"Brother, who's this Miss?"
Parang nabroken hearted ako bigla ng malamang magkapatid sila. Of all people, bakit siya pa?
"She's your sister-in-law."
"Bastard! Sinabi ng hindi ako si Esra!" Malapit na atang pumutok ang ugat sa leeg dahil sa malakas na pagsigaw ko sa kanya.
And to my surprise. Bigla nalang itong napunta sa harap ko.
Binabawi ko na ang sinasabi. Ang pula ng mata niya. Kasing pula ng dugo. Napalunok ako. Nanlaki ang mata kong nakatingala sa kanya.
"Your so stubborn. Ngayon makikita kitang inaakit ang kapatid ko, sa mismong okasyon natin."
Napalunok ulit ako. Parang gusto niya akong sakalin...
Narinig kong napabuntunghininga si Vincel. "Papasok na ako."
Wait! Hindi mo ba ako tutulungan sa baliw mong kapatid?!
Pakiusap! Huwag mo akong iwan sa kanya. Pero hindi ito lumabas sa bibig.
Mas lalo akong nagimbal ng unti unting tumalas ang apat na ngipin niya sa harap. Nanlabot ang aking tuhod sa nakita. Bago paman ako makatakbo paalis sa harap niya. Nayakap na niya ako at sabay baon sa ngipin nito sa aking leeg. Ramdam ko ang kumakawalang dugo sa aking katawan. Nag ipon ako ng lakas at itinulak ito ng malakas. Sa kasamaang palad, hindi siya natinag.
I gritted my teeth and bit his back hard bago ako tuluyang nawalan ng malay.