nilapitan niya na si Jin.

Umupo siya sa bakanteng space ng swing na inuupuan ni Jin. Nang makaupo na siya sa tabi ni Jin ay tiningnan siya nito. Tiningnan siya ni Jin sa mga mata at nakangiti ito sa kanya.

"Chris, nagkita na ulit tayo. Nahanap mo na ulit ako, at nakita na ulit kita." nakangiting sinabi ni Jin.

"Jin, pasensya ka na... kung ang tagal mong nahirapan dahil sa akin." sagot ni Chris habang naluluha pa ang kanyang mga mata.

"'Wag ka mag sorry, Chris. Nabasa mo ba 'yung letter ko sa'yo? Ang sabi ko, 'Ang pag ibig ko sa'yo, walang hanggan. Nandito lang ako, kahit anong oras, lugar o panahon. At kung hindi man tayo magkasama, sabay nating hanapin ang isa't isa'. Ang dami nating pinagdaanan 'no? Hindi ko akalain na magiging isang napakalaking adventure to para sa ating dalawa. Kung saan saang oras tayo napadpad." nakangiting sinabi ni Jin.

"Hindi ko din inakala na babalik ako ng oras makita ka lang. Pasensya ka na kung inisip ko na pigilan ko 'yung mga sarili natin na magkakilala. Pero salamat kasi nandyan ka at pinigilan mo ko. Pinigilan mo ako sa mga panahong sumuko na ako. Sa tuwing hindi na kaya ng sarili ko, lagi kang nandyan para samahan ako lumaban." nakangiting sagot ni Chris.

Dahan-dahang ginalaw ni Jin ang kanyang dalawang kamay, at hinaplos ang mga pisngi ni Chris.

"Namiss ko 'tong mga pisngi mo, Chris. Akala ko hindi ko na 'to mahahawakan." pabirong sinabi ni Jin.

Tila may mga ibon na tumitili at may pumupukpok sa pintuan ng rooftop.

"Narinig mo ba yun, Chris? Parang may mga tumitili tsaka kumakatok?" tanong ni Jin.

"Ang alin? Hayaan mo na 'yun. Ang mahalaga, nandito na tayong dalawa, magkasama." sagot ni Chris.

Umiling si Jin at napangiti na lang kay Chris, at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

Nagulat siya sa ginawa ni Chris...

Napapikit na lamang si Jin, dahil sa kakaibang sarap na nararamdaman niya. Nagulat siya nang maramdaman niya ang mga malalambot at mainit na labi ni Chris na dumampi sa kanyang mga labi at dinadama ang halik na mula kay Chris.

Tila may mga maiingay na ibon sa kanilang paligid, at pukpok ng pukpok sa pintuan ng rooftop at ang mga ibon na ito ay nababaliw na sa mga nakikita nila.

Hindi pinansin nina Chris at Jin ang ingay na naririnig nila sa kanilang mga paligid at tuloy lang sila sa kanilang ginagawa.

Pagkatapos na mahalikan ni Chris si Jin, ay niyakap niya ito, isang bagay na matagal niyang hindi nagawa dahil matagal silang hindi nagkita ng maayos at nagkasama.

Niyakap rin siya ni Jin at tila sabik na sabik ito na maramdaman ang lambot at ang init na bumabalot sa katawan ni Chris.

Habang nagyayakapan ang dalawa, tila ang dalawag babaeng nanonood malapit sa pinto ng rooftop ay nagwawala na.

Hindi na nila mapigilan ang kanilang mga sarili at pinapalo palo na nilang dalawa ang pader dahil sa wakas, nakita na rin nila sina Jin at Chris na ipakita ang nararamdaman sa isa't isa na hindi nahihiya at wala ng ikinatatakot.

"Girl, iwanan na siguro natin silang dalawa. Feeling ko, mahaba habang catch up ang gagawin nila." hirit ni Jade.

"I feel you, Ms. Jade! 'Wag na natin sila guluhin, baka mamaya, ma-conscious lang si Chris at si Jin sa atin! Haha! Tsaka na lang natin silang dalawa asarin! Hihi!" hirit ni Luna.

"Nakuhaan mo ba ng video, girl?" tanong ni Jade.

"Ako pa ba, Ms. Jade? Girl Scout to 'no! Papakita ko 'to kay Jin at kay Chris!" natatawang sinabi ni Luna.

"Tara na nga, umalis na tayo! Tayo na lang maging wedding coordinators nila 'no?" hirit ni Jade.

"Good idea, Ms. Jade! Ako sa dress at sa theme!" sagot ni Luna.

"Ako naman sa program at sa reception!" hirit ni Jade.

Umalis na ang dalawang babae sa rooftop at tila kinikilig pa habang pinapanood nilang dalawa ang video nina Chris at Jin na naghalikan at nagyakapan.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: July 21, 2021

Time: 9:00 P.M.

Naghanda na si Jin ng kanyang dinner at nag prepare siya ng kanyang paboritong garlic egg fried rice.

Inayos niya na ang mga plato at baso at inilapag na ito sa dining table.

Naglapag ni Jin ng dalawang plates at dalawang baso.

Inurong niya papalabas ang isang upuan, tila may kasama siyang kakain.

Nang maiurong niya na ang isang upuan, umupo na siya sa kanyang sariling upuan upang magsimulang kumain.

Huminga muna si Jin ng malalim, at tiningnan ang isang plato at baso na walang lamang.

Naalala niya ang mga panahon na magkasama sila ni Jon na sabay kumakain tuwing dinner.

Tumulo na ang luha ng Jin, ngunit agad niya itong pinunasan at natawa sa kanyang sarili.

"Tingnan mo ko, dati, pinapaalis ko na si Jin Tanda agad agad, pero ngayong wala na siya, ang lungkot na ng bahay. Dalawa na lang kami ni Bullet. Nakakamiss din pala siya!" natatawang sinabi ni Jin sa kanyang sarili.

Biglang may boses na nagsalita habang kinakausap niya ang kanyang sarili.

"Sinong kausap mo d'yan, Jin? Si Bullet?" tanong ni Chris na kararating lamang at may yakap yakap na apat na bote ng beer.

Dinala niya ito sa table at inilapag ang apat na bote ng beer.

Nagulat si Jin sa kanyang nakita dahil apat na bote ang inilipag ni Chris.

"Teka, Chris, nakakadalawag bote ka na ngayon?" pabirong sinabi ni Jin.

"Hindi! Sa'yo 'yung tatlo, isa lang sa akin!" natatawang sagot ni Chris.

"Loko loko ka na talaga, Chris. Tara na kumain na tayo." paanyaya ni Jin.

Kumuha pa si Chris ng dalawang plato at dalawang baso na siyang ipangtaka ni Jin.

"Bakit kumuha ka pa ng dalawang plato tsaka baso? Eh mayroon na dito?" tanong ni Jin.

"Para kasi kay 'Sir Jon' yung plato na 'yan." nakangiting sagot ni Chris

Napailing na lamang si Jin at nangiti, "Eh ba't tig-dalawa 'yang kinuha mo? Gutom na gutom ka ba?" tanong ni Jin.

Hindi muna sumagot si Chris, at inilapag ang plato sa isa pang bakanteng space sa table. Pagkatapos ay inayos niya naman ang para sa kanyang sarili. Pagkaupo niya ay saka niya sinagot si Jin.

"Para kay Rjay 'yung isa." Tumingin si Chris sa mga mata ni Jin at nakangiti, ngunit naluluha-luha siya.

Hinawakan ni Jin ang mga kamay ni Chris na nakapatong sa dining table, at sabay nilang tiningnan ang pwesto na inilaan ni Chris para kay Rjay.

"Kung hindi dahil kay Rjay, hindi tayo magkakakilala. At kung hindi dahil din sa kanya, hindi tayo magkakasamang dalawa. Pero nalulungkot ako, kasi sa mga huling sandali niya, hindi niya man lamang narinig na pinatawad ko na siya mga nagawa niya sa akin at sa'yo, at hindi rin ako nakapag sorry sa kanya ng maayos." malungkot na sagot ni Jin.

"Alam ko na masaya na si Rjay, para sa atin. Ginawa niya yun kasi ayaw niya nang mahirapan. Hindi natin ipagwawalang bahala 'yung ginawang sakripisyo ni Rjay. Buhay niya ang itinaya niya para sa atin, kaya gano'n din ang ibabalik ko sa kanya. Jin, habambuhay kitang mamahalin." nakangiting sinabi ni Chris kay Jin.

"Ako din, Chris, ikaw ang pinaka una at pinaka huling tao na mamahalin ko." nakangiting sagot ni Jin.

"Oo nga pala, Jin, may isa pa tayong dapat gawin." hirit ni Chris

"Ano 'yun?" nagtatakang tanong ni Jin.

"Maghanda ka bukas, dahil gusto kang makausap ni papa." sagot ni Chris.

Biglang nagbago ang timpla ng mood ni Jin, at tila napalitan ito ng inis, ngunit hindi niya ito masyadong pinahalata kay Chris. Ngunit dahil magkahawak sila ng kamay, ay nahalata ito ni Chris.

"Jin, galit ka pa rin ba kay papa?" tanong ni Chris, at tila nagaalala.

Huminga ng malalim si Jin at sumagot, "Pasensya ka na Chris, pero, oo. Galit pa rin ako sa papa mo. Hindi ko alam kung paano ko hahayaan ang sarili ko na mapatawad siya. Pero 'yung ipapatay niya ako pati 'yung mga magulang ko para sa kapakanan niya? Hindi ko alam kung paano ko pa siya mapapatawad." malungkot na sinabi ni Jin.

Ngumiti si Chris kay Jin at kinausap muli ito, "Pagbigyan natin siya, Jin. Baka may dahilan si papa kaya niya nagawa iyon. Tingin ko naman, hindi siya basta basta gumagawa ng mga bagay na hindi niya pinagiisipan." sagot ni Chris.

Huminga ng malalim ulit si Jin, at ngumiti kay Chris.

"Sige, Chris. Dahil 'yun ang gusto mo, pagbibigyan kita. Pero, pigilan mo ko pag hindi ko kinaya sarili ko ah? Sabihin mo kay Mr. Jill na sa tabi lang siya para mapigilan ako. Haha!"

"Baliw ka talaga! Kumain na nga tayo! First time ko lang matitikman luto mo!" pabirong sinabi ni Chris.

"Talaga ba?" gulat na tanong ni Jin.

"Oo, lagi kasi si Sir Jon ang nagluluto." sagot ni Chris.

"Bakit hanggang ngayon, Sir Jon pa rin tawag mo sa kanya, eh iisa lang kami?" tanong ni Jin.

"Nasanay na lang siguro ako." natatawang sagot ni Chris.

Tinikman na ni Chris ang niluto ni Jin, at bigla itong napatayo ng makain niya ang inihanda ni Jin.

Nagulat si Jin nang makita niya na biglang tumayo si Chris.

"Hindi ba masarap? Sorry. Tara, sa labas na lang tayo kumain." nalulungkot na sinabi ni Jin.

Tinuro-turo ni Chris ang pagkain sa plate niya, at umupong muli.

Kinain ang food sa kanyang plate at tuloy tuloy niyang isinubo at kinain ang garlic egg fried rice na gawa ni Jin.

Natulala na lamang si Jin kay Chris nang makita niya ito na tila ganadong ganado na kumain.

Nang maubos na ni Chris ang food sa kanyang plate, ay nagtanong siya muli kay Jin, "Jin! Ang sarap! Hindi ko alam na ganito ka pala kagaling magluto! Mas masarap pa sa luto ni Sir Jon! May Extra ka pa dyan? Gusto ko pa!" ganadong ganado na sinabi ni Chris.

Napailing na lamang si Jin at natawa kay Chris. Inabot niya ang kanyang plate na may food na hindi niya pa ginagalaw. Binigay niya ito kay Chris na siya namang kinuha nito kaagad.

"Sure ka Jin, akin na lang 'to?" tanong ni Chris habang nakatingin sa food na nasa plate at takam na takam.

Tumango lamang si Jin at ngumiti, "Oo, sa'yo na 'yan." nakangiting hirit ni Jin.

Nagsimula na muli kumain si Chris. At habang kumakain siya, tila napansin niya si Jin na nakatingin lamang sa kanya, kaya nahiya siya at napatigil sa pagkain

"Hindi ka ba nagugutom, Jin?" tanong ni Chris.

Umiling si Jin at sumagot, "Hindi. Busog na ko sa nakikita ko." nakangiting sinabi ni Jin.

"Bahala ka nga dyan! Basta ako kakain ako!" nahihiyang sagot ni Chris at hindi makatingin kay Jin dahil kinikilig siya, "Magready ka para bukas ah?" hirit ni Chris.

"Opo, master Chris" sagot ni Jin.

"Good!" nakangiting sagot ni Chris.

Biglang tumunog ang phone ni Jin, at may nagmessage sa kanya na isang unknown number.

Jin, hihintayin kita... Sana makapunta ka. Pakiusap. Maraming salamat.

-Mr. A

End of Chapter 32