(Strong language 🔞)
Yssa's PoV
"Happy birthday, clary" ibinigay ko ang regalo ko sakanya at niyakap sya. sa tuwing dumadalaw ako dito sa laguna kada buwan ay parati ko rin syang binibisita.
"Maraming salamat yssa, pumunta ka" ngiting saad nya. Nandito kami sa sala ng kanilang mansion, hindi naman sya nag imbita ng mga bisita kahit ang ina nito ay wala nga dahil busy sa kompanya.
"Hindi ba talaga dadalaw si yumi dito?" Napa buntong hininga naman ako. Sa pag daan ng panahon naging mailap si yumi samin. hindi ko maintindihan pero tila nagkakaroon na ng lamat ang pagkakaibigan namin.
"Sinubukan ko naman syang kausapin pero hindi ko batid tila may hindi sya sinasabi." napa iwas naman ng tingin si clary.
"Alam mo naman siguro ang dahilan nya hindi ba?" Nakukuha ko ang ipinupuntoni clary.
"Dadalawin kaba ni henry?" Nag salin sya ng juice sa baso at ibinigay saakin.
"Pupuntahan nya daw ako pag tapos na nyang asikasuhin yung papeles sa kompanya nya." Mapait syang ngumiti.
"Nga pala, Mag dodonate ako ng pera sa charity at bibigyan ko ng sorpresa ang mga istudyante ko." Mabuti naman at hindi nag mana si clary sa ina neto. Nakikita ko naman na masaya si clary kahit pa komplikado ang sitwasyo nya. Sino ba naman ako para husgahan sya.
Lumipas ang oras at nag kuwentuhan lang kami hangga sa napag pasyahan ko na umuwi na kina mama.
Pag labas ko ng mansion ang syang pag pasok naman ni henry. Ang bango ng panlalaki nitong pabango.
Ngumiti lang ako sakanya at nag diretso na sa pag-alis. 11 years narin ng una kong makilala si henry sa simbahan. Hindi ko alam pero may iba talaga akong nararamdaman kay henry. Parang ang gaan ng loob ko sakanya.
"Ma, Pa" salubong ko kina papa nasa pinto palang ako habang sila naman ay nag hahapunan.
"Anak, mabuti at nandito ka, halika saluhan mona kami" saad ni mama. Tumayo pa sya upang kumuha ng plato. Umupo ako sa bakanteng upuan at nag mano kina mama at papa.
"Kumakain kaba ng maayos sa maynila?" pumaling ako kay papa at ngumiti.
"Opo papa, sapat naman po ang pera ko tsaka gusto kopo na mag-ipon para mabili ang lupa sa pila, doon po ang magiging farm natin." balak kong bilhin ang dating lupa namin pero property na pala ito ng mga Rivera, pag mamay-ari na nila clary.
"Ano kamo? bibili ka ng lupa?" masungit na saad ni papa. Napa hinto naman ako sa pag kain.
"Pa, Ma. Gusto ko po na mag simula tayong muli."
"Hindi na kailangan. sapat na ang pag bebenta namin ng tuhog-tuhog" Mukhang wala talagang balak si papa mag patayo ng bukid.
"P-pwede naman natin subukan, hindi ba?" malungkot kong tanong.
Bumuntong hininga si mama. "Anak, Tama na itong trabaho namin. Ang unahin mo nalang ang sarili mo, matanda narin naman kame ng papa mo." Tinitigan ko muna sila ni mama. alam ni papa na tinlungan kami ni maui, yon lang ang alam nila.
"Dito kaba matutulog?" Tumango ako at nag patuloy sa pag kain. siguro babyahe nalang ako ng alas kwatro. ilang oras lang naman bago maka rating sa maynila e.
Sinipat ko ang maliit na kahon na naka lagay sa drawer ko. umupo ako at binuksan iyon. andoon pa ang mga hairclip ko at kwintas na pang bata meron din mga singsing at litrato ko na kasama si clary at maui, meron naman na kaming tatlo ni yumi, ako at si clary.
"Ang bilis ng panahon." Ang cute tignan ng litrato. tinignan ko pa ang ibang kagamitan at do'n nakita ang prunseras na binili namin nila maui at clary nung first time namin mag tyangge sa kabilang bayan.
"Nakaka miss yung panahon na 'yon" Maluha luha akong ngumiti at ibinalik ang mga gamit sa kahon at itinago sa drawer. humiga na ako sa higaan at doon ay nag palamon sa antok.
Nasilaw ako sa nakaka silaw na liwanag tila nasa kalagitnaan ako ng malawak na hardin. tanging halakhak lang ang maririnig. May bata na nag lalaro ngunit malabo ko siyang masilayan hangga sa nag iba na ang halakhak na iyon. Iyak— iyak ng bata at unti-unting binabalot ng kadiliman ang paligid. Tila natatakot ito, natatakot sya sa dilim.
Napa balikwas ako na habol ang pag hinga at kasabay nito ang pag tunog ng alarm. Alas kwatro na pala.
Napa hilot ako sa sentido. May trabaho pa pala ako. Mabilis akong natanggap sa isang kumpanya, sa kumpanya mismo nila maui kahit na baguhan ay napa bilang agad ako sa isang departemento bilang isang head manager. Isang buwan ako nag training at ngayon ay tatlong na buwan na akong nag tatrabaho doon.
Nag madali akong maligo at nag-ayos sinuot ko na ang long sleeve ko na fitted at naka bukas ang butones sa itaas habang kulay abo naman ang pensil skirt ko at kulay itim na stiletto heels.
Lumabas ako ng kwarto, sigurado tulog pa sina papa kaya mag iiwan nalang ako ng note sa lamesa. Hindi na ako kakain siguro ay doon sa kumpanya nalang dahil libre lang naman ang mga pagkain do'n.
Sumakay na ako ng bus sa terminal at naupo sa bandang sulok. madilim pa. masarap talagang bumyahe ng madaling-araw dahil langhap na langhap ang sariwang hangin.
Dumiretso ako papasok ng kompanya mga 6:30 narin may trenta minutos pa 'ko para mag almusal.
"Good morning mamang guard. kumain na po ba kayo?" maligayang tanong ko sa guard.
"Nako magandang umaga ineng, Kape lang sapat na sakin." Nginitian ko ito at nag daretso na sa pag pasok. Konti palang ang mga empleyado na naririto. Nag tungo ako sa cafeteria nitong kumpanya at kumuha ng donut at gatas. sapat na sakin yon para magkaroon ng laman ang tiyan.
Lumabas ako ng cafeteria na sakto naman na pag sindi ng ilaw sa may malaking litrato sa itaas paakyat sa entrada ng mga naka display na pabango. Iyon kase ang produkto ng kumpanya dito ang Malishka's perfume company. I'ts a Russian perfume product.
Sikat na sikat ito sa iba't-ibang panig ng asya. kaya naman maswerte ako at naka pasok sa kumpanyang ito.
Ang litrato ay pamilya Alvarez at Monteverde ang pamilya alvarez ay ka negosyo ni maui kaya napa bilang sila sa litrato si maui lang ang nag-iisang Monteverde—Mali dalwa pala sila.
Ang asawa nya na si Victoria ay naka upo sa magarang-upuan habang si maui naman ay naka tayo sa gilid nya. Hindi ko nga ina-asahan na sya pala ang mapapangasawa ni maui, ito kase yung babaeng nakiki-usap kay kevin.
Tila may pumiga sa puso ko sa salitang asawa. Hindi na talaga kami katulad ng dati. kung dati ako yung tinitingala ni maui, ngayon ito ako, naka tingin sa mataas na litrato na may mukha nya. Kilala na napa bilang sa youngest CEO sa asya.
Huminga muna ako ng malalim at ngumiti. Nag tungo na ako sa aking departemento at inayos ang aking cubicle. parang nasa call center lang kami.
Inopen ko ang laptop at agad na bumungad sakin ang mga files na kailangan i review at e-print-out ng mga ka-team ko upang pirmahan ng mga board members at may mataas na ranggo sa kompanya.
"Yssa, paki assign mo nalang yan kay mario sya na ang mag rereview ng files" Kunot noo ko naman tinignan si ambry. may dala pa itong lemonade. ayst favorite!
"Bakit naman?"Inayos kopa ang mga folder na irereview ko bukod pa sa nasa laptop.
"Ipinatatawag ka ni director alvarez" Bigla naman akong kinabahan. Balita na masungit ang father in law ni maui.
"May mali ba sa ginawa natin?" head manager ako dito sa department kaya malamang damay din sila.
"Hindi ko alam, basta ka nalang pinatawag e" bumalik na sya sa katabi kong cubicle. napa isip naman ako kung bakit ako pinatawag at nag madaling umalis ng department.
Nag tungo ako sa elevator at pinindot ang 7th floor kung saan ang directors office. Kinakabahan ako baka kasi matanggal ako sa trabaho, pero ano naman ang ginawa kong mali para ipatawag?
Nang bumukas ang elevator ay tense lang ang nararamdaman ko. pumihit ako paharap sa pinto ng office si Mr. alvarez.
Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at mabilis na bumalot sakin ang lamig na galing sa Aircon.
Maganda at malinis ang opisina mukhang modern ang style. Nakita ko agad si Mr. Alvarez na busy sa pag tipa ng laptop.
"M-mr. Alvarez" agaw atensyon ko.
Humarap naman ito ng walang ekspresyon saakin.
"Come in, have a sit." Tumuloy ako at umupo sa katapat na silya.
"How can i help you Mr. alvarez may problema po ba sa mga files na nasa-submit namin?" Kung meron man ay baka magawan ko ng paraan.
May kinuha syang papel at binasa ito. "1 month training and 3 months as a head manager?" hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas kaya napa kapit ako sa laylayan ng skirt ko. Illegal ba akong pinasok ni maui dito?
"That's unbelievable. Halos lahat ng mga empleyado dito tatlong buwan na nag training kahit na may experience sila but you, you did it, even tho wala kang experience." nilipat nya ng ibang pahina ang papel.
"Nakapag tapos ka ng business administration. Valedictorian. well, hindi sapat ito para maka pasok ka ng ganon kadali." Parang gusto kong bumaon sa lupa. anong sasabihin ko. na ang CEO ng kumpanya ang nag pasok sakin dito?
"K-kase p-po—"
"Dad!" Malakas na tinis ng nasa pintuan. nilingon ko ito at parang nag sisi pa ako sa pag lingon.
It's victoria with her husband, maui.
"My princess" Parang bata na lumapit si victoria sa ama at nakipag beso.
dumaan din sa gilid ko si maui at amoy na amoy ko ang panlalaki nitong pabango. Napaka tikas talaga ng katawan nya bagay sakanya ang suot na dark blue na long sleeve na tinupi hangga siko.
Hindi man lang ako nilingon. "Dad" Bati din nya at nakipag kamay.
Tila hangin akong hindi pinansin ng mga ito. "How's the love birds?" pangunguna ni Mr. alvarez.
Kumapit naman ang kamay ni victoria sa braso ni maui at ngumiti. "We're good dad" Napa yuko nalang ako.
Bagay na bagay nga silang tignan dahil parehas silang mayaman. Maganda at gwapo.
"Aww. I'm sorry dad, naistorbo kita. I just want to visit you." sinulyapan ko si victoria na naka ngiti saakin.
Hindi ko alam kung gagantihan ko ba ito ng ngiti hangga sa dumapo ang paningin ko kay maui na naka tingin din saakin.
"Yssabella Iris Montero, ipapa tawag nalang kita ulit tungkol sa problema."Buong pangalan pa talaga ang itinawag saakin. Tumango naman ako at yumuko.
"Is there any problem dad?" Baritonong boses ni maui.
"Yes, Nakapag tataka na ganon sya kadali natapos mag training. 4 months na sya dito sa company at ngayon ko lang nakita ang background nya." Silang tatlo ay naka tingin sakin.
Kung kanina ay gusto kong bumaon sa lupa ngayon ay parang gusto ko nalang mawala bigla na parang bula.
"Ako ang nag pasok sakanya bilang head manager ng Eye department and i decided na one month nalang sya mag training." Pumaling naman si Mr. alvarez kay maui.
"Unfair naman sa ibang employees. May nagawa na bang maayos 'to sa company?"Tumikhim si maui.
"As you can see maayos na na poproseso ang mga papeles na pinipirmahan natin sa pag print-out ng team nya. Sya ang nag rereview ng mga documents natin. there's nothing wrong."
"Sabihin mo kung ano ang nagawa mo in 3 months" saad ni Mr. alvarez saka umupo. seryoso? sa harap ng anak at asawa ng anak nya?
"Mabilis po namin na nare-receive ang files na galing sa iba't ibang company. nirereview po ito ng maigi bago e-print-out at i-submit sainyo. Tuloy tuloy lang po ang ganong pamamaraan namin sa tatlong buwan wala naman pong naging aberya."
Tumango tango si Mr. alvarez. " I will give you a chance. ngayon lang ito na may nag training sa company ng isang buwan lang. You may go" Yumuko muli ako at pumihit paalis nakita ko pa sa peripheral vision ko na sakin naka tingin si maui.
Nang maka labas ako ang syang pag hinga ko ng malim para akong napupot sa loob at hindi maka hinga.
Nag tungo ako sa department namin at naupo sa pwesto ko kumuha ako ng tubig at uminom.
"Anong sinabi ni director alvarez?" tanong ni ambry. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang problema.
"Wala. may pina-check lang" Nag tipa nalang ako sa laptop at ni-review ang mga incoming files.
"Mukha kasing tense ka e" Ngiti lang ang binigay ko sakanya. totoo naman kase.
Hindi umubra ang gatas at donut na kinain ko upang tumibay ang sikmura, giniba lang ito bigla ni Mr. alvarez. Na-iihi tuloy ako.
Nag mamadali akong nag tungo sa restroom. may naka bungguan pa akong lalaki pero hindi ko ito pinansin. ihing-ihi na talaga ako.
Pumasok ako sa isang cubicle at doon nag labas ng kilig. pumunta ako sa sink upang mag hugas ng kamay pero may humablot sakin at ipinasok ako sa dulo ng cubicle.
Habol hininga kong tinignan ang lapastangan na humablot saakin.
"M-maui" Naka ngiti nya akong tinitigan hangga sa dumapo ang tingin nya sa labi ko.
"How are you?" he finaly ask.
"I'm good. bakit ka nandito? lady's room ito." baka may naka kita sakanya.
"Sinundan kita. hindi mo kase ako pinansin nung nabunggo mo ako." nag iwas naman ako ng tingin.
"Ihing-ihi na kase ako e" Narinig kopa na may pumasok sa isang cubicle kaya inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko. Ngumiti lang sya na parang tanga.
dahan-dahan nyang isinara ang toilet at doon umupo kalaunan ay ipina-upo nya rin ako sa lap nya.
Naririnig pa namin ang tao sa kabilang cubicle kaya naman hindi muna kami nag salita.
Nakikinig lang ako kung aalis naba ito. dahil hindi ko kayang mag tagal na naka upo sa kandungan ni maui.
Hangga sa umalis na ang tao sa kabila. rinig kopa ang pag bukas sara ng pinto.
"Bakit hindi ka pumunta sa birthday ni clary?" akma na akong tatayo ng paupuin nya muli ako.
"Siguradong hindi magugustuhan ni henry pag pumunta ako doon." He hugged me at the back.
Ilang years narin ang nakaka hipas pero hindi parin ako sanay sa presensya ni maui. Sa ina-akto nya kapag kasama ako. Kaibigan ko si maui at hangga do'n lang iyon.
"Maui, nasa cubicle tayo. dito kapa tinopak landiin ako." Napa halakhak naman sya.
"Ayaw mo ba na landiin kita?" bulong nya sa tainga ko dahilan upang tumaas ang balahibo ko sa batok. Napa pikit pa ako sa kakaibang kiliti na iyon. Ang init ng hininga nya.
Ngumuso ako at humurap sa kanya sabay iling. "Ayaw. May asawa ka e"
Naging seryoso naman ang mukha nya at mataman akong tinignan, May kakaiba sa titig nya na nag hihipnotismo sa 'kin.
"If you love the first one. You can never be in love to someone again. If I have first and second choices I will choose the second one." Why? Maamo ang matang naka tingin ako sakanya.
Ano 'to pag kuha ng course na kapag hindi mo pala gusto yung una yung pangalwa yung pipiliin mo?
He looked at me intensely. Do He need to choose the second one just because he didn't love the first one? I thought at the first place I was the only one in his heart and not the second. But lucky me he choose me even if I'm just his second option.
"Yeah, that's great choose the second option instead. " ngumiti ako sakanya. I was shocked! he kissed me.
P/S: WRONG GRAMMATICAL ERROR/ WRONG TYPOS!