SUZY'S POV
"Suzy, may lalaking naghahanap sa'yo kanina pa."
I frowned when Lea greeted me that pagkalapit ko palang dito sa counter.
Kakatapos ko lang magdeliver ng mga order at ito na agad ang bumungad sa'kin.
"Naghahanap? Sino raw?"
"That pretty guy in that table.." she whispered sabay turo sa bandang likuran ko.
Sinundan ko na agad ang direksiyon ng daliri nito, sa direksyon ng isang lalaking nakaupo sa isang table na nasa dulong bahagi ng Café. Konti nalang ang customers dito ngayon dahil malapit na naman ang uwian ng mga office workers so it wasn't hard for me to find that man in a baby blue shirt at a corner. A few empty cups were on his table kaya halatang kanina oa nga ito rito.
Nakayuko ito habang may tinitingnan sa menu list but probably, he felt that someone was watching on him now kaya nagtaas na agad ito ng tingin saka tumingin sa gawi ko.
The moment our eyes met, a boyish grin instantly appeared in his mouth sabay kaway sa'kin.
And I couldn't help but waved back at him at ngumiti rin dito.
Klent Andrada in his usual good looking self.
Medyo matagal-tagal ko na ring hindi nakikita ito simula nung inaya ako nito maging date nito sa family dinner sa bahay nito.
I wonder why he was here..
"Sino siya? Boyfriend mo ba ang gwapo na'yon? Mukhang mayaman ah.."
I shook my head with a smile when Lea whispered those questions.
"He's a classmate, Lea. Pupuntahan ko na muna siya sandali. Tawagin mo nalang ako kapag may deliveries na naman okay?'
"Yeah, sure, sure. Go now. Kanina pa 'yan naghihintay sa'yo."
Tumalima na'ko agad saka nakangiti ng lumapit kay Klent. Tumayo naman agad ito pagkalapit ko rito.
"Klent!"
"Suzy!" nakangiting bungad nito sa'kin at siyang gulat ko nalang when he suddenly pulled me for a hug.
Too awkward with it, hindi na'ko kumilos habang kayakap ito. Agad naman niya akong binitiwan habang ang laki pa rin ng ngiti nito
.
"How are you? Ang tagal mong nawala ah. I've came here a few days ago pero sabi ng mga katrabaho mo, nasa bakasyon ka raw and good thing I've came here today dahil nanditi ka na rin sa wakas."
I stiffly nodded my head at him saka ngumiti uli rito. Trying to ignore how his hug made me feel right now. Because heck! Being hug by him was just my dream before and now, nagkatotoo na ito.
Alrigh, Suzy. Just calm down. It was just a hug my goodness!
"Oo. Kakauwi ko nga lang kahapon. Ikaw? Kumusta ka na? Sorry nga pala hindi kita nasamahan dun sa family dinner niyo huh? Marami kasi akong ginagawa kaya hindi kita masamahan."
"No. It was fine. I didn't came here for that anyway. Pumunta lang ako rito para kamustahin ka. Upo ka muna." He invited sabay hila ng bakanteng upuan sa table nito para sa'kin.
Tumalima na'ko agad dahil kanina ko pa talaga gustong umupo after almost an hour of just driving around the city for deliveries.
"So how are you? Hindi ka na nagpapakita sa school kaya nag-alala lang ako na baka ano ng nangyari sa'yo. No one in our class knows how you've been doing these days kaya pumunta na'ko rito." He said as he sat on his seat.
And just hearing him saying this now, na nag-aalala ito, hindi ko na napigilang mas mapangiti pa lalo rito.
Dahil hindi ko alam na may taong maghahanap rin pala sa'kin sa pagkawala ko.
"Well, thank you for your concern, Klent. Masaya ako na may naghahanap rin pala sa'kin." I began while giving him a grateful smile.
"Pero wala ka namang dapat ipag-alala sa'kin. Hindi ko na kasi kailangang pumunta palagi sa school ngayon dahil matatapos ko na rin naman 'yong research paper ko."
"Oh.. kaya naman pala. Good for you then dahil ako, I don't even think I could be able to finish my research before next month. Lalo na magsisimula na ang internship natin next week."
"Yes. Next week na nga 'yon." Sang-ayon ko rito while nodding my head.
"Yeah. By the way, saang company ka pala papasok for your internship next week?"
At the mention of that, his face lit up.
"Oh yeah. About that.. I have applied for Montero Group of Company as well para marami tayo sa Company na'yon." He informed me with a wide grin, surprising me with that news.
Oh no. So makakasama ko ito sa kompanyang 'yon?
Oh my. God must really be showering me with his blessings right now. May makakasama na rin ako sa wakas sa lugar na'yon and not just that playboy Liam.
"Wow. Akala ko sa kompanya ka ninyo papasok?"I asked while stopping my threatening grin to escape.
"Well, I just thought that it'd be nice if I'll try to work with different environment. Yong sa iba naman like Hotel Company. Para maiba naman.."
Napapatango-tango na lamang ako rito as he explained that. Kahit na hindi na naman niya dapat sabihin 'yon because with him working there with me was enough.
As long as na may kakilala ako sa lugar na'yon.
"I'm happy na doon ka rin papasok, Klent. Atleast may kakilala na'ko doon kahit papano and ------"
"Excuse, Suzy."
Napalingon na lamang ako sa gilid ko when Zaira, one of our regular waitress here interrupted that with apologetic look.
"I'm sorry sa disturbo, Suzy pero pinapatawag kana kasi ni Fe. May bagong deliveries ka raw."
Hearing that, di ko mapigilang manghinayang dahil kailangan ko na ngayong iwan si Klent. But given that my job is more important than having a chitchat with him, tumayo na agad ako mula sa upuan ko.
"I'm sorry, Klent. I have to go back to my job now."
"Yeah, yeah. Sure. No problem. Paalis na rin naman ako." Nakangiting tugon agad nito saka dali-dali ng tumayo.
"By the way, see you soon nalang siguro. Probably at the first day of our internship day?"
Tumango na'ko agad rito saka nagpaalam na. When he reassured me that he'll be fine, nagtungo na'ko agad sa may counter kasabay si Zaira. At gaya nga ng sinabi nito, may ilang food plastics na ngang naghihintay sa'kin sa may counter.
"Please deliver all these orders to this address, Suzy. Kailangan mong bilisan dahil atat na atat ng kumain ang taong umurder niyan." Fe instructed me sabay abot sa'kin ng kopya ng resibo.
I just nodded at her then checked the receipt for the delivery address.
'Del Fuero Residence----'
I stopped when I read that name.
Del Fuero again? Hindi lang naman siguro yong Cameron del Fuero na'yon ang del Fuero sa mundong ito ano?
Shrugging those thoughts off, binitbit ko na agad ang mga food plastics na'yon and then rushed out to the motorbike outside.
Malayo-layo pa ang address na'yon so I should be hurry bago pa man ako gabihin sa daan.
With that, I quickly placed the food plastics inside the square-sized food delivery bag before I drove out from there.
🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤
LIAM's POV
"Excuse me, sir Liam. Nandito na ang inorder niyong mga pagka-----"
"Pagkain! Nasaan na siya ngayon?"
Austin's brows instantly furrowed in confusion when I cut him off.
"Pardon, sir Liam? Sinong siya ang tinutukoy niyo?"
"'Yong babaeng nagdala ng mga pagkain ang ibig niyang sabihin, Austin. Nandiyan pa ba sa labas?" Mason beside me explained to the confused old man. Cameron's butler in this mansion.
Understanding instantly flashed through his face saka tumayo na ito ng tuwid with his clasped hands behind him.
"I think she's still outside, preparing to leave dahil tapos ko na rin naman siyang bayaran---"
Hindi ko na pinatapos ito at mabilis na'kong tumakbo palabas ng silid na'yon. Leaving Mason there with the unconscious Cameron.
It'd be great if I could atleast get a chance to make fun of her as my greetings. That's how a friend should do to his friend, right?
Pagkarating ko sa malaking pintuan, itinulak ko na agad 'yon pabukas, expecting some petite woman with her delivery motorbike would greet me pero hindi.
Wala ng ibang taong nasa labas ngayon.
Panting a breath, I searched for her around but to my utter disappointment, I couldn't find her anywhere around the Mansion's wide garden. Even at the gate.
"Oh.. Mukhang nakaalis na nga siya ng tuluyan sir. Kung alam ko lang na may sadya pa kayo sa kanya then I would've tild her to wait for a while."
I groaned in dismay when Austin calmly apologized that beside me. Kung kanina niya lang sana 'yon naisipang gawin.
"It was fine, Austin. Wala naman talaga akong sadya rito." dismayadong tugon ko na lamang rito while still looking at the white gate from a distance.
"Ihahanda ko nalang ang pagkain niyo, sir."
I just nodded at him sabay buntong-hininga.
It would've been great kung nakita ko man lang ito rito.
Blowing out a breath, bumalik nalang ako uli sa loob ng bahay at patungo sa silid kung saan ko iniwan kanina si Mason. Cameron was still unconscious in his bed until now.
Kung hindi lang sana nabaril ang tarantadong ito sa naging lakad nila ni Samantha sa Mindanao, then I would've need to be here by now. But then, this bastard is a good friend kaya kailangan kong manatili muna rito until he recovers.
Dahil maaaring nandiyan lang sa tabi-tabi ang bumaril sa kanya so we should stay here as a look out.
"What? Hindi mo ba naabutan?"
I just shook my head when Mason asked me that pagkapasok ko palang sa silid na'yon and just silently sat at the couch across him, aware with the weird look Mason was throwing at me now.
"Don't tell me it was that little woman again, Liam? Kababalita lang kanina na magkasama na naman kayo ng isa sa mga babae mo saka maririnig ko nalang na inaasahan mong makita rito ang maliit na babaeng 'yon by ordering a lot of food from the café she work at. Samantha would really have your ass with that, Liam."
I glared at him when he sarcastically reminded me with that while smirking at my way.
"Well, thank you for the reminders, Mason. Pero wala akong ginagawang masama sa babaeng 'yon. She's just a friend to me."
I groaned in annoyance when he suddenly scoffed at that while shaking his head with a stupid grin in his face.
"A friend? At kailan ka pa nakikipagkaibigan sa mga babae, Liam? I thought women were just made for your pleasure in bed at hindi para kaibiganin? Baka naman may iba ka naman talagang motibo sa babaeng 'yon?"
"Shut up, Mason. Just mind your own business."
"Oh yes. I'll just let Samantha mind your business then. Sayang naman at nakaalis na siya rito."
This time, my glare at him intensified habang tiim ang mga bagang. Lalo na't talagang nag-aasar ang ngiti nito ngayon while sipping his own wine.
"Tumahimik ka na nga lang, Mason. Wala akong binabalak na masama sa babaeng 'yon so you don't have to tell Sam about this. I'm just keeping her with me as my friend dahil naaawa ako sa kanya."
His brow instantly quirked up at that.
"Really? At bakit ka naman kaya naaawa sa kanya ngayon? Is she an orphan that needs a father material from you? Or talagang may balak ka talagang maging sugar daddy ng babaeng 'yon?"
At this point, inis ko ng binato ito ng unan dahil sa inis na agad naman nitong nailagan while laughing at my expense. Ignoring the unconscious Cameron malapit sa'min.
This asshole!
"Tigil-tigilan mo ko, Mason huh. Anong tingin mo sa'kin, matanda???!"
"No. I never said you are. How old are you again? You're turning 30 this year right?"
When the asshole taunted that while trying to put up a straight face, inis ko ng dinampot ang isa pang unan na nasa tabi ko and then threw it to his way. Sa ikinainis ko pa lalo, humalakhak na uli ng tawa ang gago, looking so amused while clutching his belly.
"You better shut your mouth now, Mason kung ayaw mong tawagan ko si Ally ngayon. I'll tell her na balak mo talagang kunin sa kanya ang anak niya kaya naman nakikipagmabutihan ka sa kanya ngayon."
At the mention of that, his laugh instantly died down and his amused eyes narrowed into thin slits.
"You wouldn't dare, Liam! Talagang idadamay mo pa ang pamilya ko rito!"
"Huh! Pamilya? Really, Mason? Bakit? Pinatawad ka na ba ni Ally sa ginawa mong pagtalikod sa kanya noon? Oh, no... I doubted that she had." Panunuya ko rito while shaking my head at him.
This time, mas lalo pang tumalim ang tingin nito sa'kin ngayon.
I just grinned at him then held up a glass to his way for a toast.
"Cheers for that, Mason!"
He just kept glaring at me while he kept grumbling some incoherent words under his breath. Sa pananahimik nito, mukhang tama nga ang hinala ko.
Hinayaan ko nalang muna ito while I kept sipping some wine from my glass in silence with my thoughts lingering to some petite woman.
'...I've got bills and school fees to pay, Liam. Hindi porke't dinala mo'ko sa malayong lugar ay pwede na'kong hindi magtrabaho pag-uwi ko rito...'
'Wala na'kong pamilya, Liam kaya kung wala ka ng ibang sasabihin sa'kin ngayon, umuwi ka na sa bahay mo. Wag mo na akong pansinin.'
When her words replayed in my head, a sigh escaped from me.
She's exhausting herself again to pay for her studies without even attempting to ask any help from her family. SInasabi nitong wala itong pamilya when I know she has. And I wonder why she want it that way...
Just the thought of her, I couldn't help but be frustrated with her life as well. At hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nagagawan ng paraan ito.
With that thought in mind, I fished out my phone from my pants pocket then dialed a certain number.