Chereads / That Day, Our Hearts Bloom (BL SERIES #1) / Chapter 5 - CHAPTER 2: NEW STUDENT, DEWEY SANTOS

Chapter 5 - CHAPTER 2: NEW STUDENT, DEWEY SANTOS

[ Junseo Cho POV ]

"Papunta na ako diyan, medyo traffic lang ngayon. Sige na, nag d-drive pa ako"

*call ended*

Another day for a work na naman being a photographer sa company ni Hyol. He is my friend slash my boss dahil nga nag ta-trabaho ako sa company niya na isang modelling agency. On the way na ako papuntang work ng biglang...

GRAAAAAAAAAAASSSSSSSSSSSSSSSPPPPPPPPPPPPPPPPP!!!

Napapreno ako ng wala sa oras ng may mabangga akong isang lalaki, hindi ko sure kung nabangga ko nga siya. Kaya naman dali dali akong bumaba at tinignan kung malala ba ang natamo niyang injury.

Nakita ko syang napaupo sa lupa habang may hawak hawak na aso, mukhang malakas ata ang pagkakabangga ko sa kaniya. Don't worry hindi ko naman siya tatakbuhan.

"Okay ka lang??" pag-aalalang tanong ko sa kaniya

"Ah.. o-oo! A-ayos lang po ako" sagot nito pero kita ko sa expression ng mukha nya na may masakit sa kaniya

"Sure ka ba dyan? Wala bang masakit sa iyo? Kung meron dadalhin kita sa hospital para tignan ka"

"Ah-hindi na po! okay lang po talaga ako. Pasensya na po kung hindi ko nakita iyong sasakyan nyo na paparating" saad nito

Tumayo naman na sya mula sa pagkakaupo nya at sabay nagpagpag ng damit.

"Pasensya na po sa nangyari" saad nito

"Oh.. okay lang, as long as hindi ka naman nasaktan. Make sure na you're fine. Sa susunod maging maingat na lang tayo"

"Salamat po" saad nito

Umalis naman na sya kaagad at dali daling tumakbo papalayo. Tss, buti na lang talaga at hindi ko sya natuluyan na masagasaan. Kagaya rin naman ng sinabi nya mukhang okay naman sya. Dahil sa wala namang naging problema ay sumakay na ulit ako sa kotse para pumasok na trabaho.

BLACKBIRD MODELLING AGENCY

Pagdating ko sa mismong studio ay nasa kalahati pa lang ang dumarating na mag sho-shoot for today, mukhang napaaga ata ako ngayong araw. Umupo na ako para tignan ang mga nasa list na model para i check kung may babaguhin bang style sa kanilang pictorial.

Habang nag che-check ng mga pictures nila ay naririnig ko ang ibang mga model na nandito na pinag-uusapan ako at tila ba mga nakatingin sa akin.

"Grabe, ang gwapo talaga nya kahit nasa malayo ka, paano pa kaya kapag ganitong malapitan? Hindi tuloy ako masyadong makapag focus sa shoot natin dahil siya kaniya. Malakas na ata tama ko sa kaniya, ano sa tingin nyo?"

"Haysss... totoo ka dyan, hindi rin nakakasawa iyong mukha nya na titigan sa buong araw"

"Mas nagaganahan tuloy ako na araw araw tayong nag sho-shoot"

"May girlfriend na kaya siya? Ano sa tingin nyo?"

"Sa tingin ko parang wala pa syang girlfriend. Kung titignan mo napaka professional nyang tao at parang hindi importante ang lovelife sa kaniya"

"Kung wala man syang girlfriend ngayon, i'll make sure na pagdating ng fashion week natin ako na magiging girlfriend nya"

"Hoy, malabo pa nga na makasali ka sa world fashion week na iyon tapos mag-aasume ka dyan na magiging girlfriend ka nya, huh no way"

Hinayaan ko lang silang pagusapan ako ng ganung bagay dahil simula pagkabata ay na e-experience ko na iyan. Maraming mga babae ay nagkakagusto sa akin simula elementary hanggang sa nag college ako. Kahit ordinaryong araw lang at walang okasyon, hindi ko na mabilang iyong mga nagbibigay sa akin ng mga flowers, chocolate, mga regalo at kung ano ano pa. May mga love letter at confession pa akong natatanggap, pero wala silang napapala sa akin dahil wala akong nagugustuhan ni isa sa kanila.

I remember pa nga nung nag-aaral pa ako, may mga pumupunta sa bahay para lang mag confess sa akin, kaya iyong kapatid ko nabubwisit na rin sa kanila. Until now ramdam ko pa rin iyon, mas lalo na dito sa mga model na ito. Hindi ko ma imagine kung gaano at paano ako ka gwapo sa paningin nila.

"Sir, five minutes na lang po at magsisimula na ang pictorial" saad sa akin ng isang assistant na nasa studio

"Kompleto na ba silang lahat?"

"Opo, sabihan ko lang po sila na mag ready na"

"Okay sige. Salamat"

Itinabi ko muna ang folder na hawak hawak ko saka ni-ready na ang camera na gagamitin ko sa pictorial nila. Dumating na ang oras para mag trabaho, naka ready na rin ang mga model na sasalang para sa shoot nila.

Summer season ang theme ng pictorial nila ngayon kaya may pagka pleasant, bright, warm and brilliantly clear ang outfit nila na si Hyol ang may obra. Bata pa lang kasi pangarap nya nang maging isang fashion designer kaya naman nagtayo sya ng sarili nyang company.

"Give me the best shot of yours okay?" saad ko sa lahat bago kami magsimula

Sinimulan ko ng hawakan ang camera at itinutok sa kanila para kumuha ng isang perfect shoot. Pose dito, pose doon while giving me a fierce look. May kaniya kaniya rin silang way of uniqueness para ipakita ang best shot na related sa theme ng pictorial nila ngayon.

After that summer season theme, nag changed na ulit sila ng outfit which is kind a like a dark snowhite ang theme nila. Bumalik na ulit kami sa pictorial pagkatapos nilang magpalit at mag make-up.

"This time one by one ko kayong kukuhanan para sa new collection ng magazine na i-rerelease natin. Lahat ng tao makikita nila ang hitsura niyo kaya I want you all to give your beautiful shot para dito. Gusto ko lahat kayo ma appreciate ang beauty niyo sa lahat Okay ba?" tanong ko sa kanila

"Okay po!" sagot nila

Binigyan ko naman sila ng isang ngiti bago kumuha ng panibagong shoot sa kanila. Makalipas ang ilang oras ng pagta-trabaho ay nagbigay muna kami ng vacant para maghanda sa next shoot na by partner naman ang theme.

Ibinaba ko rin muna ang camera na gamit ko para magpahinga ng biglang lumapit sa akin ang dalawang babaeng model na may dala dalang isang plastic bag at saka ibinigay sa akin.

"Alam po namin na kung hindi dahil sa inyo wala po kaming magagandang shoot na inilalabas sa mga magazine, kaya sana po magustuhan nyo po itong pagkain na niluto namin para sa inyo"

"Pagkain? Para sa akin?"

"Araw araw po naming nakikita kung paano niyo po kami tinutulungan sa bawat pictorial namin, kaya naman gusto po naming makabawi sa paraang ma secure po namin ang mga kinakain nyo" saad nila

Napangiti na lang ako sa binigay at sinabi nila. Isa din ba itong paraan ng pag co-confess mula sa kanila?

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, kaya kung nakikita nyong hindi ako okay, hindi nyo na dapat inaalala iyon. Unahin nyo muna ang sarili nyo bago ang iba. Salamat pala dito, mukhang masarap"

"Always welcome po kayo sa amin! Mauuna na po kami" saad nila saka biglang tumakbo na parang mga bata na kakatapos lang humarap sa mga crush nila

Pagkaalis nila ay tinignan ko kung ano ang nasa loob ng plastic bag, may isang luncbox at isang energy drink ay nakalagay doon. Mayroon din isang sticky note na may nakalagay na Eatwell Mr. Junseo Cho! fighting! insert with three hearts.

Huh iba rin sila ah, tsk mga teenager nga naman.

"Aba~ aba. Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit sobrang nagsisipag rin ang mga model ko ngayon" saad ni Hyol mula sa likuran ko

"Ano iyan? Bigay ba nila sa iyo iyan? Aba~ may favoritism na bang nagaganap dito? Bakit ako na mismong CEO dito hindi man lang nila ako bigyan ng ganiyan? Hoy Junseo! mga bata pa ang karamihan na model ko dito baka nakakalimutan mo" saad nito

"Alam mo ba iyang sinasabi mo? Sa tingin mo ba magagawa ko ang bagay na iyan? Magpapansin ka kasi sa kanila minsan para makita nila na nag e-exist pa ang ganiyang mukha. Tara na, breaktime muna" yaya ko sa kaniya sabay umalis sa studio.

[ Sheryl Cho POV ]

Kanina pa kaming nagtatago ni Bentlee sa malaking puno na nasa labas ng gate ng school para abangan ang aking my loves. Kanina pa ready ang camera ko para kuhanan sya ng magandang litrato ngayong araw pero hindi pa rin sya dumarating.

"Sheryl kailan pa ba tayo magtatago dito?? Nangangawit na ako" reklamo ni Bentlee

"Sandali na lang ito, Hindi ko pa sya nakikita eh"

"Hindi pa ba sya dumarating? Sabi mo ganitong oras sya pumapasok, bakit wala pa sya?"

"Hindi ko rin alam eh, hindi kaya absent sya ngayon? Pero hindi eh wala namang dahilan para umabsent sya, wala naman syang sakit" saad ko

"Hayss.. kailan ka ba titigil sa kaka-stalk sa kaniya?? Alam mo malapit na akong mahawa sa pagiging obsessed person mo ah"

"Obsessed? Hindi naman ako ganun ah"

"Anong hindi? Eh anong tawag mo dito?"

"Sssh, mamaya ka na magsalita, hindi ko pa rin sya makita"

"Hayy ewan ko sa iyo, bahala ka na nga dyan"

"Oh- ayun na siya! Hakita ko na"

"Saan?? Saan??"

Ni ready ko na ang camera at nagsimulang kuhanan siya ng stolen shot mula rito habang papasok ng school. Woaahh~ napaka pogi talaga niya!!! Natapos ko lang siyang picturan ng makapasok na siya ng tuluyan sa loob.

"Tapos na?"

"Uhmm"

"Patingin nga" sabay kuha nito sa camera ko

"Woah, iba talaga kapag sa kaniya ka kumukuha ng litrato no? Napaka perfect every angle, pero kapag sa akin palagi na lang blurred" reklamo nito

"Ang gwapo nya no? Alam mo mas nagaganahan akong pumasok dahil sa mga iyan"

"Hmm gwapo nga sya. Pero madami pang lalaki ang mas pogi sa kaniya na nagkakagusto sa iyo, bakit ba sa kaniya ka nabaliw ng todo?"

"Lahat tayo may kaniya kaniyang taste pagdating sa mga lalaki. Hindi porket mas lamang iyong iba sa kaniya, sa kanila na ako magkakagusto, syempre kung sino iyong sinasabi ng puso ko siya yung pipiliin ko no" saad ko naman

"Pero bakit ini-stalk mo pa sya eh close naman na kayo. I mean hindi ka naman strangers sa kaniya, may natural way of conversation rin kayo, bakit hindi ka na lang kaya mag confess sa kaniya? Malay mo same rin kayo ng feelings diba"

"Hindi pa tamang oras para gawin ko iyon, wala pang alam si kuya about sa kaniya. Saka need ko pa ng permission ni kuya about dyan, alam mo naman iyon na sobrang strict niya kapag may mga lalaking lumalapit sa akin"

"Sabagay. I wish na iyong my loves mo makayanan iyong powers ng kuya mo"

"I wish din"

"Tara na pumasok na tayo"

Nauna ng maglakad si Bentlee papasok sa gate ng school habang nasa likod naman nya ako na walang sawa paring tinitignan ang mukha nya sa camera. Hanggang sa loob mismo ng school ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa camera para tignan ang picture niya hanggang sa makasalubong namin siya.

"Sheryl!" bati niya

"Oh- Coen.."

"Kanina ka pa ba nandito? Kanina pa kita hinihintay, hinatid ka ba ng kuya mo?"

"Si kuya? Ah~ hindi. Maaga siyang pumasok sa trabaho niya kaya nag bus na lang ako. Bakit mo naman natanong?"

"Ah~ wala naman, dati kasi diba palagi ka niyang hinahatid?"

Owemjii!!!!!! Bakit niya alam na palagi akong hinahatid ni kuya?? Hindi kaya ini-stalk rin niya ako??

"Ah~ oo. Siguro hindi niya na ako mahahatid dahil busy na siya palagi sa work niya"

"Ah~ ganun ba. By the way, pansin ko palagi mong dala iyang camera mo, mahilig karin siguro sa photography no" saad nito

Nagtinginan naman kami ni Bentlee dahil sa napansin niya. Alam niya rin na palagi kong dala itong camera?? Hindi kaya alam din niya na pasimple ko siyang kinukuhanan ng litrato??

"Kung okay lang sa iyo, pwede ko bang tignan?"

Dahil sa sinabi nya ay bigla ko siyang nasigawan at inilayo ang camera sa kaniya.

"HINDI! HINDI PWEDE!"

Okay, insert awkward scene. Nagulat siya sa sinabi ko at parang nagtataka kung bakit ayaw kong ipakita sa kaniya iyong laman ng camera ko. Eh paano ba naman kasi puro picture niya yung nandito.

"AH- I mean.. kasi- hindi naman sa ayaw kong ipakita, iyong iba kasi dito panget ang pagkakakuha ko saka puro mukha ko iyong nandito kaya baka maumay ka lang" paliwanag ko

Napangiti naman siya dahil sa walang sense na reason ko.

"Sige, una na ako ah?" saad ko

"Te-teka!" saad nito

Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo para takasan siya, pero ang importante ngayon ay ligtas na ang camera ko at hindi niya nakita ang mga laman nito. Dumiretso na ako sa classroom at umupo saka ipinasok na ang camera sa bag ko.

Sumunod na ring pumasok si Bentlee saka umupo sa tabi ko. Magkatabi pala kami sa room as always. Nakita ko na ring pumasok si Coen sa room at umupo sa may right side na unahan namin. Kahit sa loob ng room may perfect seat ako para matanaw sya, genius lang.

"Hoy, anong nangyari sa iyo kanina? Bakit ka tumakbo?" tanong ni Bentlee

"Hindi ko alam, bigla ko na lang naisipan na tumakbo, napansin niya kasi yung camera ko eh, paano kung biglang niya na lang agawin sa akin iyon"

"Alam mo kung patuloy kang kikilos ng kakaiba kapag kaharap siya, baka makahalata siya sa mga kinikilos mo. Malakas ang sense ng mga lalaki pagdating sa mga ganyang kilos ng babae. Kapag napapansin nilang may kakaiba sa dati mong kinikilos sa kaniya mag aasume na iyan ng kakaiba at saka sila iiwas sa iyo. Gusto mo ba mangyari iyon?" saad nito

"Hayyss!! Nakakainis!"

Iniyuko ko na lang ang ulo ko mula sa lamesa at nagmukmok na parang bata. Ano nang gagawin ko kung makahalata siya?? Kapag nalaman ba niyang gusto ko siya.. iiwasan rin niya kaya ako katulad ng sinabi ni Bentlee?? Arghhhh!! Hindi ko na alam.

[ Dewey Santos POV ]

Lumapit na ako sa bata na kanina pang naghihintay sa alaga niyang aso.

"Eto na ang aso mo, ligtas na siya" sabay bigay sa kaniya

"Thank you po kuya"

"Walang anuman, mag-iingat kayo parati ah? At saka sabihin mo sa papa mo na higpitan pa ang tali para hindi na siya makawala, okay ba?"

Tumango naman ang bata saka umalis na. Naglakad narin ako para umuwi dahil may pasok pa ako. Ramdam kong medyo masakit iyong bandang pwet ko pero hindi ko na lang pinansin. Umuwi na ako ng bahay saka naligo, pagkatapos ay nagbihis na saka nagpaalam kay mama para umalis.

Cho Deom University

After some minutes na pagbyahe ay nakarating narin ako sa school na dati ko ng pinapangarap na mag-aral. Sa wakas at natupad narin na makaapak ako dito, kita ko na maraming mga estudyante ang nag-aaral dito at pansin mong lahat sila matatalino.

Dumiretso muna ako sa principal's office dahil pinapatawag ako doon. Binigyan naman nila ako ng warm greetings.

"Mr. Santos! Welcome sa University namin, maupo ka" bati ng principal ng school

"Thank you po"

"Alam mo kami dapat ang magpasalamat sa iyo dahil bilang isang top student napili mo ang university namin na dito ipagpatuloy ang pag-aaral mo sa college, aware ka naman siguro na mahirap makapasok dito, pero dahil sa kakayahan mo nagtagumpay ka. Ang isang top student na kagaya mo ay mayroon pang dapat malaman at handa ang school namin para maibigay iyon sa iyo"

"Maraming salamat po, hindi ko rin po kayo bibiguin. Mag-aaral po akong mabuti para mabigyan ko rin po ng karangalan ang school na ito"

Ngumiti naman ang principal dahil sa sinabi ko. Pagkatapos ng ilang kwentuhan ay nakipag shake hands din siya sa akin bago ako lumabas ng office nila. Pumunta naman ako sa faculty room para ipakilala sa magiging adviser ko.

"Ms. Venny, siya si Dewey Santos isang top student galing sa Hyein University. Dewey, siya ang magiging professor at adviser mo dito sa school"

"Good morning po ma"am" bati ko

"Oh~ so ikaw pala iyung top student sa Hyein? I'm glad that I will be your adviser. Nakita na rin kita one time sa isang competition at napahanga mo ako doon. Keep it up!" saad nito

Napayuko naman ako sa hiya dahil sa sinabi sa akin ni Ms, Venny.

"Kung may tanong ka pa about sa school, Huwag kang mahiyang lumapit sa amin or mismo kay Ms. Venny. So, maiwan ko muna kayo. Enjoy your first day here" saad ng head teacher ng school

"Thank you sir" saad naming dalawa ni Ms. Venny

Pagkatapos kung magpakilala sa magiging adviser ko ay sumama na ako sa kaniya para magpakilala naman sa buong klase na makakasama ko sa apat na taong pag-aaral dito sa Cho Deom University.

Kinakabahan ako na excited na ewan, halo halo na ang nararamdaman kong emotion. Kaya mo iyan Dewey.. mag i-start ka ulit.

[ Sheryl Cho POV ]

"Good morning~" bati ni Ms. Venny nang makapasok na siya sa room

"Good morning ma'am"

"Kumusta ang weekends ninyo? Naging productive ba?" tanong niya sa aming lahat

"Opo~" sagot naming lahat kahit hindi naman totoo sa iba

"Syanga pala bago tayo magsimula ng klase ngayon meron tayong transferee na makakasama ninyo sa loob ng 4 years"

Transfer student???

Nagbulungan rin ang ibang mga kaklase namin dahil sa sinabi ni Ms. Venny

"Transfer student?? The who?" tanong ko kay Bentlee

"I have no idea, pero baka siya iyong narinig ko the other day na isang top student galing sa Hyein University" sagot naman nito

"Hyein University?"

"Pumasok ka na" utos ni Ms. Venny sa kaniya

Isang lalaki ang pumasok mula sa room namin na siyang transfer student slash top student galing sa Hyein University. We have another guy classmate...

"Hello sa inyo.. a-ako si Dewey Santos mula sa Hyein University. Nice to meet you all" saad nito mula sa harapan

"Isa siyang top student mula sa nasabing school, kung familiar kayo about sa achievements ng school na iyon siya ang palaging nangunguna sa buong school nila" saad ni Ms. Venny

"Woaahhh" reaksyon naming lahat

So matalino pala itong new classmate namin, hindi na rin nakapagtataka kung bakit siya nakapasa dito.

"Parang nabasa ko na nga iyong about sa kaniya at sa school na iyon. Akalain mo magiging classmate pala natin siya" saad ni Bentlee

"Okay na Dewey, pwede ka ng maupo" utos ni Ms. Venny sa kaniya

Naglakad na siya papunta sa bakanteng upuan na katabi ni Coen at doon siya umupo.

"Bentlee, may napapansin ka bang kakaiba sa kaniya?"

"Kakaiba? Hmmm maliban sa cute siya, wala naman. Bakit?"

"Wala.. napaka strange lang ng appearance niya. Iyong kilos niya kasi parang.."

"Parang ano?? Hoy Sheryl huwag mong sabihing may new victim ka?"

"Baliw ka ba? Hindi naman ganun iyung sinasabi ko. I mean nakakaramdam ako ng something like about kay kuya"

"Teka, imposible naman na ganun siya. Hindi pa natin siya nakakausap o kilala ng mabuti. Masyado kang judgemental" saad nito

Hindi naman sa judgemental ako, pero alam ko kasi iyong pakiramdam na gay ang isang lalaki. Sa kilos pa lang niya masyado siyang mahinhin. Pero kung totoo nga iyong pakiramdam ko sa kaniya, wala namang kaso sa akin kung ganun siya.

Alam ko iyong feeling dahil ganun din si kuya. Supportive ako kung ano man ang pagkatao ng kuya ko at ganun din ako sa magiging kaibigan ko. Sana maging ka close ko siya, para maging safe siya sa mata ng mga tao.

[ Dewey Santos POV ]

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!

Ganyan ang gustong isigaw ng puso ko ngayon dahil sa saya. Ramdam ko ang pag welcome nila sa akin lalo na ang katabi ko sa room pero hindi pa kami gaanong ka close.

Natapos ang pangatlong klase namin at breaktime na, dahil sa wala pa akong ka close ay mag-isa muna akong kumain sa cafeteria. Nasanay na palaging mag-isa kaya nahihiya akong mag approach at makipag close sa ibang tao. Hanggang sa may dalawang babae ang lumapit sa akin.

"If you don't mind, pwede ba kaming sumabay sa iyo?" saad ng isang babae

"Ah.. oo, sure" saad ko

"Waahh~ hindi ka pala masungit sa personal"

"Ah.."

"Siguro hindi mo kami namukaan, same lang tayo ng class. Kami iyong nasa dulo"

"Ah~ oo, parang napansin ko nga kayo"

"Ako nga pala si Sheryl, at siya naman si Bentlee. Simula elementay until now magkasama na kami"

"Huwag kang mahiya sa amin, simula ngayon pwede mo na kami maging kaibigan" saad naman ng isang babaeng kasama niya

Nagulat naman ako sa sinabi nila kaya nabulunan ako sa kinakain ko.

"O-okay ka lang??" saad ni Sheryl

"Ah- oo okay lang ako. Pasensya na kayo, first time ko lang kasi na makarinig ng ganiyan" saad ko

"Okay lang, simula ngayon kahit anong mess na gawin mo okay lang sa amin" saad nila

Hindi ko maitago ang saya na nararamdaman ko ngayon. First day of class ko palang dito pero may nakilala na agad akong mababait na tao, ito iyong never kong naranasan noon.

"Bakit ang unti lang ng kinakain mo? Heto tikman mo, ito ang pinakamasarap na luto dito sa cafeteria. Lahat ng student nababaliw diyan, try mo" sabay lagay ng pagkain sa may plato ko

"Salamat"

"Kapag kasama mo kami hindi pwedeng ganiyan lang kaunti ang kinakain mo, try mo pa ito" sabay naglagay rin ng pagkain si Sheryl sa plato ko

Napapangiti na lang ako sa mga oras na iyon at ramdam ko agad na komportable na ako sa kanilang dalawa. Sana magtuloy tuloy na ang magandang simula para sa akin. Hindi ko alam kung aware na sila sa personality ko pero feel ko naman na walang problema sa kanila sa kung ano ako.

[ Junseo Cho POV ]

Another set na kami ng pictorial at by partner naman ngayon. Habang rumarampa sila by partner, heto naman akong todo focus para makuhanan sila ng perfect shot. After a few hours ay natapos na rin ang by partner na scene na may 12 set.

"Good job sa lahat, break time muna!" sigaw ng pinaka director sa pictorial na iyon

Ipinakita ko muna sa director ang lahat bago ko i edit at i finalize ang mga kuha ko sa mga model. After that umupo na ako saka binuksan ang laptop para simulan ng mag edit at iayos ang mga picture nila. With Passion and love ang binubuhos ko bilang isang photographer dahil ito na talaga ang hilig at gusto ko ever since.

Medyo maaga natapos ang trabaho ko dahil pang summer season collection lang ang tinapos namin ngayon at ang bago naming collection.

"Aalis ka na?" tanong ni Hyol sa akin

"Oo, titignan ko iyong bar kung ayos pa ba" saad ko habang nag-aayos ng damit

"Hindi ka sasama sa dinner party natin ngayon?"

"Dinner Party?"

"Oo, nagyaya ako ng Dinner party sa ating lahat para sa bago nating irerelease na collection. Lahat ng model at employee ng company pupunta. Huwag mong sabihing hindi ka sasama, dapat nandoon ka"

"Required pa ba akong pumunta? Kayo na lang" saad ko

"Hoy Junseo! Employee ka rin dito kaya dapat ang pinaka magaling na photographer nila hindi dapat umabsent sa Dinner Party natin ngayon"

"Sa susunod na lang ako pupunta, Need ko na rin maharap ngayon iyung bar dahil hindi ko na naaasikaso. Babawi na lang ako susunod, pakisabi na lang sa kanila"

"H-hoy teka Junseo! Alam mo namang ikaw ang spotlight na hinihintay ng marami!"

"Mauuna na ako, ikaw na muna ang pumalit sa akin ngayon okay?" saad ko sabay umalis sa office niya

Sumakay narin ako ng Kotse at pumunta sa bar na siyang itinayo ko para sa mga katulad ko. Nadatnan ko ang ilan sa mga kaibigan ko na nagsisimula ng uminom at ang isa kong employee na nag aasikaso sa kanila.

"Oh Junseo! Long time no see!" saad ng isa kong kaibigan

"Boss, ngayon lang kayo napabisita ah mukhang busy kayo sa trabaho ninyo" saad naman ng employee ko

"Ngayon lang ako nag ka time pero sa susunod palagi na akong dadalaw dito" saad ko

Pumunta na ako sa counter para tulungan ang employee ko na magtrabaho. Sinalinan ko rin ng alak ang baso ng kaibigan ko na nakaupo sa may harap ng counter.

"Nagpapakalasing ka nanaman ba dahil sa kaniya?" saad ko

"Maybe, gusto ko nga sanang sabay tayong uminom pero hindi naman kita naabutan dito. Kaya mag-isa na lang akong umiinom at umuuwing wasak " saad nito

"Sasalinan pa kita, sabihin mo lang kung ayaw mo na"

Sinalinan ko pa siya ng alak pagkatapos niyang ubusin muli ang inilagay ko.

"Syanga pala noong isang araw nadatnan ko siya dito na hinihintay ka, akala ko ba wala na kayo? Mukhang hindi rin siya okay"

"Pumupunta siya dito?" tanong ko

"Oo boss, siya ba iyong estudyante? Araw araw ko siyang nakikita dito at gustong uminom pero hindi ko siya binibigyan. Tinatanong din niya iyong number mo sa akin pero dahil sabi niyo huwag kong ibigay kaya number na lang ng kaibigan niyo iyong ibinigay ko"

So alam ko na kung sino ang nagbigay ng number ni Hyol sa lalaking iyon. Ang employee ko pala.

"Iba rin pala ang tama sa iyo ng estudyanteng iyon ah, hindi ka pa tinitigilan hanggat wala ka pang bago. Bakit hindi ka na makipag date sa iba para tigilan ka na niya" saad nito sabay uminom ulit

Napaka nonsense ng suggestion mo.

Ano pa bang gusto ng lalaking iyon at bakit ayaw pa niya akong tigilan?? Nakakainis na siya. Huwag niya sanang hintayin na sobra na akong magalit sa kaniya dahil ayaw ko naman na humantong sa ganun.

"At ikaw tigilan mo na rin ang kadramahan mo sa buhay, kinakawawa mo lang ang sarili mo. Tapusin mo na iyan at umuwi ka na. Huwag mo na siyang bibigyan ng bago, last na iyan" utos ko sa employee ko

"Opo Boss"

Nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho sa loob ng bar hanggang sa magsara na kami. Pinauna ko ng umuwi ang employee ko at ako na ang nag asikaso sa buong bar. Tapos ko na ring hugasan at punasan ang mga baso saka inilagay sa proper drawer nito. Niligpit ko na rin ang mga upuan at pinatay narin ang mga ilaw.

Sinarado ko na ng tuluyan ang bar at dumiretso na sa kotse para umuwi ng biglang makita ko siya, si Coen.

Nakatayo siya sa may tapat ng kotse ko at tila kanina pa naghihintay. Ang kulit talaga niya, sabi ng wag na siyang magpapakita sa akin. Nakita niya ako na papalapit sa kotse ko pero hindi ko siya pinapansin.

"Ju-Junseo" saad nito

"Bakit nandito ka? Gabi na, umalis ka na" saad ko

Nilagpasan ko lang siya saka binuksan na ang pintuan ng kotse pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Mag-usap naman tayo oh, please.."

"Tumabi ka"

"Please.... gusto ko lang malaman kung bakit mo ako iniwasan ng ganito. Bakit hindi mo na ako kinakausap?"

"Umalis ka na at huwag ka na ulit magpapakita sa akin. Ito lang maririnig mo from me." saad ko

Binuksan ko ulit ang pintuan ng kotse at saka pumasok. Paandar na ako ng biglang humarang siya sa unahan kaya napapreno ako bigla. Dali dali naman akong bumaba.

"NASISIRAAN KA NA BA?? PAPATAYIN MO BA IYANG SARILI MO??!" sigaw ko sa kaniya

"Kapag hindi ko ito ginawa, hindi mo ako papansinin" saad nito

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kaniya. Argh!! Nakakainis! Wala na akong magawa kung hindi pasakayin na lang siya sa kotse ko at ihatid sa kanila.

"Sumakay ka na" utos ko sabay pumasok muli sa kotse

Pumasok narin siya sa kotse at umalis na kaming dalawa.

"Ihahatid na kita pauwi sa inyo, pagkatapos nito wala ka ng dahilan para makipag usap pa sa akin" saad ko

"Sorry" sagot niya

Hindi ko siya pinansin o kinausap sa buong byahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay nila.

"Huwag mo na akong tignan kagaya ng ginagawa mo sa akin dati. Huwag mo na rin akong istorbohin, matagal ko ng sinabi sa iyo na tapos na ang lahat, kaya tigilan mo na ako. Nandito na tayo sa inyo, bumaba ka na"

"Bakit? May iba kana ba??" tanong nito

"Wala ka ng pake kung may iba na akong nagugustuhan o wala. Bakit hindi mo tanungin iyong sarili mo kung bakit nangyayari ito? Ikaw rin ang dahilan. Last na nating pag-uusap ito, kaya bumaba ka na" saad ko

Wala na siyang nasabi sa mga narinig niya sa akin at bumaba na ng kotse. Oo alam ko at nakikita ko kung gaano siya nasasaktan sa mga nangyayari, pero kung gaano sya nasasaktan mas lalo ako. Pagbaba na pagbaba niya sa kotse ay agad na rin akong umalis sa lugar na iyon.

[ Dewey Santos POV ]

Gabi na ng matapos ang last subject namin at pauwi na kaming lahat. Kagaya ng dati mag-isa lang akong umuuwi dahil si Mina noon naka night shift sa work niya kaya hindi ko siya nakakasabay. Pero ngayon feeling ko hindi na ako nag-iisa.

"Dewey!"

Sigaw nilang dalawa habang palabas na ako ng gate.

"Oh-"

"Pauwi ka na? Gusto mo sumama sa amin? Let's eat!" aya ni Sheryl sa akin

"Ah~ Hindi pa ako nakapag paalam kay mama. At saka hindi ako mahilig sa mga galaan after school" sagot ko

"Napaka introvert person mo naman, college ka na kaya dapat naiintindihan na ng parents mo na kailangan mo namang gumala kahit papano" saad ni Bentlee

"Pasensya na talaga kayo babawi na lang ako susunod" sagot ko

"Sayang naman.. Hindi bale, sa sususnod na lang. Magkita na lang tayo bukas, mauna na kami" saad ni Sheryl

"Uhm, mag-ingat kayo" saad ko

Hindi ko napansin ang kamay ko na winawagayway sa kanila habang paalis sila. Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ito ngayon. Never pa akong nagpaalam sa mga naging kaklase ko ng ganito kasaya.

Sumakay narin ako ng bus pauwi sa amin. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na papasok palang sa pintuan kaya tinawag ko siya.

"Mama!"

"Oh, Dewey nakauwi ka na pala. Kumusta ang first day mo sa school na iyon? Mababait ba sila sa'yo?" tanong ni mama sa akin

Araw araw kong naririnig kay mama ang tanong na iyan kapag umuuwi ako ng bahay galing sa school at araw araw din akong nagsisinungaling sa kaniya na sinasabi kong okay lang ang lahat, mababait na tao sila at masaya ako kapag pumapasok, at sa bawat kasinungalingan na iyon nakatago ang lahat ng mga pasa mula sa katawan ko.

Pero ngayon...

Ang salitang "Okay lang ma" at "Masaya" ay hindi na isang kasinungalingan pa.

Lumakad ako ng dahan dahan papalapit kay mama at pakiramdam ko na parang maiiyak ako sa mga oras na iyon.

"Mama"

"Oh? Bakit?"

Niyakap ko ng mahigpit si mama at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya habang yakap yakap siya. Sobrang saya ko dahil nakauwi ako ngayon sa bahay na walang dalang pasa sa katawan na resulta ng pananakit at pambubugbog na galing sa ibang tao.

"Bakit? Umiiyak ka ba? May nangyari ba?" tanong ni mama

"Wala naman po. Masaya lang po ako ngayon mama, s-sobrang saya ko po. Mababait po sila sa akin, Kasabay ko rin po silang kumakain. Okay lang po ang lahat mama" saad ko habang patuloy parin sa pag-iyak

"O-oh... Halata ko nga na sobrang saya mo, pero sigurado ka bang walang nangyari?"

"Hmm.. Okay na okay po ako ngayon. May hihilingin lang po sana ako sa inyo, kahit sandali lang po.. gusto ko pa po kayong yakapin ng ganito kahigpit" saad ko

Ramdam ko naman ang pagtapik sa akin ni mama sa likod habang patuloy parin ako sa pag-iyak. Simula ngayon, bukas at sa mga susunod na araw, kampante na akong sasagot palagi sa mga tanong sa akin ni mama.

Kaya Dewey ayos na ang lahat, magiging maayos na ang lahat simula ngayon.

Let's start again!