[ Junseo Cho POV ]
Lumabas muna ako ng bar saglit para kunin ang bag ko sa sasakyan nang biglang may nakita akong tao na tila nagtatago mula sa likod nito. Agad ko naman itong tinignan at nakita ko ang isang estudyanteng lalaki na nagtatago sa likod na tila may tinataguan.
"Excuse me?? Sino ka? Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kaniya
Lumingon naman siya agad at nagulat nang makita ako. Nagulat rin ako ng mag sink in sa utak ko na siya din iyong estudyante kagabi na pumunta dito. Bakit siya nagtatago dito? Dito ba niya hinahanap ang wallet niya??.
"Huh? Te-teka?? Ikaw iyung?" saad ko habang nakaturo ang hintuturo ko sa kaniya
Agad naman itong tumakbo papalayo kaya hindi ko na naibigay sa kaniya ang wallet na hinahanap niya.
"Te-teka! Iyong wallet mo!!" sigaw ko habang papalayo na siya
Hindi ko rin naisip na habulin siya para ibigay ang wallet niya. Paano ko na ito isasauli? Anong meron? Bakit naman siya nagtatago dito? What a strange guy.
[ Dewey Santos POV ]
Sa sobrang takbo ko ay huminto muna ako saglit dahil hindi na ako makahinga.
"Ano nang gagawin ko?? Namukaan niya kaya ako?? Kainisss!" saad ko habang hingal na hingal parin
Iyong wallet ko hindi ko na nahanap dahil sa nangyari, kung hindi na lang sana ako nagtago doon sa kotse at hinayaan ko na lang ang bagay na nakita ko, eh di sana nahanap ko pa iyong wallet ko.
Ano nang gagawin ko?? Babalik pa ba ako sa bar na iyon? Sayang din kasi iyong laman.
Pagkatapos kong magpahinga saglit ay tuluyan na akong umuwi sa bahay. Kinabukasan ay nagpaalam ako kay mama na kung pwede ay hiramin ko muna saglit ang wallet na hindi niya na ginagamit.
"Ano?? Saan mo naman nawala?" tanong ni mama
"Hindi ko po alam, baka na misplace ko lang po iyon. Mahahanap ko rin po iyong wallet ko, sana lang. Sa ngayon po hiramin ko po muna ito. Ibabalik ko rin po agad kapag nahanap ko na ang wallet ko" saad ko
"Okay lang, hindi ko naman nagagamit iyan. Kung gusto mo sa iyo narin iyan at baka masira pa iyan ng wala sa oras dahil walang gumagamit" saad ni mama
"Sige po, mauuna na po ako!"
"Sige, mag-iingat ka"
Agad narin akong sumakay ng bus patungo sa school, pagdating ko doon ay nakita ko sina Bentlee at Sheryl na nagtatago sa malaking puno malapit sa gate ng school. Lumapit naman ako sa kanila at tinanong kung bakit sila nandoon at bakit hindi pa sila pumapasok.
"A-anong ginagawa niyo dito?"
Bigla naman akong hinila ni Bentlee palapit sa kanila para magtago din sa malaking puno.
"Mabuti ng malaman mo kung paano nagsisimula ang araw naming dalawa" saad nito
"Huh?"
"Tignan mo" utos niya
Bumaling ang tingin ko kay Sheryl na nasa unahan namin na may hawak hawak na camera at tila may inaabangan.
"Para saan iyan??"
"Hindi ba obvious? Tignan mo, may hawak hawak siyang camera na para lang sa taong iyon. Everyday namin itong ginagawa bago kami pumasok para i-stalk ang taong iyon para lang kuhanan niya ng picture"
"Teka, ito ba iyong taong tinutukoy niya sa library? Iyong taong gusto niya tama ba? Gets ko na" saad ko
"Oo, in short sobrang lang naman siyang baliw sa lalaking iyon, Alam mo sa lahat ng taong na encounter ko na na-inlove sa kaniya lang ako sobrang natatakot ng ganito. Nakakaawa siyang tignan"
So ganito pala ang tama niya sa taong iyon, sana lang pagdating ng araw hindi siya masaktan ng sobra sa ginagawa niyang pang i-stalk sa kaniya.
Lumapit kaming dalawa ni Bentlee sa kaniya para maki tsismis kung ano nang nangyari, o kung nakita niya na ba iyong taong inaabangan niya.
"Ayan na ang target, masasapul na" saad ni Bentlee
"Saan??" saad ko
Ngumuso naman siya kung saan nakadirect ang camera ni Sheryl at nakita ko na ang taong gusto niya ay classmate rin pala namin at katabi ko pa sa upuan.
"Sandali.. si-si Coen ba iyong taong iyon??" tanong ko
"Exactly" saad ni Bentlee
"Classmate pala natin siya, bakit hindi niya i-close para maging magkaibigan sila at para hindi na siya mahirapan alamin kung ano mang ginagawa niya" saad ko
"Nagkakamali ka, close silang dalawa at strong ang communication nila personally. Kaya ewan ko ba dito kung bakit ini-stalk pa niya" saad ni Bentlee
"Natatakot kasi akong makahalata siya na may gusto ako sa kaniya kapag kaharap ko siya. Hindi kasi ako mapakali at napaka obvious ng kilos ko kapag nag-uusap kami, kaya kailangan ko ng ganitong pang i-stalk para sa mga bagay na hindi ko magawa kapag kaharap ko siya" saad ni Sheryl habang nakatingin sa camera niya
"Now Dewey, alam mo na kung gaano kalala ang tama niya kay Coen. Tara na pumasok na tayo, bago pa ako tuluyang maging statue dito kakatayo" saad ni Bentlee
Ipinasok naman na ni Sheryl ang camera sa bag niya at nagyaya naring pumasok.
"Tara na, pumasok na tayo" aya nito
Umakbay naman siya sa amin ni Bentlee habang papasok kami sa gate ng school hanggang sa makarating sa loob ng room. Pagdating namin doon ay nakita na namin si Coen na nakaupo habang nakikipag kwentuhan sa iba pa naming kaklase. Umupo na kaming tatlo sa kaniya-kaniya naming upuan at bigla namang tumayo si Coen papunta kay Sheryl.
"Sheryl, sa iyo na lang. Bumili ako ng ganiyan kanina at sakto may pa free sila kaya naisipan kong ibigay na sa iyo itong isa. Inumin mo iyan mamaya kapag lunch break" sabay bigay ng isang bote ng juice sa kaniya
"Sa-salamat.." sagot ni Sheryl
"Sige, babalik na ako sa upuan ko. Mamaya na lang ulit" saad ni Coen
Mula rito sa kung saan ako nakaupo, kita ko sa mukha niya kung paano siya kiligin dahil sa ibinigay ni Coen na juice sa kaniya. Mga babae nga naman, simpleng bagay lang na pinapakita sa kanila ng mga lalaki sobra na silang kinikilig.
Hindi rin maiwasan na kasama ding kiligin si Bentlee dahil sa paglapit nito kay Sheryl, napaka supportive rin ni Bentlee para sa kaniya naalala ko tuloy si Mina. Nakakausap ko naman siya lately at nakakamusta ko naman siya pero madalang na ngayon dahil busy rin siya sa work niya.
Lunch break na namin at tumungo na kami ngayon sa cafeteria para kumain. Until now hindi parin iniinom ni Sheryl iyong binigay sa kaniya ni Coen na juice huwag niya sabihing iuuwi at itatago pa niya ito.
Kumuha na kami ng makakain sa counter at pagkatapos humanap na kami ng table para sa aming tatlo. Nagsimula na kaming kumain at napansin ni Bentlee na hindi parin ginagalaw ni Sheryl ang binigay sa kaniya ni Coen.
"Hindi mo pa iinumin iyan?" tanong nito
"Sayang ata kung iinumin ko... itago ko na lang kaya? Remembrance din ito" saad ni Sheryl
"Hoy masasayang iyan kapag hindi mo ininom, kapag naubos na saka mo na lang itago at gawing remembrance iyong bote niyan"
"Sabagay, nauuhaw narin ako" sabay ininom ang juice
Habang kumakain kami ay lumapit naman si Coen sa table namin para makisabay.
"Pwede ba akong makisabay sa inyo?"
"Ah- O-oo! kasya ka pa naman sa table, huwag ka mahiya sa amin" approach ni Sheryl sa kaniya
Ngumiti naman si Coen sa kaniya at tumabi naman siya sa akin. Kaharap ko si Bentlee at kaharap naman ni Coen si Sheryl.
"Oh! ininom mo na pala iyong binigay ko, sabi nung nasa store kanina masarap daw ang flavor niyan pero hindi ko pa natitikman. How's the taste?"
"Ah~ oo masarap siya, hindi rin siya gaanong ma sugar. Ngayon ko lang din ito natikman. Salamat pala dito"
"Wala iyon, kung gusto mo pa ng ganiyan sabihin mo lang sa akin, bibilhan kita"
"Ta-talaga?! I-i mean... no need na, kaya ko namang ako na lang ang bumili dito sa mga susunod na araw kapag gusto ko"
"Sinasabi mong huwag akong mahiya sa iyo pero ikaw naman itong nahihiya sa akin. Magkaibigan naman tayo at isa pa hindi ka naman nobody para sa akin, kaya okay lang na gawin ko ito, tama ba?" saad ni Coen
Nakakaramdam ako ngayon ng isang pusong sasabog dahil sa kilig, Ano Sheryl kaya mo pa ba? tapakan mo lang ang isa sa mga paa namin kung need mo ng back up.
Naging maayos naman ang lunch break namin kahit na ang isa dito ay sasabog na dahil sa sobrang kilig. Pagkatapos ng Lunch break ay pumasok na ulit kami sa next class namin.
Lumabas muna ako ng building saglit dahil inutusan ako ng professor namin na pumunta sa laboratory para kuhanin ang mga gagamitin sa klase. Bigla namang may tumawag sa pangalan ko kaya agad akong lumingon.
Paglingon ko sa likod ay nakita ko ang isang lalaki na naka salamin at nakaupo sa upuan na nandoon. Walang ibang tao ang nandoon maliban sa kaniya kaya i'm sure na siya iyong tumawag sa akin.
"Excuse me po, ka-kayo po ba iyong tumawag sa akin?" tanong ko
Agad naman itong tumayo sabay tinanggal ang salamin niya. Nagulat naman ako ng makita ko ulit ang mukha niya.
"Dewey Santos? Ikaw iyon diba, tama ba?"
"P-po?? Ah- P-paano niyo po nalaman ang pangalan ko?"
Agad naman itong lumapit sa akin para ibigay ang isang wallet na familiar.
"Kunin mo, sa iyo iyan diba?"
"P-po?" sagot ko
Kinuha ko naman ang wallet na inaabot niya sa akin at chineck kung ito ba talaga ang wallet na nawawala sa akin, at tama nga ako, ito iyon. Nandito pa ang pera ko, ang card at ang id picture ko noong high school.
"Nakita iyan ng employee ko na naiwan mo sa counter. Isasauli ko na dapat sa iyo iyan pero bigla ka namang tumakbo kagabi, ano bang me-"
"HINDI NA PO AKO BABALIK DOON!" sagot ko
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyan sa kaniya.
"Huh?" pagtataka niya
"Hi-hindi na po ako babalik sa bar na iyon! p-promise po! p-pwede niyo po bang i secret na nakita niyo ako doon? promise po! hindi na po ako pupunta doon" saad ko
Ano ba Dewey?? Anong pinagsasabi mo???
"Teka, hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo. Anong-"
"Sorry po talaga! hindi na po ako pupunta doon. Maraming salamat po pala dito. Mauuna na po ako" saad ko sabay tinakbuhan nanaman ulit siya
Bakit ba ang hilig kong tumakbo??
Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap at kung paano siya nakapasok dito sa school. Wala namang address ng school na ito sa id na nakalagay sa wallet ko, at saka luma narin itong id ko na galing pa sa Hyein University kaya paano niya ako nahanap??
Tama rin ba iyong mga pinagsasabi ko sa kaniya kanina?? Nakakahiya... hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyon.
[ Coen Pondevida POV ]
Pinasunod ako ng Professor namin kay Dewey para tulungan siya na kuhanin ang mga gagamitin sa paglelecture ng prof namin mamaya. Papunta narin ako sa laboratory ng makita ko si Dewey na may kausap na isang matangkad na lalaki at may maayos na postura.
Hindi siya mukhang student at hindi rin siya mukhang professor dito. Kaya pumunta muna ako sa gilid sa may puno doon para tignan palihim kung sino ang kausap niya, at nagulat na lang ako ng makita ko kung sino ang taong iyon.
JU-JUNSEO??!
Sobra akong nagtaka sa mga oras na iyon, Magkakilala sila?? Anong ibig sabihin nito?? May connection ba sila sa isa't-isa??.
Hinintay ko munang lumingon dito ang taong kausap niya para i sure kung si Junseo ba talaga ang nakita ko. Pagkatapos nilang mag usap ay lumingon na nga siya paharap dito at malinaw ngang si Junseo iyon.
Nagtago akong maigi sa puno para hindi niya ako makita. Bakit siya pinuntahan dito?? A-anong... Anong meron?.
Nabalot ako ng pagtataka at hindi ko maiwasang mag-isip ng iba sa kanilang dalawa. Gusto ko malaman kung anong connection nila sa isa't-isa, at sana mali ang iniisip ko. Pagkatapos mawala si Junseo sa paningin ko ay dumiretso na ako agad sa laboratoty para tulungan si Dwey. Pagpasok ko sa lab ay kinukuha na ni Dewey ang iniutos sa kaniya ni Professor kaya tumulong narin ako.
"Maysadong mabigat iyan, ako na lang ang magdadala. Pinasunod pala ako ni prof dito para tulungan ka" saad ko
"Oh- salamat"
"Huwag kang mahiya sa akin, hindi naman ako mahirap maging ka close" saad ko
"Huh??"
"Magkaklase tayo at magkatabi rin sa upuan. Shy type nga lang akong tao kaya hindi kita medyo nakakausap. Kung gusto mo akong maging kaibigan mas okay sa akin ang ganun" saad ko
"Hindi rin ako marunong makipag kaibigan sa iba, nasanay na kasi akong mag-isa. Okay lang ba sa iyo iyong ganung sitwasyon?"
"Hmm.. okay narin, sanay naman na ako na ako ang unang nag e-entertain. Close mo na sina Sheryl at Bentlee kaya magiging madali na lang din na maging close din tayo sa isa't-isa" saad ko
Binigyan ko naman siya ng ngiti para maging komportable siya sa akin. Nakuha narin namin ang lahat ng kailangan na gagamitin sa klase kaya nagyaya na akong bumalik sa room.
"Simula ngayon, hindi ka na dapat mahiya sa akin. Ituring mo akong katulad kina Sheryl at Bentlee. Tara na" saad ko at nauna na nga akong maglakad pabalik sa room.
[ Dewey Santos POV ]
Naging productive ang buong araw ng klase namin dahil marami kaming mga ginawang activity. Himala rin na maaga kaming pinauwi hindi katulad dati na mga pass 8 na kaming umuuwi. 5pm pa ng hapon kaya medyo hindi pa madilim sa labas.
"Ang aga ng uwian natin hindi ako sanay, wala naman akong gagawin sa bahay. Ano sa tingin niyo? Pasyal tayo ngayon!" yaya ni Sheryl
"Go ako diyan! wala rin akong gagawin sa bahay, uutusan lang ako ni mama na maglinis doon kahit malinis naman na ang bahay" saad ni Bentlee
"Ano Dewey? Free ka ba ngayon?" tanong ni Sheryl
"Uhm.. Sige, okay lang sa akin. Wala rin akong gagawin sa bahay eh" sagot ko
Dahil maaga ang uwian at mahaba pa ang oras ay nagdecide kaming tatlo na gumala kung saan. Ito narin iyong sinasabi ko sa kanila na babawi ako kapag may next galaan kami.
Ito rin ang first time na gagala ako with my friends. Habang nagpa plano kami kung saan pupunta ay bigla nanamang tinawag ni Coen si Sheryl at lumapit sa amin.
"Sheryl!" saad nito habang pababa sa hagdan
"Oh-Coen"
"Pauwi na ba kayo ngayon?" tanong nito
"Uhm.. hindi pa, may balak nga kaming gumala ngayon sama ka?" singit ni Bentlee
"Hoy Bentlee"
"Oh bakit? Masama bang isama natin si Coen lakad natin? saad ni Bentlee
"Kung wala pa kayong lugar na naiisip meron akong alam na bagong pwedeng puntahan. May kakabukas lang na park malapit dito sa school natin, may mga bagong bukas din doon na mga food spark at may mga arcade din doon kung gusto niyo maglaro. Balita ko pupunta rin ang ibang mga kaklase natin, So ano? Game kayo?" yaya ni Coen
"OooOOOoH~ tamang tama iyong suggestion ni Coen, Ano guys? Anong say niyo?? Mukha rin namang mag eenjoy tayo doon" saad ni Bentlee
Halata kay Bentlee na okay lang na kasama namin si Coen sa gala at lalong lalo na sa suggestion nito, pero si Sheryl mukhang nag-aalangan pa dahil hindi niya alam kung paano niya ma ha-handle ang nararamdaman niya ngayon.
"Hoy Bentlee anong sinasabi mo diyan?"
"Bakit? Ito na ang chance mo oh! makakasama mo na ang myloves mo sa ganitong gala natin, isipin mo first date niyo ito, sulitin mo na. Siya na iyong nagyaya para makasama ka niya ngayon kaya grab the chance wag ka ng pakipot" bulong nila sa isa't isa
"Ikaw Dewey? Sama ka? Magandang opportunity narin ito para maging close tayong dalawa" saad ni Coen
"Uhmm, okay. Deal ako!" sagot ako
Ngumiti naman si Coen dahil sa sagot ko.
"Okay! pumayag narin si Dewey. Ano Sheryl? Tara na~ ikaw narin ang nagsabi kanina na gusto mong gumala tayong tatalo" saad ni Bentlee
"Oo na.. Oo na.. sasama narin ako" sagot ni Sheryl
"Owwkay!! Lezzgo guys!" sigaw ni Bentlee sa aming tatlo
Umalis na kami ng school para gumala sa sinasabi ni Coen na bagong bukas na park. Pagdating namin doon ay marami na nga ang nagsisipunta at karamihan doon ay mga student kagaya namin.
Nakita ko rin ang iba naming mga kaklase na nag eenjoy na sa mga rides doon. First time kong gumala ng ganito kasaya kasama silang tatlo, first time ko rin na makapunta sa ganitong park para mag enjoy kasama ang mga naging kaibigan ko. Hindi namin nagagawa ito ni Mina noon dahil working student siya.
Nagyaya na silang pumasok sa park at nagsimula na rin kaming maghanap ng kung ano mang gusto naming laruin o sumakay sa alinmang rides. Bumili rin kami ng ice cream doon dahil maraming nakapila para bumili kaya nakipila narin kami.
"Sheryl, para sa iyo" saad ni Coen habang inaabot ang ice cream na binili nito sa kaniya
"Eheeeemmmmm... hoho~ gala ba nating apat ito oh may bumubukod??" biro ni Bentlee
Nagtaka naman sina Coen at Sheryl dahil hindi nila alam na silang dalawa ang pino-point ni Bentlee.
"Just kidding~ tayo na, hanap na tayo ng rides!" aya ni Bentlee
Nakarating na kami sa isang rides na napili ni Bentlee pero against ako na sumakay dito. Takot ako sumakay sa ganiyan lalo na ang roller coaster, never. Never mo akong mapapasakay diyan kahit anong pilit mo hindi talaga ako papayag.
Kaya silang tatlo lang ang sumakay sa roller coaster na iyan at hinintay ko na lang sila. Naabutan na kami ng gabi kakagala sa buong park na iyon dahil nakaka enjoy talaga at mas lalong nag eenjoy si Sheryl dahil kasama namin si Coen ngayon.
Sa paglilibot namin sa park ay nadaanan namin ang isang store na nagtitinda ng iba't ibang headband na umiilaw at may mga iba't-ibang designs din ito. Pumasok kami roon para magtingin at bumili narin.
"Waaahh~~ ang cu-cute naman ng mga headband dito pang couple goals. Dewey tignan mo ito bagay sa atin itong sungay ano sa tingin mo??" saad ni Bentlee
"Uhmm.. pwede narin" sagot ko
"Ito na lang din ang bilhin mo para terno tayo" yaya nito
"Ah- sige ito na lang din ang bibilhin ko" saad ko
Ternong headband na ang binili namin para makatipid. Sabay naman naming isinuot ni Bentlee ang headband na pinili namin, pumunta rin kami sa malaking salamin na nandoon para makita kung bagay ba sa amin.
"Waaaahh~ ang cute natin dalawa. Tayo lang ang nakita kong demonyong cute" saad niya kaya napangiti ako
"Kayong dalawa, may napili na ba kayo? Madaming magaganda diyan na bagay sa inyong dalawa" saad ni Bentlee
"Sa tingin ko bagay sa inyo ito" suggestion ko habang hawak hawak ang isang hugis na tenga ng aso na umiilaw din
Kinuha naman ito ni Coen at sabay isinuot sa ulo ni Sheryl.
"Ang cute mo. Bagay na bagay sa iyo" saad ni Coen
Isinuot narin ni Coen ang isa pang headband na terno dito para parehas na silang suot-suot ito.
"Ang cute niyong tignang dalawa, para kayong mag couple" saad ni Bentlee
"Bentlee!" sigaw ni Sheryl
"Bakit? Sinasabi ko lang naman ang totoo, diba Dewey? Tara na maghanap pa tayo ng rides!" saad nito
Hinila naman ni Bentlee ang braso ko sabay kumapit sa akin at nauna na kaming lumabas sa store. Trinay namin ang mga rides na pinipilahan doon dahil sa tingin namin maganda. Napagod din kami kaka-ikot kaya nag decide kaming kumain sa isang fast food doon.
"Okay! Tara Let's eat!" yaya ni Bentlee
Bumalik narin si Coen sa table namin na may dala dalang chocolate shake.
"Mahirap kumain kapag walang panulak, libre ko na sa inyo iyan" saad nito
"Oh, salamat Coen, nag-abala ka pang ilibre kaming tatlo" saad ni Bentlee
"Ngayon ko lang kayo nakasamang dalawa, pati narin si Dewey. Ituring niyong first treat ko sa inyo ito sa unang gala nating apat. Minsan lang ako manglibre kaya wag na kayong mahiya" saad niya
"Opss! Teka! Bago niyo galawin ang mga pagkain niyo mag picture muna tayong apat"
"Pi-picture? Pero hindi ako mahilig magpakita sa camera" saad ko
"Ano ka ba! Paano ka nabubuhay kung hindi ka sanay humarap sa camera? Halika na sumama ka na" aya ni Bentlee
"Pe-pero kasi-"
Hindi na ako nakatanggi pa dahil inakbayan na ako ni Bentlee kaya napilitan tuloy akong ngumiti sa harap ng camera.
"Okay, show your beautiful smiles! 1,2,3"
Click !
"Ayaan~ ang ganda! ang cute nating apat. Okay let's eat na!" hudyat ni Bentlee kaya nagsimula na rin kaming kumain
[ Sheryl Cho POV ]
Naabutan na kami ng gabi kakagala kaya nag decide na kaming umuwi dahil hinahanap narin ako sa bahay, marami naring missed calls si kuya kaya sure na lagot na ako.
"Maraming Salamat sa inyo, sobrang nag enjoy ako sa gala nating apat. Dati kasi dalawa lang kami ni Bentlee na gumagala pero ngayon kasama na namin kayong dalawa, sana maulit ang ganitong bonding natin" saad ko
"Ako rin, salamat dahil naranasan ko ang ganitong gala kasama kayo. Kung may ganito pang gala next time sasama ulit ako sa inyo" saad ni Dewey
"Paano, mauuna na kami ni Dewey umuwi, ikaw Coen? Hindi ka ba sasabay sa amin?"
"Ah~ sasamahan ko muna si Sheryl dito hanggat dumating ang sundo niya" sagot naman ni Coen
WAAAAAHHHHHHH S-SAMAHAN NIYA AKO??
Nakaka inlove namang marinig iyan galing sa myloves ko. Teka.. concern ba siya sa akin ngayon dahil gabi na at baka madukot pa ako ng masasamang tao dito sa daan? How sweet namaaan~
"Ikaw ah~ may intensyon ka ba sa kaibigan namin? Hoy! Sabihin mo na kung maaga pa kung may gusto ka sa kaniya" saad ni Bentlee
Napaka dulas naman talaga ng dila ng babaeng ito.
"Bentlee ano ba iyang sinasabi mo? Umayos ka nga! Nakakahiya na kay Coen" saad ko
"Oo na, kalimutan mo na iyong sinabi ko sa iyo. Oh siya, aalis na kami. See you tomorrow guys!" paalam ni Bentlee
"Oh! Mag-iingat kayo!"
Okay so wala na sila Dewey at Bentlee at kaming dalawa na lang ni Coen ang natitira dito na nakatayo sa ilalim ng puting ilaw.
WWAAAAHHHHH~~~ HOW I'M GOING TO DO?? MY HEART IS SHAKINGGGGG SO FAST RIGHT NOW!!
Mas lumakas ang tibok ng puso ko ngayon dahil kami lang dalawa ang magkasama, naririnig din kaya niya?.
Nakatayo parin kami ngayon habang hinihintay ang sundo ko. Ito na ang tamang oras para sulitin ang pagtitig ko sa kaniya. Napaka gwapo niya, ang perfect ng mukha niya, napakinis, ang pinkish ng lips niya, ang sarap... ang sarap...
"Sheryl?"
"Huh?!"
"May problema ba??"
"Huh?! Po-problema?? Bakit?"
"Sobra ka kasing nakatitig sa akin, may dumi ba sa mukha ko?"
ARGGGGHHHH!!! NAKAKAINISS!!! NAHULI NIYA AKONG SOBRANG MAKATITIG SA KANIYA.
"Ah~ w-wala naman! Iniisip ko lang kung anong daily routine mo, ang kinis kasi ng mukha mo hehe" paliwanag ko
Napatawa naman siya ng bahagya saka tumingin sa akin.
"Natutulog lang ako ng maaga, tapos kumakain din ako parati ng gulay, iwas din ako sa mga mamantikang pagkain. Iyon lang ang secret ko"
"Ah~ I see"
Awkward silence...
Bakit ba ang tagal ng sundo ko? Pero okay lang, kasama ko naman siya kaya bagalan niyo pa ang pagsundo sa akin. Okay na okay naman ako sa mga oras na ito.
"Uhmm, Sheryl? Pwede ba akong humingi ng permission sa iyo?"
"Permission? Bakit? Para saan?"
Bakit??
Bakit?? Ganiyan ka makatitig ng sobra sa akin??
Nagka eye to eye contact kaming dalawa at hindi ko alam kung anong i re-react ko sa ganitong eksena. Mas lalong tumibok ng mabilis ang puso ko at malapit ng sumabog, kaunti na lang talaga. Sheryl, kalmahan mo lang, kaya mo pang kontrolin sarili mo diba? Good.
"Na realize ko kasi na, close naman tayo sa isa't isa kaya... Pwede ba akong... sumama sa iyo sa lahat ng oras?"
"Su-sumama?? Anong ibig mong-"
"Simula ngayon, palagi na akong nasa tabi mo, palagi na rin kitang sasamahan. Sabay rin tayong kakain kapag lunch break, sasamahan rin kita sa pagrereview ng notes mo. Pwede ba?" saad niya
Ramdam ko ang pagbagal at unti-unting paghinto ng nasa paligid ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at walang lumalabas sa bibig ko ni isang salita.
Anong ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon?? Ito na kaya ang panahon para maging mas lalo kaming ma attach sa isa't-isa?? Hindi kaya.. may gusto rin siya sa akin??
Madami akong tanong sa isip ko dahil sa sinabi niya, Hindi ko talaga alam kung anong meaning ng mga salitang iyon. Basta ang alam ko lang mas lalo ko siyang nagugustuhan at sobrang saya ko sa mga oras na magkasama kaming dalawa.