Lumipas ang oras, araw, linggo, buwan at taon. Naging ganon ang routine ng mga bidang karakter, hindi naging madali kay yssa na hanapin ang mga kasagutan sa kanyang tanong ngunit sa tulong ni maui ay nabigyang linaw ang lahat. Napag tanto ni yssa na may naka-alitang mag-sasaka ang kanyang ama kaya nagalit ito at sinunog ang bukid pero hindi nito inaasahan na buong hacienda ang madadamay.
Napawalang sala ang kaso ng ama, nakulong ang mag sasaka na dapat ay no'n palang ay nakulong na. Sa mga Sagot na ito ay na nasolusyonan naba talaga ang totoong problema?
Naging maayos ang pamumuhay ni Clary, nakaka lakad na talaga ito. Hindi na nya inisip ang naging reaksyon ng ina ng malaman na nakaka lakad na pala ito, habang si henry naman ay patuloy parin syang dinadalaw at dinadalhan ng mga pasalubong, tanggap ni Clary na hangga do'n lang ang relasyon nila. Ang relasyon na hindi matatanggap na kung sino man ang makaka-alam pwera sa ina ni clary, komplikado pero pinag patuloy nila.
Samantala hangga ngayon ay nag papaka tanga parin si yumi sa aroganteng si caloy tila nananaginip ito ng gising, nahihibang pero sino ba ang mga tao para husgahan sya? Ang mahalaga ay wala syang ina-apakan na tao hindi tulad ng mga kaibigan nya.
TATLONG TAON. sa mga taon na yan ay nakapag tapos si yssa, naka kuha ng magandang trabaho bilang isang head manager sa kompanya ni maui, hindi nya dapat tatanggapin ang offer pero naisip nya na sayang naman ang napag-aralan. Head sya ng isang departemento sa kumpanya at ang mga magulang nya ay nanatili sa probinsya every month nya naman itong dinadalaw, nakapag patayo ng tindahan ang ina nya at ang ama naman nito ay tinutulungan nalang ang asawa sa pag sidewalk vendor. malaki ang tindahan ng barbeque nila kaya medyo umaahon narin kahit pa-ano. Wala lang sakanya ang mga hinala tungkol sa kung anong ipina hihiwatig ni maui. wala naman kasi silang relasyon at ang alam lang nya ay bumawi lang ito sa panahong iniwan syang walang karamay. Pero hindi na ata maganda itong nararamdaman nya. May epekto ang bawat titig, pakikipag usap at ngiti ni maui sakanya.
Habang si Clary naman ay isa ng guro sa kanilang probinsya. Oo at mayaman sila pero mas gugustuhin nalang nyang mamuhay sa kung saan man sya masaya, kung dati ay pangarap nya ang pag momodelo ngayon ay mas gugustuhin nalang nyang turuan ang mga musmos na bata sa kanilang bayan. Hindi naman naging tutol ang ina nya, mukhang wala naman kase itong pake sakanya sa una palang at ang gusto lang nito ay yaman. dalwang beses sa isang linggo kung dalawin sya ni henry, wala naman nangyayari sakanila dahil nirerespeto sya ng lalaki at mas gusto nilang mamasyal sa mall at mamili ng ireregalo sa mga batang tinuturuan. Maling mali ito lalo na kawawa ang may bahay ni henry, pero anong magagawa nya? sya ang mahal ni henry at mahal din nya ito.
Si Yumi naman ay naging chef sa pinaka sikat na hotel sa bansa. Naging matagumpay ang pag tatapos nya. binalak narin nyang dalhin ang pamilya sa maynila upang mag sama-sama sila doon. Sa loob ng tatlong taon ang relasyon nila ni caloy ay parang kahoy na marupok. Madaming beses na kasing nakita ni yumi na may kasamang ibang babae si caloy pero sa tuwing lalambingin sya nito ay bati na uli sila, kung minsan ay ibibili pa sya ng mamahaling bag, damit mga alahas at iba pa, meron din syang nakukuhang pera galing dito. Hindi naman yon ang hiling nya, gusto lang nya na makuntento ang lalaki sakanya.