[ Sheryl Cho POV ]
Nakauwi na ako ng bahay pero hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina.
AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!
Dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko ay hindi ko maiwasang tumili habang nakahiga sa malambot kong kama.
How can I focus on this? Na so-sobrahan na ako kaka isip kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin. Naalala ko tuloy iyong scenario namin kanina.
"Uhmm, Sheryl? Pwede ba akong humingi ng permission sa iyo?"
"Permission? Bakit? Para saan?"
"Na realize ko kasi na, close naman tayo sa isa't-isa kaya, Pwede ba akong sumama sa iyo sa lahat ng oras?"
"Su-sumama? Anong ibig mong-?"
"Simula ngayon, palagi na akong nasa tabi mo, palagi na rin kitang sasamahan. Sabay rin tayong kakain kapag lunch break, sasamahan rin kita sa pagre-eview ng notes mo. Pwede ba?"
"Ah~ out of the blue naman iyang sinasabi mo..."
"Kung hindi mo alam ang isasagot ngayon sa tanong ko, maghihintay ako bukas ng umaga. If wala pa rin, I will wait hanggang sa ready na ang sagot mo"
Malaking OO at PWEDE ang gusto kong isagot sa kaniya kanina pero hindi ko alam kung bakit ayaw bigkasin ng bibig ko ang mga words na iyan. I re-ready ko tuloy ang sarili ko para bukas.
* Bentlee sent a message *
"Have a beautiful sleep my dear, as your request"
Insert our OT4 pictures
Naririnig ko ulit ang muling pagtibok ng puso ko dahil sa picture na sinend sa akin ni Bentlee, magkatabi kasi kami ni Coen dito sa picture.
Zi-noom ko pa ito para mas lalo kong makita kung anong hitsura naming dalawa. Hindi ko maiwasang ngumiti ng sobra na aabot na sa dulo ng tenga ko.
My handsome precious love Coen, magagawa ko ring mag confess sa iyo someday.
[ Junseo Cho POV ]
"Boss, ako na po ang bahalang magsarado dito sa bar" saad ng employee ko
"Okay, bago ka umalis i check mo ulit ang mga electricity dito kung may mga naka on pa. Mauuna na ako"
"Okay Boss! Mag-iingat po kayo"
Umalis na ako ng tuluyan sa bar at sumakay na sa kotse para makauwi na. Pagdating ko sa bahay ay sarado lahat ng ilaw sa loob. Himala, hindi umuwi dito si Sheryl.
Pagpasok ko sa bahay ay automatic ring nagsindi ang mga ilaw sa loob. Kung gusto niyo rin ng ganitong ka automatic na bahay, mag-aral kayo ng mabuti at dapat piliin niyo ang trabahong gusto at mahal niyo.
Bago magbihis ay dumiretso muna ako sa ref para kumuha ng ma i-iinom.
* Hyol sent a message *
"Need ko ng cooperation at gawa mo about dito, kailangan ko iyan bukas ng maaga"
*Insert picture*
Huh, photographer ba talaga ang trabaho ko rito o minsan suma-sideline din bilang isang fashion designer? Anong alam ko sa mga pagdedesign ng damit na ganito kaganda??
Tinawagan ko naman siya agad sa phone para kausapin kung bakit ako pa ang pag t-trabahuin niya rito.
"Hoy, photographer lang ako na kumukuha sa mga modelo mo, hindi ako kasing sikat at galing na fashion designer katulad mo. Anong gagawin ko dito??"
"Kailangan ko rin ng manpower galing sa iyo, hindi sa lahat ng oras gumagana ang brain cells ko para mag-isip ng kakaibang design. Saka dapat lang na alam mo kung ano ang babagay sa isang tao. Ang isang Photographer at ang isang Fashion Designer, iisa lang dapat ang utak nila pagdating dito. Iyan lang naman ang hinihingi ko sa iyo. Hihintayin ko iyan bukas ng umaga ayoko ng late"
* Call ended *
Gusto ko nang matulog at magpahinga ngayon pero dahil isa siyang malaking singit, kailangan ko pang tapusin itong trabahong ibinigay niya sa akin. May unting background at knowledge naman ako sa ganitong trabaho pero hindi kasing professional kagaya niya.
Hayyyy! Bahala na nga!
Tumungo na ako sa kabilang kwarto kung saan nakalagay ang mga litratong nakukuhanan ko araw araw, sa workplace man iyan, travel, or trip lang, lahat ng iyan dito nakalagay. In short, ito ang workplace area ko.
Umupo na ako sabay binuksan ang laptop para mag search ng ideas kung paano mag design ng isang damit. Nagtingin din ako ng mga example sa image section para makakuha ako ng ibang ideas. Should I change my career na kaya no? Maging Fashion Designer na lang ako kesa sa maging photographer psh.
Nagsimula na akong mag sketch ng damit kahit na hindi ko alam kung paano at kung ano ang i dra-drawing ko, bahala na.
[ Dewey Santos POV ]
"Mama, sigurado po ba kayong wala na kayong ipapasabay na deliver?"
"Malapit lang naman sa bahay natin ang mga nag order kaya ako na lang ang maghahatid nito sa kanila. Unahin mo palagi ang pag-aaral mo, kaya ko namang magtrabaho kahit na ganito na ang edad ko"
Simula ng lumipat kami dito ay nagtayo narin kami ng sarili naming food business para kahit papano matulungan namin si papa na nagta-trabaho sa farm at para narin may dagdag kami sa mga gastusin sa bahay.
Pasalamat na lang talaga at swerte ako pagdating sa pag-aaral dahil kahit papano sagot ng University ang tuition ko.
"Okay po ma, basta wag lang po kayong magpapagod, babawi po akong tumulong sa inyo pagdating ng weekends. Mauuna na po ako"
"Mag-iingat ka. Nahanap mo na ba iyong wallet mo?"
"Ah, opo ma, may nagbalik na po sa akin kahapon sa school"
"Sa school mo ba nawala? Kilala mo ba iyong nagbalik? Pasalamat ka at may tao pang katulad niya, kung ibang tao iyan hindi na iyan ibabalik sa iyo"
"Hindi ko po siya kilala, pero mukhang mabait naman po siya"
Hindi siya taga school ma, at mas lalong hindi ko alam kung paano niya nalaman kung saan ako nag-aaral.
"Sige po" saad ko saka umalis na ng bahay
Nakarating na ako ng school pero wala pa rin sila Sheryl at Bentlee sa room. For sure nasa labas nanaman sila ng gate para i-stalk si Coen. Malapit na ang Exam namin for 1st sem kaya todo review ang lahat ng nandito sa room. Kinuha ko na rin ang notes ko at sumabay na rin sa kanila sa pagre-review.
[ Sheryl Cho POV ]
Click !
Click !
Click !
Tunog ng camera ko habang sinusundan ang galaw ni Coen papasok ng school.
"Matanong ko lang, gaano na karami ang picture ni Coen diyan sa camera mo? May space pa ba iyan para sa amin?" tanong ni Bentlee
"Kung bibilangin ko wala nang space ang memory nito para sa inyo, nakalaan na ito para sa kaniya" biro ko
Hinampas naman ako ni Bentlee sa braso dahil sa sinabi ko.
"Ah! Bakit?!"
"Tch, kaibigan mo ba talaga kami?? Bakit parang lahat ng nasa iyo para lang kay Coen!" reklamo nito
"Eto naman ang bilis mong magtampo, syempre mas malaki ang memory niyo sa akin kaysa kay Coen. Kahit na myloves ko siya, ikaw pa rin ang unang naging myloves ko" sabay kindat sa kaniya
Naglakad na kami papasok sa gate habang tinitignan ang picture ni Coen sa camera ko, nang biglang maalala ko nanaman iyong sinabi niya sa akin kagabi, kaya napahinto ako sa paglalakad.
BAKIT BA HINDI MAALIS SA UTAK KO IYONG SINABI NIYA KAGABI??
"Oh Bakit? May problema ba sa camera mo?"
"Huh? Ah~ w-wala naman, tara na lumakad na tayo" saad ko
Pumasok na kami ng room at lahat ng kaklase namin ay busy kaka review para sa nalalapit na exam. Malayo pa naman ang exam bakit sobrang excited silang mag review?? Nakalimutan kong college na nga kami at kailangan na todo aral ka talaga.
Woah~ busy na busy talaga ang lahat at napaka seryoso nilang mag aral, isama mo na sa unang bilang sa listahan si Dewey.
Umupo narin kami para simulan ang pagre-review. Malapit lang kami sa upuan ni Dewey kaya sumama na siya sa amin para tulungan kaming mag review.
Ilang saglit pa lang ay lumapit sa amin si Coen dala dala ang reviewer notes niya at ang cute niyang ballpen. Oo lahat ng gamit niya ay cute para sa akin.
"Pwede ba akong maki sit in? Mas masaya kung marami tayong nagre-review para hindi boring" saad nito
"Ah~ oo, pwede naman" sagot ni Bentlee
Umupo siya sa upuan na bakante sa tabi ko. So ang settings ay magkatabi kami ngayon.
Seryoso nga siya sa sinabi niya sa akin kagabi. Ano ka ba Sheryl! Ayusin mo ang sarili mo. I focus mo ang self mo sa pagre-review at hindi sa kaniya.
"Ito na ba ang sagot mo sa tanong ko kagabi?"
"Huh??"
"Pumayag ka na tumabi ako sa iyo ngayon para mag review, ito na ba iyong sagot mo?"
"Si Bentlee naman iyong pumayag... at hindi naman ako"
WHAT A SAVAGE LINE SHERYL.
Kita ko naman na napangiti siya kahit na hindi maganda ang naging sagot ko.
Ano bang ngiti iyan Coen, nakakabaliw ><
"Mag review ka na diyan hanggat wala pa tayong klase ngayon " utos nito sa akin
Kinuha ko naman agad ang notes ko at saka nagsimulang mag review. WHAT A BEST DAY EVER SHERYL.
[ Junseo Cho POV ]
Maaga akong umalis ng bahay para pumunta sa office niya katulad ng sabi niya sa akin. Dala dala ko ang isang sketch ng damit na pinagpuyatan ko kagabi.
Habang naghihintay sa pagbaba ng elevator ay nakita ko ang isang model na nakatingin sa scoring board na binabanggit ni Hyol sa meeting nung nakaraan. Nakatingin lang siya at para bang hindi masaya sa nakikita niyang resulta, hindi rin maganda ang expression ng mukha nito.
Pumasok narin ako sa elevator at dumiretso sa office ni Hyol. Lumapit ako sa may table niya at ibinigay ang envelope na may lamang sketch ng damit na pinapagawa niya sa akin.
"Aba~ future Fashion Designer na ba ang photographer namin ngayon?" saad nito
"Pinagpuyatan ko iyan kagabi pero hindi ko alam kung maganda. Dinamihan ko narin ang paggawa para may mapagpilian ka"
Tinignan naman niya ang bawat sketch na ginawa ko at approve naman ito sa taste niya. Umupo narin ako sa upuan na nasa harap ng table niya para maging komportable ang pag-uusap namin.
"Kinopya mo ba lahat ng nakita mo sa internet? Halos pare-parehas lang ng style iyong ginawa mo" reklamo nito
Buti nga ginawan pa kita eh.
"Complaints after mong ipasa sa akin iyong dapat na ikaw ang gagawa? Wala bang "Thank you" man lang diyan dahil ginawa ko pa iyan?"
"Okay sa akin iyong ibang ginawa mo, nagustuhan ko. May potential ka rin pala, bakit hindi ka na lang mag change ng career? Maganda naman ang performance mo" saad nito
"Ikaw lang ang nagagandahan, ako hindi" sagot ko
Pumasok naman si Director Lee na nag ma-manage sa lahat ng models dito. By the way she's a girl. Mukha lang pang lalaki ang pangalan niya.
"CEO Hyol, heto na po iyong result ng newest ranking at score ng mga model natin today" saad nito
Kinuha naman ito ni Hyol saka tinignan.
"Okay good, mamaya mag send ka ulit ng report sa akin sa kung ano ng nangyayari sa kanila. Make sure na wala silang mararamdamang negative thoughts about sa lumabas na resulta ng score nila. Ikaw na ang bahala para magkaroon sila ng good performance"
"Opo CEO" saad nito sabay umalis na ng office
"Resulta ba iyan ng task mo sa kanila?"
"Uhmm.. naglabas na sila ng scores para sa mga naging performance nila. By the way sa susunod magsisimula na ang ilang company sa paglalabas ng endorser model nila kaya kailangan ka sa photoshoot"
Kinuha ko naman ang papel na ibinigay ni director kay Hyol para makita rin ang resulta nila. Lahat ng mga model na nandito ay may kani-kaniya ng company na tumanggap sa kanila at magaganda ang mga scores na nakuha.
Maliban na lang sa isang model na nasa hulian ng rank at wala pang kahit isang company ang kumukuha sa kaniya bilang endorser.
"Shaina Kim, 23 years old"
Base sa picture na nandito at sa babaeng nakita ko kanina sa ground floor, hindi ako nagkakamali na siya nga iyon. Siya iyong nasa board kanina na halos hindi maipinta ang mukha.
"Halos lahat ng model mo may mga company ng kumuha sa kanila, paano naman mangyayari iyong elimination na sinasabi mo?"
"Result pa lang iyan ng kada task na ginagawa nila everyday, hindi pa iyan ang final kaya pwede pang magbago ang ranking at pag-asa nilang makapasok sa world fashion week" saad nito
"Hindi ba pwedeng lahat na lang sila gawin mong model sa ilalabas mo?"
"Kung pwede lang eh di dapat ginawa ko na at wala ng elimination na magaganap"
"May consenquences ba kapag walang ni isang company ang kumuha sa kanila bilang isang endorser?"
Tumigil siya saglit sa ginagawa niya at sabay tumingin sa akin.
"Nasa meeting ka diba? Bakit hindi mo alam ang about diyan. Well, kung wala ngang company ang kumuha sa kanila automatic na this week tanggal na siya sa list at hindi na siya makakasama sa mismong world fashion week"
"So kailangan na talagang may kumuha sa kaniya bilang isang endorser"
"Exactly"
Bigla akong nalungkot para sa kaniya. Meron pa siyang 2 days bago matapos ang week na ito. Kailangan meron nang kumuhang company na mag e-endorse sa kaniya, kung hindi automatic tanggal na siya. Pumasok sa isipan ko na tulungan ang model na iyon pero paano??.
"Bakit? May nakita ka ba sa result na iyan?"
"Oh"
"Malalaking mga company ang kumukuha sa mga model natin kaya mahihirapan tayong pakiusapan sila na tulungan siya. Need niyang gumawa ng effort para sa sarili niya. Lahat sila gumagawa ng paraan para mag improve ang modeling skills nila. Kaya kung ano man ang iniisip mo, hayaan mo siyang i angat ang self confidence niya" saad nito
Lumabas narin ako ng office niya after naming magkwentuhan. Bago ako umalis ng tuluyan, tinignan ko muna ang scoring board at umisip ng paraan para tulungan ang babaeng iyon.
Tinawag ko ang isa sa mga secretary ni papa na nag ta-trabaho sa kaniya para humingi ng tulong.
"Secretary Bon, si Junseo po ito, libre po ba ang oras niyo ngayon? Oh~ i see. Meron lang po sana akong ipapagawa sa inyo. Okay po, tawagan ko na lang ulit kayo kapag nandiyan na ako. Salamat"
* Call ended *
Tumingin ako ulit sa scoring board at iniisip kung paano ko siya matutulungan. Sana makatulong ito sa kaniya at huwag siyang agad mawalan ng pag-asa.
[ Sheryl Cho POV ]
Walang oras at minuto na hindi humihiwalay sa amin si Coen, kahit sa mismong klase ay humingi siya ng permission sa professor namin na mailipat siya ng upuan malapit sa amin.
During class hour din ay pasimple niya akong inaabutan ng isang energy drink at may nakalagay na note na "Inumin mo iyan para hindi ka antukin sa klase" .
Hindi naman nakikita nila Bentlee at Dewey dahil tutok na tutok sila sa pagtuturo ni Prof sa harap. Syempre ako itong si marupok todo ngiti nanaman at kilig sa mga oras na iyon.
Pumunta rin kami sa library dahil may mga dapat kaming i search about sa lecture namin sa class. As usual kasama rin namin si Coen para mag research. Naiwan kaming Dalawa ni Coen sa table dahil busy ang dalawa sa paghahanap pa ng mga books.
Na a-awkwardan ako sa sitwasyon ngayon, hindi ako sanay na magkasama kaming dalawa. Sa mga ganitong pagkakataon kasi dapat ay nasa kabilang table kaming tatlo habang ini-stalk si Coen. Doon ako komportable at hindi sa ganito.
"Okay ka lang?"
"Huh? Ah~ Oo naman bakit?"
"Kanina ka pa kasi diyan nakatulala, hindi mo pa ginagalaw iyong ballpen mo"
"Huh? Pasensya ka na, may iniisip lang ako"
Habang nasa processing stage pa lang ang utak ko na ma analyze ang lahat ng nangyayari, ay binigyan naman ako ni Coen ng isang chocolate bar.
"Pampa energy ang pagkain ng chocolate, Take it"
"Oh, salamat"
During our P.E. class din ay sumama rin siya sa grupo namin at sa pagsisimula ng activity ay lumapit naman siya sa akin para kausapin ako.
"Noong bata ako sanay ako sa mga ganitong takbuhan, kaya i'm sure mananalo ang grupo natin" saad nito
"Sounds good. Ako kasi hindi ako sanay sa mga ganitong activity kaya hindi ko alam kung magiging maayos ang takbo ko"
Humarap naman siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
I REPEAT
HINAWAKAN NIYA BALIKAT KOOOOOO
"I'm sure na kaya mo iyan, isipin mo na lang na hinahabol ka ng aso para maunahan natin ang ibang grupo sa pagtakbo" biro nito
Humudyat na rin ang professor namin para simulan ang activity for today. Tatakbuhin namin itong buong field at sa dulo kung sino ang grupong makakuha ng flag, ay siyang may 50 points.
Tatakbo para sa 50 points na grades.
"Tayo na" aya ni Coen
"Oh- sige"
Habang naglalakad siya papalayo sa akin ay nararamdaman ko nanaman ang heartbeat ng puso ko. Nakakaloka, sinong hindi maloloka rito?? Ayokong mag assume sa mga ginagawa niya at ayokong mag-isip ng kakaiba pero dahil sa pinapakita niya?
HAAAYYYY EWAAAAAAAN!
[ Dewey Santos POV ]
Lunch break na at nag desisyon kaming kumain sa labas ng school. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ay kasama pa rin namin si Coen hanggang ngayon.
Nakakapanibago lang dahil sa amin siya sumabay para mag lunch at hindi sa mga kaibigan niya. Habang hindi pa bumabalik si Coen sa table namin ay pinag uusapan na siya nina Bentlee at Sheryl.
"Hoy, anong meron kay Coen? Napapansin kong kanina pa siya sumasama sa atin. May nangyari ba sa inyo kagabi??" saad ni Bentlee
"Huh? Anong sinasabi mo? W-wala namang kakaibang nangyari sa amin"
"Sure ka diyan? Kasi more on ngayon siya sa atin sumasabay at hindi sa iba nating classmate. Iniisip ko lang kung anong dahilan"
"Baka naman, nag iba na siya ng set of friends or gusto niya lang talaga makisabay sa atin na kumain ngayon" saad ko
"Sabagay, pero wala talagang nangyari sa inyo ha? Kasi kayo lang dalawa iyong magkasama kagabi, syempre nagkwentuhan kayo kahit sa simple na bagay lang. Baka may words of promises na kayo ha!" panunukso nito kay Sheryl
Naging iba naman ang reaksyon ni Sheryl at nagsimulang mainis ito kay Bentlee.
"Wala nga! Wala nga talagang naganap. Sinamahan niya lang ako hanggat dumating iyong sundo ko" paglilinaw ni Bentlee
*Sips tea*
Hindi ako naniniwala, i'm sure at feeling ko meron talaga silang napag-usapan.
Dumating na rin si Coen sa table namin dala dala ang mga inorder naming pagkain.
"Kain na" aya nito
Nagsimula na kaming kumain at sa kalagitnaan ay napunta nanaman ang usapan about kina Sheryl at Coen.
"Coen, inuunahan na kita, matagal na kaming magkaibigan ni Sheryl at kabisado na namin ang isa't-isa kung nagsisinungaling ba kami o hindi. Iisa narin ang utak naming dalawa kaya kung may gusto ka sa kaniya dadaan ka muna sa akin. Sabihin mo na hanggat maaga pa, para masabi na rin ni Sheryl na gust-"
Napahinto namang magsalita si Bentlee dahil biglang sumigaw si Sheryl.
"BENTLEE MAY BUGS SA PAGKAIN MO!!" sigaw ni Sheryl
"WAAAAAAAHH!! SAAN??! SAAN??!!"
Dahil sa katabi ko si Bentlee ay tinignan ko agad ang pagkain niya kung may bugs ba, pero wala naman.
"Wala naman akong nakikitang bugs sa pagkain mo, malinis naman ah" saad ko
"Ah~ w-wala ba?? Kala ko kasi meron, may nakita kasi ako, hehe sorry" saad ni Sheryl
Nakita ko naman na sumisenyas senyas si Sheryl kay Bentlee at sinisipa ng bahagya ang paa nito.
"Ano nga ulit iyong sinabi mo?" saad ni Coen
"Huh? Ah~ ang sabi ko, kung may gusto ka talaga kay Sheryl, I mean... ayokong nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko kaya kung may lalaki man ang magtangkang gawin iyon, malilintikan talaga siya sa akin ng sobra. Kaya binabalaan na kita simula pa lang" saad ni Bentlee
Napangiti naman si Coen sa sinabi ni Bentlee.
"Sorry kung nabigla kayo about sa akin. Simula kanina, sa inyo na ako na sumasama, sorry kung hindi kayo naging komportable. Gusto ko pa kasing maging close kayo after ng gala natin kagabi, lalong lalo na si Sheryl. Mag kaibigan na rin kami since highschool pero hindi ko siya gaanung nakakausap that time, kaya napaisip ako na this time gagawin ko na iyon" sagot nito
Naaamoy ko namang sincere siya sa mga sinasabi niya kaya sumingit na rin ako.
"Kita ko naman na sincere ka sa sinasabi mo, kaya welcome ka na sa amin ngayon" saad ko
"Salamat Dewey" sagot niya
"Okay narin sa akin, walang problema" saad naman ni Bentlee
Naging maganda ang mood naming apat at hindi na kami bumalik sa topic about doon. Pagkatapos naming kumain sa labas ay bumalik na kami ng school para magpatuloy sa pagre-review.
[ Third Person POV ]
BLACKBIRD MODELLING AGENCY
Bakas sa kaniyang mukha ang determinadong magawa ng mahusay at perfect na pagrampa bilang isang model upang may kompanya nang pumili sa kaniya bilang isang endorser nito.
Sa bawat pagsasanay niya sa pagrampa ay kasabay din nito ang pagtagaktak ng kaniyang pawis mula mukha hanggang sa leeg nito. Dahil sa pagod ay huminto muna siya saglit para uminom ng tubig, sa dami ng kaniyang nainom at kasabay pa ang panginginig ng kamay, natatapon na ito mula sa kaniyang damit dahilan para mabasa ito.
"Shit! You're so careless Shaina"
Umupo muna ito sa sahig na bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang kakayahan bilang isang modelo. Habang hawak hawak ang cellphone nito ay hindi maiwasang mainggit siya sa iba dahil halos lahat ay may mga kompanya na at mataas pa ang nakukuha nilang scores.
Ranking
12th place, Shaina Kim, 886 points, no endorser
"Anong gagawin ko... kapag hindi ko pa nagawang makapasok sa alinmang kompanya ngayon, siguradong matatanggal na ako" saad nito
Dahil sa sobrang stress na nararamdaman ay napasandal na lang ito sa pader.
"Damn it!" bulong nito sa kaniyang sarili
Pumasok naman ang dalawa niyang kasamang nag mo-model sa studio kung saan siya mismo nagsasanay mag-isa. Kabaligtaran ng kung anong nararamdaman niya ngayon, sobrang saya naman ng dalawang babae habang nag-uusap. Naisipan niyang pumunta muna sa cr para magpalit ng damit.
"Oh Shaina! tapos ka na mag practice?"
"Oo, magpa practice ba kayo dito? Pauwi naman na ako, magpapalit lang ako ng damit sa cr" saad nito sabay lumabas papuntang cr
Pagkatapos niyang magbihis ay bumalik siya ulit sa studio para kunin ang mga naiwan niyang gamit. Papasok na siya ng studio ng may kung anong mga chismis siyang naririnig about sa kaniya.
"Look, talagang umaasa pa siya na may kompanyang kukuha sa kagaya niya. Sa totoo lang hindi siya bagay na maging model. Ang plastic niyang tao, pinapakita niya na nahihirapan siya para makuha ang intensyon ng lahat"
"Bakit hindi na lang siya mag quit? look.. siya lang ay may pinaka mababang scores sa ating lahat, at hanggang ngayon hindi pa siya nakukuha bilang isang endorser"
"Kung ako sa kaniya mag quit na siya hanggat maaga pa, wag nya ng hintayin na siya ang unang ma eliminate sa ating lahat"
"Ang lakas ng loob nyang sayangin ang oras niya para magpractice pa, eh hindi naman pang runway model ang pagrampa niya, para lang siyang naglalakad sa hallway sa school. I'm sure na ganito rin ang review ng ibang kompanyang inaplayan niya"
Sabay namang tumawa ang dalawang babae na nasa loob habang pinag-uusapan siya. Hindi maitago sa mukha niya ang inis at lungkot at tila naiiyak pa ito. Kahit na nanghihina na ang loob niya ay naglakas pa rin siyang pumasok sa loob ng studio para kunin ang mga gamit niya.
Pagpasok niya ay nagbago ang ihip ng hangin at tila nagsitahimik ang dalawa at nagsimulang mag practice sa pagrampa. Dumire-diretso lang ito ng lakad at hindi pinapansin ang dalawa. Inayos niya na rin ang mga gamit habang busy ang dalawa niyang kasama sa pag p-practice.
"Ah~ Shaina, nakita mo na ba iyong ranking natin sa board?" saad ng isang babaeng mahaba ang buhok
"Bakit? May problema ba?" sagot nito habang nag-aayos pa rin ng gamit niya
"Ah, nag-aalala lang kami sa iyo, okay ka lang ba?"
Napahinto ito sa ginagawa niya at nagsimulang magpinting ang dalawang tenga nito dahil sa narinig. Nilakasan niya na lamang ang loob niya na kausapin sila na walang bahid ng pag-aalala.
"Bakit? Wala naman akong nakikitang masama about doon, meron pa namang ilang araw para makabawi ako. Unti pa lang naman iyong pinag aplayan kong kompanya. Maybe bukas may kukuha na sa akin" saad nito
"Oh~ looking forward kami para sa iyo" saad ng dalawa niyang kasama
"Salamat" saad nito while giving them a fake smile
Bago siya umalis sa mismong studio ay humarap muna siya sa dalawang model na kasama niya sa studio na may lakas ng loob at walang bahid ng pagkalungkot.
"Salamat pala sa concern niyo, na appreciate ko. Magpractice din kayong mabuti para makapasok kayo sa mismong world fashion week. Syanga din pala, hindi ako plastic na tao, pinapakita ko lang iyong totoo kong ugali sa iba, depende na lang kung hindi maganda ang trato nila sa akin. Mauuna na ako, goodluck sa inyo" saad nito
Lumabas na ito mula sa studio na dala ang lakas ng loob at pag-asa para sa gusto niyang maging, at sa gusto niyang makamit bilang isang sikat na modelo.
[ Sheryl Cho POV ]
Uwian na at nasa labas na kami ng gate para hintayin ang sundo ko, as usual Coen are still on my side parin.
"Mauuna na kami ni Dewey, Coen ikaw na bahala kay Sheryl ah, my both eyes are watching from you 24/7, tandaan mo iyan. Sige na, mag-iingat kayo" saad ni Bentlee
"Uhmm, kayo din" sagot ko
Umalis na sina Dewey at Coen at kami na lang dalawa ang natitira dito sa labas ng school. Medyo malamig narin ang hangin kaya nalalamigan na ako. Napansin ito ni Coen kaya tinanggal niya ang jacket niya at ipinatong sa akin.
"Malamig na baka sipunin ka, isuot mo muna ito" saad niya
"Ah~ salamat, ibabalik ko na lang sa iyo ito mamaya kapag nandito na sundo ko"
"Kahit bukas mo na ibalik, sanay naman na ang katawan ko sa ganitong lamig" sagot niya
Speechless nanaman ako. Bigla ring tumahimik ang paligid na bumabalot sa amin. Naalala ko ulit iyong sagot na hinihintay na marinig ni Coen galing sa akin. Siguro ito na ang oras para sagutin ang tanong niya.
"Remember mo pa ba iyong permission na hinihingi mo sa akin kagabi?"
"Uhm... Bakit? Sasagutin mo na ba?"
"Ah~ kasi- aaminin ko hindi ako medyo naging komportable sa iyo ngayon, but i'm sure mas magiging best way ito para maging mas close pa tayo sa isa't-isa at mag grow pa iyong friendship natin"
"So... oo ba ang sagot mo?" saad nito
Inhale... Exhale...
Nilakasan ko na ang loob ko ng todo todo para sabihin ng diretso ang sagot ko sa kaniya.
"Oo, I will give you that permission... to stay by my side. And that is my answer"
Then I gave him a genuine smile. This is the first time na makita kong ngumiti siya sa akin ng ganito. Gusto ko rin makita ang sarili ko kung paano ako ngumiti sa kaniya.
I think it is the start of making a long friendship with him and hopefully mas higit pa ang mangyari between us.