Chereads / PLAY ALONG / Chapter 21 - CHAPTER 22

Chapter 21 - CHAPTER 22

(Warning: Mature Content🔞)

"K-kevin, please Mag-usap naman tayo" Napa hinto kami sa pag lalakad ni kevin ng may humarang na babae.

Tila nag mamaka-awa ito. Maganda sya at sosyalin ang itsura. ngunit mababakas ang lungkot sa mukha.

Napa tingin naman ako kay kevin. walang emosyon ang mukha nya. gwapo si kevin, descent man kung maituturing.

"Wala naman tayong dapat pag-usapan."malamig na saad ni kevin. mas lalong lumalim ang pag hinga ng babae at kumawit sa braso ni kevin.

"Kevin, i don't love him. hindi mo lang naiintindihan."Kunot noo syang hinarap ni kevin.

"You don't love him? pero papakasalan mo sya— engage ka sakanya." may kirot sa tono nya.

Ayoko makinig sa kanila kaya nauna na akong mag lakad. Hindi dapat pinapakinggan ang usapan mg may usapan.

Ilang araw na rin ang nag daan ng mangyari ang naganap samin ni maui. Nakaka inis dahil hindi ko man lang sya sininghalan or nagalit sakanya. basta nalang ako lumabas ng silid na yon ng lutang at ang masaklap pa ay nakipag kasundo ako sakanya na ituloy ang mga ganong eksena na ikakayanig ng kaibuturan ko.

Huminto ako sa paradahan ng jeep, dito ko nalang hihintayin si kevin.

Tumingala ako sa mataas na gusali na sa pag kaka-alam ko ay mall. hindi pa ako nakaka pasok sa mall pwera sa hotel na pinag dalhan sakin ni maui. hotel naman kase yon e.

Hayst sinungaling si maui, ang sabi nya dadalhin nya ako sa mall pag kumikita na sya ng pera, pero iniwan nya ako.

Napa buntong hininga nalang ako at lumingap sa paligid. "Gusto mong mag mall?" tanong ng isang baritonong boses.

Nasa likod ko sya pero amoy ko ang panlalaki nyang pabango. Pumaling ako sakanya naka black long sleeve sya na naka tupi hangga siko, naka baba ang buhok nya na nag mukhang bangs parang itsurahan ng mga koreano.

"Ayoko, kailangan ko ng umuwi, may assignment ako na kailangan tapusin." lumapit sya saakin at tumabi sa gilid ko.

Napa distansya ako sa ginawa nya. Nang may humintong jeep na patungong del pilar ay dali-dali akong sumakay. nakaka paso talaga si maui, para syang nag liliyab.

buti nalang at konti lang ang mga tao kaya umupo ako sa may bandang dulo pero laking gulat ko na pati si maui ay sumakay at umupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo? 'di ba may sasakyan ka. hindi ka naman taga pilar" Napa ngisi lang sya sakin at hinugot ang wallet nya. kumuha sya ng isang libo—tag iisang libo lang ang laman ng wallet. Iniabot nya sa driver.

"Dalwa sa pilar, keep the change po" Napa tanga ako sa ginawa ni maui.

"Nako, Maraming salamat po. malaking tulong po ito."nginitian lang ni maui ang driver.

"Hoy! ano bang balak mo?" tanong ko sakanya sa mahinang boses nakaka hiya kase dahil may ibang pasahero.

"Balak kong tulungan kang umuwi" naka ngiti lang sya sakin. Nakaka rupok talaga yung ngiti nya.

"Mukha ba akong lumpo? kaya kong umuwi mag-isa. naka limutan ko, kasama ko pala dapat umuwi si kevin." pumaling ako sa unahan upang tignan ang daan. kinakabisado kopa kasi ang dinaraanan ko kung sakali man na wala akong pamasahe, pwede akong mag lakad.

"Dumadalaw din ba si kevin sa boarding house nyo?" malamig syang naka titig sakin, parang mananakal.

"Hindi. no boys allowed doon e" Nakaka hiya dahil mukha syang yayamanin tapos makikita lang nila na sumasakay sya ng jeep.

Naka tingin sakanya ang ibang pasahero ang iba dito ay mukhang estudyante pa at mukhang kinikilig sakanya.

Dahil sa irita ay kinuha ko ang kamay nya at isinukbit sa balikat ko. maugat pa ang kamay nya, nakaka himatay.

Napangisi naman sya at sya na mismo ang nagsumiksik saakin. Kapal ng mukha ko.

Tahimik lang ang byahe at may awkwardness dahil namimilipit sa kilig itong mga estudyante.

Bumaba ako at mabilis na tinungo ang eskinita. hinayaan ko lang syang sumunod saakin. bahala syang mapagalitan sa HH ng BH.

Bumungad agad saakin ang mga boardmates ko na nag chichismisan. ang lakas pa ng tawa ni Cindy, hindi ko alam kung nag-aaral nga ba ito e dahil kagabi madaling-araw na umuwi ang iksi ng suot na damit at tila lasing pa.

"Hi yssa!" malakas ang boses na bati nya. ngumiti lang ako sakanya at dumiretso sa kwarto.

Narinig kopa na may napa tili sa labas pero kalaunan ay tumigil din.

Isinawalang bahala ko nalang iyon at nag bihis ng pang bahay. wala parin hangga ngayon si yumi. Ang sabi nya nasa rizal sya kahapon kasama si caloy.

Napanatag naman ako dahil mukhang hindi naman sya papabayaan ni caloy.

Sumampa ako sa kama at inayos ang unan ko naka luhod pa ako dahil malaki ito. hindi kase ako sanay na maliit lang na unan kaya, kumuha pa ako ng isang unan sa bodega nitong boarding house at pinag sama ang unan ko.

"Matutulog kana agad ng hindi kumakain?" Mabilis pa sa alas kwatro akong nag tago sa ilalim ng kumot pero umupo rin ng maayos ng ma-realize na si maui 'yon.

Tumikhim ako at tinitigan sya. "Privacy. hindi mo ba alam yon?" tanong ko sa walang kabuhay buhay na boses.

"Kanina pa ako nandito ngayon mo lang napansin?" nangunot naman ang noo ko. naka sandal sya sa pinto habang naka halukipkip ang mga braso sa dibdib. mataman syang naka tingin saakin.

"A-akala ko kasi binawalan kang maka pasok—pano ka naka pasok?" inayos ko pa ang kumot upang matakpan ang hita ko. ibig bang sabihin nakita nya akong nag bihis?

Lumapit sya sa kama at umupo sa dulo nito. "Simple lang, dahil gwapo ako" sabay kindat nya sakin.

"Kapal ng mukha mo"inirapan ko nalang sya at tumayo. Kumuha ako ng manipis na jacket at isinuot iyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ni maui at sumunod saakin.

"Sa labas bibili ako ng noodles"pipihitin ko na ang pinto ngunit pinigilan nya ako, hawak nya ang pala pulsuhan ko.

"Mag panjama ka nga" Napa yuko naman ako sa mga hita ko ang suot ko kasing bestida ay aabot lang sa taas ng tuhod.

Napa irap nalang ako at nag tungo ulit sa closet kumuha ako ng panjama. Isinuot ko iyon patalikod sakanya.

"Pwede na?" pabalang kong saad at nag daretso na sa pinto.

Pag pihit ko ng pinto ay ang pag bagsak si cindy at ibang boardmates sa sahig.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sakanila. mukhang nakikinig sila sa pinag uusapan namin ni maui.

Lumingon naman ako kay maui na mukhang natatawa, Nag kibit balikat lang sya.

"Y-yssa, E-eto kasing mga kasama natin nag tutulakan, sakto sa pinto mo kami bumagsak" naka ngiwi nyang sambit. nag peace sign pa sya at kumaripas ng takbo maging ang mga kasamahan namin.

Napapa-iling nalang ako na Lumabas habang si maui ay naka sunod lang saakin. "Malayo ba ang tindahan?" tumingala ako kay maui at umiling.

"Meron talagang tindahan sa loob ng boarding house pero mas gusto kong pumunta sa mini-mart. Doon kase yung mga noodles ipapa-init nalang. tsaka masarap kumain ng gabi doon walang katao-tao, nasubukan ko yun kagabi nung hindi umuwi si yumi.

"Hindi pa nauwi si yumi. baka naman may balak pa syang i-uwi ni caloy" Nag-aalala narin ako, may pasok na kase bukas.

"I-uuwi yon ni caloy ng ligtas, Mabuting tao si caloy." ngumiti ako kay maui. sana nga.

Nang maka rating kami sa mini-mart ay kumuha agad ako ng instant noodles at nag lagay ng mainit na tubig. Hindi ko alintana na nakasunod si maui saakin.

"Ang bilis mong masanay dito sa maynila"kumuha sya ng dalwang canned bear.

"Mabilis akong masanay sa mga bagay na kailangan kasanayan ko. Nakipag sapalaran ako dito kaya kailangan kong mag tiis." Hinintay kong uminit ang noodles at kumuha ng tinidor na plastic.

Ibinigay nya sakin ang isang canned beer at umupo sa katabi kong stool.

"Hindi ako nainom ng bear, meron namang mineral dito." sumubo ako ng noodles.

"Kaya gustong gusto kita e, lahat gagawin mo matupad mo lang ang pangarap mo"

"Ehem*" Napa-ubo ako dahil sa sinabi nya. nakikita naman nyang kumakain ako tapos mag sasalita sya ng nakaka rupok.

"Ayos kalang— uminom ka" ibinigay nya sakin ang canned bear na nabuksan na nya.

Sinamaan ko sya ng tingin "Balak mo bang mambwiset!?" mas naging seryoso naman ang itsura nya at tumayo, nag mamadali syang umupo ulit at binuksan ang bote ng mineral.

Mabilis ko na hinablot sakanya ang bote at tinungga ito. siraulo ang loko, balak ata akong patayin ng maaga.

"Umalis kananga, wala kang magandang maidudulot dito." Nag patuloy ako sa pagkain, habang sya ay ngingiti-ngiti lang na parang tanga.

Nag patuloy lang ako sa pagkain habang sya naman ay inisang lagok ang canned bear. Mukhang balak lang akong titigan ng mokong.

Tumayo na ako at nag tungo sa counter upang mag bayad ng kinain. Kinapa ko ang panjama at jacket ko, nanlaki ang mata ko ng mapag tanto ko na hindi ko pala dala ang wallet ko.

Lumingon ako kay maui na naka ngisi at tila tinatanong ako kung bakit.

"Miss wait lang" tumango naman ang cashier. nilapitan ko si maui na prente paring naka upo.

"M-maui" tiningala nya ako at itinaas ang dalwang kilay. bwiset talaga!

"B-bayaran mo yung kinain ko—muntikan na 'kong mamatay dahil sayo"Mataray kong saad.

Natatawa naman syang tumango. "Babayaran ko pero, dito muna tayo" tinapik tapik pa nya ang stool.

Pairap ako na umupo sa tabi nya at ngumiti ng pake. " Ang sungit mo kasi sakin, ayan tuloy ni-karma ka" Lumingon ako sa pinto ng may pumasok na costumer.

"Hindi ako masungit, sadyang nabubwiset lang ako sayo" pinag cross kopa ang kamay ko.

"Let's make a deal yssa." seryoso nyang saad. kinunotan ko sya ng noo. Wow ha, dinaig pa ang mga professional business man, pero kung sabagay ganon naman sya hindi ba.

"Anong deal naman yan?"taas kilay kong saad. Kinuha nya ang wallet at may inilabas na white card.

"This is attorney Gomez." inilahad nya sakin ang card na agad ko namang tinanggap at binasa. attorney nga.

"He's the most powerful attorney in town. Lahat ng kasong hinahawakan nya, napapanalo nya." umayos ako ng upo at tinitigan ang card.

Mukhang alam ko na ang gustong iparating ni maui. "Matutulungan ba nito ang papa ko?"

"of course, ang kailangan lang ay mai-open ulit ang kaso ng papa mo" Matagal narin kasi 'yon pero nakaka pag taka na hindi man lang nila inimbestigahan ang tunay na nangyari at case closed agad.

"ilang dekada pa bago makalabas ang papa mo" Tama sya. maraming taon ang nasayang ng wala man lang kaming alam kung ano ang tunay na nangyari, masyado kaming nagpadala sa mga taong galit saamin.

"Galing ba 'to sa gobyerno, yung PAO?" umawang naman ang bibig nya.

"Hindi ba meron mga attorney na hindi kailangan bayaran, gusto kong humingi ng tulong sakanya para sa kaso ng papa ko" humalakhak naman sya ng mahina na ikina-taka ko.

"Walang nag tatagumpay na kaso ng hindi binabayaraan ang attorney, kaya para sa mga mahihirap bulok ang sistema ng gobyerno. Walang hustisya hustisya sa mga mababa. Hindi nabibigyan ng hustisya ang mga mahihirap." kinuyom ko naman ang aking kamao.

"Yssa, pera ang umiikot sa mundo. Ang hustisya ay para lang sa mayaman, Para lang sa may pera."

"Paano ako matutulungan nyan?" may kung anong kislap sa mata ni maui ang nagpa tindig ng balahibo ko.

"I can pay him." napa lunok naman ako. Seryoso syang naka titig saakin, titig na hindi mo mababa sa ang naro'n.

"H-hindi na pala." nag iwas ako ng tingin. Hindi ko kailangan ng tulong ng iba, gusto kong mag kusa.

"Why? are you scared na magkaroon ng utang na loob sa iba o saakin?" lumapit sya sakin.

"B-bakit naman ako matatakot mag karoon ng utang na loob, Gusto ko na nga na maka labas si papa at makamit ang hustisya." May kapalit lahat ng pag tulong.

Saglit kaming natahimik. "Kung sakali ba na matulungan mo ako makakuha ng abogado, makaka laya ba ang papa ko?" inosente kong tanong. Baka mapunta lang sa wala ang lahat, natatakot ako.

"Kalaban ang gobyerno kung sakaling mag bukas ang kaso. lalo na malapit na ang eleksyon. ayaw nilang mawala ang mga taong mahihirap na may tiwala sakanila, sigurado ako na gagawin din nila ang lahat upang madiin at mapunta sa wala ang kaso ng papa mo, Gov. quimbao is demon, sya ang tumulong sa mga pamilyang napinsala nyo. I'm sure gagamitin nya 'yon." Gov. quimbao is the Laguna's Governor.

"Kung ganon, payag akong tulungan mo 'ko" bigla nalang gumulo ang isip ko. mahirap pala talagang ma-open ang kaso.

"it's good that you agreed. Do not worry. Your father's case will win, I will also ask my private investigator to investigate what happened eight years ago." Ito ba ang solusyon nya para bumawi?

Ipinilig ko ang nasa isip. "S-salamat" tipid na ngiti ang ibinigay ko. Mayaman si maui. Makapangyarihan na rin sya pero ikinatatakot ko, baka mabaligtad ang kaso at madagdagan ng panibago, sya nanga ang nag sabi. maraming nagagawa ang pera.

"Deal?" tanong saakin ni maui. saglit akong nag isip at tinitigan sya. Ano man ang mangyari gagawin ko ang lahat.

"Deal."

P/S:WRONG TYPO/GRAMMATICAL ERROR.