Chereads / PLAY ALONG / Chapter 23 - CHAPTER 24

Chapter 23 - CHAPTER 24

(Warning:Mature Content 🔞)

Yumi's Point Of View

"Yumi, nadala mo ba yung libro mo? nakalimutan ko kase yung akin." Nabulabog ang pag kakatulala ko ng kausapin ako ng kaklase ko.

Lumingon ako sa kaklase na si kendra. Namumula ang mata nito at mukhang magdamagang umiyak.

"Oo, dito ka tabi tayo" ngumiti naman si kendra at umupo sa bakanteng silya katabi ko.

"Ayos kalang ba. anong nangyari sayo ba't namumula mata mo?" tuloy-tuloy na tanong ko.

Inilagay naman ni kendra sa armchair ang kamay do'n ay napansin ko ang singsing na suot nito.

"K-kasal kana?" kahit na alam ko na ang sagot ay nakuha ko parin itong tanungin. At hindi lang 'yon kilala ko din kung sino ang asawa neto.

Tamango si kendra at ngumiti ng mapait. "Yes, at the young age, kailangan kong maikasal."napa kunot noo naman ako.

"Kailangan?" Anong ibig nyang sabihin. hindi ba ang kasal ay para sa dalwang taong nag mamahalan?

"Hindi ko alam kung pwede ko bang sabihin sayo 'to..." tumingin muli sya sa singsing na suot.

"Hindi naman tradisyonal ang kasal namin at hindi ito tungkol sa dalwang taong nag mamahalan."

Hindi lang pala sya ang weird siguro buong buhay at pamilya nya weirdo. Napa ngiwi naman ako sa isipin.

Nabalin ang tingin namin sa gurong paparating. Malawak itong classroom at sa isang silid, do'n kami nag luluto may kanya-kanya kaming kagamitan at utensils na libreng ipinapagamit dito sa paaralan.

"I want to learn how to cook, gusto kong mag tungo sa Singapore upang do'n mag-aral pero pinigilan ako ni lolo. I need to marry his business partner"

Ngayon alam ko na kung bakit. ibig sabihin ay kasunduan lang ang kasal nila ni henry, walang halong romansa.

"Students, let's proceed to our next preparation— i will give you a 30 minutes to cook soft diet, a healthy food for bedridden."

"Seriouly?" saad ni kendra. Nag bulungan din ang ibang students.

That's so basic, kahit siguro sa middle school ay niluluto iyon.

"Bakit wala si Mrs. lapangan?" bagong guro ito at mukhang kaedaran nila. Napaka imposible talaga na pag lulutuin sila ng diet foods.

"What? may mali ba sa ipinapa gawa ko?" nag tinginan kaming mga estudyante.

"Hey! bago kalang? Are you serious? we're all colleges, Anong akala mo samin, middle school na mahihirapan sa ipapagawa mo?" sabad ng isang pulos kolorete ang mukha. pero magaling ito sa pag luluto kahit na ganyan sya.

"Then do it!" hamon din ng guro. Napa ngisi naman si bianca. "what if don't? sasayangin mo lang ang oras namin dahil sa kacheapan mo" Nag iba ang aura ng guro.

"I will give you 10 minutes to cook Spicy Cilantro Shrimp with Honey-Lime Dipping Sauce, kumpleto sangkap at naaayon sa texture ng totoong luto nito. ikaw lang mag isa!" Saad nito sa galit na boses.

"That's unfair! hindi ko alam ang tansa ng lasa ng honey-lime no'n dahil hindi kopa 'yan nasusubukan" Parang mag kaklase lang sila kung mag-away.

"Hindi ba gusto mo ng pang professional?" napa busangot naman si bianca at napa yuko.

"At kayo!" napa pitlag ang iilan saamin.

"Kung hindi nyo magagawa ito, lahat kayo madadamay. kahit isa man sainyo ang mag prisintang mag luto nito or else— principals office ang bagsak nyo" Natahimik ang lahat at mukhang walang balak kumilos.

"Hindi ko kaya yung luto nito, mahirap makuha ang lasa ng sauce nito." Mahinang bulong ni kendra.

Napa-isip naman ako. Naka gawa na ako ng gano'ng sauce at nagustuhan talaga nila mama, ang pinag kaiba lang ay sauce ito sa manok dati, dinagdagan ko lang ng honey-lime, pero iba dito dahil ang lulutuin ay shrimp at drip-sauce lang dapat.

Unti-unti kong itinaas ang kamay ko. "I volunteer." mahina kong saad pero rinig panigurado ng guro dahil sa katahimikan.

Taas kilay akong tinignan nito. siguro ay mas matanda ito samin ng ilan pang taon. "Go ahead. As a punishment. ikaw lang ang maiiwan sa silid na iyon. No phones para hindi ka makapag search." isinuot ko ang apron ko at pinusod ang buhok.

"Are you sure about this?"tanong ni kendra. Tinanguan ko lang sya at nag madaling nag tungo sa silid.

Tumingin ako sa malaking clock na naka sabit sa dingding taas ng pintuan. 9:50.

Inumpisahan ko nang kunin ang mga sangkap kumuha rin ako ng lemon na at inamoy ito. Inuna kong lutuin ang hipon at ilang minuto din ay hinalo ko ang pampa-anghang habang ginagawa pa ang ibang bagay.

Six minutes left, tahimik lang sa labas at mukhang hinihintay ako. Kailangan kong hindi ma pressure.

inilagay ko sa plato ang shrimp. Kasunod ay tinantya ko ang lasa nito. Tama sya sa lasa pero kailangan ay bawasan ang anghang kaya naman sinunod kona ang sauce, ganon din ang ginawa ko tantyado ang lasa at mukhang kuha ko naman dahil nag halo ang sweet and sour nito. ilang patak din ang inilagay ko.

Nang tumingin muli ako sa orasan ay 30 seconds left nalang. dinala ko ang plate at lumabas.

doon ay kitang kita ko ang iba't-ibang reaksyon ng mga kaklase at ang reaksyon ng guro namin.

Inilapag ko sakanya ang ginawa at nginitian sya. " Ma'am, Spicy Cilantro Shrimp with Honey-Lime Dipping Sauce, All rights reserved for you" Saglit nya akong tinignan at kalaunan ay kinuha ang tinidor.

Intense ang namuo saakin ng dahan-dahan syang sumubo. maski ang mga kaklase ko ay kabado.

"How's the taste?" tumingin sakin ang guro. "This... This is my desired taste, Lasang lasa yung sweet and sour sauce habang namumuo ang anghang at hindi lang yon, malalasahan parin ang cilantro shrimp." Napa buntong hininga ang lahat tila naginhawaan.

"I like it. Nagawa mo ng tama." Napa ngiti ako ng malawak. Hindi ko man lang ito natikman ng buo pero nagawa ko ng tama.

"At dahil dyan. walang mapi-principals office. I'll make sure next time na mahirap na ang ipapa gawa ko" Bumalik na ako sa pwesto ko at nakipag highfive pa sakin si kendra, Nag thumbs up naman sakin si bianca.

Nag patuloy na ang discussion at hangga sa matapos na ang klase. Binati at pinasalamatan ako ng mga kaklase ko lalo na si bianca. balak pa nya akong ilibre, pero tumanggi ako.

Nag tungo ako sa main gate ng university at as expected nandoon si yssa.

"Tara na. Mag rereview pa ako, alam mo bang hirap ako sa math pero pag dating sa statistics ang dali kong ma solve kaya gusto ko lahat ng nasa statistics ay mapunta sa math subject." kwento ni yssa. Ngumuti naman ako sakanya.

"Hoy gaga ka rin e, alam mo naman na mas magaling ka sa pag dodoktor bakit hindi BHM ang kinuha mong kurso?" Medyo struggle din sya ngayon dahil Business AD ang kinuha nya.

"Nag bago isip ko, gusto kong mag opisina or business " ngiwing saad nya.

Nag palinga-linga ako sa paligid at laking gulat ko na nandoon ang tesla ni caloy kung sa'n sya naka park dati.

Itinago ko ang sarili kay yssa at ginamit ang libro pantakip sa mukha. "Anong ginagawa mo para kang tanga?" Tanong sakin ni yssa.

"W-wala mainit kase" totoo yon pero, hindi naman tanga si yssa para hindi mapansin na natatakpan ng puno ang araw kaya hindi kame masisinagan. tanga sya slight lang.

Nahihiya parin kase ako dahil don sa nangyare sa cine. Yung matandang babae naka tingin saamin na animo'y nakaka diri kame.

Tapos kahapon ay naging tahimik lang ako na kasama ni caloy, at ang masaklap pa ay habang nilalaro ko ang aso nya kahapon ay bigla syang sumulpot sa likod ko sakto hawak ko yung bote nya ng alak at napukpok ko sa ulo nya. Katangahan ko nalang. sino ba naman kase ang hahawak ng bote ng alak habang nilalaro ang aso? bigla kase akong hinawakan sa beywang ni caloy kaya napa-igtad ako. Sa sobrang taranta ay nag tawag ako ng tutulong saamin, Pero dahil sa galit nya ay pinahatid ako pauwi sa driver nya. Hindi ko alam kung okay na sya ngayon.

"Yssa, sanay kana naman umuwi mag-isa. Mauna kana?" kunot noo naman nya akong tinignan.

"Pupuntahan mo si caloy?" tanong nya. tama ka dyan.

"Mag-uusap lang kami" bumuntong hininga muna sya bago tumango.

"nga pala. nabalitaan ko nakapag luto ka ngayon ng ikaw lang? congrats. ingat ka!" nginitian ko sya. Sumakay na sya ng jeep at kinawayan ako.

Hinintay ko pa na maka layo ang jeep at dumiretso sa sasakyan ni caloy. Ako na ang nag bukas ng pinto sa passenger sit at sumakay.

"Anong kailangan mo?" Napaka gwapo talaga. kaya desidido talaga ako na makipag kita at gawin ang nais nya e.

"Obviously, pupunta tayo sa sementeryo" pag kasabi non ay umandar na ang kotse.

"Okay naba ang ulo mo?" meron kasi syang bandaid sa noo. buti hindi malakas ang pagkaka pupok. Saglit lang syang tumitig sakin.

Siguro ito na ang magiging routine ko. ang sundin sya sa gusto nya. ewan para akong alipin na gustong pagsilbihan ang kagaya nya.

"Pwedeng ganito nalang tayo?" saglit sya na tumitig sakin.

"Nahihibang na siguro ako kung sasabihin kong mag tatagal tayo sa lagay na ito kahit na arogante ka." ngumiti ako at dinampian sya ng halik sa pisngi. para akong nanaginip.

"Mag tatagal?" may kung anong kislap sa mata nya. "Sure, till death." sabay ngisi nya.

P/S:WRONG TYPO/GRAMMTICAL ERROR.