Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Future of Our Past

🇵🇭archian
--
chs / week
--
NOT RATINGS
31.4k
Views
Synopsis
When her parents decided to separate, Akila Tresvalles was brought into the city and forced to live with her aunt. And the city she once perceived as a haven became her cave. She's lost. But didn't they say everything happens for a reason? There's this boy who made the cave her home. Home, sometimes it's the people in it.
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

They say that we can't change our past. That's why we are then left with two choices. It's either to live with it or to live as if it never exists.

And I choose the latter.

"This will gonna be your school. Malaki ang student population pero maganda ang standing ng eskwelahan."

Tumango ako habang lumilibot ang mata sa eskwelahan. Kahit saan ako tumingin ay may building. Kakaunti lang ang mga puno at sa ilalim ng mga ito ay mga benches. It was quite big. The size of it was triple the size of my former school. No wonder it was populous as Tita Emilia has mentioned. A school this big can house hundreds of students.

"Well then, there's nothing that we can do," Bumalik ang atensyon ko kay Tita. "Pumunta nalang tayo sa mall at mamili ng mga gamit niyo."

Hindi ko alam ang sasabihin kaya tumango nalang ulit ako. We made our way out. Tita Emilia took a day off to enroll us at our new school. My sister is already enrolled. Ako nalang ang hindi dahil next week pa pala ang enrollment period sa papasukan kong school.

"Dapat pala nag-commute tayo para masanay ka. Hindi ka namin laging maihahatid kaya dapat matuto ka, Akila."

"Opo," maikli kong tugon.

Nang matanaw kami ni Tito Andrew ay agad niyang pinatunog ang sasakyan. He opened the car's door for us before sliding himself on the driver's seat. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan at itinuon ang mga mata sa labas nang umandar na ito. Naninibago ako sa nakikitang tanawin. Parang kailan lang noong mga puno at palayan ang nakikita ko sa daan, ngayon mas marami ang mga bahay at establishments. Almost everything is concrete.

Today is the first time I got to go around the city since the day we arrived here. I think it's been a week since then. Naka-adjust na ako sa bahay pero dito sa labas hindi pa. Mabilis ang biyahe papunta sa mall. It was too quick that I guess the school we visited is just around the area.

"Just text me the place," bilin ni Tito Andrew kay Tita nang makitang walang bakanteng parking space sa harap ng mall.

"Alright," inakay na kami ni Tita papasok sa mall.

Pagtapak ko sa loob ay agad kong iginala ang mata sa pamilyar na lugar. I'd been here countless times throughout my childhood. Lucena embodies my childhood memories. I used to stay here every summer vacation with my cousins until I reached the fifth grade. I can't pinpoint what changed because it's been years. But everything felt familiar. And being in a familiar place feels nice.

"Kumain muna tayo."

Pumasok kami sa isang pizza place. I let Tita Emilia choose my food. Hindi rin nagtagal pagkaupo namin sa piniling table ang pagdating ni Tito Andrew.

"Sa likod ako nag-park," he told Tita pagkaupo niya sa bakanteng upuan.

I eyed him curiously.

I wonder what is his say about this set up. Tito Andrew is kind and understanding, that's my impression of him over the years. But he's always quiet. His thoughts are only for Tita Emilia to know.

Nginitian ako ni Tito nang mapansin ang titig ko sa kaniya. I awkwardly smile in return, and swiftly averted my gaze. That was awkward.

"Papasok ka pa ba this afternoon, Hon?" I heard Tita Emilia say.

Pinanuod ko ang mga tao sa labas. It's a weekday but the mall seems to be crowded. Kung sabagay, the start of another school year is just around the corner. Hindi ko masyadong namalayan ang bakasyon dahil sa dami ng mga bagay na inasikaso bago kami nakarating dito. It was exhausting months.

"Next week," pagsisimula ni Tita. Agad naman akong bumaling sa kaniya. "I'm not sure if I could accompany you in your enrollment. But just in case, sasabihan ko si Manang na samahan ka." seryosong saad niya.

Sinulyapan ko muna si Tito Andrew bago sumagot. "Okay po, Tita."

I can't expect Tito Andrew to accompany me because we're not really related by blood. I saw it earlier on Soliya's enrollment details. Tita Emilia didn't wrote both they names, instead she just wrote her name as the guardian. Tingin ko ay gano'n rin sa akin.

I wonder if it's fine for him to have us under their care. Hindi ko kailanman naisip ito noon dahil mags-stay lamang naman kami for two months at most, on vacations, sa kanila. But now that we'll be staying with them for all year round, I am suddenly bothered by Tito Andrew's opinion.

To others, it may seem like a good idea to have us because they don't have any children but… what if he doesn't like to take care his wife's nieces?

Bumuntong-hininga ako saka tahimik na sumunod kay Tita. After eating, Tita Emilia led us to the part of the mall where the apparel shops are located. Nasa pangalawa na kaming shop. Walang napili si Tita sa una dahil pang-older daw ang mga iyon. She said that I should dress according to my age. I wonder what type of dresses a thirteen year-old should wear.

"Anong size ng waist mo, Akila?" she asked out of a sudden.

Hindi ko inaasahan ang biglaang pagtatanong niya kaya hindi ako agad nakasagot. I think about what she asked for a second but when I realized that I don't know, I shyly shrugged.

"You don't know?" hindi makapaniwalang saad niya.

I slowly bit my lower lip. Come to think of it, I think I only have a pair of jeans or two. Because almost whole of my closet consist of dresses and skirts. Tita Emilia eyed my waist. After a while, she turn around and scan the jeans hanged on a thin pole.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming namili. Pagkalagay ng mga paper bag sa trunk ng sasakyan ay napatitig ako rito ng ilang sandali nang makitang punong-puno ito. Tita bought a lot. I'm not sure if it's her own money that she spent but I'm expecting that she used the card my parent's gave her. After all, she's taking care of somebody else' daughters.

Sa mga sumunod na araw ay nanatili na naman ako sa bahay. It's a four-bedroom modern house located in a subdivision somewhere in the city. It's quite big. Tita Emilia and Tito Andrew are both working full time kaya naman naiiwan kaming dalawa ni Soliya sa bahay kasama ang kasambahay. Kaya naman nang araw ng enrollment ay kaming tatlo rin ang magkakasama.

Hindi magkamayaw ang mata ko sa pagtingin sa paligid. Kung gaano ka-empty ang school noong bumisita kami ay siya namang kina-crowded ngayon. There are a lot of students… And they are speaking the language I can understand but I am not used to speak.

"Nagtanong na ako, Akila..." bungad ni Manang kahit na hinahabol pa niya ang kaniyang hininga. Without a second thought, I hand her my water bottle. "Salamat. Iyong pila sa kaliwa, iyon daw ang para sa freshman."

Tinanaw ko ang sinasabi niya. Nadismaya ako nang makita ang haba ng pila. We should have come earlier. Maalinsangan na nga ang panahon, siksikan pa ata. Tinignan ko si Manang. She mentioned that she has a high-blood pressure.

I purse my lips.

"Ako na ang pipila, Manang." deklara ko.

Nanlaki ang mga mata ni Manang. Hindi pa niya nalulunok ang tubig sa bibig ay minadali na niyang ibalik ang takip ng water bottle.

"Hala, ang bilin ng Tita mo ay ienroll kita, Akila!"

Hilaw akong ngumiti. Ayoko rin ng idea ko lalo na't hindi ko alam ang gagawin.

"Okay lang, Manang. Ako na…"

Nag-aalala niya akong tinignan. "Sigurado ka? Pagkakuha mo ng registration form balik ka rito ha. Tapos ako na ang pipila para magbayad."

Tumango ako. Bago ako humalo sa pila ay nagtanong-tanong muna ako kay Manang ng gagawin at aasahan. Sa pila ay hindi ko mapigilan ang kaba ko. I'm holding my documents tightly as I wait for my turn. It was hot and loud in there. Pawisan na ako nang makarating ako sa harap. Mabuti nalang at manipis na dress ang pinili kong isinuot ngayon. As Manang said, bumalik ako sa kinauupuan namin kanina. She help me fill out the forms. Nang matapos ay siya na ang pumunta sa cashier para magbayad.

"Tapos na po?" tanong ko pagbalik niya.

"Oo enrolled ka na, Akila. Pero magpapasukat ka pa para sa uniform. Nasa kabi--"

"Governor!" someone in the crowd exclaimed.

Nakuha ang atensyon ng lahat sa pagdating nang isang grupo. It was led by an old man who has a respectable aura. Sa magkabilang gilid niya ay dalawang binatilyo. Ang isa ay nasa hawak na cellphone ang tingin habang ang isa ay kausap ang matandang lalaki. Sa likod nila ay nakasunod ang apat na kalalakihan na tingin ko'y mga bodyguard nila.

What is a Governor doing here in a humble school?

"Siya pala ang Governor," bulalas ni Manang. Bumaling siya sa akin pero lumampas ang tingin niya. "Walang masyadong pila sa doon sa mananahi, Akila. Tara!"

Hinila na kami ni Manang papunta doon sa tinutukoy niya. Napatingin ako sa paligid nang mapansing naantala ang ginagawa ng lahat dahil sa pagdating ng Governor. Siguro ay dahil hindi naman voter si Manang sa probinsya ng Quezon kaya hindi siya ganoon kainteresado sa mga politicians dito. But because of that unexpected visitor, we got to finish our task earlier than expected. Nakauwi kami ilang oras bago ang tanghalian.

Two weeks before the start of classes passed like a whirlwind. Ilang beses pa kaming lumabas nina Tita. Sa ilang beses na 'yon, tinuruan niya ako ng mga bagay na dapat kong tandaan. Like what jeep to ride or what to say when commuting. Though hindi pa ako gaanong ka-confident sa commuting skills ko, tingin ko'y makakauwi pa naman ako sa bahay.

I walked slowly as I curiously watched the students scattered around the school. Ang daming estudyante… Some are already in uniform and some, like me, are wearing casual clothes. Sinundan ko ng tingin ang isang grupo na tingin ko'y mga freshmen din gaya ko. I'm jealous. They won't have a hard time on their first day because they already have companions.

Bumuga ako ng hininga at nagpasyang hanapin ang section ko. Gaya ng kinakatakot ko, naligaw ako. I shut my eyes for a moment. Pagmulat ko ng agad na humakbang ang aking mga paa. I looked up at the placard on top of the door frame.

Science Laboratory

I move to the next room feeling undetermined this time. Naakyat ko na ata lahat ng floor ng freshmen building pero hindi ko pa rin nahahanap ang pangalan ko sa mga master list na nakadikit sa bawat classroom.

Nabuhayan ako ng loob nang makita na freshmen classroom ang kasunod ng Science Lab. Agad kong nilapitan ang master list at hinanap ang pangalan ko. Nahigit ko ang hininga ko nang mabasa ang pangalan ko. Didn't I check this class kanina? Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko saka tinanaw ang loob ng classroom mula sa glass windows nito. The students inside are already settled. Ngumuso ako.

"Are you a part of this class, Miss?"

Agad na umikot ang ulo ko. He seems to be a teacher.

"Yes, Sir." I answered politely.

He nodded. "Great. Please step inside because class meeting is about to start."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"Y-Yes, Sir!" at walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob.

Only when I'm inside that I realize what I have done. I awkwardly search for a vacant seat ignoring their stares.

I cleared my throat and silently walk towards the vacant seat at the last row. Mabuti nalang at nawala rin agad ang atensyon nila sa akin nang magsalita si Sir.

I heave a sigh of relief when I am already settled on my seat. I am the only one in this row but… isn't it a good thing?