ESRA POV
Hindi ito nakasagot ng tanungin ko kung sino ang mga magulang ko. Hindi na importante iyon.
Matutuwa ba ako dahil napunta ang kaluluwa ko sa katawan ni Esra? Wala akong masabi sa taglay nitong ganda. Sing puti ng nyebe ang balat na hindi maputla. Sing pula ng dugo ang labi at----.
"Tutulungan ko na po kayong maligo."
"Sa-sandali. Hindi ako sanay na hinahawakan ang katawan ko ng ibang tao." Pigil ko sa gagawin niyang paghawak sa damit ko. Naitakip ko ang aking kamay sa aking dibdib.
"Matagal ko na po itong ginagawa Duchess." Tugon nito at akmang hahawak ulit ako.
"Freeze!" Sigaw ko. "Simula ngayon, huwag mo na akong tulungang maligo."
Napabuntunghininga ito. "Okay po. Ihahanda ko na lang po ang iyong damit na susuotin."
Mabuti pa yan ang gawin mo. Pumasok na ako sa shower room at dun narin naghubad. Pagkatapos kong maligo ay nagtapis akong lumabas. Napansin ko agad ang damit na nakalatag sa kama.
Paano ko ba sasabihin ito. Kinuha ko ang damit at itinaas. "Ang pangit ng damit na ito. Parang...basahan."
"Duchess. Damit po 'yan ng inyong Ina."
"Damit? Niya?"
"Opo. Sa katunayan, kayo po ang may gustong suotin yan. Ni isamg bagong damit ay wala po kayo. Sa kadahilanang pagbumibili ng bagong damit ang Duke para sa inyo ay sinusunog niyo."
Esra! Anong ginagawa mo?! This is fortune! Why not grab it!
Sa ngayon, ito muna ang susuotin ko.