ESRA POV
"Good morning Duchess!" Bati sa akin ng babaeng nasa 20's ng magising ako. May itsura ito. Mahaba ang buhok na medyo kulot. Napahawak ako sa aking leeg. Wala akong makapang peklat.
Sa...sa tingin ko, hindi panaginip ang nangyari sa akin kagabi?
This is ridiculous. Kailangan kong magising.
So I slapped my face hard. It hurts! Looks like it's not really a dream?!
Pa...paano ako makakabalik sa sarili kong mundo? Kaka eighten ko palang. Kung alam kong mangyayari ito sana ipinagtapat ko nalang kay Liam na gusto ko siya.
Noooo! This can't be!
Nanggigil kong kinagat kagat ang unan. Pagkatapos ay sinuntok suntok ito. Habang ginagawa ko ito ay mukha ng lalaking iyon ang iniisip ko.
Ack! Sana masuntok ko ang mukha nito kahit isang beses lang.
Hindi ito makatarungan. Marami pa akong pangarap sa buhay. Bakit ako pa?
SOFIA POV
Ayaw ko sanang isipin ito. Pero sa nakikita ko, nagbago sa isang iglap ang Duchess. Sa pagkakakilala ko sa kanya. Tahimik lamang ito at malalim kung mag-isip. Salungat sa ginagawa niya ngayon.
Para itong, ibang tao.
Alam na kaya ito ng Duke?
Umalis siya sa kama at lumapit sa bintana ng nakapaa.
"Ang lawak. Bukod sa halimaw ang isang iyon, ay ubod ng yaman. Unfair!" Nausal nito ng makita ang labas.
Napahikab ito at tinungo ang malaking salamin. "H-Holy crap! Sinong ang babaeng ito?" Gulat niyang tanong ng makita ang kanyang sarili sa salamin.
Magsisimula na ba akong mag-alala sa kalagayan niya?
Kapag nabaliw ito ay ako ang unang malilintikan ng Duke.
"Miss, sino ako?"
"Kayo po si Esra Helsing."
"Edad."
"20 years old."
Bahagyang umawang ang labi nito pagkatapos ay napatikhim. "Ga-ganun ba. Sino ang mga magulang ko."