[ Dewey Santos POV ]
The day of the Midterm Exam.
Natapos ang 1 linggo na puno ng saya at naging preparation namin for the midterm exam. Kaniya-kaniyang aral, pero minsan nag gu-group study kaming apat. Hindi ako selfish kung anong merong talino ako at kung ano ang nalalaman ko, binabahagi ko iyon sa kanila at itinuturo.
Madalas nag kakaroon kami ng group sharing sa kung anong mga natutunan namin sa mga lessons. Ngayon dumating na ang araw para harapin ang nakakatakot at nakaka kabang pangyayari sa buhay ng isang estudyante, midterm exam is real.
Dumating na ang examination day at ramdam namin ang tension sa bawat test paper na sinasagutan namin, pero dahil nag-aral kaming mabuti nitong mga araw, may tiwala ako bawat sa aming apat na makakapasa kami sa exam.
Naglalakad na kami ngayong apat sa hallway dahil tapos na ang midterm namin sa lahat ng subjects. Maaga ang uwian kaya may oras na ako para matulungan si mama sa food business namin.
"Haaayyy~ sa wakas, tapos narin ang midterm natin, makakapagpahinga na tayo this week" saad ni Bentlee
"Kumusta naman habang nag ta-take ng exam? Okay lang ba?" tanong ko sa lahat
"Uhmm, okay naman. Natandaan ko pa iyong mga na review natin, salamat sa pangunguna mo sa amin" saad ni Coen
"Oh, bakit ang lungkot ng mukha mo?" tanong ni Bentlee kay Sheryl
Kanina ko pa rin napapansin si Sheryl na hindi maganda ang mood niya today. Halata sa mukha niya na nag-aalala siguro siya sa magiging result ng exam namin ngayon.
"Ah~ hindi ko kasi alam kung makakapasa ako sa midterm natin ngayon. Hindi naman sa walang pumapasok sa utak ko kapag nagre-review tayo, kinakabahan lang ako kanina kaya siguro nag ooverthink lang ako sa magiging resulta ng exam" saad ni Sheryl
"Sa tingin ko lahat naman tayo makakapasa ngayon sa midterm at confidence ako na hindi sayang lahat ng mga na review natin for the exam" saad ko
"Huwag ka munang mag-isip ng negative results sa midterm natin. Basta ang mahalaga naka survive tayong lahat ngayon" saad ni Coen
"Hoy Sheryl, makinig ka sa sinasabi nila, sure din ako na makakapasa tayong lahat saka midterm pa lang naman, wala pang finals. Alam mo mag karaoke na lang tayo ngayon para mawala na iyang stress mo kakaisip. Ano? Game ba kayo?" aya ni Bentlee
"Ah, sorry pero hindi ako makakasama sa inyo ngayon, may pupuntahan pa kasi ako" saad ni Coen
"Oh- sayang naman, pero okay lang. Kaming tatlo na lang ang mag kakaraoke" saad ni Bentlee
"Ah.. about dyan, hindi rin ako makakasama ngayon. Tutulungan ko pa kasi si mama sa food business namin para mag deliver ng mga order. Pass muna ako, sorry ah" sagot ko
"Okay lang Dewey, no need to sorry. Kami na lang ni Bentlee total namiss narin namin na magkasamang dalawa"
"Paano, mauuna na ako sa inyo, magkita na lang tayo bukas" paalam ni Coen at sabay umalis
"Mauuna narin ako, mag enjoy lang kayo sa pupuntahan niyo, at Sheryl, wag ka ng mag overthink sa kung anong makukuha mong scores dahil naniniwala akong makakapasa tayong lahat" saad ko
"Okay na ako, naging magaan na ang pakiramdam ko, salamat" saad nito
Binigyan ko sila ng matamis na ngiti bago ako umuwi. Pagdating ko sa bahay ay abala si mama habang hawak hawak ang telepono at kinakausap ang mga umoorder sa amin. Sa kabilang dako naman ay kasama niya si tito, kapatid ni mama na nagluluto naman sa kusina.
Agad ko namang tinanggal ang bag ko at inilapag sa upuan at lumapit kay mama para tulungan siya sa paglalagay ng mga orders sa lalagyanan nito.
"Mama, ako na po diyan" saad ko habang tinutulungan si mama sa mga order na idedeliver niya sana
"Ako na dito, magbihis kana sa kwarto mo at kumain ka muna"
"Kumain na po ako kaya ako na po ang magdedeliver nito. Umupo na lang po kayo dito at magpahinga, ibigay niyo na po sa akin ang trabaho niyo ngayon" saad ko
Lumabas naman si Uncle sa kusina dala dala ang mga bagong lutong manok na idedeliver sa mga customer.
"Kanina ko pa sinasabihan ang mama mo na ako na ang magdedeliver, pero tignan mo hindi siya nakikinig" saad ni uncle
"Mama, ipaubaya niyo na po sa amin ni uncle ang pagde-deliver nito sa mga customer natin, delikado po sa katulad niyo kung kayo pa po ang magd-drive, right uncle?"
"Sinasabi nyo bang hindi ko na kayang mag drive sa ganito kong edad? Malakas pa ako at kaya ko pang tumakbo ng napakalayo. Ilang years rin akong nag aral mag drive ng motor kaya, kayang kaya ko pa ito hanggang ngayon"
"Ate, iba na ang panahon sa atin ngayon, hindi kana dalaga, tumatanda na tayo at silang mga millenial na ang kumikilos para sa atin. Hayaan mo ng magtrabaho si Dewey para sa inyo, matalino ang anak niyo at alam nating hindi niya napapabayaan ang pag-aaral niya" saad ni Uncle
Habang nag-uusap sina mama at uncle ay kinuha ko na ang lahat ng order na naka ready para maideliver na ito sa mga customer, sabay inihagis naman sa akin ni Uncle ang susi ng motor na gagamitin ko.
"Nandun na iyong helmet, bumalik ka agad dito dahil may mga order pa" saad nito
"Opo, Mama aalis na po ako"
"Oh, Mag-iingat ka!"
"Opo!"
Lumabas na ako ng bahay at inilagay na ang mga order sa lagayan na nasa likod ng motor, electric motor naman ito kaya kayang kong i-drive. Sumakay na ako at isinuot ang helmet para sa proteksyon. Huminto ako sa may 7/11 dahil dito ang unang customer na pagdedeliveran ko.
"Dwys Chicken Delivery!" saad ko habang nasa labas ng 7/11
Agad namang lumabas ang isang employee sabay inabot ko na sa kaniya ang order nila at agad naman itong nagbayad.
"Thank you po" sagot ko
Sumakay na ako agad sa motor para maideliver ko na ang iba pang mga nandito. Ang sarap sa feeling na nakakatulong ka sa mga magulang mo, ramdam ko rin kung gaano kahirap magkapera para lang may magamit kami sa mga pang araw-araw naming gastusin sa bahay. Sa kabila ng lahat hindi parin mawawala sa goal ko na bigyan sila ng magandang buhay.
[ Junseo Cho POV ]
"Goodmorning po" bati ng ilang mga model na nakasalubong ko
"Goodmorning din" sagot
Bago ako pumunta sa office ni Hyol ay tinignan ko muna ang recent scoring sa board nila at napansin ko ang nakakapanibagong achievement na nakuha ng isa sa kanila.
Rank 8, Shaina Kim, 2083 points, advertiser > MMS company
Bahagya akong napangiti dahil sa rank at score na nakuha niya ngayon, may company naring kumuha sa kaniya para gawin siyang advertisement model.
Aaminin ko na may ginawa akong part para dito pero alam kong hindi biased ang ginawa ko. Wala akong nilapag na money or contract between us, kinausap ko lang ang CEO ng company na ito dahil isa sa mga shareholder namin ang MMS.
Willing silang tulungan at bigyan ng chance si Shaina na makapasok sa company nila, kaya nasa kamay na ni Shaina sa kung anong desisyon ang maibibigay sa kaniya ng company. Kailangan niyang galingan dahil para sa career niya ito.
After kong tignan ang recent scoring board nila ay pumasok na ako sa elevator para pumunta sa office sa Hyol.
"Kanina pa kita tinatawagan, bakit hindi ka sumasagot?" saad niya
"Naka silent cellphone ko, ayoko kasing may tumatawag kapag nag ddrive ako. Binilhan pala kita ng Mango shake"
"Pampa lubag loob ba ito dahil late ka?"
"Binili ko iyan para sa iyo, pero kung ayaw mo ibibigay ko na lang sa iba, madali lang naman ako kausap"
Agad naman niyang inagaw ang dala ko para sa kaniya, pagkatapos ay inilagay sa table niya.
"By the way may schedule tayo ngayon baka makalimutan mo, magsasagawa ang MMS company ng advertising shoot para sa bagong brand ng cellphone na ilalabas nila. Na send ko naman na sa iyo iyong location kung saan nila gagawin iyong shooting diba? Pagkatapos ko dito didiretso na tayo doon, kaya ihanda mo na mga gamit mo" saad niya
"Bakit hindi mo na lang tapusin agad iyan?"
"Hindi ko pwedeng madaliin ito, bilang isang CEO madami ka talagang trabahong dapat gawin, mararanasan mo ito kung tinanggap mo sana iyong offer sa iyo ng grandma mo"
Isa ring dahilan kung bakit ayaw kong tanggapin ang trabahong binibigay sa akin ni grandma, ay ayokong maging busy sa lahat ng oras na parang nawawalan kana ng time para sa sarili mo dahil dapat mong unahin ang kapakanan ng company na pinangungunahan mo.
Hindi naman sa gusto kong maging chill sa buhay, hindi ko lang nakikita ang happiness doon sa pwestong iyon sa kung anong nakikita ko sa passion na ginagawa ko ngayon.
"Sige na hindi na kita iistorbohin, pupunta na ako sa kotse, text mo na lang ako kapag paalis na" saad ko pagkatapos ay lumabas na sa office niya
Pumunta muna ako sa mini office ko para kunin ang mga gamit for the pictorial later, after that ay dumiretso na ako sa kotse para hintayin ang text ni Hyol kung aalis na.
Napatawag naman sa akin si grandma while waiting Hyol's message.
"Yes grandma, napatawag po kayo?"
"Nasaan ka? Busy ka ba ngayon?"
"Ah, nasa work na po ako, bakit po?"
"Gusto ko sanang pumunta ka muna dito sa office ng papa mo dahil may importante akong sasabihin sa iyo"
"Ah, pasensya na po pero hindi po ako makakapunta ngayon. Kung okay lang po sa inyo, after na lang po ng work ko saka po ako pupunta dyan. Okay lang po ba?"
"Oh, okay naman basta sabihan mo lang ako kung hindi ka na busy. Kumain ka na ba?"
"Kumain naman po ako bago umalis ng bahay, kayo po? Kumain na po kayo?"
"Don't worry me apo, hindi naman ako pinapabayaan ng mama at papa mo dito. Sige na, mag trabaho kana, mag-iingat ka"
"Opo, kayo rin po. Tawagan ko na lang po kayo mamaya"
*Call Ended*
Pagkatapos kong kausapin si grandma sa phone ay naka received na ako ng text galing kay Hyol.
"Mauna ka nang pumunta doon, kailangan kana nila. Nandoon naman na si Director Lee, susunod na lang ako"
As he texted me, agad naman na akong umalis para pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang shooting. Sa isang malawak na park na maraming mga flowers sa paligid nito ang settings ng shooting today. Pagdating ko ay hindi pa naman sila nagsisimula at nag-aayos pa lang sila ng mga gagamitin namin ngayon.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Shaina na inaayusan para sa shooting niya mamaya, sa right side naman niya ay katabi nito si Director Lee na tumutulong din sa pag-aayos sa kaniya. Masaya ako para sa na achieve niya ngayon.
Lumapit naman sa akin ang isang staff ng company ng MMS at ginuide na ako sa kung anong gagawin ngayon. Pagkatapos kong i set-up ang gamit ko ay pumwesto narin ako at ang dalawang photographer na kasama ko, humudyat narin ang head director na kasama namin para masimulan na ang shooting.
"Okay, handa na ba siya?"
"Opo Direk"
"Sige, papuntahin na siya sa pwesto niya"
Pansin kong kinakabahan siya ng slight pero alam kong kaya niyang gawin ang bagay na ito. Nagsimula na ang shooting at kasama niya ang isang lalaking modelo na galing sa ibang company.
Ang flow ng advertisement video nila ay nasa isang picnic date while taking some selfie of them. Ipinapakita or minomodel ni Shaina sa harap ng camera ang good quality ng camera ng cellphone, ang mga new features at mga new upgraded na apps.
Mga 30 minutes din ang inilaan namin dito sa advertising shoot. Naging maganda naman ang kinalabasan ng shooting niya at nakita ko namang nagandahan at na satisfied sa kaniya ang Director ng company.
"Okay! Good work sa lahat" saad nito
"Thank you po" response namin
Nagpasalamat din sa amin ang mga staff at lalo na ang director ng MMS dahil kung wala kami hindi naman mabubuo ang ganitong shooting.
After this ay i-eedit na namin ang whole video ng advertisement para mailabas na sa publiko. Lumapit naman si Hyol sa mga staff ng MMS para bigyan sila ng food and drinks.
"Kararating mo lang??" saad ko
"Kanina pa ako dumating, busy ka lang kaya hindi mo ako nakita. Oh heto, binilhan ko rin kayo, good job for today"
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Hyol ay umalis muna siya para kausapin ang Director ng MMS. Inaayos ko parin ang mga gamit ko nang may lumapit sa aking babae sabay tinawag ang pangalan ko.
"Mr... Junseo Cho?"
Lumingon ako agad sa kaniya at nakita kong si Shaina ang babaeng iyon.
"Yes? May kailangan ka ba?"
"Wala naman po, gusto ko lang pong magpasalamat sa ginawa niyo para sa akin"
"Pasalamat? Para saan naman?"
"Alam ko pong kayo ang dahilan kung bakit ako naging advertisement model sa company na ito, binanggit po sa akin ng isa sa mga staff dito. Nahihiya po ako sa totoo lang, dapat hindi niyo na po ginawa ang bagay na iyon"
"Sa totoo lang din, hindi naman ako ang tumulong sa iyo kung hindi ang sarili mo. Hindi karin matatanggap kung hindi mo rin ginawa ang best mo"
"Hindi ko alam kung paano ko po kayo babayaran, sabihin niyo lang po kung ano ang dapat kong gawin"
Natawa ako ng bahagya dahil sa sinabi niya.
"Iniisip mo ba na binayaran ko sila para kuhanin ka? Hindi sa lahat ng bagay sa pera idinadaan, foul na kapag ganun. Don't worry, ibigay mo na lang ang best mo at ipakita sa kanila na hindi sila nagkamali na kunin ka bilang advertisement model ng company nila. Iyan lang ang dapat mong gawin"
Nakita ko ang liwanag ng mga ngiti niya after kong sabihin ang mga salitang iyon.
"Thank you po ng marami Mr. Junseo Cho! Susundin ko po ang mga sinabi niyo sa akin. Gagawin ko po ang best ko. Mauuna na po ako, mag-iingat po kayo lagi"
Binigyan ko rin siya ng isang ngiti bago siya umalis. Ibinalik ko narin kalaunan ang sarili ko sa pag-aayos ng aking mga gamit dahil may next na work pa akong gagawin.
[ Dewey Santos POV ]
2 orders na lang ang natitira na idedeliver ko ngayon para makabalik na ulit ako sa bahay. For the 2nd to the last na order ay galing sa isang sikat na modeling company, ang BLACKBIRD MODELING AGENCY. Familiar sa akin ang pangalan dahil once na itong na kwento sa akin ni Mina.
Dream niya kasing maging model dito sa company na ito, how I wish na someday matupad ang pangarap niya. Pagkadating ko agad sa mismong company ay agad na akong bumaba sa motor para ihatid ang order sa loob ng building.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang malaking poster na nandoon lahat ang mukha ng mga model. Ang gaganda nila, totoo ngang mga pang world class ang beauty ng mga modelo dito.
Minsan ko narin kasi itong nabasa sa isang magazine at newspaper, sikat din ang company na ito sa social media kaya nakaka fluttered na nadiscover nila ang chicken food business namin na hindi ka famous katulad ng ibang mga food restaurant.
Lumapit naman sa akin agad ang isang babae para kunin ang order nila at agad naman itong nagbayad.
"Thank you po" saad ko
Bago ako lumabas ng building ay nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid nito. Napaisip akong picturan ang loob ng building at i send kay Mina ang picture.
Siguradong matutuwa siya kapag nakita niya ito at sana magkaroon siya ng chance soon na maging model sa ganitong napakagandang modeling agency.
Lumabas na ako ng building at pasakay na sa electric motor para ideliver ang last na order nang mapansin ko si Coen na nakatayo sa may gilid ng building.
"Coen? Anong ginagawa mo diyan?" pagtataka ko
Nakatayo lang kasi siya sa may gilid ng building at tila may hinihintay.
"De-dewey? Ikaw? A-anong ginagawa mo dito?"
"Ah, nag deliver lang ako ng order dito, iyong sa chicken business namin"
"Ah~ I see"
"Bakit ka nagtatago diyan? May hinihintay ka ba? Model din ba iyong kapatid mo dito??"
"Ka-kapatid? Ah~ o-oo, model nga siya dito, hinihintay ko lang siyang lumabas"
"Wow, hindi ko alam na may kapatid kang model na sikat, hindi narin nakapagtataka dahil may hitsura ka"
"Ah~ ganun ba..."
"Oh sige, alis na ako may idedeliver pa kasi ako"
"Oh, ingat na lang sa daan" saad nito
Tuluyan ko na ngang iniwan si Coen sa kinaroroonan niya at umalis na papunta sa last customer para mag deliver. May kapatid palang sikat na model si Coen, hindi na nga rin nakapagtataka, siguro ate nya iyong nasa center sa may poster kanina sa loob ng building, medyo hawig din kasi sila.
Anyway, nasa last order na ako at hindi ako familiar sa address na nakalagay dito kaya nagtanong tanong pa ako kung saan banda ang lugar na ito.Huminto ako sa isang open area na lumang building dahil ito ang itinuro sa akin ng mga taong napagtanungan ko at ganun din ang sabi ng waze.
Hindi ko alam kung tama ang direksyon dahil parang wala namang tao na nandito. Bumaba na ako sa motor sabay tanggal ng helmet ko at pumasok na sa loob ng building bitbit ang order nila.
"Dwys Chicken Delivery...?" saad ko nang makapasok na ako sa loob
Walang sumasagot ni isa kaya nag-aalangan akong magpatuloy at parang gusto ko nang umalis sa lugar na ito dahil parang mali naman ang tinuro nila sa akin. Lumakad ulit ako ng bahagya at sa paghahanap ko ay may nakita akong apat na lalaki na nakaupo at nag ku-kwentuhan at tila may hinihintay.
Sila na siguro iyong nag order nito. Pinahirapan pa akong hanapin sila, lumapit na ako sa kinaroroonan nila para maibigay na ang order nila
"Dwys Chicken Delivery~" saad ko
Nagulat ako nang humarap ang isa sa kanila at bigla na lang namanhid ang buo kong katawan. Nakaramdam din ako ng takot at kaba pero hindi ko ito pinansin at nagkunwari nalang ako na hindi ko sila kilala.
"Oh, Dewey? Woah~ long time no see" saad niya
Napalunok na lang ako sa takot dahil nakita ko ulit sila. Oo, si Jinho at ang dalawa kong classmate since elementary to highschool na nagpahirap sa buhay ko. Sobra rin akong nakaramdam ng kaba nang lumapit ito sa akin.
"Right timing nga naman ang pagkikita nating apat, huh akalain mo napaaga ata ang reunion natin"
Hindi ko alam kung bakit bumalik ulit ang mahinang ako, hindi ko parin pala kaya kapag nakakaharap ko sila. Nilakasan ko na lang ang loob ko at inisip na parang walang nangyari between sa amin.
"Ito na po ang order ninyo, 399 po lahat" saad ko habang sinusulat sa resibo nila
"Kayo pala ang may-ari nito, what a nice name" saad ng isa kong dating classmate
Tumawa naman silang tatlo habang iniinsulto ang pangalan ng chicken business namin. Ibinigay ko na ang order sa kanila at iniabot narin ang resibo nito. Gusto ko nang bumilis ang oras para makaalis na ako sa harapan nila, hindi narin kasi ako komportable.
"Magkano? 399 lahat?"
"Opo"
"Ah~ okay"
Kumuha na ito ng pera sa wallet niya at iaabot na sa akin. Kukunin ko na dapat ito pero hindi niya ibinigay, bagkus ay inihagis niya ang ito sa harapan ko.
"Aw, pasmado ata kamay ko, pulutin mo na lang" saad niya
Tumawa ulit ang mga kasama niya at nagsimula na silang kumain sa harapan ko. Umaapoy na ako sa galit dahil sa ginawa niyang pambabastos sa akin pero dahil sanay naman na ako at hindi ko naman totally kaya na labanan siya, ginawa ko na lang ang sinabi niya.
Pinulot ko sa sahig ang perang ibinato niya sa akin habang masaya nilang kinakain ang inorder nila. Bago ako umalis ay tumingin muna ako ng masama sa kanila.
"Sana mabulunan kayo" bulong ko
Paalis na sana ako nang bigla ulit magsalita si Jinho.
"Ano?? Anong sabi mo?" saad niya
Tumayo ito at lumapit ng bahagya sa akin.
"Hoy, vending machine kinakausap kita, anong sabi mo? Akala mo ba hindi ko narinig iyon?"
"Kung mag-oorder pa kayo ulit, tumawag lang kayo sa amin. Have a nice day" saad ko
Patalikod na ako sa kaniya nang bigla niya akong hilahin at sabay sinuntok ng malakas na naging dahilan para bumagsak ako sa lupa.
"Woah, nakakamiss pala na suntukin ka ng ganito kalakas? Siguro naman natandaan mo pa iyong huling sinabi ko sa iyo, na kayang kaya kitang patayin kapag nakita kita ulit" saad nito
Sinipa sipa niya rin niya ako ng limang beses habang nakahigang patagilid sa lupa. Nakatakip naman ang dalawa kong kamay sa mukha ko para hindi ito ang mapuruhan, kaya sa babang part ng katawan ko ang nasisipa niya.
Nakisipa rin ang dalawa kong mga kaklase kaya doble sakit na ang natatamo ko ngayon. Pati likod ko sinisipa rin nila. Kalaunan naman ay tumigil narin sila sa pananakit sa akin dahil siguro masaya na sila sa ginawa nila sa akin.
"What a bullshit. Tara na, baka matuluyan pa natin ito" saad nito
Bago din sila tuluyang umalis ay itinapon rin nila sa akin ang mga natirang chicken na inorder nila. Pinipilit kong tumayo kahit na sobrang sakit ng mga natamo kong sipa, paika-ika din ang lakad ko habang iniinda ang sakit ng mga natamo kong sipa galing sa kanila. Pinipilit ko ring wag na lang ito pansinin dahil baka mapansin nila sa bahay na may masakit sa akin.
Bigla namang kumi-limlilm at unti-unting bumuhos ang ulan.
"Shit" bulong ko
Wala pa naman akong dalang kapote so for sure mababasa ako nito ng bongga, para hindi na mangyari iyon ay agad narin akong sumakay sa motor para makauwi na. Pagka-uwi ko ay tumakbo na ako papasok ng bahay.
"Oh Dewey? Naabutan ka ba ng ulan?"
"Ah opo, pero hindi naman po ako gaanong nabasa"
"Magpalit kana muna ng damit mo at mag shower, mahirap na ang magkasakit" saad ni mama
"Teka, ano ito? Bakit may sugat ka? Anong nangyari diyan? Nakipag away ka ba??"
"Su-sugat? Ah~ a-ano kasi uncle, kanina kasi habang nag dedeliver ako tumama lang ito sa poste, hindi ko kasi nakita iyong poste habang naglalakad ako kaya ayun"
"Tumama sa poste? Paano tumama iyang labi mo sa poste?"
"Uncle, wag niyo ng pansinin ito hindi naman po masakit, at lalong hindi rin po ako nakipag away" paliwanag ko
"Oh siya, sundin mo muna ang mama mo at ako na ang magdedeliver ng mga order na nandito. Sige na magpahinga ka na"
"Opo"
Dumiretso muna ako ng cr para makapag shower. Tinignan ko rin ang sarili ko sa salamin at may sugat nga ang gilid ng labi ko. Iniinda ko parin sakit ng katawan ko pero kailangan kong maging okay dito sa bahay para hindi sila makahalata. Pagkatapos kong mag shower ay kumain na ako then ginawa ko na ang mga assignments ko.
Sumapit na ang gabi at umuwi na si uncle sa bahay nila, pero bago iyon ay dito muna kumain si uncle. Maaga kong pinatulog si mama dahil alam kong pagod siya sa araw na ito. Hindi naman uuwi si papa ngayong gabi dahil busy sila sa farm kung saan siya nagta-trabaho.
Bago ako matulog ay pumunta muna ako sa kwarto ni mama, mahimbing na ang tulog niya kaya bumalik na ako sa kwarto at natulog narin ako.
The next day, maaga akong umalis ng bahay dahil maaga rin ang klase namin.
"Dewey!" sigaw nila Sheryl at Bentlee habang papasok ng gate ng school
Agad naman akong lumingon sa kanila at sumabay narin papasok ng school. Lumabas narin ang result ng midterm exam at dahil nga sa fighting spirit ko at tiwala sa kakayahan namin, lahat kami ay nakapasa. Mas natuwa si Sheryl sa aming apat dahil akala niya hindi siya makakapasa sa exam.
[ Sheryl Cho POV ]
May ipinapagawa ang prof namin sa subject namin ngayon na isang group activity na pero dahil tapos na ang time ng klase, ay kami na ang tutuloy nito outside the school. Dahil kaming apat ang magka grupo, nag suggest naman si Bentlee na sa bahay ni kuya namin itutuloy ang activity na iyon.
Ano pa nga ba ang dahilan, kaya gusto niyang sa bahay ni kuya namin gawin ang activity na ito ay para makita niya si kuya. Kaunting background lang para sa kaniya, may gusto kasi si Bentlee kay kuya kahit na alam niyang hindi ito straight.
"Hmm so, mag suggest na kayo ng place kung saan natin gagawin ang activity na ito"
"May naisipi ako! what if... sa bahay na lang ng kuya mo?"
"Sa bahay ni kuya?? Huh, malabo iyang sinasabi mo. Magagalit sa akin ng bongga iyon kapag nagpapasok ako ng iba sa bahay niya"
"Bakit? Classmate mo naman kami ah? Saka kilala naman na ako ng kuya mo. Sige na~ sa bahay na lang tayo ng kuya mo" pagpipilit ni Bentlee
Bumulong rin ito sa akin para mapapayag akong sa bahay na lang ni kuya kami gumawa.
"Hindi ko na nakikita ang kuya mo, miss ko na siya. Pagbigyan mo na akong makasama siya ngayon araw, pleaaaaaseeee??"
"Oo na, sige na sa bahay na tayo ni kuya, tatawagan ko muna siya" saad nito
Tinawagan ko muna si kuya para ipaalam na susugurin namin ngayon ang bahay nito para doon gawin ang group activity namin, pero hindi siya sumasagot.
"Hindi siya sumasagot baka busy siya sa work niya"
"Mag-iwan ka na lang ng message sa kuya, mababasa rin niya iyan mamaya"
Talagang ayaw paawat oh.
"Okay na, tuloy na tayo sa bahay ni kuya mamaya" saad ko
"So? Kain muna tayo. Sinong nag c-crave sa mango shake ngayon?" aya naman ni Dewey
Nagtaas naman kaming tatalo ng kamay dahil nag c-crave rin ako sa shake ngayon. After naman naming mag lunch at mag mango shake ay bumalik na kami ulit sa klase namin.
Uwian na at nagtungo na nga kami sa bahay ni kuya para doon gawin ang group activity namin. Iniwan ko muna sila saglit sa sala para makapag palit muna ako ng damit.
Sa kabilang banda ay hindi ko rin maitago ang saya na nararamdaman ko ngayon dahil magkasama kami mismo ni Coen myloves sa iisang bahay, sa bahay pa ni kuya mismo kami magkasama.
AAARRGHHHHHHHHHH MY HANDSOME BROTHER! NANDITO NA ANG BROTHER-IN-LAW MO YIKES ><
Kinikilig ako at parang gustong sumabog ng heart ko. Sabihin ko na kaya kay kuya ang about sa lalaking gusto ko?? Sabihin ko na kaya na si Coen ang lalaking iyon?? Should I??
[ Dewey Santos POV ]
Napanganga ako sa ganda nang makapasok na kami sa bahay ng kuya niya, mamahalin ang mga furniture na nandito at pangmayaman talaga ang mga design, malawak at malaki rin ito.
"Mag-isa lang nakatira si kuya dito, kaya minsan dito ako umuuwi at natutulog" saad ni Sheryl
"Woah, ang laki ng bahay niya pero wala siyang kasama? Wala pa ba siyang asawa?"
"Asawa? Hindi niya kailangan iyon. Magbibihis muna ako, kung mag-i start na kayo okay lang" saad ni Sheryl
"Okay" response ko
Umupo na kaming tatlo sa sofa para ma i-discuss ko na kung paano namin gagawin ang activity na ito. Hindi naman siya mahirap kung lahat kami may gagawin or kikilos. Pansin ko naman na tahimik ngayon si Coen at parang hindi siya gaanong active, ewan ko kung ganito ba talaga ka cold ang personality niya or nahihiya lang sa ibang bahay.
Nagsimula narin kaming gumawa at sa kalagitnaan ng trabaho namin ay pansin kong need namin ng mapagkukuhanan pa ng energy kaya nag decide akong ipagluto sila today.
"Nagugutom na ba kayo? Ipagluluto ko muna kayo mukha kasing nawawalan na kayo ng energy"
"Perfect timing ka talaga palagi Dewey, may mga pagkain diyan sa kusina, iluto mo na lang kung anong gusto mong iluto, ako na bahalang magsabi kay kuya"
"Kami na muna bahala dito. Ipagluto mo muna kami ng masarap, Our Chef Dewey is on the go~" saad ni Bentlee
Tumungo na nga ako sa kusina para magluto ng makakain namin ngayon. Pagbukas ko ng ref ay bumungad sa akin ang napakaraming pagkain, mga juice, mga unting alak, mga prutas at kung ano pang pwedeng makain. Iba talaga ang laman ng ref ng mga mayayaman.
May nakita naman akong pasta sa may cabinet at naisipan kong ito na lang ang iluto ko, kumuha rin ako ng bacon sa ref para isahog dito. Nagprito rin ako ng itlog at nagluto ng kimichi rice para instant busog kami ngayon araw. Sana magustuhan nila ang niluto ko.
[ Junseo Cho POV ]
Pauwi na ako ng mabasa ko ang text ng kapatid ko, kanina pa pala din siya tumatawag.
"Kuya, dito muna kami sa bahay mo gagawa ng group activity namin, promise wala kaming ibang gagawin dito at hindi rin kami magkakalat"
*insert smile emoticon with puppy sticker*
Wala na akong magagawa kung hindi payagan siya, late ko rin naman nabasa iyong text niya kaya hindi ko narin siya napigilan. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko agad si Bentlee.
"H-hello po kuya" bati nito
"Hello din, nasaan si Sheryl?"
"Ah, nag cr lang po siya"
"Okay, ituloy niyo lang ang ginagawa niyo"
Nakita ko naman si Coen na nakaupo sa sofa habang may sinusulat. Aware ako na mag classmate sila ng kapatid ko at hindi naman ito akward sa akin. Wala rin namang kaso kung nandito ang ex ko sa bahay, wala rin naman akong pake sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin at nagulat ng makita ako. Iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kaniya at nagsimulang mabadtrip ang araw ko. Hindi ko siya binati or sabihin na nating parang hindi ko siya nakita at pumasok na agad sa kwarto ko.
Nakaramdam rin ako ng uhaw kaya pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng juice. Pagkasara ko ng ref ay nagulat ako nang may bumungad sa aking lalaki na nakatayo sa tapat ko habang may hawak na plato.
Dahil sa gulat ko ay nadura ko ang ilan sa mga nainom kong juice ngayon. Nagkita ulit kami for the fifth time kung hindi ako nagkakamali. Bakit ba parati na lang kaming nagkikita sa hindi inaasahang pagkakataon???
"I-IKAW?? A-ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ko dahil narin sa gulat ko
Nagulat at nanlaki rin ang mata niya ng makita ako.
"Dewey okay ka na ba diyan? Need some help? Oh K-kuya??"
"B-bakit ka nandito??" tanong ko parin sa kaniya
"Kuya? What's wrong?"
"K-kilala mo siya??"
"Of course, he's my classmate"
"Classmate?!"
"Bakit? May problema ba??"
Nakatingin parin ako sa kaniya na tila gulat parin sa nangyari at sa nalaman kong classmate pala siya ng kapatid ko.
"Btw kuya, kakain muna kami, gusto mo sumabay?"
"Ah- h-hindi na, busog pa ako"
"Okay. Dewey hintayin ka na lang namin doon"
"S-sige" sagot niya
Hindi naman siya makatingin ng diretso sa akin at hindi rin niya ako kinausap. Umalis din ito ng walang sinasabi sa akin, teka? Hindi ba niya ako namukaan? Hindi niya ba ako nakilala?? Imposible namang hindi niya ako kilala?? Ilang beses na kaming nagkita pero bakit parang wala lang ako ng magkita kami??
Hindi ako naki join sa mga classmate ng kapatid ko at hinayaan ko lang sila until matapos ang ginagawa nila. Lumabas ako ng kwarto dahil mag c-cr ako at for the second time ay napadaan ako sa kusina. Hinintay kong matapos si Dewey na maghugas ng pinggan saka ko siya ulit kinausap.
"Kilala mo ako, hindi ba?" saad ko
"P-po?"
"Kilala mo ako, tama?"
"Ah~ opo, kayo po iyong nasa bar kung hindi po ako nagkakamali"
"Bakit parang hindi mo ako kilala nang magkita tayo kanina? May iniiwasan ka ba sa akin?"
"P-po? H-hindi po, hindi po sa ganun-"
"I see, I will not argue about it. May sasabihin ka pa ba?"
"Kung ano man po iyong nakita ko that day, hindi ko po sasabihin sa iba lalong lalo na sa kapatid ninyo, hindi ko po sasabihin na nagta-trabaho kayo sa klaseng bar na iyon at hindi narin po ako babalik doon, promise po"
Natawa naman ako ng bahagya dahil sa sinabi niya, so ang alam niya nag ta-trabaho ako doon ng palihim na hindi alam ng kapatid at parents ko? Then he thinks rin na itinatago ko sa kanila na i'm gay? I guess it was his conclusion to me right now. Okay, I will go with flow.
"Okay, aasahan ko iyang sinabi mo. Let's keep it as a secret" saad ko then umalis narin siya after our short conversation.
After an hour, pumunta naman na ako sa sala para i check kung tapos na sila sa ginagawa nila.
"Oh, asaan na sila?"
"Umuwi na sila, ngayon ngayon lang"
"After that matulog kana rin, may pasok ka pa bukas"
Pabalik na ako ng kwarto nang biglang may napansin ang sister ko.
"Oh! naiwan ni Dewey iyong payong niya"
"Ibalik mo na lang sa kaniya bukas, magkikita naman kayo sa school"
"Hindi pwede, Malakas din daw ang ulan ngayon sabi ni Bentlee, for sure na stranded siya ngayon sa may bus stop"
"Wala ba siyang kasabay umuwi?"
"Uhmm, iba sila ng bus na sinasakyan pauwi, medyo malalim narin ang gabi kung hihintayin pa niyang tumigil ang ulan. Ah Kuya, pwede ba akong humingi ng favor?"
"Favor??"
Malakas nga ang ulan ng lumabas ako ng bahay at habang nag ddrive para puntahan si Dewey na nai-stranded sa may bus stop. Pagdating ko ay nadatnan ko parin siyang naghihintay ng bus para makauwi.
Bumaba narin ako ng kotse para mapuntahan na siya agad. Dahil sa lakas ng ulan at sa lamig narin, posibleng magka ubo at magka trangkaso ka, lalo na kung maulanan ka pa. Binalak niyang tumawid papunta sa kabilang daan para doon maghintay ng bus dahil wala ng dumadaan dito, kaya agad ko siyang pinuntahan at isinilong sa payong na dala dala ko.
"If you're trying to leave, you might get cold"
Ito ang tanging salita na binigkas ko mula sa kaniya, habang nakasilong siya sa payong na hawak hawak ko at patuloy na bumubuhos ang malalakas na ulan. Naalala ko bigla iyong napanood ko sa movie noon, na kung sino man ang taong kasama mo habang umuulan, nagiging mas malapit ang puso niyo isa't-isa dahil sa lamig dulot nito.