Chereads / Owned by a vampire duke / Chapter 8 - He's not my type

Chapter 8 - He's not my type

"So far so good. Hindi pa ako nagkaroon ng pasa."

"..."

"Bakit...sinampal ng kasama mo si Sofia?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang ito sabay sabi ng, "Its just a misunderstanding, Sis. Don't mind it."

ehdi wow.

"Oh really? Just a misunderstanding?" Nakangiti kong sabi.

"Yes!" Masaya nitong tugon.

"Sino ang sumampal kay Sofia?" Nakangiti kong tanong. "Don't be shy. May ibibigay lang ako."

Nagkatinginan ang dalawa niyang katulong. Ang babaeng may maikling buhok ang lumapit. "Ako po Duchess. Ano po bang ibibigay niyo?" Bahagya nitong nakayukong wika.

"Iingat mo pa ng kaunti ang mukha mo. Hindi kita makita." Malumanay kong sabi.

"Ingrid. Sundin mo ang sinasabi ng Ate ko." Utos ni Scarlet. Nakakapit parin ito saking braso.

Nang maiangat ni Ingrid ang mukha niya, isang malutong na sampal agad ang pinakawalan ko na ikinabaling ng mukha niya sa kanan.

Napasinghap si Scarlet sa nakita.

Napahawak naman si Ingrid sa pisngi nitong nasampal.

"Do you think I'm idiot? Malinaw pa sa sinag ng araw ang nakita kong ginawa mo sa kanya. Pagkatapos nitong mamitas ng bulaklak ay sinampal mo siya. What's wrong with you bitch?"

"Sis-----."

"Call me Duchess. Where's your manner? Sa pwet?"

Si Scarlet na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap nito sa braso ko. "So-sorry Duchess. Hindi na po mauulit." Sabi nito. Binalingan nito ng tingin si Ingrid. "Humingi ka ng tawad sa kapa--sa Duchess Ingrid."

Umayos ng tayo si Ingrid na bahagyang nakayuko sabay sabi ng, "Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Patawarin niyo po ako Duchess."

"Apologise accepted." Napaatingin ako kay scarlet. Nakakuyom ang kamay nito pero agad din naman niyang itinago sa likuran. Akala niya siguro hindi ko napansin.

Surely. Mukhang pinapaikot lang ng babaeng ito ang kapatid niyang si Esra.

But unfurtunately, im not her.

Kaya hindi tatalab 'yang maamo mong mukha sa akin na sa likod naman pala ay palahim na nakangisi.

I wonder. Anong nagawa ni Esra sayo?

O isa karin sa nahuhumaling sa Duke?

Okay...hindi kita masisisi. That Duke is freaking handsome hehehe. But he's not my type. He's a monster.