Date: March 22, 2020
Time: 4:30 P.M.
Nakatulala lamang ang batang Jin at ang mga kaibigan niya kay Jon na nakayakap kay Chris. Wala silang masabi o magawa dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"Umm, Sir, may problema po ba? Bakit po kayo nakayakap sa akin?" tanong ni Chris habang tinitingnan ang mukha ng nakayakap sa kanya.
Habang ang lahat ay nakatulala, may motor na napakabilis ng takbo ang biglang dumaan sa tabi nila at nadaanan ang puddle ng tubig sa kalsada at tumalsik ito. Biglang umiba ng direksyon si Jon at hinarangan niya ang tubig na nag splash dahil sa bilis ng pagtakbo ng motor na sana tatama lahat kay Chris dahil nakatayo ito sa gilid ng kalsada.
Splash!
Basang basa ang likod ng t-shirt ni Jon dahil sa tubig na tumalsik, at dahil dito, nagulat na naman sina Jin at ang mga kasama niya. Nakanganga silang lahat at hindi pa rin makapagsalita. Nagtitinginan lang sila sa isa't isa at ang mga mata lang nila ang gumagalaw dahil hindi na din nila alam ang sasabihin.
Bumitaw na si Jon mula sa pagkakayakap kay Chris, at tiningnan niya ang nabasang part ng t-shirt sa kanyang likod. Habang ang lahat ay nagulantang sa nangyari, biglang nagsalita si Jin.
"Kuya Jon! Ano bang ginagawa mo?"
"Kuya Jon?" Sabay na nagsalita sina Rjay at Luna at tila gulat na gulat ang dalawa.
"Kapatid mo siya Jin?" tanong ni Luna kay Jin.
"Sandali, parang 'di ko narinig or wala 'akong alam na may kapatid ka? 'Di ba only child ka lang?" tanong naman ni Rjay kay Jin.
"Ano kasi—" tila Naubusan ng sasabihin si Jin, "Paano ko ba 'to ipapaliwanag?" Napatingin siya sa sa mga mata ni Jon na parang nangungusap na tulungan siya magpalusot.
"Pasensya na kayo, kapatid ako ni Jin. Masyado kasing private yung family namin kaya siguro hindi niyo ko naririnig pag pinag-uusapan ang tungkol sa buhay niya." palusot ni Jon, "Hindi kasi kami magkasama na lumaki at ngayon lang ako nagpakita kay Jin, kaya ngayon niyo lang din ako nakita."
Lumapit si Jon kay Chris pagkatapos niya magpalusot at nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa ulo nito. "Oo nga pala, sorry kung nayakap kita. Nasa malayo pa lang ako, nakita ko na mabilis ang pagtakbo ng motor at sa oras na dumaan siya sa puddle na malapit sayo, tatalsik lahat ng tubig kaya hinarangan ko." paliwanag ni Jon kay Chris.
"Sa totoo lang, grabe ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa ng matandang Jin na 'to!" sigaw ni Jin sa kanyang isip. Ang buong akala niya ay mabubuko na silang dalawa at baka makasira ito sa mission ni Jon. "Ayaw pala na may gawin na makakapagpabago ng timeline ah? Pero, bakit niya pa kailangan yakapin si Chris para harangan 'yung tatalsik na tubig?" Naisip niya na pwede namang sabihin na lang ni Jon at uusog silang lahat. Napabuntong hininga na lang siya dahil hindi niya na alam kung anong tumatakbo sa utak nito.
"Ay, oo nga pala Kuya Jon, mga friends ko, sina Rjay, Luna, at si Chris—'yung niyakap mo!" pakilala ni Jin. Ngumiti naman si Jon at nagkunwari na hindi niya ito kilala. "Rjay, Luna, Chris, si kuya Jon ang kapatid kong matanda na ngayon lang nagpakita sa buhay ko!" dagdag ni Jin at nakipag shake hands pa si Jon upang makumpleto ang kanilang pagpapanggap. "Nakipag-shake hands pa ang matandang Jin sa mga kasama ko pagkatapos ko siyang ipakilala! Talaga naman! Masyadong ginalingan!" nasa isip ni Jin.
"Nakakatuwa lang para sa akin na makita ko ulit 'yung mga kaibigan ko na mga bata pa ang itsura." nasa isip ni Jon.
Ngayon na lang ulit ni Jon nakita si Luna pagkatapos nito umalis ng Philippines sa kagustuhan nito na ipagpatuloy ang passion sa pagiging gadget designer at interior decorator. At si Rjay naman, para sa kanya ay walang masyadong pinagbago ang itsura, mahaba pa rin ang buhok at laging naka man bun kahit ayaw ng dad niya, at mas lumaki ang katawan. Hindi niya na gaanong nakakausap si Rjay sa kanyang panahon sa hindi alam na dahilan.
Natutuwa si Jon na makita na magkakasama silang apat ng mga panahon na 'to.
"Nakakamiss na magkakasama pa kaming lahat at kumpleto, lalo na si Chris. Natutuwa ako na makita siya ulit na nabubuhay pa." nasa isip ni Jon.
"Hala! Seryoso ka, Jin? Kapatid mo siya? Bakit parang—" biglang tanong ni Luna na parang may pinaghihinalaan kay Jin at Jon.
"Parang?" nagtatakang tanong ni Jin at natatakot sa sasabihin ni Luna.
"Parang hindi kayo magkapatid! Ang layo ng dating niya sayo oh? Tingnan mo siya!" bulong ni Luna kay Jin, "Very tall, dark and handsome! Hindi katulad mo tall ka lang sa paningin ko! Ang pagkakapareho niyo lang dalawa ay 'yung eyes niyo na may pagka-chinito. Hala! Crush ko na kuya mo!" bulong ni Luna dahil ayaw niya na marinig ni Jon ang nais niyang sabihin.
Napa-facepalm na lamang si Jin at iniisip na kung alam lang ni Luna na iisa lang sila ni Jon ay babawiin ito ang lahat ng sinabi sa kanya.
Habang nagbubulungan sina Luna at Jin, biglang may kinuha si Chris sa kanyang bag at kinalabit si Jon sa kaliwang balikat nito.
"Ummm, Sir Jon, sorry po sa abala. Hindi ko po sinasadya na mabasa ka. Gamitin mo na lang po muna 'tong extra kong t-shirt. Malaki naman 'to and tingin ko kasya sayo 'to. Sobrang basang basa kasi 'yung likod mo" nahihiyang sinabi ni Chris habang inaabot ang t-shirt.
Pinagmamasdan naman sila ni Jin habang nanliliit ang mga mata niya. Naghihinala siya sa reaction ni Jon dahil labis ang ngiti nito.
"Tingnan mo 'to? Inabutan lang ng damit, pero 'yung ngiti parang aabot na hanggang batok! Huy! Ganito na ba ko kababaw pagdating ng panahon? Wala na ata ako pagasa kung matutulad ako sa matandang Jin na 'to!" Iniisip ni Jin.
Kinuha ni Jon ang damit mula kay Chris at labis ang tuwa niya nang pahiramin siya ng t-shirt.
"Sorry din sa abala, Chris, hayaan mo lalabhan ko na lang 'to. Ibabalik ko na lang sayo pagkatapos. Thank you pala dito." nakangiting sinabi ni Jon. Pagkakuha niya sa t-shirt ni Chris, bigla niyang hinubad ang kanyang suot na basang t-shirt para magpalit. Napatingin ang lahat sa katawan niya at nang makita nila 'to—
"Hele! 'Yeng eysh creeam ke netetenew neee! Hehe!" (Subtitle: Hala! Yung Ice Cream ko natutunaw na) biglang banat ni Luna nang makita ang katawan ni Jon.
"Sir Jon, madalas po ba kayo mag workout? Ang ganda po kasi ng built ng katawan niyo, fit at toned tingnan." hirit ni Rjay habang tinititigan ang dibdib at mga braso ni Jon na parang gusto niya itong hawakan.
Hindi alam ng batang Jin kung matutuwa ba siya sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya o maiinis sa kayabangan ni Jon na pinapakita ang maganda ang katawan nito.
"Oo na, maganda na katawan mo! Haist!" nasa isip ni Jin. Habang pinapanood niya sina Luna at Rjay na tuwang tuwa sa katawan ni Jon, napatingin siya kay Chris. "Whaaattt! Pati rin si Chris, tinititigan 'yung katawan ni Jin Tanda! Hindi ko alam kung maiinis ako o mahihiya ako! Katawan ko 'yung tinitingnan niya kung tutuusin!" sinisigaw na sa isip ni Jin.
Pagkatapos masuot ni Jon ang damit na pinahiram sa kanya ni Chris, inayos niya ito kaunti, at saka binuhat ang nilapag niyang dalawang supot ng mga beer na binili niya sa 7/11. "Ay oo nga pala Jin, natanggap ko yung text mo kanina. Sinabi mo na nakapasa ka sa interview mo at natanggap ka. Bumili ako ng beer para mag-celebrate" nakangiti niyang sinabi.
"Ha? Hindi naman ako nag text ah?" napaisip si Jin at tiningnan niya ang sent messages ng kanyang phone at nagbabakasakali na nakaligtaan niya lang na nag message siya. Ilang sandali lang ay naalala niya na alam na ni Jon ang mangyayari, "Haist! Hindi mo pa sinabi sa akin na papasa ako. Kailangan ko pang hulaan talaga!" Naiisip ni Jin pinapahirapan na lang siya ni Jon. Pero dahil nakita niya na marami itong beer na binili, pinapatawad niya na ito, sa ngayon.
"Uy gusto ko 'yan! Sige inumin natin 'yan mamaya pag uwi! Thanks Kuya Jon!" nakangiting sinabi ni Jin.
"Umm, kung gusto niyo mag celebrate din, pwede kayo sumama sa amin ni Jin " biglang paanyaya ni Jon sa iba pa.
Habang sina Rjay, Luna at Chris ay nakatingin kay Jon nang nakangiti, si Jin naman ay nanliliit na ang mga mata dahil sa inis.
"Bahay mo? Parang bahay mo lang ah?" nasa isip ni Jin, "Pero technically, bahay niya din naman dahil iisa lang kami. Kaso, oras ko to kaya ako ang mas may karapatan! Baka gusto mong mawasak bahay natin? Hindi tayo kasya lahat dun!" Siya na ang nag reason out para sa lahat dahil iniisip niya na hindi sila makakagalaw sa loob ng bahay niya dahil sa sikip. Silang dalawa pa lang ni jon ay nasisikipan na siya. "Baka may mga gagawin pa sila? 'Di ba Rjay, Luna, and Chris, may mga lakad pa kayo?"
Gustong sumama ng mga kaibigan ni Jin, ngunit may sari-sarili silang mga reason. Si Luna, nagdadalawang isip, gustong sumama pero nahihiya siya pag nakaharap siya kay Jon. Si Rjay naman, naghihintay lang ng may sasama. Habang si Chris naman—
"Sige po, Sir Jon, pwede po ako." seryosong sinabi ni Chris kay Jon.
Ngumiti pabalik si Jon nang malaman niya na gusto sumama ni Chris, habang si Jin naman ay nagulat at hindi ito inasahan.
Napa-facepalm na naman si Jin at kung ano-ano na ang tumatakbo sa kanyang utak nang malaman niya na gustong sumama ni Chris, "Whaaat! Bakit ka naman pumayag Chris? Ano naman naisip mo? Hindi ka naman malakas uminom, Tsk! Alam ko wala na 'tong atrasan. Dahil sumama na si Chris, susunod na din ang dalawa. Kasalanan 'to ng matandang Jin! Argghh!"
"Okay! Dahil pupunta si Chris, sasama na din ako!" hirit ni Rjay
"Hele! Eke den seseme hehe!" (Subtitle: Hala! Ako din, sasama hehe!) nahihiyang sinabi ni Luna habang nakatingin kay Jon.
"Ba't ka ganyan magsalita Luna?" tanong ni Jin habang natatawa siya kay Luna na nakangiti at dahan dahang nilalapitan ang braso ni Jon upang hawakan ito.
"Sherep eh." hirit ni Luna.
Pagkatapos mag desisyon, sabay sabay na silang umalis sa tapat ng Ice cream stall at tumungo na rin sila sa bahay ni Jin. Nang makarating na sila sa bahay ni Jin, pumasok na silang lahat. Umupo muna sa sofa sina Rjay, Luna at Chris at tumungo naman ng kitchen ang dalawang Jin para makapag usap.
"Ano naman pumasok sa utak mo at sinama mo pa sila! Ang sikip oh saan tayo niyan?" naiinis na sinabi ni Jin.
"Bakit? Masama ba na makasama ko ulit ung mga tropa natin? Minsan na lang kami makumpleto, kaya hayaan mo na!" nakangiting sagot ni Jon. Nanliliit ang mga mata ni Jin at nakatitig ito sa kanya, tila hindi pa rin ito natutuwa. "Isa pa, may matututunan kang secret sa akin. May maluwag na pwesto dito sa bahay natin. Mas maganda nga na mas maaga ko nalaman 'yun. Pero para sayo sasabihin ko. Doon tayo sa may likod ng bahay natin" dagdag ni Jon.
"Ha? Sa likod eh wala naman table doon?" nagtatakang tanong ni Jin.
"'Di na kailangan ng table. May malaki tayong banig sa kwarto natin. Lagi ko yun doon tinatago, kahit hanggang ngayon. Alam ko hindi mo rin yun ginagalaw, kasi hindi mo alam kung saan mo pwede gamitin"
Napaisip bigla si Jin at nagustuhan niya ang plano ni Jon. "Sige gusto ko yan, matalino ka din pala eh 'no?"
Tumungo na ng kwarto ang dalawang Jin para kunin ang malaking mat. Doon sila ma-uupo habang nag-iinuman sa likod ng bahay nila, kung saan ang lugar na iyon ay ang laboratory ni Jon sa panahon niya. Sa panahon ni Jin, isa pa lamang itong open space at hindi pa nagagamit masyado ang part ng bahay niya na 'yun.
Nang makuha na ng dalawang Jin ang malaking banig, tumungo na sila sa likod ng bahay upang ayusin ang paglulugaran nilang lahat. Naghanda na din ng pulutan sina Luna at Rjay sa kitchen.
Tumungo naman sa likod ng bahay si Chris kung saan nag-aayos ang dalawang Jin, at pinapanood niya ang ginagawa ng mga ito sa hindi kalayuang pwesto. Habang pinagmamasdan niya ang dalawa, hindi niya mapigilan ang sarili na mag isip at mag hinala sa dalawang Jin.
"Si Jin at Sir Jon, ako lang kaya ang nakakapansin? May pagkakahawig sila, mula sa itsura ng mukha, kilos pati paraan ng pananalita. Hindi kaya dahil magkapatid lang talaga sila? Pero parang iisang tao lang talaga sila sa paningin ko. Parang matandang Jin si Sir Jon. Hmmm?"
Napaka observant na tao ni Chris, at kahit ang mga maliliit na detalye ay napapansin niya. Patuloy lang ang kanyang panonood sa dalawang Jin na nag-aayos ng kanilang lulugaran.
Nag-uusap ang dalawang Jin at napapansin nila na tinitignan sila ni Chris at pinapanood sa di kalayuang pwesto habang nag-aayos sila.
"Tingnan mo 'to si Chris, pinapanood lang tayo. Hindi tayo tinutulungan." bulong ni Jin.
"Hayaan mo na, bisita mo 'yan kaya 'wag mo pagawin ng mga bagay-bagay. Mag relax lang siya d'yan." sagot ni Jon.
"Ano mo ba si Chris? Bakit ang bait bait mo masyado sa kanya? Nakakahalata na ko ah? Parang lagi mo siyang pinapaboran?" nagtatakang tanong ni Jin.
"Hmmm. Sabihin na lang natin na malaki utang na loob ko kay Chris. 'Wag mo na tanungin kung bakit. Malalaman mo din." paliwanag ni Jon.
"Hays! 'Yan ka na naman sa mga pabitin mo eh! Oo na, ikaw na ang nakakaalam ng lahat ng mangyayari. Pero sandali, gusto ko lang malaman, talaga bang nag inuman kami dito sa bahay pagkatapos ng interview? Kung hindi, baka may effect to at maiba ang timeline?" tanong ni Jin.
"Hindi. Walang inuman na naganap. Natulog lang tayo pagkauwi." natatawang sagot ni Jon.
"Ha? Eh paano 'yan! Baka magkaroon 'to ng epekto!" nangangambang tanong ni Jin.
"Hindi 'yan. Maliit na bagay lang 'to. Magce-celebrate lang naman tayo. Wala namang mangyayaring masama siguro."
"Eh paano 'yung sinalo mo lahat ng tubig kay Chris kanina sa tapat ng Ice Cream stall? Sinadya mo ba 'yun?"
"Ah 'yun? Noong sa oras ko, si Chris lahat sumalo. Sobrang hiyang hiya siya nun noong time na 'yun. Niligtas ko lang siya ngayon." paliwanag ni Jon habang nakatingin sa kanya si Jin na umiiling.
"Ako lang ba o walang isang salita itong matandang Jin? Natatandaan ko na sabi niya 'Ayaw niyang may baguhin sa mga mangyayari'. Pero tingnan mo, siya pa yung gumagawa ng kung ano-ano!" nasa isip ni Jin. Nakatingin lang siya sa matandang Jin na nakangiti sa kanya, "May gana pa siyang ngumiti talaga? Kung may mangyaring masama sa aming dalawa, kilala ko na kung sinong dapat sisihin!" sinisigaw ni Jin sa kanyang isip.
Nagtaka din si Jin kay Chris kung bakit ito sumama ng yayain siya ni Jon. Hindi sila ganoong nag-uusap ni Chris at medyo ilang ito pagdating sa kanya at hindi naman din ito malakas uminom kaya napapaisip siya, "Pero bakit kaya siya sumama?"
Natapos na ang dalawang Jin mag-prepare ng lugar na pag-iinuman nila, at nakapag luto na rin ng pulutan sina Rjay at Luna. Si Chris naman ang naglagay ng mga beer at pagkain sa mat. Pagkatapos ay umupo na silang lahat, at magkatabi sina Rjay at Luna. Sa harap naman nila ay ang dalawang Jin na magkatabi. Sa gitna naman nina Rjay at Jon ay si Chris.
Binuksan na ni Jon ang mga beer at isa isang inabot ito simula kay Jin, sunod kay Rjay, pagkatapos kay Luna, at huli si Chris. Nagkwentuhan at nagpainit muna sila habang kasisimula pa lang ng kanilang drinking session at nauna na magtanong si Luna.
"Sir Jon, tege seen pe keye? Hehe!" (Subtitle: Sir Jon, taga saan po kayo? hehe)
Napatingin na lang si Rjay kay Luna at natatawa sa kung paano ito magsalita kapag kausap si Jon. Habang ang dalawang Jin naman ay nagkatinginan bigla at nanlaki ang mga mata dahil sa hindi inaasahang tanong. Nagaantay naman ng sagot si Chris at patuloy lang na nag oobserve.
"Ahh ako ba? Sa Korea ako nag stay simula ng maghiwalay kami ni Jin." paliwanag ni Jon.
"Hele! Oppa serengheyeee!" hirit ni Luna na labis ang pagkakilig habang si Rjay naman ay natatawa sa pinaggagagawa niya at kung paano siya magsalita pag nasa harap ni Jon.
"Lasing ka na ba Luna? Haha! Hindi ganyan 'yung Luna na kilala ko! 'Yung Luna na alam ko, walang pakundangan sa mga sinasabi! Walang hiya ang Luna na kilala ko! Nasaan na yung Luna na 'yun? Ilabas mo siya!" asar ni Rjay kay Luna.
"Wala na siya—" Bigla napatigil si Luna dahil nakalimutan niya na puro "E" pala ang vowels niya dapat. "Ey sheree! Wele! Tenege ke ne mene siye se melete et tinele pere di mekewele! Hihihi!" hirit ni Luna kay Rjay. (subtitle: Ay sorry! Wala! Tinago ko na muna siya sa maleta at tinali para di makawala! Hihihi!)
Habang pinapakinggan at pinapanood ng dalawang Jin at ni Chris ang usapan nina Luna at Rjay, biglang nagtanong si Chris kay Jon.
"Sir Jon, pwede ko po bang makita 'yung mga kamay mo?"
Nang marinig nila ang tanong ni Chris, nabulunan si Jin habang umiinom ng beer. Sina Luna at Rjay naman, ay napatigil sa kwentuhan nila at napatingin bigla kay Chris at Jon.
Inisip ni Jon kung bakit biglang tinanong ni Chris 'yung tungkol sa mga kamay niya. Ito ang hindi niya napaghandaan dahil hindi naman niya inaasahan na ganito ang kalalabasan ng pagbalik niya sa past. Nangamba siya dahil isa sa mga skills ni Chris ang maging observant at iniisip niya na naghihinala na ito sa kanya. Nagtataka lang siya kung bakit gusto makita ni Chris ang mga kamay niya. Ang alam niya ay hindi ito marunong magbasa ng palad, pero napapaisip pa rin siya kung ano ang gustong mangyari ni Chris. "Kailangan kong mag-ingat at baka sa pagkilatis niya sa kamay ko, may matuklasan siya. Pero kampante naman ako na wala. Puno na ng sugat at mga kalyo ang mga kamay ko, kaya tingin ko walang mahahalata si Chris." nasa isip ni Jon.
Nilapit ko niya na ang mga kamay niya sa tapat ng dibdib ni Chris, ngunit kabado pa rin siya at iniisip na dahil sa mga kamay niya ay baka mabuko silang dalawa ng batang Jin. Hinihiling niya na sana hindi mapansin ni Chris ang tattoo niya sa isang daliri. Pero natakpan na ito ng mga sugat at kalyo kaya safe na siya at maaaring hindi na ito mapansin. Nang hinawakan na ni Chris ang mga kamay ni Jon—
"Aaarrgghh! Ang lambot!"
Ito ang pinakagusto ni Jon sa katawan ni Chris. Ang mga kamay nito na sobrang lambot. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tipong gusto niya lang na hawakan ito ng matagal.
"Okay na po Sir Jon, thank you. Sorry po kung biglaan, may tiningnan lang ako." nahihiyang hirit ni Chris pagkatapos niyang tingnan at hawakan ang mga kamay ni Jon.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Malalim na ang gabi at marami-rami na rin silang nainom. Dahil sa kalasingan, nakahiga na si Luna sa banig habang si Rjay ay nakaupo na lang at nakatitig sa isang tabi. Ang dalawang Jin naman ay nasa control pa rin dahil sa alcohol tolerance nila. Si Chris naman ay tipsy na at makikita mo na lasing na din dahil sobrang pula na ng kanyang katawan at mga pisngi. Mas mapungay na rin ang kanyang mga mata kumpara sa normal.
"Sandali! Hehe!" biglang tumayo si Chris, "mag C.R. lang ako! 'Wag niyo uubusin 'yung beer ko o itatapon! Iinumin ko pa yan. Hehe!" hirit ni Chris at hilo na rin siya dahil sa kalasingan.
"Jin, samahan mo si Chris sa C.R. baka kung mapano" utos ni Jon.
"Ha? Kaya niya na 'yan! Hindi naman 'yan mawawala dito saka makakarating 'yan doon." sagot ni Jin.
Dahil ayaw sumunod ni Jin, tiningnan siya ng masama si Jon at nanlilisik ang mga mata nito. Wala na siyang magawa kundi samahan si Chris. Tumayo na siya mula sa kanyang inuupuan at lumapit kay Chris.
Inilagay niya ang kamay ni Chris sa kanyang balikat para maakbayan siya nito at maging support habang naglalakad sila dahil hilong hilo na ito sa kalasingan at hindi makalakad ng maayos. Tumungo na sina Jin at Chris sa C.R. sa loob ng bahay.
Habang dahan-dahan silang naglalakad, biglang inasar ni Jin si Chris, "Ayan ang lakas ng loob sumama, hindi pala kaya uminom!"
Tiningnan ni Chris ng masama si Jin dahil bigla siyang nainis. Tinanggal niya kanyang kamay na nakaakbay kay Jin, tinulak niya ito ng mahina at nagpatuloy sa paglalakad ng dahan dahan papasok sa bahay.
"Alam mo ba kung bakit ako sumama?" tanong ni Chris habang naglalakad siya palayo sa kinatatayuan ni Jin at paika-ika dahil sa kalasingan. Nang makarating na siya sa tapat ng pinto ng bahay ni Jin, muntik na siyang sumubsob sa sahig pagkahakbang niya. Buti na lang ay agad siyang nasalo ni Jin nang malapit na siyang sumubsob sa sahig. Hindi sinasadya ni Jin na magkalapit ang kanilang mga mukha ng saluhin niya si Chris.
Dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha sa isa't isa, napatitig na lamang siya sa mukha ni Chris na nakangiti at nakapikit na ang mga mata dahil sa kalasingan.
Jin's POV
"Whaaaat!"
Sobrang lapit ng mga mukha namin ni Chris sa isa't isa. Kaunting usog na lang ay malapit na kaming magkahalikan. Pero hindi ko mapigilang tingnan 'yung mukha niya.
"Totoo naman 'yung mga puri nila kay Chris. May lasing ba na ganito pa rin kaganda ang itsura? Inaamin ko ang pagkatalo ko pag dating sa cuteness. Panalo na si Chris doon. Pero pagdating sa kagwapuhan, siempre, ako ang top 1!"
Napagtanto ko lang din na first time ko na makita ng ganito kalapit si Chris. Madalas kasi, lagi siyang naiilang sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro hindi ko din kasi siya gaanong kinakausap.
Habang tinititigan ko si Chris ng malapitan, nararamdaman ko yung mainit na hangin na lumalabas sa bibig niya at amoy alak na! Haha! Napakahina niya talaga uminom.
"Hmmmmm."
Kaya maraming nagkakagusto kay Chris dahil sa itsura niya. Maputi, mahaba ang mga pilik mata at rosy cheeks. Mukhang suplado si Chris sa unang tingin lalo na pag seryoso siya, pero sobrang cute niya lalo na pag nakangiti which is minsan ko lang makita kapag kinakausap ko siya ng mga walang katuturang bagay. Natatawa siguro siya sa itsura ko!
Hindi ko lang din alam kung bakit wala siyang ineentertain kahit isa. Pero baka mayroon na siyang girlfriend at hindi niya lang na kwento? O baka mapili lang siguro talaga siya pagdating sa mga babae. Haha!
Habang tinitingnan ko siya, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong hawakan yung mapula niyang cheeks. Ewan ko, parang pakiramdam ko, ang lambot nito. Pagkakataon ko na 'to, hilo pa naman si Chris, at saka, wala naman akong gagawing masama! Gusto ko lang malaman kung malambot talaga 'to gaya ng sinasabi ni Luna sa 'kin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Chris pahawak ako ng cheeks mo' pag nasa katinuan siya!
"Saglit lang to, promise hindi ko na uulitin."
Dahan-dahan kong inilapit ang isa kong kamay sa kaliwang pinsgi ni Chris. Medyo mabilis ang tibok ng puso ko dahil baka gumising siya bigla at mahuli niya ako! Pero noong lumapat na ang kamay ko sa mukha ni Chris—
"Whaaaaaattttt?"
Hindi ko inakala! Totoo nga ang sinabi ni Luna, hindi lang malambot ang cheeks ni Chris—sobrang lambot! Hindi ko mapigilan ang sarili ko na haplusin ang cheeks niya, pero bigla akong natauhan. Pakiramdam ko, nate-take advantage ko na siya at ang katawan niya.
"Sorry, hindi ko sinasadya." Ginising ko si Chris habang tinatapik ko ang kanyang cheeks at napadilat siya ng kaunti. "Chris, tayo na. Sabi mo naiihi ka na diba? Baka maihi ka pa dito sa sahig" Bulong ko sa kanya habang inaayos ko ang tayo naming dalawa.
Nang makatayo na kami ng maayos, inilagay ko na ulit ang kamay at braso niya sa balikat ko. Dahan-dahan kaming naglakad dahil hilong hilo pa si Chris, at tumungo na kami ng C.R.
Nang makapasok na kami sa C.R., hinihintay ko na tanggalin na ni Chris ang kamay niya sa balikat ko, pero hindi niya ginawa.
"Bakit hindi niya pa tinatanggal 'yung kamay niya sa balikat ko? Nakatulog na ba siya?" nasa isip ko. "Oh akala ko ba iihi ka na? Nakatulog ka na ba o baka gusto mo samahan pa kita umihi?" pabiro kong tanong sa kanya.
Tumingin ako kay Chris at nagulat sa reaction niya. Tumango siya at nakatingin siya sa akin na parang nagmamakaawa.
"Whaaaatt! 'Wag mo ko tingnan ng ganyan, Chris!" sinisigaw ko na sa isip ko. "Ha seryoso ka? Makikita ko si Chris Jr. 'pag sinamahan kita! Gusto mo ba yun?" nahihiyang kong sinabi sa kanya.
"Okay lang. Buksan mo 'yung zipper ko. Naiihi na ko. Wala na ko lakas.!" sagot ni Chris dahil sa kalasingan.
Natatawa na lang ako kay Chris, kasi nagiging kabaligtaran siya ng sarili niya kapag nakakainom siya. Naalala ko noong unang beses na niyaya ko siya sa inuman, 'yung Chris na napakatimik at mahiyain, eh naging napaka-outrageous pag lasing!
Alam ko na lasing lang siya at hindi niya tinototoo ang kanyang request. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa balikat ko, pero—
"Whaaat! Seryoso ka talaga Chris?"
Wala siyang balak tanggalin ang kamay niya sa akin. Pakiramdam ko, pipigilan niya talaga yung pag-ihi niya hangga't hindi ko binubuksan yung zipper niya!
"Masama to! Patawarin mo ko Lord God!"
"Oo please buksan mo na zipper ko naiihi na ako." patuloy na request sa akin ni Chris.
Wala na 'akong magawa, dahil ayaw din naman akong pakawalan ni Chris mula sa pagkaka-akbay, might as well na gawin ko na lang din. Parehas naman kaming lalaki. At saka baka mamaya magka U.T.I. pa siya kung pipigilan niya 'to. Nilapit ko na ang isa kong kamay sa zipper ng pants niya, ngunit kinakabahan din ako ng malala!
"First time ko lang 'to gagawin! Kay Chris pa!"
Kung alam lang ni Chris ang pinapagawa niya! Kapag nasa ulirat na siya, iku-kwento ko sa kanya 'to. Baka lalo siyang mahiya at mailang sa akin pag nagkataon. Nararamdaman ko na lalo niya na akong hindi kausapin. Kaso, curious din ako! Gusto ko makita kung anong itsura ng tinatago nito ni Chris na si 'Chris Jr.'
"Alam ko maraming gustong makakita nito eh! Ngayon magkakaalaman na kung si Jin Jr. ba o si Chris Jr. Ang mas angat!"
Dahan-dahan kong binuksan ang zipper at ang button ng pants ni Chris. Binaba ko na rin ang pants at blue boxer brief na kanyang suot. Kabado ako habang ibinababa ito at ramdam ko na tumutulo na ang pawis ko. Nakapikit ang mga mata ko habang binababa ko ang pants at boxer brief niya, pero hindi ko na napigilan ang aking sarili. Dinilat ko ang kanang mata ko at dahan dahan kong sinilip si Chris Jr. sa baba.
"Ah! Sorry Chris, pagdating dito mas lamang si Jin Jr., akala ko matatalo mo ko eh!"
Napangiti na lang ako dahil pakiramdam ko nanalo ako sa isang contest. Haha! Pagkatapos ni Chris umihi, dahan-dahan ko nang binalik ang boxer brief at ang pants niya.
"Oh paalam na Chris Jr. Pasensya ka na, hindi ko sinasadyang makita ka ah?" Sinabi ko kay Chris Jr. habang nakaturo ang index finger ko dito. Pagkatapos ay tumungo na kami ni Chris sa sink habang nakaakbay parin siya sa akin.
Hindi niya na rin kayang alagaan ang kanyang sarili, kaya ako na ang nag-asikaso sa kanya. Tinanggal ko ang kamay niya na nakaakbay sa akin at pinatayo ko siya ng maayos kahit na nakapikit siya at tila natutulog na ng nakatayo. Binuksan ko ang gripo ng sink, hinawakan ko ang mga kamay niya at ipinuwesto ito sa tubig na umaagos sa nakabukas na gripo.
Habang hinuhugasan ko ang mga kamay ni Chris sa malamig na tubig, tinitingnan ko ang kanyang mga kamay. Pati rin pala sa kamay, ang ganda at ang linis tingnan na parang hindi gumagawa ng kahit anong gawaing bahay! Ang lambot ng mga kamay ni Chris at siya lang ang lalaki na kilala ko na ganito kalambot na kamay. Katulad ng cheeks niya, ganoon din kalambot ang kanyang mga kamay. 'Di tulad ng sakin, napakatigas, pero sa kanya, parang kamay ng isang babae at napakalambot para sa isang lalaki.
Habang hinuhugasan ko ang mga kamay niya, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin na nasa tapat ko. Para bang ayaw ko na rin bitawan yung mga kamay niya habang hinuhugasan ko ito. Habang nakatingin ako sa salamin na nasa harap ko at hinugasan ang mga kamay ni Chris, napansin ko na dumilat siya ng kaunti. Tila nakatingin lang siya sa ginagawa ko sa kanya.
"Ang lambot ba ng kamay ko? Haha!" hirit ni Chris.
Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita at medyo nahiya na ako.
"Ganyan din ang mama ko sa akin pag hinuhugasan niya kamay ko. Lambot na lambot siya. Alam mo ba, ikaw pa lang bukod sa mama ko nakagawa sa akin nito? Ikaw pa lang nakahawak ng matagal sa kamay ko." kwento ni Chris
Bigla ako napangiti ng walang dahilan nang marinig ko ang kwento ni Chris, ngunit natauhan din ako bigla. Nahiya na ako sa ginagawa ko at tinigil na ang paghuhugas ng kanyang mga kamay. Lumayo muna ako sa kanya upang kumuha ng maliit na towel para gawin niyang pamunasan ng kamay. Inabot ko na sa kanya ang towel ngunit hindi na ako makatingin sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay may ginawa akong hindi kanais-nais. Habang nagpupunas ng kamay si Chris ay bigla na naman siyang bumanat.
"Gusto mo ulit hawakan kamay ko?" nakangiti niyang sinabi.
Nang tanungin sa akin ni Chris 'to, nagdalawang isip ako. Gusto ko pa sanang hawakan yung mga kamay niya, pero nahihiya din ako dahil pareho kaming lalaki at mamaya may makakita pa sa aming dalawa. Baka asarin lang si Chris ng mga kasama namin.
Iniba ko na lamang ang usapan dahil hindi ko na alam at baka kung saan pa ito mapunta at alam ko na lasing na rin siya ng sobra.
"Kaya mo na ba maglakad? Gusto mo ba umakbay ka pa ulit sakin pabalik sa likod ng bahay namin?" tanong ko sa kanya. Lumapit si Chris sa akin at inakbayan niya ako ulit, "So, mukhang it's a 'no', hindi mo pa kaya maglakad mag-isa."
Sabay na ulit kami naglakad palabas ng C.R. Malapit na sana kami makalabas ng bahay, ngunit napansin niya ata ang kwarto ko. Imbis na lumabas na kami ng bahay, pinilit niya ko na mapunta kaming dalawa sa kwarto ko.
"Teka kwarto 'to, hindi 'to daan papunta sa labas" bigla kong sinabi kay Chris.
"Inaantok na ko. Hindi ko na kaya uminom. Matulog na tayo!" Pakiusap ni Chris at sobrang lasing na talaga siya dahil sa boses at kilos niya.
"Hinihintay na nila tayo sa labas, baka hinahanap na nila tayo."
"Kung hinahanap nila tayo, sana kanina pa nila tayo pinuntahan dito sa loob ng bahay mo. Inaantok na ko, tara na matulog na tayo sa kama."
Mukhang hindi ko na naman mapipigilan si Chris, kaya sinamahan ko na lang din siya papunta sa kwarto ko. Sa tingin ko, hindi na rin kakayaning uminom pa ni Chris. Mas mainam na pagpahingahin ko na lang muna siya sa kama ko para mahimasmasan. Babalik na lang ako sa labas pagkatapos kong ihiga si Chris sa kama ko.
Nang makarating na kami sa kama ko, ihinihiga ko na siya at sinususubukan kong tanggalin ang mga kamay niya na nakapalupot sa balikat ko. Habang tinatanggal ko ang mga kamay ni Chris, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay biglang natumba kaming dalawa sa kama ko.
Ngayon, magkaharap kaming dalawa ni Chris, magkapatong ang mga katawan at magkalapit na naman ang mukha namin sa isa't isa. Dahil sa nahihiya na ako sa kanya, pinilit kong umalis mula sa pagkakapatong ko sa kanyang katawan. Ngunit, hindi ko magawa dahil matindi ang pagkakakapit niya sa mga balikat ko!
Dahil hindi ko na rin maalis ang aking katawan mula sa pagkakapatong kay Chris, hindi ko na naman mapigilang pagmasdan ang kanyang napakagandang mukha na nakapikit at sobrang lapit sa akin.
Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko, pero ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig ako sa mukha ni Chris. Dahan-dahan kong nilapit ang mga kamay ko sa cheeks ni Chris para hawakan at haplusin itong muli. Hindi ko na alam, pero gustong gusto ko ulit maramdaman 'yung lambot ng mga cheeks niya. Hindi ko alam kung bakit, pero gustong gusto ko hawakan si Chris bigla.
"Bakit hindi ko mapigilan sarili ko? Sandali! Hindi 'to pwede at baka dala lang 'to ng beer. Pero sige, hanggang ngayon na lang tapos hindi ko na uulitin. Sorry Chris kung hahawakan ko ulit cheeks mo, hindi ko na kasi mapigilan sarili ko ang lambot kasi."
Habang hinahaplos ko ang mainit at malambot na mukha ni Chris, bigla siyang dumilat at tumingin sa side ng pinto ng aking kwarto at tila may tao siyang itinuturo doon. Dahil sa pwesto ko, nakatingin lang ako sa mukha ni Chris, at hindi ko na napansin kung ano 'yung tinuturo niya sa pinto.
"Jin? 'Ba't nandyan ka sa labas?"natatawang sinabi ni Chris dahil sa kalasingan.
Nagulat ako sa sinabi niya na bakit nasa labas ako, samantalang nasa harap niya lamang ako. Lumingon ako sa pinto, at laking gulat ko ng makita ko ang isang tao na nakatayo. Si Jin Tanda na nakatayo sa pinto ng kwarto ko, at napagkamalaman siya ni Chris na ako!
"Whaaaaaaattt?"
Pareho kaming dalawa ni Jin Tanda na nanlaki ang mga mata at nagulat sa sinabi ni Chris.
End of Chapter 3