Date: April 2, 2020
Time: 8:00 A.M.
Maaga nagising si Jin para sa unang araw ng kanyang trabaho sa isang Technology and Electronics Company, at 8 a.m. pa lang ay umalis na siya sa kanyang bahay kahit 10 a.m pa ang shift niya. Habang nagco-commute si Jin, ay nagmumuni-muni siya at iniisip ang nararamdaman niya para kay Chris at tingin niya ay dapat na niya simulan ang kanyang plano—ang plano na hindi pansinin si Chris for a week.
Para kay Jin, dito niya mapapatunayan kung infatuation lang ang kanyang nararamdaman o hindi. Kapag nagawa niya na hindi pansinin si Chris sa loob ng isang linggo, ibig sabihin ay wala talaga siyang nararamdaman para dito. Sa tingin niya, mas magiging busy na sila at madalang magkakausap dahil sa trabaho.
"Sa paraang ito, maiiwasan ko rin si Chris, isa pa baka mawala lang din ako sa focus kung papansinin ko siya. Wala naman sigurong mangyayaring masama 'di ba?"
Gaya ng dati, tulad ng una silang nagkakilala, hindi na muna niya ito masyadong papansinin at kakausapin, at 'pag hindi niya na napigilan ang sarili niya at hinanap-hanap niya si Chris, ibig sabihin ay iba na ang nararamdaman niya. "Kung umabot ako sa point na 'yun, good luck na lang sa akin!"
Meanwhile sa living room, gising na rin si Jon at nakahiga lang siya sa kanyang sofa at nakatingin sa ceiling at nag-iisip. Inaalala niya ang naging first day niya sa trabaho at natutuwa siya para sa batang Jin. Tingin niya rin ay kailangan niya nang simulan ang kanyang plano—ang planong pagselosin si Jin kay Chris.
Para kay Jon, sa paraang ito, malalaman ng batang Jin kung ano talaga ang tunay nitong nararamdaman para kay Chris. Gusto niya makita ang magiging reaction ng batang Jin sa oras na simulan niya nang suyuin si Chris.
"Wala naman akong magiging problema pag dating kay Chris, dahil alam ko na hindi basta basta mahuhulog ang loob niya sa akin at stick-to-one lang siya! Kung sakali naman na ma-fall siya sa akin, technically, ako pa rin naman si ang batang Jin, so wala naman sigurong problema 'yun— o wala nga ba? Kung umabot ako sa point na 'yun, good luck na lang sa akin!"
Tumayo na si Jon sa mula sa pagkakahiga sa sofa at nagsimula na mag linis ng bahay. Naisip niya na mamaya, after ng shift nila Jin ay yayayain niya ito mag dinner sa labas kasama si Chris at para simulan na din ang kanyang plano.
Meanwhile sa office, nakaupo at naghihintay sina Jin, Chris, Rjay at Luna sa meeting room para sa pagdating ng H.R. para sa kanilang assignments.
"Balita ko maaasign daw tayo sa dalawang department. Hahatiin daw tayong apat." kwento ni Rjay sa mga kasama niya.
"Sana magkasama tayo sa department, Rjay. Doon tayo manggugulo naman!" pabirong sinabi ni Jin habang palihim niyang tinitingnan si Chris upang makita ang reaksyon nito.
Hindi nakatingin si Chris sa pag-uusap nina Rjay at Jin dahil nagbabasa siya ng company booklet na nasa table niya at kinausap na lang siya ni Luna.
"Chris, sana tayo magkasama sa department, para 'pag may hindi ako nagets sa mga gagawin, sa'yo ko itatanong." Sinabi ni Luna kay Chris na nagbabasa lang ng booklet at sobrang tahimik. Nginitian lang siya ni Chris saglit at pagkatapos ay pokerface na ulit ito at hindi na nagsalita pa.
Pinagmamasdan lang ni Jin si Chris ngunit hindi niya ito magawang kausapin dahil sa kanyang plano. Palihim niyang pinapanood ang bawat kilos nito at napapansin niya na tahimik lang ito, ngunit hindi ang usual na pagkatahimik nito, nararamdaman niya at iniisip na badtrip ito.
"Nakakatakot si Chris pag ganitong seryoso siya, pero mas okay na siguro 'to." nasa isip ni Jin. Pero gusto din ni Jin lapitan si Chris para tanungin kung may bumabagabag rito dahil hindi niya matiis na makita si Chris na tila may tinatago itong hindi magandang nararamdaman. "Argh! Kasasabi ko lang na hindi ko siya papansinin, pero ano ba 'tong ginagawa ko?" Huminga siya ng malalim at nag-focus at lumihis na ng tingin.
Biglang bumukas na ang pinto ng meeting room at pumasok na ang H.R. Binati nito agad si Rjay dahil magkakilala sila at tito ni Rjay ang C.E.O. ng company kung saan sila magtatrabaho. Nagsalita na ang H.R. upang sabihin na kung saang departments sila maa-assign at kabado na si Jin.
"Okay! Good morning sa inyong lahat. Welcome sa aming company at sana ay maging super fun and adventurous ang pagstay niyo dito sa amin! Sasabihin ko na kung saang departments kayo ma-assign. Mr. Rjay and—"
"Ito na! Kinakabahan na ko sa pangalan na sasabihin niya! woooh! Sana ako ang tawagin niya next!" nasa isip ni Jin.
"—magkasama kayong dalawa ni Ms. Luna. Nakaasign kayo sa Management Team. Kayo naman, Mr. Chris and Mr. Jin, sa Operations Team kayo naka-assign Dalawa." patuloy ng H.R.
"Whaaaattt?" sigaw ni Jin sa kanyang isip. Pakiramdam niya ay gumuho na ang buong mundo ko nang marinig niya na si Chris ang magiging kasama niya sa department. "Paano na ang plano ko nito? Paano na ang puso ko nito? Paano ko siya iiwasan ngayon? Sa lahat ng bagay talaga, pag may iniiwasan ka, mas lumalapit sa'yo!" nasa isip ni Jin.
Pinapanood niya lang si Chris sa reaction nito at tila tahimik lang ito na nakikinig sa H.R. habang siya naman ay nawawala na sa focus sa sinasabi ng H.R. na nasa harap nila. Iniisip niya kung paano siya makaka-focus kung lahat ay nakaplano na, at dahil kasama niya si Chris, back to square one na naman siya sa pag plano. Araw-araw sila magiging magkasama at silang dalawa lang dahil hiwalay sa kanila sina Rjay.
"So maliwanag na ba sa inyo ang policies namin? May questions ba kayo na gustong i-clarify or mga requests?" tanong ng H.R. pagkatapos mag discuss tungkol sa mga assignments sa department.
Naisip ni Jin na pagkakataon niya na ito para malaman kung pwede magpalipat ng department. Nagtaas siya ng kamay para makuha ang attention ng H.R.
"Yes, Mr. Jin? May gusto ka bang itanong?"
"Yes po, tanong ko lang po if pwedeng mag request na malipat ng assignment ng department?"
Pagkatapos niya mag tanong sa H.R., tiningnan niya kung ano ang magiging reaction ni Chris. Nakita niya na naka-pokerface lang ito at tila wala itong pakialam sa paglipat niya ng department. "Mukhang wala siyang pakialam at mas okay 'yun." natutuwang iniisip ni Jin.
"Kung pwedeng ma-reassign ng department ba? Hmmm?" Kinabahan si Jin at napalunok, at pinagdadasal na sana ay pwede siyang malipat at pinakinggan na muli ang sagot ng H.R., "I'm so sorry, Mr. Jin. Nakabase kasi sa performance niyo noong interview, theoretical and practical exams kung saan namin kayo mai-aasign. Mas nag qualify ka sa Operations team. Tingin ko naman ay magiging beneficial kayong dalawa ni Mr. Chris dito. Isa pa, mukha naman kayong close friends lahat, and mas maganda 'yun dahil may buddy kayo." paliwanag ng H.R.
"Wala na akong magagawa sa sagot ng H.R. I guess this is it. Kailangan ko na lang mag-adjust para sa sarili ko." dismayadong sinabi ni Jin sa kanyang isip. Pero hindi niya pa rin maiwasang tingnan ang reaction ni Chris. "Nakakapagtaka lang, bakit parang walang ka-emosyon emosyon to si Chris? Hindi kaya ayaw niya din ako kasama sa department? Baka mas gusto niya na si Rjay ang kasama siguro? Hmm kung hindi niya ko papansinin, baka mas maging madali na lang din para sa akin at magagawa ko ang plano ko. Tama!"
Pinalabas na sila sa meeting room at pinapunta na sa mga respective rooms ng department nila. Magkasama sina Rjay at Luna pumunta sa Room ng Management department, at sabay naman sina Jin at Chris. Habang naglalakad na silang dalawa ni Chris, hindi sila nagkikibuan. Napakatahimik nilang dalawa at ang maririnig mo lang ay ang ingay ng aircon at ang paglalakad ng nasa hallway. Hindi rin mawala sa isip ni Jin kung badtrip ba si Chris o hindi dahil hindi pa ito nagsasalita simula pa kanina, at hindi rin siya nito pinapansin.
"Pero tama lang 'to 'di ba? At least hindi kami nag-uusap at unti-unti ko nagagawa ang plano ko! Pagpatuloy mo lang yan Chris, 'wag mo ko pansinin para mapadali ang buhay ko." natutuwang sinabi ni Jin sa kanyang isip.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Kararating lang nina Jin at Chris sa room ng Operations team at pagtayo nila sa pintuan, pinagtingnan sila ng lahat ng taong nandoon.
"Good morning po, ako po pala si Chris. Ako po yung bagong employee na naka-assign sa Operations Department" pakilala ni Chris sa kanyang sarili.
Nakatingin lang si Jin kay Chris dahil nagulat siya na ito ang ang unang nagpakilala.
"Hindi 'to normal. Hindi nautal si Chris noong nagpakilala siya sa lahat. May problema nga siya. Hmm. Ano kaya 'yun?" nasa isip ni Jin. Dahil sa kakatitig kay Chris, nang mapalingon siya sa lahat ng nasa loob ng Operations Team room, ay nakatitig na sa kanya ang lahat at hinihintay na pala siya magpakilala. "Ako naman po si Jin. Sana po i-guide niyo kami sa mga gagawin namin, maraming salamat po." Pakilala niya sa kanilang lahat habang nagkakamot ng ulo.
Lumapit ang lalaking manager ng Operations Department sa kinatatayuan nilang dalawa ni Chris malapit sa pinto. Habang papalapit na ito, kinakabahan si Jin dahil nakakatakot ang presence ng manager dahil intimidating at mukhang strikto ito. Matangkad, nasa 5'10 ang height at maskulado at iniisip ni Jin ay kaya silang yupiin nito at hindi siya makakapagbiro. Nang makalapit na ang Manager sa kinatatayuan nilang dalawa ni Chris, ay kinausap sila nito at nagpakilala.
"Halaa! May dalawa tayong poging baby boys sa department natin! Buti naman at na-approve ang request ko na mga poging baby boys ang ilagay satin. I'm so happy! By the way, I'm the Department Manager here, I'm Dave. Wag kayo mag-alala, mababait ang lahat ng nasa Operations Team!" nakangiting bati ni Dave.
"Don't judge a book by its cover nga talaga. Akala ko naman grabe ang pagiging strikto nito. Buti nalang mukha naman palang mabait ang manager, kahit na baby boy ang tawag samin ni Chris. Akala ko matatakot na ko ng tuluyan!" nasa isip ni Jin. Muli niyang tiningnan si Chris kung ano ang reaction nito kay Dave, pero hindi ito ngumingiti. "Nakakatakot pala si Chris kapag masyadong seryoso ang itsura. Pero ang cute pa rin talaga niya! Arrghh!"
"Okay, Mr. Jin, 'pag sinabi kong sexy baby boy, ikaw 'yun huh? Tapos pag sinabi kong cutie baby boy, ikaw naman 'yun Mr. Chris, maliwanag ba?"
Napangiti na lang si Jin sa tawag sa kanila ni Dave at tiningnan ang reaction ni Chris ulit ngunit tumango lang ito at hindi ngumiti.
"Irerelease namin ang I.D. niyong dalawa mamaya, so, tatawagin na lang namin kayo. Sa ngayon, ituturo ko sa inyo kung saan ang magiging desks niyo mga baby boys. Itatabi ko muna kayo sa mga seniors, para naman i-guide kayo sa kung paano kami nagwowork as a group dito sa department."
Una munang tinuro ni Dave ang magiging pwesto ni Chris kung saan ito mauupo. At nang makaupo na ito sa swivel chair, ay sunod namang sinamahan ni Dave si Jin. Habang naglalakad silang dalawa ni Dave, napansin ni Jin na may isang desk sa likod ni Chris at nagdadasal siya na 'wag sana siya doon ipwesto. Nang lumampas na sila sa bakanteng upuan sa likod ni Chris, nakahinga na ng maluwag si Jin.
"Dito ka, Mr. Jin, mauupo. O siya, maiwan ko na kayong dalawa, at aayusin ko pa ang I.D. niyo. Bye baby boys!"
Para kay Jin, okay na kung saan ang lugar niya. Hindi lang isang pagitan ang pwesto nila, nakatalikod pa si Chris sa kanya at hindi na niya matatanaw ang mukha nito na sobrang cute at hindi na rin siya mawawala sa focus.
Dahil first day pa lang din nilang dalawa, wala pa silang masyadong ginagawa. Sa ngayon, nagmamasid-masid lang si Jin sa paligid at naghihintay ng releasing ng kanilang IDs. Pinagmamasdan niya rin ang likod ni Chris at nakita niyang nakayuko ito kaya nagtataka siya kung ano ang iniisip nito sa ngayon at hindi na siya mapakali.
"Nakakalungkot naman. Akala ko magiging masaya 'tong araw na 'to. Kanina pa ko hindi kinakausap ni Jin simula sa meeting room. Tapos gusto niya pa makipagpalit ng department, kaya mas lalo ako nawalan ng gana. Hindi niya ko pinapansin, may galit kaya siya sa akin? Hindi kaya galit siya dahil iniwan ko siya at umalis nako noong araw na nagkasakit siya? Baka hindi nasabi ni Sir Jon kay Jin 'yung nangyari? Naiinis siguro siya sa akin at akala niya ay hindi ko tinupad yung promise ko sa kanya." Ang tumatakbo sa isip ni Chris simula pa kaninang umaga.
Hindi muna kinakausap ni Chris si Jin at pinapakita niya na wala siyang emosyon dahil iniisip niya na 'pag nakita siya nito na nalulungkot, baka sabihin sa kanya ni Jin ay nag iinarte siya o baka mamaya hindi na siya nito lalong gustong kausapin.
"Dapat masaya ako ngayon kasi kasama ko si Jin, kaso kabaligtaran. Paano ako magiging masaya kung galit siya sakin." bulong ni Chris sa kanyang sarili.
"Sexy Baby boy and cutie baby boy, pumunta na kayo sa office ko at ready na ang mga IDs niyo for releasing. I-claim niyo na dito. " Pinapunta na sila ng manager ng Operations Team na si Dave sa room niya.
Kinuha na nila Jin at Chris ang mga IDs nila at sinuot ito. Pagkasuot ay nauna nang lumabas si Chris at dumiretso sa desk nito. Naiwan si Jin at pinagmasdan lang niya si Chris na papalabas.
"Sexy baby boy, galit ba si cutie baby boy? Bakit parang kanina pa siya hindi kumikibo?" tanong ni Dave kay Jin.
"Ay hindi po, mahiyain lang po si Chris talaga, pero once na makilala niyo po siya, sobrang bait po niyan. Hindi lang po siya sanay sa maraming tao, lalo na pag bagong kakilala pa lang"
"Ah gano'n ba? Okay sige, akala ko baka naiinis siya eh. Sige na, mag lunch na muna kayo at bumalik na lang kayo sa mga desks niyo after, dahil mamimiss ko agad ang mga magaganda niyong mukha. Go go go!"
Sabay-sabay nag lunch sina Jin, Chris, Rjay at Luna sa cafeteria ng office building na nasa 15th floor. Nagkwentuhan sila sa mga naganap sa kani-kanilang departments.
"Huy, alam niyo ba, gusto ko na sa department namin agad agad! Paano ba naman, ang daming pogi! Parang araw-araw gusto ko na pumasok, kahit weekends o kaya kahit mag OT ako okay lang basta kita ko sila!" kwento ni Luna sa kanila habang kumakain.
"Kung makita niyo lang si Luna, nako, pinagtatawanan sa amin! Paano ba naman, 'yung pagsasalita niya na naman na puro 'E' lang ang maririnig mo! Kaya tuwang tuwa sa kanya mga employees din. Eh sa inyo naman Jin, ano naman ang balita?" tanong ni Rjay.
"Sa amin? um—" Napatingin si Jin kay Chris saglit dahil hindi niya alam ang sasabihin o ikukwento, "Wala naman masyadong nangyari. Sinalubong lang kami ng manager namin na akala ko yuyupiin kami ni Chris dahil sa laki ng katawan! Pero biglang banat samin ng 'Baby boys' niya daw kami." kwento ni Jin kay Rjay habang si Chris ay patuloy lang sa pag kain ng lunch niya at tahimik.
"Mukhang natipuhan na kayo agad ng manager niyo ah? Nakakuha siya ng Buy 1 Take 1 promo sa inyong dalawa ni Chris!" biro ni Rjay kay Jin.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Napatingin si Jin sa kanyang relo, at nakita na 6 p.m. na, "Sa wakas! Uwian na! Grabe ang boring pag walang ginagawa. Hindi ko naman pwede kausapin si Chris dahil nga sa plano ko, saka hindi din naman siya namamansin."
Nag-unat muna siya dahil kanina pa siya naka-upo at walang ginagawa, nang may natanggap siyang text galing kay Jon.
"Hintay ko kayo ni Chris sa lobby. Di ako nagluto, magdinner nalang tayo sa labas. Tinext ko na si Chris. Sasama daw siya! -Jin pogi"
"Whaaaaat! Panira naman to oh? Hindi ko nga pinapansin si Chris, tapos yayayain mo pa mag dinner!" bulong ni Jin. Naisip niya na masisira ang kanyang plano na hindi pansinin si Chris kung sabay sila na magdi-dinner. Alam niya na hindi na mapipigilan si Jon sa gusto nitong gawin. "Pero siya na lang bahala! Siya ang mag entertain kay Chris, basta ako, ang pagkain ko lang ang iisipin ko, at wala ng iba! Promise!" nasa isip ni Jin.
Nilapitan niya si Chris sa desk nito at kinausap, dahil alam niya na nayaya na ito ni Jon.
"Chris, mauna ka na sa lobby. Hintayin niyo na lang ako ni Kuya Jon. Mag CR muna ako." pakiusap ni Jin, ngunit sinabi lang niya ito para hindi sila magsabay ni Chris na bumaba sa lobby dahil iniisip niya na magiging awkward sila sa isa't isa. Habang kausap niya si Chris, napansin niya na medyo ngumiti na ulit ito. "Jin, wag ka titingin sa kanya! Baka hindi mo na naman kayanin 'yung ngiti niya. Umalis ka na d'yan!" sinisigaw na ni Jin sa kanyang isip. Tumungo na si Jin sa C.R. upang hindi na siya mahirapan pa sa kanyang sitwasyon at iniwanan na si Chris.
Pagkatapos niya mag C.R., bumaba na rin siya patungong lobby at sumakay na ng elevator
Elevator chime - Ground floor
Paglabas niya sa elevator, natanaw na niya agad sina Jon at Chris sa di kalayuang pwesto. Nasa lobby na silang dalawa, nakatayo at nagku-kwentuhan. Hindi muna siya lumapit sa pwesto ng dalawa at nag stay muna sa kanyang kinatatayuan para pagmasdan ang mga ito. Habang pinapanood niya ang dalawa na nag-uusap, nakikita niya si Chris na ngumingiti na ulit at nakikipagtawanan pa kay Jon.
"Aba! Tingnan mo to si Chris, kanina hindi ngumingiti o nakikipagusap. Tapos ngayon biglang nagsasalita na at nakikipag tawanan pa kay Tanda! Tapos, ito namang si Jin Tanda, kung makipag-usap kay Chris akala mo kumakausap ng babae at nanlalandi." naiinis na bulong ni Jin sa kanyang sarili.
Naisip niya na 'wag na lang siyang sumama dahil baka mamaya maistorbo niya lang ang dalawa. "Ayaw makipag-usap sa akin ni Chris, pero kay Jin tanda nakikipag-usap. Sige dyan ka na sa matanda kong version! Malaki lang katawan niyan! Mas pogi pa rin ako d'yan!"
"Jin!" Biglang sumigaw si Jon sa kanyang kinatatayuan at sinenyasan si Jin nang makita niya ito, "Bilisan mo, kanina ka pa namin hinihintay! Tara dito!" Nang makalapit na si Jin sa kinatatayuan nina Jon, biglang nahiya si Chris at hindi ito makatingin ng diretso. "Dadalhin ko kayo sa favorite spot ko na resto bar. Tingin ko magiging favorite niyo 'yung lugar na 'yun. Maganda ang view doon at masarap ang pagkain, saka mura lang din." dagdag ni Jon.
"Mukhang may balak ka na naman makipag-inuman Kuya Jon! May pasok kami bukas!"
"Gusto ko lang mapuntahan niyo din 'yung lugar na 'yun. May kumakanta pa ng chill songs kaya nakakarelax. Tsaka kahit pampatulak na mga 2 bots lang, okay ba?" paanyaya ni Jon.
"Hindi pwedeng uminom! Uminom ka mag isa mo! 'Wag mo nga yayain uminom si Chris. May pasok pa kami bukas, mamaya ma-late pa 'yan ng gising dahil sa'yo!" naaasar na banat ni Jin at napatingin siya kay Chris na tila nakangiti sa kanya. "Whaaat! Bakit nakangiti si Chris? Ahhhrrgg! Ang cute niya talaga 'pag nakangiti! 'Wag ka titingin sa kanya, Jin! Iwasan mo! Iwasan mo!" sinisigaw ni Jin sa kanyang isip. "Tara na nga umalis na nga tayo! Saan ba 'yang favorite spot mo na 'yan. Siguraduhin mong maganda d'yan ah?"
"Oo, maganda dito. 'Di kayo magsisisi." sagot ni Jon.
Labis na natutuwa si Jon na isama ang batang Jin at si Chris sa resto bar na paborito niyang puntahan. Alam niya na hindi magsisisi ang dalawa once na makita nila ito, dahil para sa kanya, walang linggo na lumipas na hindi sila nagpupunta doon ni Chris sa panahon niya. "Pero sisimulan ko na rin ang plano ko, humanda ka na batang Jin. Tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal mo!" nasa isip ni Jon.
Sabay-sabay na silang lumabas sa office building at magkatabi sina Jon at Chris na naglalakad habang kasunod naman nila si Jin.
"It's time para sa warm up." nasa isip ni Jon at magsisimula na sa kanyang plano. Habang naglalakad sila ay inakbayan niya si Chris at tiningnan niya ng palihim ang reaction nito. Napansin niya na mukha itong hindi naiilang kaya tinuloy niya lamang ang pag-akbay, pero nakakaramdaman siya na may nagwawala ng tao na nasa likuran niya at tila may binubulong na akala mo ay nag oorasyon.
"Alam ko iisang tao lang tayo, at alam ko na sobrang close ka na kay Chris sa panahon mo, pero nakalimutan mo na ba na kilala ka niya bilang si "Sir Jon"? Kung makaabay 'tong matandang 'to kay Chris! Tropa ba kayo? Ako, pati si Rjay nga hindi maakbayan si Chris kasi nakakahiya, tapos ikaw gano'n na lang? Iba ka rin talaga!" bulong ni Jin sa kanyang sarili at naiinis sa kanyang nakikita. Bigla siyang tiningnan ni Jon na tila iniinis siya nito,"Tusukin ko 'yang mga mata mo!" bulong ni Jin.
Tumingin muli si Jon kay Chris at kinausap niya ito, "Chris, magugustuhan mo 'yung food dun. Tingin ko babalik-balikan mo yun." nakangiting sinabi ni Jon.
Tila bumubulong ulit si Jin at ginagaya ang mga sinasabi ni Jon, "Chris, maggugustuhan mo yung food... Pssshh! Nakakainis talaga! Pangiti-ngiti pa kay Chris, cute ka niyan? Paghiwalayin ko kayong dalawa eh!"
Hindi na sumagot si Chris sa tanong ni Jon, pero nginitian niya lamang ito. Para kay Chris, ang nasa isip niya lamang ngayon ay napakalamig ng simoy ng hangin ngayong gabi habang naglalakad silang tatlo, pero dahil nakaakbay sa kanya si Jon ay nararamdaman niya ang init nito. Tila, gusto niya na nakaakbay lang ito sa kanya dahil may nararamdaman siyang nostalgic na warmth kahit kakakilala pa lamang nila.
Habang nagsasalita si Jon at nagkukwento ito sa kanya, hindi niya ito pinapakinggan at nakatitig lamang siya sa side profile nito. "'Yung side profile ng mukha ni Sir Jon, si Jin ang nakikita ko. Kapag pinagmamasdan ko ang mga mata niya, parehas na parehas silang dalawa ni Jin na nakakaakit at nakaka-hypnotize. Kahit pati ang sukat ng pupils, ng eyelids, ng kilay at ng mga pilik mata niya, tila iisa lang sila." nasa isip ni Chris. Para sa kanya, hindi malabo na magustuhan niya si Jon kung magkataon, dahil sa puso niya, si Jin ang nakikita niya dito.
Patuloy lamang si Jon sa pagkukwento kay Chris kahit hindi niya alam na hindi siya talaga pinapakinggan nito at pinagmamasdan lang ang mukha niya. Habang nagsasalita siya, may naririnig siyang boses sa kanyang likod na patuloy na ginagaya ang mga sinasabi niya. Lumingon siya sa pwesto ni Jin at nakita niya ito na ginagaya ang pananalita at mga galaw niya.
"Mukhang naaasar na siya! Warm-up pa lang 'to, batang Jin. Hindi ko pa ginagalingan pero mukhang bumubulusok ka na sa inis ah?" nasa isip ni Jon habang tuwang-tuwa siya sa kanyang ginagawa. Alam niya kung anong tumatakbo sa utak ng batang Jin ngayon at kung siya ang nasa katayuan nito, alam niya na ito ang sasabihin ni Jin, "Mahiya ka nga sa sarili mo, Jin Tanda! Baka mamaya hindi gusto ni Chris na inaakbayan siya! Mainis pa 'yan sa'yo tapos isumbong pa niya tayo sa papa niya! Ako ang mananagot! Saka 'wag mo nga siya akbayan! Ayokong nakikita siya na ngumingiti 'pag hindi ako ang kausap!" Isang tingin niya pa lang sa batang Jin, alam niya na naiinis na ito sa pag akbay niya kay Chris.
Jon's Cell Phone beeping.
Nakatanggap ng text si Jon mula sa batang Jin at binasa niya ito.
"Mahiya ka nga sa sarili mo, Jin Tanda! Baka mamaya hindi gusto ni Chris na inaakbayan siya! Mainis pa 'yan sa'yo tapos isumbong pa niya tayo sa papa niya! Ako ang mananagot! Saka 'wag mo nga siya akbayan!"
Napangiti si Jon nang mabasa niya ang text ni Jin, "Tama nga ako! Pero wala 'yung huling part, na gusto niya siya lang ang nagpapangiti kay Chris." nasa isip ni Jon.
Jon's Cell Phone beeping.
"Ayokong nakikita siya na ngumingiti 'pag hindi ako ang kausap!"
Isang pahabol na message ang natanggap ni Jon mula sa batang Jin. Napailing na lamang siya at natatawa sa resulta ng kanyang plano.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Nakarating na silang tatlo sa favorite spot na sinasabi ni Jon.
"Whaaat! Hindi ko alam na may ganitong kainan malapit dito! Bakit ngayon ko lang 'to nakita?" gulat na sinabi ni Jin.
Nakatingin si Chris sa buong paligid at tila namamangha sa lugar na kanyang pinagmamasdan. Open space ang lugar ng resto bar, may 10 tables ang nakapwesto at apat na upuan kada table. May stage sa tapat ng mga tables, kung saan nagpe-perform ang may gig ng gabing iyon. Sa kaliwa naman ng stage ay ang cashier/counter at ang kitchen. Mayroon rin makikitang view ng isang ilog na may mga magagandang christmas lights na nagpapaliwanag at mas nagpapaganda ng lugar na matatanaw sa kaliwa ng resto bar.
"Pag gabi, mas masarap at maganda dito kumain, kasi iba ang view ng ilog lalo na may lights. Tsaka, walang masyadong nakakaalam ng lugar na 'to dahil medyo tago. Kaya secret niyo lang 'to at 'wag masyado ipagsabi kahit pinagdadamot natin business ng may ari nito. Dadami kasi 'yung mga tao, baka 'di na tayo makakain basta basta!" natatawang paliwanag ni Jon.
Umupo na sila sa isang bakanteng table malapit sa gilid ng Ilog. Request ni Chris na maupo sa tabi ng ilog dahil gusto niyang nakikita ang mga lights, at gumagaan ang loob niya kapag nakikita ang mga ito. Magkatabi sa upuan sina Jon at Chris habang sa harap naman nila ay si Jin.
Hindi pa sila masyadong nakakapili sa menu, pero biglang dumating na ang waiter para kunin ang order. Nagsalita na si Jon para sabihin sa waiter ang order kahit hindi pa nakakapili ang dalawa niyang kasama.
"Dalawa pong sisig with garlic rice, tapos isang sinigang na pork with plain rice, tapos pwede niyo po ba asiman pa 'yung sabaw?" order ni Jon.
"Yes po, pwede naman namin asiman 'yung sabaw pa lalo." nakangiting sagot ng waiter.
"Thank you and 5 na bottles of beer pala." dagdag ni Jon.
Umalis na ang waiter at napatingin si Jon sa batang Jin at nanliliit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
"Pakitang gilas ka? Sus! 'Di porket na alam mo 'yung mga favorite na kinakain namin! Baka mamaya mahalata ka ni Chris! Hindi pa namin sinasabi 'yung order namin pero inunahan mo na kami! Ikaw talaga ang walang isang salita! Ayaw na may makakaalam pero ikaw ang nagpapahalata!" Ang nasa takbo ng isip ng batang Jin.
Hindi rin napigilan ni Chris ang mapaisip dahil wala pa siyang sinasabing order kay Jon.
"Sandali lang? Hindi pa ako nagsabi ng order ko, pero paano nalaman ni Sir Jon na gusto ko ng Sinigang na pork? Tapos nag request pa siya na pa-asimin 'to? Paano niya nalaman? Hmmm?" pagtataka ni Chris sa kanyang isip.
Habang naghihintay lang ng kanilang mga order, pinagmamasdan lang ni Jon ang dalawang kasama at napansing hindi nagkikibuan at tila may sariling mundo.
Ang batang Jin, nakatingin at pinapanood lang ang singer sa stage, samantala, si Chris naman ay nakatingin lang sa view ng ilog.
"Bakit kaya hindi sila nag-uusap? Ito na ba 'yung paraan niya para malaman ang nararamdaman niya para kay Chris? Mukhang pursigido ang batang Jin sa plano niya ah?" nasa isip ni Jon.
Habang may sari-sariling silang business, biglang nagsalita ang lalaking singer sa stage.
"Kamusta kayo d'yan ngayon? Sana ay masarapan kayo sa food, at sana ay masaya kayo sa pagstay niyo dito sa Jinny's Resto Bar. Ang susunod kong kanta, ay para sa isang customer na kakarating lang na nakatingin sa view ng ilog." bati ng lalaking singer kay Chris.
Nagkatinginan ang dalawang Jin, at sabay nilang pinagmasdan si Chris na nakatingin pa rin sa view ng ilog at sabay bumalik muli ng tingin sa singer.
"Para sa'yo 'to, dahil parang malungkot ka. Ayaw ko nakakakita ng mga cute na nalulungkot. Sana ay magustuhan mo itong kanta ko para sa'yo." dagdag ng singer.
Nakakunot na ang mga noo ng dalawang Jin, ngunit hindi ito napapansin ng singer dahil nakatingin lang ito kay Chris at nagsimula nang kumanta.
Hindi mapakali si Jon dahil sa singer na nagpapapansin kay Chris at kinukutya niya na ito sa isip niya. "Hindi ko alam kung tama ba o mali na dinala ko sila dito. Pag seselosin ko dapat ang batang Jin, pero sa paraan ko at hindi pagselosin gamit ang ibang tao! Saka akala mo naman maganda boses talaga!"
Ganoon din ang batang Jin, kung anu-ano na ang sinasabi niya sa kanyang isip dahil naiinis na siya sa singer na nagpapapansin kay Chris. "Aba't ang lakas ng loob nitong singer na 'to na basta sabihan ng cute si Chris ah? Sino ba siya? Chris wag mo sana pakinggan at 'wag mo pansinin 'yung kanta niya para sayo! Hindi makakabuti yan para sayo! Akala mo naman maganda boses talaga!"
Nakatingin lamang si Chris sa ilog at hindi parin umiimik habang pinapakinggan niya ang kanta ng singer, nang bigla na lang may tumulo na luha sa mga mata niya nang marinig niya ang isang part sa kanta.
Making yourself,
trying to find the peace.
In this lonely night,
which I would want to cease.
Tomorrow might be
a good place to come and see.
I'd like a dream
to be with you at sea.
Nagulat ang dalawang Jin nang makitang napaluha si Chris. Kukunin na dapat ni Jin ang tissue na nasa kanyang harapan para punasan ang luha ni Chris, nang biglang hinawakan ni Jon ang mukha ni Chris at iniharap ito sa kanya.
"Sa lahat ng ayaw kong makita, ayaw ko na nakikitang lumuluha o umiiyak si Chris. Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko." nasa isip ni Jon. Kinuha niya ang kanyang panyo sa bulsa ng pants niya at nilakasan ang loob sa kanyang gagawin, "Sorry, Chris, sa gagawin ko." Pinunasan niya ang lumuluhang mga mata ni Chris. Hindi alam ni Jon kung anong nararamdaman nito sa ngayon, pero alam niya na nakakaramdam ito ng matinding kalungkutan. "Nasasaktan ako sa nakikita ko. Please, 'wag ka nang iiyak."
Pinagmamasdan lang ni Jin ang dalawa sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o magseselos. Gusto niya sanang siya ang pupunas sa mga mata ni Chris ngunit—"Oh sige, ikaw na! Ikaw na ang leading man sa story! Sus! Hmmp, tapakan ko 'yang sapatos mo na mamahalin eh!" nasa isip ni Jin. "Nakakaramdam ako ng pagkaselos, pero at the same time, ngayon ko lang nakitang lumuha si Chris. Nalungkot ako bigla para sa kanya. Bakit siya umiiyak? Anong dahilan ng pagluha niya?"
Kinuha ni Chris ang panyo na ginamit ni Jon na pinang punas sa luha niya.
"Sorry Sir Jon, lalabhan ko na lang po 'tong panyo. Hindi ko sinasadya na maluha. May naalala lang kasi ako, pero okay lang po ako." nakangiting sambit ni Chris.
"Sigurado ka ah? Basta 'pag may hindi ka magandang nararamdaman sabihin mo lang sa akin. Ako bahala sa'yo." nakangiting hirit ni Jon.
Habang nakatingin si Chris kay Jon, natulala na lang siya sa mga ngiti nito at sa mga salitang "Ako ang bahala sa'yo" dahil si Jin ang naalala niya dito at ang madalas na nagsasabi sa kanya nito.
Habang pinagmamasdan naman ni Jin ang dalawang tao na nasa harap niya at siya ay naiinis at nagseselos, tiningnan siya bigla ni Chris. Ang tila nagseselos at naiinis na tingin niya sa dalawa, ay napalitan ng hiya ng tingnan siya nito.
"Table 12!"
Biglang dumating na ang inorder nilang food, at nakita kung gaano ito kasarap sa tingin at amoy pa lang. Nakalimutan pala nilang umorder ng softdrinks nang maalala ni Jin nang sinabi ng waiter na lahat ay naserved na.
"Ay kuya Jon, hindi pala tayo nag order ng inumin, beer lang kasi inorder mo!" paalala ni Jin.
"Sige ako na bahala—" tinawag ni Jon ang waiter upang mag follow up ng order, "Miss, pwede po ba mag follow up pa? Dalawang Sprite at isang kiwi juice. Thank you!" Nang ma-order na ni Jon ang drinks, nagtaka na naman bigla si Chris dahil wala pa siyang sinasabi.
"Minsan nahihiwagaan na ako kay Sir Jon talaga. Nababasa niya ba ang utak ko gaya nang kung pano sila ni Jin nagbabasa ng utak ni Jin sa mga tiningnan nila? Ang pagkakatanda ko, hindi ko pa sinasabi na gusto ko ng kiwi juice. Paano niya kaya nalaman?" nasa isip ni Chris.
Napansin rin ni Chris na parehong mahilig sa Sprite sina Jin at Jon. Alam niya na ito ang paborito ni Jin dahil tuwing kumakain sila ng sabay sabay hindi pwedeng wala itong Sprite na kasama. Ngayon alam niya na, na mahilig si Jon dito. Pero dahil sa pagtataka niya, hindi na niya napigilang magtanong kay Jon kung paano nito nalaman ang mga gusto niyang kainin at inumin.
"Paano mo po nalaman na gusto ko ng kiwi juice at 'yung sa sinigang na pork, Sir Jon? Nasabi ko po ba sa'yo?" nagtatakang tanong ni Chris.
Napansin ni Chris na medyo kinabahan si Jon at bigla itong tumingin kay Jin.
"Nag-uusap na naman silang dalawa sa mga mata nila. Nababasa nila ang mga isip ng isa't isa telepathically gamit ang mga kilay at mga mata. Nakakatuwa talaga silang dalawang magkapatid!" natatawang sinasabi ni Chris sa kanyang isip.
Tumingin na si Jon kay Chris pagkatapos nila magtinginan ng batang Jin.
"Mukhang tapos na sila magbasa ng isip ng isa't isa" nasa isip ni Chris.
"Umm, nakwento lang ni Jin sa akin na mahilig ka daw sa kiwi juice. Tapos sa sinigang, gusto mo ng mas maasim pa, kaya 'yun ang naalala ko na i-order para sa'yo." palusot ni Jon.
Napangiti bigla si Chris dahil nasa isip niya ay alam ni Jin ang mga hilig niya. "Waah! Kinikilig ako! Pakiramdam ko gusto ko tumalon!" sinisigaw ni Chris sa kanyang isip. Hindi sumagi sa isip niya na alam ni Jin ang kanyang mga gusto at hilig at ang akala niya ay wala itong pakialam sa kanya. Natutuwa rin siya dahil para sa kanya, ang mga maliliit na bahay na naalala ng isang tao para sa'yo, 'yun ang mas nakakagaan ng loob. Hindi na napigilan ni Chris ang kanyang sarili kaya tumingin siya kay Jin at sa napakagwapong mukha nito na nasisinagan ng iba't ibang kulay ng lights sa paligid at nginitian niya ito.
"Ito na naman ang puso ko! Bakit naman biglang tumibok ng mabilis! Tumingin lang naman sa akin si Chris, tapos ngumiti siya at nakita ko 'yung mapula na naman niyang cheeks, tapos 'yung napaka cute niyang mukha lalo na kapag nakangiti!" nasa isip ni Jin habang pinipigilan niya ang kanyang nararamdaman, "Whaaaatt! Ano ba 'to! Sabi ko hindi ko na papansinin eh! Pero sandali, sinungaling 'tong si tanda!" Sa pagkakatanda niya, wala siyang kinukwento na kahit ano tungkol sa mga hilig ni Chris. Ngunit, naalala niya na mas maganda nang magpalusot, pero nag alala siya dahil ang iisipin ni Chris sa kanya ay inaalam niya ang mga gusto nito.
Nagsimula na silang kumain tatlo, at una nilang pinatikim ng food si Chris at nang matikman na niya ang food—
"Grabeee! Parang gusto ko na lang dito kumain araw araw. Ang sarap! Ang asim! Tikman mo Jin!" tuwang tuwa na sinabi ni Chris.
Nagsimula na rin tumikim si Jin, at gano'n din ang naging reaksyon niya. Nasarapan din siya sa kanyang inorder na sisig.
"Ang tagal tagal ko na sa lugar na to pero bakit ngayon lang ako napadpad dito. Grabe ang sarap ng food, ibang klase! Ang crunchy ng chicharon na nilagay nila tapos tamang tama lang 'yung lasa! Hindi rin gaanong mamantika at hindi din sobrang alat. Mukhang makakarami ako!" hirit ni Jin.
Natuwa si Jon sa nakita niya dahil nasarapan ang dalawa at pinapanood niya lang ang mga ito kumain na ganadong ganado, nang makita niya na may naiwang maliit na rice grain sa mga labi ni Chris. Tinawag niya si Chris sandali upang makuha ang attention nito.
"Chris."
Napatingin si Chris kay Jon na walang kamalay-malay na may rice grain sa mga labi nito dahil sa pagkain.
"Bakit po, Sir Jon?"
Nginitian ni Jon si Chris at umiling. Dahan-dahan niyang kinuha ang rice grain na nasa gilid ng labi ni Chris gamit ang kanyang mga daliri.
"Dahan-dahan ka lang sa pagkain, Chris. Lagi tayong babalik dito, wag ka mag alala." nasa isip ni Jon.
Nakatigil lang si Chris habang kinukuha ni Jon ang rice grain na nasa kanyang mga labi, at nakatitig lang sa mga mata nito at tila nagulat sa nangyari.
"Hala! Nakakahiya! Ang kalat ko ba kumain? Pero pag nakatingin ako sa mga mata ni Sir Jon talaga, bakit si Jin pa rin ang nakikita ko? Bakit pakiramdam ko na si Jin pa rin talaga ang kaharap ko?" nasa isip ni Chris.
Nang makuha na ni Jon ang rice grain sa labi ni Chris, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili. Kinain niya ang rice grain na mula sa mga labi ni Chris na siyang ikinagulat nito, kaya nanlaki ang mga mata ni Chris at mas naging mapula pa ang kanyang mga cheeks dahil sa hiya. Si Jin naman ay napalunok bigla at tila nagulat sa di inaasahang ginawa ni Jon.
Lahat ay tahimik sa ginawa ni Jon, kaya naman gumawa agad si Jin na makakasira sa dead air na nagaganap sa kanilang tatlo.
Cough!
Biglang umubo si Jin na tila kunwari ay nabilaukan siya. Kaya naman biglang napatingin sa kanya si Chris, at agad na kumuha ng isang basong tubig at iniabot ito sa kanya. Si Jon naman ay natawa ng palihim, dahil alam niya na nagpapapansin ito kay Chris.
"Thanks, Chris *coughs* sorry, may nakita akong hindi kaaya-aya, este, may nakain akong hindi kaaya-aya!" sinabi ni Jin habang nakatingin siya ng masama sa matandang Jin na nasa harap niya. Nakatingin sa kanya si Jon pabalik at pilit pinipigilan ang tawa, dahil baka mapansin ito ni Chris. "Ako din kuya Jon, maglalagay ako ng kanin sa lips ko, kainin mo rin ah? Pleaaaasseee? Sus!" Biglang sabat ni Jin at tila labis na ang kanyang pagseselos.
Nagulat si Chris sa sinabi ni Jin at nagtaka.
"Jin?"
Nanlaki ang mga mata ni Jin nang marealize niya na bigla siyang nagselos at sumabog ng hindi sadya.
"Whaaatt! Bakit ko biglang nasabi 'yun! Dapat sa utak ko lang 'yun sinabi ah? Ang tanga ko talaga!" nasa isip ni Jin.
Kararating lang ng waiter at nilagay na ang 5 na bote ng beer sa kanilang table. Tig-dalawa ang dalawang Jin, at isang bote naman para kay Chris.
"Chris, isa lang ang inorder ko na beer sa'yo ah? Baka kasi mahirapan ka gumising bukas at magka-hangover ka. Okay lang ba?" tanong ni Jon.
"'Pag 'yan si Chris hindi nakapasok bukas, ikaw ang may dahilan! Lagot ka sa akin 'pag 'yan nagkasakit!" hirit naman ni Jin.
Biglang napangiti na naman si Chris sa usapan ng dalawa.
"Okay lang na uminom ako, saka isa lang naman. 'Wag kayo mag alala, hindi naman ako mapapano dito. Nand'yan naman kayong dalawa kung sakaling mahilo ako." sinabi ni Chris sa dalawa habang binubuksan na niya ang kanyang beer.
Nagsimula na rin uminom ang dalawang Jin.
"Aaah! Ang sarap naman uminom lalo na pag nasa tabi ng ilog. Tapos may magandang music at chill lang. Nakakamiss naman 'to!" Biglang sinabi ni Jon habang nilalasap ang lasa ng beer at pinapakiramdaman ang ambiance sa paligid.
"Bakit? Kailan ka ba huling pumunta dito?" tanong ni Jin.
"Ako? Siguro last na punta ko dito, noong December 2020 pa."
Hindi namalayan ni Jon ang sinabi niyang taon, kaya nagulat si Jin sa sinabi ni niya, at nanlaki ang mga mata habang lumalagok ng beer. Nagtaka din si Chris sa narinig niya at nagtaka.
"Sir Jon, tama po ba narinig ko? December 2020 po?"
Nagulantang si Jon at kinabahan sa nasabi niya, kaya nag-isip agad siya ng palusot.
"Ummm, December 20 last year, namali lang ako ng sabi. Kasi dito kami namalagi ng mga kaibigan ko bago mag pasko." palusot ni Jon.
"Mmm. okay po." Ang tanging nasabi ni Chris, ngunit napaisip siya sa sinabi ni Jon, "Hindi ko alam o baka dala lang ng beer kaya ako namali ng dinig. Pero malinaw talaga ang pagkakasabi ni Sir Jon. Akala ko nga nag time travel siya."
Nangangalahati na sa pangalawang bote ang dalawang Jin, habang si Chris naman ay malapit na maubos ang sa kanya. Medyo nahilo na si Chris at tumama na din ang beer sa kanya. Mas namumula na rin ang cheeks at mga labi niya kumpara sa normal, dahil sa beer. Out of nowhere, tumawa si Chris habang inuubos ng dalawang Jin ang beer nila at napatigil sa pag inom.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Chris' Drunk POV
Napakahina talaga ng alcohol tolerance ko kumpara kina Jin at Sir Jon. Isang bote pa lang ang naubos ko pero, pakiramdam ko, binigyan na ko ng beer ng kapangyarihan ng confidence. Salamat beer at dahil sa'yo, may aawayin lang ako saglit.
"Hahahaha!"
Natatawa ako pero hindi ko alam kung bakit. Pero nakatingin ang dalawang gwapong magkapatid sa akin. Oras na para awayin ko silang dalawa!
"May nagawa ba kong kasalanan? Sabihin mo!"
Tinuro ko ang matangos na ilong ni Jin. Ang cute ng ilong niya, gusto kong tusukin!
Hiccup!
Nakita ko na gulat na gulat siya sinabi ko. Nagmamaang-maangan pa itong poging nasa harap ko! Hindi mo ko mapipigilan nang pagtingin mo sa akin ng nakakaawa!
"Bakit mo ko hindi pinapansin ha? Sabihin mo, may nagawa ba kong kasalanan?" bigla kong sinabi kay Jin at napanganga siya.
Sinara ko ang bibig ni Jin ng dahan dahan, baka may pumasok na kung ano sa bibig niya. Hahaha!
"Akala mo ba masaya ako ngayong araw? Hindi! Dahil say'o! Hindi ako masaya. Malungkot ako ngayong araw!" dagdag ko pa sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob na awayin ngayon si Jin, pero habang nandito pa ang effect ng alak, ilalabas ko na! Hindi siya makapagsalita at alam ko na nagulat siya, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsalita.
"Ohh ano, hanggang dito ayaw mo magsalita? Simula kaninang umaga sa meeting room, hindi mo na ako kinausap! Tapos, gusto mo pa makipag palit ng Department! Bakit? Ayaw mo ba kong kasama?"
"Shoot!"
Pero habang inaaway ko siya, hindi ko maiwasang tumingin sa napakagwapo niyang mukha. Sa mga mata niyang nakatingin lang sa akin. Ang hirap awayin ni Jin kapag nalalasing ako! Sa mga labi niya na parang gusto ko na lang biglang halikan anytime, pero kahit lasing ako—never ko gagawin!
Alam ko pag ginawa ko 'yun, katapusan na ng pagkakaibigan namin ni Jin!
Nawala na ang inis ko kay Jin kasi nasabi at nailabas ko na agad ang sama ng loob ko sa kanya. At saka dahil sa nakakaawa niyang mukha, pinapatawad ko na siya! Pero, hindi pa ako tapos, susunod naman, ang isa ko pang aawayin! Ang isa pang napakagandang nilalang na nakita ko!
Pag katapos kong inaway si Jin, lumingon naman ako sa kanan ko. At nang mapatingin ako sa mukha ni Sir Jon—
"Shoot!"
Grabe 'yung lighting na tumatama sa mukha niya. Parang hindi ko ata siya kayang awayin! Napakatangos ng ilong at kissable lips gaya ng kay Jin. Tapos 'yung mga mata niya na para kang inaakit at sinasabi na halika dito, yayakapin kita.
"Huhuhuhu!"
Tapos 'yung bigote niya pa na sobrang bagay sa kanya, kaya ang hot niya tingnan! Bakit ganito kayong magkapatid!
"Bakit niyo ako pinapahirapan! Pero sige, aawayin ko din si Sir Jon dahil may kasalanan siya sa akin!
Tinuro ko naman ang kaliwang dibdib ni Sir Jon. Hindi rin siya makapaniwala na pati siya inaaway ko at napanganga rin siya sa gulat.
"Ikaw naman Sir Jon!"
Dinidiin ko ang index finger ko sa chest ni Sir Jon.
"Ang tigas grabe!"
Pagkatapos ay sinara ko na rin ang bibig niya dahil baka may kung anong pumasok sa bibig niya.
"Hindi mo sinabi kay Jin 'yung nangyari! Akala niya tuloy iniwan ko siya ng biglaan! Akala niya tuloy sinungaling ako! Akala niya wala akong pakialam sa kanya! Ngayon mo sabihin kay Jin na nandoon ako at ayaw ko umalis! Para hindi na magalit sa akin si Jin, para pansinin niya na ulit ako!"
Hindi ko na napigilan at tuloy tuloy na ang pagsasalita ko kay Sir Jon. Nang tumigil ako sa pagsasalita, hindi ko mapigilan tumingin sa mukha niya. Napaka amo rin ng mukha niya. Parehas sila ni Jin! Hindi ko kayang mainis sa kanya. Pakiramdam ko, kung may magugustuhan ako sa kanilang dalawa, pwede bang silang dalawa na lang? Hahaha!
Ito na 'yung sinasabi kong pang-aaway sa kanila, pero dahil napakagwapo nilang dalawa at napaka amo ng mukha nila sa paningin ko, paano ba naman ako maiinis? Pero if I have to choose one sa kung sino sa kanilang dalawa, mas pipiliin ko pa rin si…
"Jin! Pansinin mo na ko bukas! Hindi ko gusto na hindi mo ko kinakausap! Ayoko na maging katulad tayo ng dati na hindi magpapansinan!"
Hinihintay ko ang sagot ni Jin na tila shocked pa sa mga sinasabi ko.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Hindi na naman makapaniwala si Jin sa nakita at narinig niya. Dahil kapag nakakainom si Chris ay nagbabago ang ugali nito at nagiging matapang at pranka at tila nag ooverdrive ang buong utak at katawan nito. Pero ngayon, alam na niya ang dahilan kung bakit wala sa mood si Chris simula kaninang umaga at hindi siya nito kinakausap. "Akala ni Chris galit ako sa kanya at naiinis dahil iniwan niya ako at hindi na ako binantayan noong nagkasakit ako. Ang cute talaga niya talaga! Saan ka makakakita ng isang genius na ganito ang ugali! Ang sarap mong pisilin sa cheeks!"
Hindi pa tapos si Chris sa kanyang overdrive state at muling bumanat.
"Tapos, ikaw Jin! Naalala ko! Kung tawagin ka ng manager natin na sexy baby boy! Hmmpf! Sino ba siya? Sapakin ko siya eh! 'Wag na 'wag ka niyang matawag na sexy baby boy! Ako lang pwede tumawag sayo no'n! Alam mo ba na naririndi yung tainga ko 'pag naririnig ko 'yun sa kanya? Hindi mo lang alam kung bakit! Kung alam mo lang Jin na—"
Hindi na natuloy ni Chris ang kanyang sasabihin dahil bigla na siya nakatulog.
"Ano 'yung sasabihin ni Chris sa akin? Hindi na niya na tuloy! Nakatulog na siya! Hindi ko talaga maisip na malala talaga si Chris pag lasing tapos may dinadamdam. Grabe!" nasa isip ni Jin. Natutuwa na nalulungkot si Jin para kay Chris dahil may mga bagay ito na tinatago na hindi masabi. "Kung hindi pa siya malalasing, itatago niya lang siguro 'yun sa sarili niya."
"Hoy! anong ginawa mo kay Chris? Bakit hindi mo pinapansin? Tignan mo ginawa mo? Hindi mo alam na may mabigat na pa lang dinadamdam 'yung tao! Tapos ano? Paglalaruan mo lang 'yung feelings niya? Sinabi ko naman sa'yo 'di ba, na ayaw niya umalis nung nagkasakit ka? Bakit hindi mo pinapansin? Akala niya tuloy galit ka!" naiinis na sinabi Jon.
"Hindi ko naman alam na ganito na pala yung nararamdaman niya. Sorry, hindi ko naman sinasadya. Sarili ko lang iniisip ko. Kaya ko lang naman siya hindi pinapansin, kasi gusto ko malaman kung ano talaga 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko naman gusto mangyari na masaktan yung feelings niya." paliwanag ni Jin. Hindi niya naisip na magkakaroon ito ng effect kay Chris. Para sa kanya, ang nais niya lang ay maliwanagan siya. "Pero bakit parang pati siya naaapektuhan?"
"Haayy! Wala na tayo magagawa! Hintayin na lang muna natin si Chris na mahimasmasan. Saka na lang natin siya ihatid pauwi sa kanila. Kita mo na ngayon? Alam mo na kung anong nararamdaman niya? Malapit ka ng bumingo kay Chris!" pag aalala ni Jon.
Naawaa si Jin sa kalagayan ni Chris. Hindi niya alam na nasaktan niya na pala 'yung ito kaya naman hinaplos niya ang malambot na buhok nito habang iniisip ang mga na plano na ginawa niya. "Sorry, Chris, hindi ko talaga sinasadya, na nahihirapan ka pala kanina pa. Kung hindi siguro tayo uminom, hindi mo malalabas 'yung dinadamdam mo. Pasensya na at hindi ko na itutuloy yung plano ko na hindi ka pansinin. Hindi ko na gagawin ulit 'yun. Pero, anong gagawin ko para malaman kung ano talaga nararamdaman ko para sayo? Masyado pang maaga para sabihin ko sayo na gusto kita."
Inuubos na lang ni Jon ang natitirang beer habang hinihintay na magising si Chris at hanggang sa mahimasmasan na ito. Nakatingin lamang sa mga ilaw ang batang Jin at habang hinahaplos nito ang buhok ni Chris. Binabantayan naman ni Jon si Chris ng maigi dahil ayaw niya na madadapuan ito ng kahit anong insekto. Habang nakatingin lang siya kay Chris, napansin niya na suot pa nito ang kanyang I.D. Nababasa na rin ang lace ng I.D. ni Chris gawa ng natutunaw na ice sa table, kaya dahan dahan niya itong tinanggal sa leeg nito. Nang makuha na niya na ito, tiningnan ko muna ang laman ng I.D. ni Chris.
"Sa tagal naming magkasama ni Chris, ngayon ko lang nakita 'tong company I.D. niya. Sobrang cute ni Chris dito tignan!" nasa isip ni John.
Naalala niya na hindi niya nakita ang I.D. ni Chris dahil ayaw nitong ipakita sa kanya at dahil rin sa hiya. Hinanap ni Jon kung anong kahiya-hiya na sinasabi ni Chris sa ID nito pero wala siyang makita. Tiningnan pa niya ang ibang detalye ng I.D. dahil wala na rin siyang magawa sa mga oras na 'to.
"Hmmm. Chris M. Villafuerte, hindi ko alam na M pala ang initial ng middle name ni Chris? Ngayon ko lang nalaman, ang tagal na namin magkasama" nahihiya niyang sinabi sa batang Jin, dahil baka isipin nito na close sila ni Chris pero hindi niya alam ang middle initial o ang middle name nito. Para kay Jon, hindi naman ito importante kaya di na niya inalam.
"Grabe ka, mas matagal kayo magkasama ni Chris, pero ni initial ng middle name niya hindi mo alam? Wew!" asar ng batang Jin habang hinahaplos niya pa rin ang buhok ni Chris.
"Eh malay ko ba? Ayaw niya ipakita sa akin. Hindi ko naman siya pipilitin sa mga ayaw niya. Bakit ikaw alam mo ba?" tanong ni Jon.
"Hindi! Hindi naman kami ganoong close pa ni Chris masyado! Kung hindi mo alam hanggang ngayon, malamang hindi ko din alam 'di ba?" sagot ni Jin.
"Oo nga 'no? Hindi ko naisip 'yun!" natatawang sagot ni Jon at patuloy niyang siniyasat ang I.D. ni Chris. "In case of emergency, please contact Augustus Villafuerte 09*********. Ito pala 'yung first namn ng papa ni Chris. Kilala lang kasi siya as Mr. A tuwing napapanood ko siya sa T.V., ngayon, alam ko na first name ng papa niya.
"Talaga? Hindi mo alam? Anong ginawa mo ng buong magdamag kasama si Chris? Bakit hindi mo alam kung anong middle name niya pati tungkol sa first name ng papa niya? Tsss!" naaasar na sinabi ni Jin.
Hindi makasagot si Jon. Huminga na lang siya ng malalim at ngumiti. Pagkatapos niyang tingnan ang I.D., itinago niya na ito sa bag ni Chris, at patuloy na lang nagmasid-masid sa paligid.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Gisingin na natin si Chris, medyo gabi na din at 10:30 p.m. na. Baka hanapin siya sa kanila." pag-aalala ni Jon at tinapik na niya si Chris sa likod para magising.
Agad namang bumangon si Chris na mapula ang mukha at kitang kita ang marka ng mga linya at buttons ng long sleeves niya dahil sa nakatulugan niya ito.
"Hmmmm. ay sorry nakatulog pala ako! Ano ba nangyari? May nagawa ba kong hindi maganda?" tanong ni Chris na medyo mahina pa ang boses dahil kagigising lang at nahimasmasan na, ngunit nakalimutan na naman ang mga nangyari.
Nakahinga ng maluwag ang batang Jin dahil naisip niya na nakalimutan na ni Chris ang nangyari dahil sa effect sa kanya ng beer. "Good! Mukhang nakalimutan niya yung mga pinagsasasabi niya kanina." nasa isip niya. "Wala ka naman ginawa, Chris. Nakatingin ka lang sa view ng ilog hanggang sa nakatulog ka. Ayun lang." Hindi na niya sinabi ang totoo kay Chris dahil alam niya na mahihiya na naman ito.
Napangiti si Chris nang kinausap siya ni Jin at nakaramdam ito ng gaan ng loob. Mas gusto ni Jin na nakikita si Chris na nakangiti at napagtanto niya na mas okay na 'wag nang pigilan ang kanyang sarili sa hindi pagpansin kay Chris. Ngunit nagtataka pa rin siya sa kung ano ang sinabi nito na hindi natuloy. Gusto niya malaman kung ano ang dapat nitong sasabihin bago nakatulog.
"Totoo ba ito? Kinakausap na ako ni Jin ng normal ulit? Hindi na siya cold gaya ng kanina." natutuwang sinabi ni Chris sa kanyang isip. Nagtataka siya dahil biglang nagbago ang mood ni Jin at nangangamba siya na sana ay wala na naman siyang ginawa na kung ano-ano, dahil kung hindi, sobra niya itong ikahihiya.
"Okay ka na ba Chris? Ihahatid ka na namin pauwi sa inyo. kaya mo ba maglakad?" nakangiting tanong ni Jin.
"Oo kaya ko maglakad, pero may favor ako, Jin."
"Okay, ano yun?"
"Pwede bang—" Bago magsalita ulit si Chris, tiningnan niya ang dalawang Jin ng seryoso at inaasam na sana ay payagan siya sa kanyang request, dahil gusto niya pa makasama si Jin ng mas matagal, "Pwede ba, sa inyo muna ako matulog?"
End of Chapter 7