Chereads / Owned by a vampire duke / Chapter 7 - Esra's sister

Chapter 7 - Esra's sister

ESRA POV

Napag alaman ko na si Sofia pala ang naka assign sa akin. Hindi sila close sa tunay na Esra. Sa nakikita ko kay Sofia, mabait naman ito at magalang.

Panay din ang paalala nito sa akin sa mga dapat at hindi ko dapat gawin ngayong Duchess na ako. Nang tanungin ko sa kanya kung ano ang tingin niya sa Duke, ay sinabi nitong mabait ito at responsable. Pero hindi ko makita sa lalaking iyon ang dalawang katangian na nabanggit niya.

Siguro ay may gusto itong si Sofia sa Duke?

Sa kadahilanang puro positibo ang nakikita niya sa lalaki.

Tumungo kami sa Harden na puno ng bulaklak kung saan may isang duyan. Sa may di kalayuan ay may isang bakal na mesa na pabilog at may limang silyang nakapalibot.

Umupo ako sa may duyan.

"Maaliwalas ang panahon." Nausal ko ng dumampi ang sariwang hangin sa aking mukha.

"Duchess. Pipitasan ko po kayo ng isang pulang rosas."

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Umalis ito sa aking harapan at pinuntahan ang lugar kung saan may maraming pulang rosas nakatanim.

Sa may di kalayuan ay may nakita akong paparating. Magara ang suot na damit ng isa at may dalawang babaeng sumusunod sa kanya.

Mga bagong mukha na hindi ko kilala.

Sino ang mga ito.

Napatayo ako at nilapitan ang pwesto ni Sofia ng makita kong nasampal ito.

"Anong nangyayari?"

"Sis?" Gulat na sabi ng babaeng may magarang kasuotan. Nakatali ang kulot nitong buhok na itim.

"Sofia...sino ang nasa harapan ko?"

"Replying to Duchess, siya po ang bunso niyong kapatid. Si scarlet." Nakayukong tugon ni Sofia hawak ang namumula nitong pisngi.

Kapatid ko ang babaeng bagong dating. Wala akong makitang magkahawig sila ni Escar.

"Sis. Kumusta ka na dito? Hindi ka ba inaapi ni Duke Dark?" May bahid na pag-aalalang tanong sa akin ni Scarlet na ngayon ay nakakapit sa braso ko.