[ Dewey Santos POV ]
FLASHBACK (Elementary to Highschool Days)
Hindi naging madali para sa akin na mabuhay sa ganitong sitwasyon gusto ko mang maging masaya sa kung sino ako, pero hindi naman pabor ang mga nasa paligid ko.
"Oh? Diba sya yung may hawak ng pambabaeng gamit kanina?"
"Oo nga no? Alam niyo ba nakita ko rin siya kanina habang ginagamit nya yung lipstick ng kaklase natin"
"Tara tara! Puntahan natin sya!"
Akala ko noong araw na lumapit sila sa akin, yayayain na nila akong makipag kaibigan sa kanila, pero katulad rin pala sila ng ibang tao.
"Hoy ikaw, gusto mo ba talagang makipagkaibigan sa amin?"
"Huh? p-pwede ba?" sagot ko pero tinawanan lang nila ako
"Bakit? Akala mo ba makikipag kaibigan kami sa'yo? Hindi ka belong sa amin, para kang babae kumilos"
"A-anong sinasabi nyo?"
"Nakita ka namin kanina na ginagamit mo yung lipstick ng kaklase natin tapos ginamit mo pa yung make up nyang dala, bakla ka siguro no? Ah bakla! bakla! bakla!" panunukso nila
"Ah! bakla! bakla! bakla!"
Patuloy nila akong pinagtatawanan at tinutukso hanggang sa tumulo na ang mga luha ko dahil sa hindi ko na kaya. Bahagya din nila akong sinipa sipa habang sinasabi ang salitang iyon. Hindi lang masasakit na salita galing sa ibang tao ang natatanggap ko.
Hanggang sa dumating ang araw na isa na akong High school student, malungkot ang buhay ko noon at kilala ako sa school namin bilang isang loner kid.
Pauwi na ako sa bahay ng biglang makita ko sila sa isang bakanteng lugar. Isang grupo ng mga kalalakihan na sabihin na nating trip nila akong paglaruan.
"Hoy ikaw, Halika ka nga rito" aya sa akin ng isa kong classmate kasama ang mga kaibigan nya
"Ah- may kailangan ba kayo sa akin?" saad ko
Lumapit sila ng bahagya sa akin sabay ang isa kong classmate ay sinadyang hawakan ang braso ko at hinihimas na parang tuta at may intensyong hindi kanais nais.
"Ang lambot naman ng balat mo, alam mo ngayon lang ako nakahawak ng ganitong malambot na balat sa isang lalaking katulad mo"
Pero dahil sa kaba ng naramdaman ko inalis ko bigla ang kamay nya sa mula sa braso ko.
"A-anong ginagawa mo?" saad ko pero tinawanan lang nila ako
"Bakit hindi mo ba gusto? Akala ko kasi ang mga kagaya mo.. gusto nila ang ganitong trato.. Hindi ba na-aatract ka rin sa taong katulad mo? Tama ba?" panunukso nito sabay hinawakan naman ang mukha ko na tila inaakit sa madilim na lugar
"Ano ba huwag mo nga akong hawakan!" sabay inalis muli ang kanyang kamay sa mukha ko
Habang nasa kritikal nang lagay ang pagkatao ko, puro tawanan lang ang naririnig ko sa ibang mga kasama nya.
"Huh.. matapang ka rin pala. Hindi ko inaasahan na sa malambot mong pagkatao nakakatakot rin pala yung mga titig mong ganyan. Woo~ tignan nyo sya oh! nakakatakot ang mukha nya para syang manununtok"
"Woo~ Mukhang manununtok talaga sya oh tignan nyo yung kamay nya nanginginig na"
"Anong klaseng tingin yan ha? Panakot na ba yan? Bakit? Kaya mo bang manuntok? Sige! suntukin mo ko! ano pang hinihintay mo, suntok na" hamon nito
Kahit hindi ko alam kung paano manuntok at sa hindi ko kaya, ginawa ko pa rin ang sinabi nya dahil sa gusto kong ipakita na sa kabila ng lahat ng pang iinsultong ginagawa sa akin, hindi ako mahinang tao.
"Suntok na iyon? Tss..." sabay ngisi nito
"Hindi ko man lang naramdam iyong kamay mong dumampi sa mukha ko, para kang babae kumilos, ay hindi.. babae ka nga pala kumilos. Gusto mo bang malaman kung paano sumuntok ang tunay na lalaki ha? Panoorin mo kung paano"
Suntok dito, suntok doon, ilang mga suntok at sipa ang tinamo ko sa kanila sa mga oras na iyon. Kagaya ng dati hindi ko pa rin nagawang ipagtanggol ang sarili ko. Kasabay ng masasakit na sipa at suntok na inaabot ko mula sa kanila, ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi ko mas lalong maramdaman ang sakit.
Hindi lang sa isang araw ko nararanasan ang mga pananakit nila sa akin, kahit nasaaan man ako kapag trip nilang gumawa ng palabas sa harap ng maraming estudyante, gagawin at gagawin nila.
Cafeteria
Payapa lang akong kumakain ng walang kasama ng biglang dumating ang tatlo kong kaklase at tumabi sa akin para saluhan ako.
"Nakakalungkot naman na mag-isa ka lang dito, pwede ba kaming tumabi sa iyo?" saad nito
Nakakaramdam na ako ng hindi maganda kaya naman binalak kong umalis mula sa kinauupuan ko at pumunta sa ibang lamesa pero...
"Oh saan ka pupunta? Ayaw mo ba na katabi kami??" pagtatas ng boses nito
"Ah.. h-hindi naman sa ganun"
Inilapag naman nya ng malakas ang kutsara sa lamesa na hawak hawak nya. Naging dahilan din ito para magtinginan ang ibang mga estudyante sa table namin.
"Nawalan na ako ng ganang kumain alam mo ba iyon??" sabay titig ng masama sa akin
Natakot na ako sa mga oras na iyon dahil alam ko na ang kasunod na mangyayari. Tumayo sya mula sa lamesa namin at hinawakan ang polo ko sabay hinila palabas ng upuan at itinulak sa sahig na naging dahilan para mapaupo ako.
"Hayss nabadtrip nanaman ang araw ko dahil sa iyo. Okay, kung ayaw mong makita kami na kumakain kasama mo ikaw na lang ang papanoorin namin kumain" sabay kuha ng tray ng pagkain ko sa lamesa at lumapit sa akin.
Hinalo halo nya ang pagkain ko at binuhusan pa ito ng gatas na hawak hawak nya, pero hindi pa sya nakuntento at dinuruan pa nya ang pagkain ko sabay hinalo halo ulit ito.
"Ito ang tinatawag na dog food nakita mo?? Ano pang hinihintay mo? Kainin mo" utos nito
Nakayuko pa rin ako sa mga oras na iyon at hindi kumikibo sa harapan nila ng hilain nito ang buhok ko ng mahigpit paharap sa mukha nya.
"Hoy! Bingi ka ba? Ang sabi ko kainin mo iyan!" sigaw nito pero hindi pa rin ako kumikibo
"AYAW MO?! HOY!" sigaw ulit nito sa akin
Walang umaawat ni isa sa kanila sa mga oras na iyon dahil takot rin silang makisawsaw sa kung anong eksenang ginagawa nila sa akin, kaya nakatingin lang silang lahat at pinagmamasdan ako.
Hindi ko pa rin siya sinusunod dahil namamanhid na ang buong katawan ko sa takot kaya naman kinuha nya ang tray ng pagkain ko mula sa sahig saka ibunuhos lahat sa akin at ibinato rin nya ang tray sa ulo ko. Tumigil lang siya ng may isang babae ang naglakas loob na pigilan sila.
"Hoy Kang Jinho!" sigaw nito
Lumapit ito kaagad sa kinatatayuan ni Jinho na parang wala siyang pake kung patulan din siya nito.
"Itigil mo na ang walang kwentang palabas na iyan, kung ayaw mong maagang mapalayas dito. Iwanan nyo na sya. Alis na" saad nito
Hindi ko alam kung anong power ang ginamit niya dahil walang nasabi si Jinho at wala rin siyang nagawa. Ang cool niya.
"Pasalamat ka at may natitira pa akong awa sa iyo. Ma swerte ka at kumampi sa iyo ngayon ang panahon, pero sa susunod na magkita tayo tutuluyan na talaga kita, naiintindihan mo?" sabay tapik nito sa balikat ko.
Sinipa sipa din nila ang mga upuan bago umalis sa cafeteria.
"Okay ka lang??" tanong ng babae sa akin
Sa ilang taon na nag-aaral ako dito, isa din siya sa mga taong naglakas loob na iligtas ako sa mga lalaking iyon. Maliban kay Krein isa rin siya sa naging kaibigan ko dito sa school.
Alam nya kung ano ang tunay kong pagkatao at tanggap nya iyon, alam din niya na may naging karelasyon ako na ibang student at supportive naman siyang kaibigan. Siya si Mina, kaklase ko. Simula nang gawin niya ang eksenang iyon sa cafeteria ay hindi na nila nagagawang tabihan pa ako sa lamesa kapag lunch break na.
The next day, mag isa akong kumakain sa cafeteria nang makita ko nanaman sila Jinho na papunta sa table ko pero agad na nauna si Mina at tumabi sa akin.
"Sorry, late na akong dumating" saad ni Mina pagkatapos ay ngumiti ito
Agad naman nang lumihis ng daan sila Jinho nang makita niyang tumabi na sa akin si Mina. Halata sa kaniya ang pagkainis at nanlilisik sa galit ang mga mata nito.
"Simula ngayon, ako na ang kasabay mong kumain tuwing lunch break kaya wala kang papa-upuin dito maliban sa akin, Okay ba?" saad nito
"Ah- o-okay lang sa iyo??"
"Bakit hindi naman magiging okay sa akin? You're a human too. Tara na kumain na tayo, nagugutom na ako" saad niya
Hindi na ako nakapagsalita sa mga oras na iyon dahil hindi ako makapaniwalang may isang kagaya niya ang sasabay sa isang loser na kagaya ko.
Umuuwi rin ako sa amin na may dalang maraming pasa sa katawan pero hindi alam ng mga magulang ko ang totoong dahilan. Kapag tinatanong nila ako ang sinasabi ko lang nakikipag away ako dahil sa babae.
Sa kabila ng masamang natatanggap ko mula sa kamay ng ibang tao, hindi ako tumigil na tapusin ang gusto kong gawin sa buhay. Tiniis ko mula elementary hanggang highschool ang pambubully na ginagawa nila sa akin.
Ngayon na isa na akong college student, gusto kong magsimula muli. Gusto kong mabuhay ng malaya, masaya at tanggap ng lahat. Gusto kong makawala sa miserableng buhay na sinapit ko noon.
END OF FLASHBACK
PRESENT DAY YEAR 2019
Isang papel na nakalagay sa lamesa ang siyang bumungad sa akin pagkagising ko.
"Certificate of Transfer Creden tials/Honorable Dismissal, Dewey Santos"
Makakahinga na rin ako ng maluwag, mga ilang oras kasi mula ngayon aalis na ako sa school kung saan marami akong bad memories. Dati ko pang pinapangarap na umalis sa school na iyon, at dumating na nga ang tamang araw.
"Oh, gising ka na pala, halika dito kumain ka muna" bungad ni mama na nasa kusina
"Kumusta naman ang pakiramdam mo?"
"Medyo okay na po ako. Kaya ko na pong pumasok"
"Kainin mo ito lahat, pagkatapos huwag mong kalimutan na inumin iyong nireseta na gamot sa iyo. Payo sa akin ng doctor iyan bago tayo ma discharge sa hospital kaya wala ka dapat ireklamo sa akin"
"Opo, naiintindihan ko po" sagot ko
Sinimulan ko nang kumain para makakuha at makabawi ng lakas.
"Syanga pala, alam mo ba kung paano ako natakot ng mga oras na iyon?? Muntik na akong himatayin noong tinawagan nila ako dahil may nangyaring masama sa'yo. Hindi ko kaya na makita kang sinusugod sa hospital kaya Dewey anak, huwag mo ng uulitin iyon.. Mangako ka sa mama mo"
Nakaramdam ako ng guilty sa sarili ko. Hindi ko man lang din inisip si mama kung ano ang magiging resulta sa kaniya kapag tinuloy ko ang bagay na iyon. Pero ngayon susubukan kong lumayo sa ganung pag-iisip.
"Opo mama, promise ko sa inyo na hindi ko na uulitin ang bagay na iyon. Sorry po"
"Naiintindihan ko, kumain ka na dyan at aayusin ko lang iyong ibang gamit natin para sa paglilipat ng bahay"
"Ah- mama? Alam ba ni papa... iyong nangyari sa akin?"
"Kung inaalala mo ang papa mo about sa nangyari, hindi sya galit sa iyo kaya wag ka ng mag-alala okay?" sagot nito sabay tumungo na sa kwarto nya
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon kay mama saka itinuon ang sarili para kumain. Pagkatapos maligo ay naghanda na ako para pumasok sa school. Ito na ang huling araw na papasok ako sa school na iyon kaya dapat good vibes tayo for today.
Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay mama. 8am pasado ng makarating na ako sa school. Bago ako dumiretso sa mismong klase ay tinawag muna ako ng adviser namin para kausapin ng principal about sa pagtransfer ko sa ibang school.
"Maupo ka" bungad sa akin ng principal
"I'm sorry po. Hindi ko na po magagawa iyong pinangako kong hanggang college na dito mag-aral. Sorry po kung nabigla ko po kayo" saad ko
Pero imbes na magalit sa akin ang principal namin ay mahinahon rin syang nakipag usap at tila nirerespeto ang desisyon ko.
"Marami ka ng nauwing karangalan para sa eskwelahang ito, kaya siguro panahon narin para gawin mo ito sa iba"
Halata ko sa expression ng mukha ni principal na malungkot siya sa balitang dala ko.
"Hindi ko rin naman po magagawa iyon kung hindi dahil sa tulong ninyo. Kaya marami pong salamat sa lahat, hindi ko po makakalimutan iyong mga magagandang bagay na ginawa nyo para sa akin, lalong lalo na po iyong mga magagandang asal na itinuro ninyo"
"Kung ano man ang desisyon mo katulad sa ibang bagay, tatanggapin namin. Kung magbago man ang isip mo, welcome na welcome ka pa rin dito"
Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko para banggitin ang huling salita at para sa paggalang ko sa kanila.
"Hindi na po magbabago ang desisyon ko, pero sa kabila po ng lahat hindi ko po kayo makakalimutan. Maraming maraming salamat po" saad ko
Hanggang sa muli ay yumuko ako sa harapan nila bilang isang paggalang. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay dumiretso na ako kaagad sa klase. Walang paring pinagbago, maingay at may kanya kanyang mundo ang bawat nandito at ako naman.. heto invisible sa lahat.
Umupo na ako para ihanda ang sarili sa unang subject. Lumapit naman ang isa kong classmate na babae na kaisa isa kong naging close sa lahat. Maliban sa naiintindihan nya iyong totoong ako, napakabait din nya sa akin na para ko ng kapatid.
"Dewey! kumusta ka na? Okay ka lang ba? Ilang araw karing hindi pumasok, alam mo bang sobra akong nag-aalala ng mabalitaan ko iyong nangyari sa iyo?"
"Okay naman na ako.. hindi naman ako napuruhan" saad ko
"Sorry nga pala kung hindi kita nabisita sa hospital. Okay lang kung magalit ka sa akin ngayon o magtampo, tatanggapin ko" saad nito
"Ano ka ba, okay lang iyon. Naiintindihan ko naman na busy ka rin sa ibang bagay"
"Hindi mo sinabi sa akin kung anong nangyari sa inyong dalawa, sabi ko na ba sa una pa lang feeling ko wala talaga siyang magandang intention sa iyo, pero hindi ko na lang pinansin iyon dahil nakikita ko namang masaya ka. Don't worry binigyan ko naman na siya ng leksyon"
"Leksyon? Anong ginawa mo sa kaniya?"
"Hindi ko na sasabihin sa iyo dahil baka maawa ka lang sa kaniya" saad nito
"Salamat Mina. Sobrang thankful ako dahil naging kaibigan kita"
"You're always welcome. By the way, dumalaw dito yung mama mo nung isang araw at kinausap nya iyong principal natin. Totoo bang mag ta-transfer ka na sa ibang school? Seryoso ka na ba dyan sa desisyon mo?" saad nito
"Makakatulong sa akin ng sobra kung sa Cho Deom University ko ipagpapatuloy iyong pag-aaral ko. Dahil sa high education level nila hindi malabong nakapasok ako"
"Akala ko pa naman sabay tayong ga-graduate ng college. Nagtatampo na tuloy ako sa iyo, wala pa sa kalahati na magkasama tayo bilang isang 1st year college tapos mag ta-transfer ka na"
"Kahit naman magkahiwalay na tayo ng school ngayon at the end sabay rin naman tayo ga-graduate. Wala ka dapat ikatampo as long as natupad iyong goal natin sa huli na ga-graduate tayo ng sabay"
"Naiinggit ako sa iyo dahil napaka talino mong tao kaya madali na lang sa iyo na makapasok sa school na iyon. Lahat ng estudyante pinapangarap na makapag aral doon pero ikaw, natupad na iyong pangarap mo. Dahil dyan sobrang proud ako sa iyo" saad nya
"Ikaw ang sumusunod sa akin sa ranking dito sa Hyein, kaya hindi lang ako ang matalino dito, i-include mo rin ang sarili mo. Masipag kang student at napaka responsible mo rin kaya hindi ako nababahalang umalis dito dahil nandiyan ka pa para sa Hyein"
"Kaya ba... Hindi ako nakapasa sa ibang University dahil para Hyein??"
"Sa oras na umalis na ako dito, ikaw na ang magiging top student. Malaki ang tiwala ko sa iyo na magagawa mo ang lahat para sa school na ito at i'm sure na ganito rin ang perspective nila sa iyo"
"Naiintindihan ko na. Promise hindi ako gagawa ng mali para ma dissapoint silang lahat sa akin. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan mo dito sa Hyein, promise ko iyan!" saad nito
Dumating narin ang professor namin para sa unang subject at nagsimula na kaming mag klase. Advisory class lang ang pinasukan ko dahil tapos na ang process ng pag t-transfer ko sa ibang school. Nagpaalam narin ako sa kanilang lahat, kahit papano nakaramdam ako ng lungkot pero alam kong magiging masaya ako sa susunod kong panggagalingan.
Kinuha ko na rin ang ibang gamit ko sa school para iuwi na sa bahay, hindi naman ito gaanong madami kaya kasya naman sa bag ko.
Palakad na ako sa hallway ng makasalubong ko ang tatlo kong classmate na lalaki na isa sa mga nambubully sa akin dito sa school. Gusto ko man silang iwasan pero dahil aalis rin naman na ako dito, haharapin ko na sila.
"Oy! kita mo nga naman, ito na pala ang huling araw na magkikita kita tayong apat" saad ni Jinho sabay sumandal sa locker ko
"Sayang naman at hindi na tayo magkakaroon ng masasayang alaala., hays.. nakakalungkot" sarcasm na saad nito
"Siguro sobrang saya mo dahil hindi mo na kami makikita. Ganiyan ka ba sa mga kaibigan mo kagaya namin?" saad nito habang tinatapik tapik ang balikat ko
Iniwas ko naman agad ang balikat ko sa kaniya para hindi na nya mahawakan pa.
"Oo tama kayo, kampante na ang loob ko dahil sa wakas hindi ko na makikita iyang mga demonyo nyong mukha. Alam nyo sa totoo lang, nakakasawa na kayong makita araw araw sa sobra pagkasawa nakakasuka na. And by the way never ko namang inisip na naging kaibigan ko kayo" saad ko
Akmang susuntukin nya ako dahil nainis siya sa mga sinabi ko pero natigilan sya ng biglang dumating si Mina.
"Hoy!" sigaw nito
"Aalis na sya dito, kaya pwede bang bigyan nyo naman sya ng magandang araw para i-enjoy iyong last day sa Hyein?? Alis na" maangas na saad ni Mina
"Don't forget it Dewey.. sinisigurado kong magkikita pa tayo, kaya ihanda mo iyang sarili mo. Hanggang sa muli" saad nito sabay tinapik muli ang braso ko saka umalis ng tuluyan
That fucking bastard..
"Okay ka lang ba? May ginawa nanaman ba sila sa iyo?"
"Wala, sinabi ko lang sa kanila iyong gusto kong sabihin"
"Ah~ Dewey bago ka pala umalis, iuwi mo na ito" sabay abot ng isang notebook sa akin
"Notebook? Para saan?"
"Ginawa ko iyan after kong malaman na mag t-transfer ka na. Lahat ng magagandang memories natin nilagay ko dyan sa notebook na iyan. Pati address at contact number ko inilagay ko na rin baka sakaling kung kailangan mo ng kausap o kaya gusto mo akong kumustahin tawagan mo lang ako o puntahan sa bahay" saad nito,
Napangiti naman ako sa mga sinabi nya sa akin.
"Thank you. Kung hindi ka umeksena sa araw na iyon siguro matagal na akong nakabaon sa lupa. Ikaw ang parating nagiging savior ko alam mo ba iyon? Kapag nakikita ka na nila na lumalapit sa akin tinitigilan na nila ako, kaya imposibleng makalimutan kita. Itatago ko itong notebook, ito ang super remembrance mo para sa akin"
"Promise iyan ha?"
"Oo, promise" sabay nagpinky promise kaming dalawa.
"Sige na, pupunta na ako sa next subject namin. Mag-iingat ka ah?" saad nito
Binigyan naman niya ako ng yakap bago umalis. Isang magandang relasyon ang nabuo kahit papano sa mahabang pag-aaral ko dito sa Hyein. First time rin akong nakatanggap ng isang yakap mula sa babae and I felt strange inside dahil hindi ako sanay pero gumaan ang loob ko nung niyakap nya ako.
Ngayon ko lang naramdaman ang salitang "friendship" dahil sa kaniya. Hindi na ako nagtagal sa school at umuwi na ako sa amin. Sa paglalakad ko pauwi sa amin ay may isang familiar na boses ang tumawag mula sa likod ko.
"Dewey? p-pwede ba kitang makausap kahit saglit?"
[ Junseo Cho POV ]
BLACKBIRD MODELLING AGENCY
"Okay, let's do it again for another pose. Ready in 1,2,3"
click !
"One more. Ready in 1,2,3"
click !
"Okay good, for the last shot. Ready in 1,2,3"
click!
"Okay, job well done. May 1 hour break pa kayo para mag ready sa susunod na shoot natin. Kumain muna kayo" saad ko
"Thank you po" sagot nilang lahat saka nagsi-alisan sa loob ng studio
Pagkaalis nila ay inayos ko muna ang mga nakuha kong shoot sa kanilang lahat. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa office ng boss ko para ipakita ang mga natapos naming pictorial for today.
knock knock
"Pumasok ka na, bukas iyan"
"Busy? Sisingit muna ako. Ito na ang mga natapos namin for today, Inayos ko rin at naka compile na ang lahat, kung may hindi ka nagustuhan sabihin mo lang sa akin para maulit namin mamaya" saad ko
Kinuha nya agad ang dala dala kong envelope saka tinignan ang lahat ng nakalagay dito.
"Woah~ iba ka talaga magtrabaho pagdating sa mga ganito. Wala na akong babaguhin sa mga pictorial nila, i'm always speechless on you. Good job" sagot nito
Pagkatapos nyang tignan ang ibinigay ko sa kaniya ay umupo na ako sa upuan na nasa harap ng table nya para makapag pahinga.
"Huwag mong masyadong galingan ang trabaho mo, mas lalo lang akong nahihiyang pagtrabuhin ka dito"
"Maganda naman ang trato mo sa akin dito tapos maganda rin yung sweldo ko, kaya may dahilan para galingan ko ang trabaho ko. Tama naman diba?" saad ko at napatawa naman sya sa sinabi ko
"Hoy Junseo, hindi mo ba naiintindihan? Nahihiya akong pagtrabahuin ang anak ng Cho Deom Corporation sa ganitong company, bakit hindi mo na lang kasi tanggapin yung trabaho na para sa iyo?"
"Bakit? Nahihiya ka ba sa sarili mong company? Kilala ito sa lahat ng mga nasa modelling agency, hindi lang iyon nag top pa ang company mo sa isang National Fashion Week. Hindi na ba sapat iyon?"
"Hindi ko naman makukuha ang lahat ng iyon kung hindi rin dahil sa tulong mo. Marami na akong utang sa iyo kaya dapat hindi na kita sinuswelduhan sa trabaho mo dito" reklamo nito sa akin
"Sino ba kasing may sabing swelduhan mo ako? Marami naman akong pera hindi ko na kailangan ng pera ng company mo" saad ko
"Huh, aba~ kita mo nga naman oh, nagmamayabang ka nanaman. Tsk may 1 hour break time pa sila diba? Gusto mo kumain?" yaya nito sa akin at tumango naman ako
Pumunta na kami sa isang restaurant na hindi gaanong malayo mula sa Blackbird.
"Thank you" saad namin after ma i-serve ang inorder namin
Nagsimula na kaming kumain dahil parehas narin kaming gutom dahil sa trabaho.
"Hindi pa ba alam ng parents mo na may mina-manage ka pang ibang trabaho maliban dito?"
"Uhm.. hindi pa nila alam, pero yung kapatid ko alam nya ang about doon" sagot ko
"So kailan mong balak na sabihin sa kanila?"
"Hindi ko alam"
"Hoy Junseo, kung ako sa iyo ipaalam mo na sa kanila hanggat maaga pa, baka mahirapan ka kapag sila pa mismo ang makaalam ng about doon"
Hindi ko na lang sya sinagot at itinuon ko na lang ang sarili ko para kumain. May tumawag naman sa cellphone nya habang kumakain kami pero binabaan lang niya ito.
"Haysss nakakainis naman, paano nya nalaman ang number ko? Hoy Junseo binigay mo ba sa kaniya iyong number ko?"
"Bakit? Sino ba iyan?"
"Sino pa ba? Nakakainis na sya, palagi na syang tumatawag sa akin at tinatanong kung nasaan ka. Bakit ba kasi hindi mo na lang sya kausapin para tigilan ka na niya?" reklamo nito pero hindi ako nag response sa sinabi nya
"Hayss~ iba talaga kapag nasa proseso ng pag-ibig ang isang tao hindi na kumi-"
Tumigil ako sa pagkain at sabay tingin sa kaniya ng masama para balaan siya sa kakadaldal niya.
"Cut your mouth for saying nonsense to me. Kumain ka na lang" saad ko
"Oo na, alam ko na ang mga ganiyang tingin. Wala na akong sasabihin quite na ako. I bo-block ko na lang iyong number nya para hindi na nya ako matawagan. Ayos na?" saad nito
Hindi ko na ulit sya pinansin at nasa sariling mundo na ulit ako para kumain. Parehas kami ng sitwasyon marami na rin syang missed call sa akin pero ni isa hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. Nakakaabala lang siya sa mga ginagawa ko.
[ Dewey Santos POV ]
Hinayaan ko sya na kausapin ako dahil sa susunod hindi na ito mangyayari.
"Ku-kmusta ka na? Nabalitaan ko iyong nangyari sa iyo. Alam kong ang kapal pa ng mukha ko para kumustahin ka. Sorry"
"Iyan lang ba ang sasabihin mo? Pwede mo namang ipasabi iyan sa iba para hindi ka na nagsayang ng oras na kausapin pa ako"
"Actually, nalaman ko na rin na mag t-transfer ka na. Kung ako iyong dahilan kung bakit ka lilipat gusto ko humingi ng sorry sa iyo at sa lahat ng nagawa kong kasinungalingan"
"Huh, kahit na mag sorry ka hindi naman mababalik sa dati ang lahat. Noong pumasok ako dito, isa na akong ganap na loser at toxic sa lahat kaya naman nung araw na lumapit ka sa akin, naging magaan kahit papano ang loob ko. Pero sa kabila nun hindi ko alam na prehas ka lang pala sa kanila. Masaya akong aalis dito na walang connection ng kahit ano sa iyo. Sana maging masaya ka rin" saad ko
Hindi ko na hinayaan na masayang pa ang oras ko kaya umalis na ako pero bago iyon, sinabi ko na rin sa kaniya ang isa pang dahilan na nalaman ko.
"At syanga pala, alam ko na rin ang isa pang dahilan kung bakit ka lumapit sa akin. Balita ko bumaba na ang rank mo ngayon sa buong school? Nakakapanibago lang dahil hindi naman ganyan nung araw na magkasama tayo. Huwag mo ng subukan na humanap ng ibang mabibiktima para lang sa grades mo. Mag-aral ka na lang ng mabuti para matulungan mo iyang sarili mo" saad ko saka tuluyan ng umalis
Sa wakas, nakalaya na rin ako. Ang saya pala sa pakiramdam ng ganito, para akong lumilipad at sumasabay sa hangin. Sa panibagong araw na kakaharapin ko nandito pa rin takot at pangamba sa kung anong klaseng pagtrato na naman ang matatanggap ko.
Dumaan ang weekends at nakalipat na rin kami sa bagong bahay na ipinamana ng kapatid ni mama. Wala na kasing titira dito dahil last month lang ay namatay si tita at ibinilin ang bahay na ito para tirahan na namin.
"Ma, tulungan ko na po kayo, ako na po ang magbubuhat niyan" saad ko
"Dewey, kami na ng mama mo ang bahala dito. Ayusin mo na lang ang dapat mong ayusin sa bagong school na papasukan mo. Sige na, ako na dito, dumiretso ka na sa kwarto mo" utos ni papa
"Ah- sige po" saad ko
Wala na akong nagawa dahil inagaw narin ni papa mula sa akin ang mga ibang gamit namin sa bahay. Dumating na ang first day of class sa papasukan kong bagong school, maaga akong nagising kaya nag jogging muna ako para simulan ang magandang araw.
Inhale
Exhale
Nagsimula na akong mag jogging hanggang sa kaya ko. Ilang oras din ay nakaramdam na ako ng pagod kaya umupo muna ako sa may park at uminom ng tubig. Ang sarap sa feeling, ang dami kong naiipon na positive vibes ngayong araw. Nagpahinga rin ako sandali at pagkatapos ay tumuloy na ulit na mag jogging.
Habang nagjo-jogging ay may isang bata ang umagaw ng tensyon ko dahil nakawala sa tali nya ang alaga nyang aso kaya tumigil muna ako at dali daling lumapit sa bata para tulungan sya.
"Dito ka lang bata ah? Hintayin mo ako" saad ko saka tumakbo para habulin ang aso nya
Naabutan ko ang alaga nyang aso na patawid na ng kalsada at maraming mabibilis na kotse ang possibleng makabangga sa kaniya. Nahablot ko naman ang aso at ligtas na sya ng biglang may isang kotse ang muntik ng makabangga sa akin. Dahil sa bilis ng pangyayari ay napaupo ako sa lupa hawak hawak ko pa rin ang aso, thank God at hindi naman ito nasaktan.
Huminto naman ang kotse na muntik makabangga sa akin at dali-daling bumaba ang driver nito saka lumapit sa akin, hinawakan nito ang balikat ko saka tinanong kung...
"Okay ka lang??" saad nito na may boses na sobrang nag-aalala
Iyong boses na iyon.. parang narinig ko na siya sa kung saan? Familiar sa akin yung boses pero hindi ko matandaan.
"Ah.. o-oo! A-ayos lang po ako" sagot ko pero ang totoo medyo masakit yung bandang pwet at hita ko
Sa kasunod na minuto ay humarap ako sa mukha ng driver na nakabangga sa akin para makita kung sino siya. Isa syang lalaki na naka suot ng black na polo at black formal trousers na sobrang bagay sa hitsura nya. Sobra ding nag-aalala ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
Parang nakita ko na nga sya kung saan, pero hindi ko matandaan.
Who's that guy?
Bakit pakiramdam ko, nagkita na kami dati?