I compose a reply to Clarice. Tinext niya ako para sabihing tapos na ang rehearsals nilang dalawa.
"You're friends are waiting outside."
Lumipat ang tingin ko sa kaniya nang marinig ang sinabi niya. My friends? Then Mavin Jaranillo points the direction using his chin. Napatingin naman ako doon. My eyes slightly widened in surprise when I saw my friends standing right next to the library's window.
Akala ko papunta palang sila dito?
Biglang humarap si Tricia sa direksyon kung nasaan kami. At first I thought she would just look at her reflection. But then suddenly, she move her face closer to the window, as if trying to search something in the darkness.
It's useless though. Kung ako man ang hinahanap niya, hindi niya ako mahahanap kahit na malapit lang posisyon ng table kung saan kami nakaupo mula sa kinaroroonan niya. The library's windows are one-way.
"I think I should go..." I mumbled to myself. They are probably hungry by now.
Muli kong ibinaling ang tingin kay Mavin Jaranillo. Nagtaas siya ng kilay nang dumaan ang ilang segundo ay nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya. Tumikhim ako saka nag-iwas ng tingin. I, then, gathered my belongings and put them all in my bag quietly.
If there's one thing that I probably developed over the years of living under my aunt's care, it is keeping my curiosity to myself. It's not that she hinders me. But I think it's the right thing to do. Ignorance is a bliss after all.
"Uh, we're going to grab some lunch," I informed him when I'm already done arranging my things.
Mula sa pagtingin sa libro ay bahagya niya akong sinulyapan. When he saw that I'm already set to go, he straightened his back.
"I'll stay here a little bit more," he replied with a hint of smile on his face. "Enjoy your meal."
I nodded with a smile. Tumayo na ako saka tahimik na naglakad papunta sa exit. Ngunit bago ako tuluyang humakbang palabas ng pintuan ay pinasadahan ko muna ng tingin ang kabuuan ng library. I noticed some vacant seats in some tables.
Kung marami palang bakanteng upuan, does it mean Mavin Jaranillo really meant to share a table with me?
"Akila!" tawag ni Tricia nang makita akong palapit na sa kinatatayuan nila.
"Hindi niyo sinabi na nandito na kayo. Tapos na ang rehearsals niyo?" tanong ko sa kanila pagkalapit ko.
Ngumuso si Clarice. "Pahinga lang tapos rehearsals after lunch ulit."
"Same. Feeling ko bago pa man mag-Linggo ay paos na ako," ani naman ni Tricia.
"Come on. Let's eat then." I don't know what to tell them kaya ito nalang ang sinabi ko.
Tumungo na kami sa labas ng eskwelahan. They open the gates for lunch. Sa labas ng school ay may hilera ng mga karinderia. Although we have four canteens in school, it wasn't enough to cater all of the students, that's why they are forced to open the gates for the students to eat outside. As per usual, we ate at the one we frequent with.
Actually ay hindi naman ako madalas kumakain sa school. Madalas ay umuuwi ako tuwing lunch upang kumain sa bahay saka babalik din agad sa school pagkatapos. The setup was hassle, but I got no choice because it's what Tita Emilia wanted. But every Friday, like today, pinagbibigyan ko ang mga kaibigan na kumain kasama nila. Pinayagan naman ako ni Tita.
"Akila," Clarice suddenly called my attention while we're on the middle of eating. "Will you watch our performance?" she added when she got my attention. She even tried to act cutely.
Sinulyapan ko si Tricia. Hindi man gaya ni Clarice na nagpapa-cute, sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay para na ring ganoon.
"I don't know the place," I reason out.
Sumubo na ulit ako. Actually I know the place, but I don't know how to get there. I haven't explored yet the other parts of the city. Ang pinakamalayong naabot ko palang siguro ay ang mall sa bayan. Everything I need is here at this part of the city, so I don't feel the need to go around places. That's probably why even after two years, I'm still a foreigner in this town.
"Madali lang! Kailangan mo lang sakyan iyong tamang jeep na magdadala sa 'yo doon," saad naman ni Tricia.
Umangat ang mga kilay ko. "Anong oras nga ulit?"
"Nine a.m, sa convention center. Two p.m naman iyong ribbon cutting sa Perez park," inporma sa akin ni Clarice.
"Teka, so nine a.m palang nando'n na tayo. Pero two p.m palang natin mapupuntahan iyong trade fair?" nagugulohang tanong ni Tricia kay Clarice.
"Oo. After nating mag-perform wala na tayong commitment doon." Bumaling sa akin si Clarice. "After lunch ka nalang pumunta, Akila!"
Bumagal ang pagnguya ko sa kinakain. Now, I'm being cornered.
"I'm not sure. Tignan ko..."
"Maghihintay ako, Akila." pagbabanta niya.
Hilaw akong ngumisi. Papayagan kaya ako ni Tita?
Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa school. We don't have afternoon class because almost whole of the member of our class are members of the clubs that are going to perform on Sunday. Iilan lang kaming hindi miyembro. Gusto ko sanang umuwi nalang dahil wala rin naman akong gagawin ngunit pinakiusapan naman ako ng mga kaibigan na hintayin sila upang sabay kaming tatlo na umuwi. It's not like we're living in the same neighbourhood. Pero sa huli'y pumayag na rin ako.
I decided to kill time waiting for them in the library again. Hindi gaya kanina, mabibilang nalang sa kamay ang mga estudyanteng nandito ngayon sa library. I choose to seat on the same spot I occupied earlier at inilabas ang librong binabasa kanina.
But in the middle of reading, my eyes unconsciously move to the seat in front of me. Bumalik sa alaala ko ang mga pinag-usapan namin kanina ni Mavin Jaranillo. He's intriguing me. It's making me wonder what type of person he really is.
I was able to finish the book until it's time for dismissal. But because Tricia and Clarice' rehearsals are not yet done, I wasn't able to go home yet. Sarado na ang library kaya naghihintay naman ako ngayon sa may mga benches sa ilalim ng maga mahogany malapit sa gate.
Wala nang masyadong tao dahil halos nakauwi na ang karamihan ng mga estudyante. Habang naghihintay sa kanila ay ginawa ko na ang book review ng Romeo and Juliet. Hindi ko maitatanggi na dahil sa pag-uusap namin kanina ni Mavin Jaranillo ay nagkaroon ako ng pagkataong makita ang istorya sa ibang angulo. The discourse with him was indeed helpful. I find it easier to answer the questions asked.
I space out suddenly like it's a habit. And when the wind blows into my direction, the paper on my lap was lifted on the air and then landed few meters away from me seconds after. Bumuntong-hininga ako bago tumayo at pulutin ito.
Ang paligid ay halos nagkukulay kahel na. The sun will set few minutes from now. Wala pa akong nare-receive the update mula sa mga kaibigan, so I assume their rehearsals are not yet done.
Bahagya akong yumukod upang pulutin ang papel. It's my scratch paper of the book review. Pagkaangat ng ulo ko ay may nahagip akong pigura sa may covered pathway. My eyes remained on that direction. Nang mahinuha ang mukha ng pigura ay naumid ko ang dila ko.
Why is Kaiden still here?
Pasimple kong iniiwas ang tingin ko, saka iginalaw ang mga paa ko pabalik sa bench na inuukopa ko. Pakiramdam ko ay para akong tuod na naglalakad. I'm sure he haven't seen me yet dahil nasa cellphone na hawak ay atensyon niya kanina.
Pagkaupo ay itinupi ko ang papel saka ito isiningit sa isa kong libro. Saktong pagkalagay ko ng libro sa bag ay nakita ko ang pag-iilaw ng cellphone ko. I fish it out of the bag and read the text message.
Tricia:
Mauna ka nang umuwi, Akila. Tingin ko gagabihin kami ngayon. Sinabi ko na kay Clarice.
Ngumuso ako. It's already ten pass five. Napabuntong hininga ako dahil wala na rin akong magagawa.
I compose a reply.
Ako:
Alright. Ingat kayo sa pag-uwi.
With that, iniligpit ko na ang mga gamit ko at naghanda na sa pag-uwi. Patingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad na papunta sa sakayan. Hindi pa ako umuuwi ng ganitong oras kaya naman hindi mapigilan ng isipan kong mag-isip ng mga kung anu-ano. Saka lang ako napanatag nang nasa highway na ako.
Luminga muna ako sa magkabilang parte ng daan bago inihakbang ang paa ko. But even before I could take another step forward, a motorcycle who's driving beyond the required limit suddenly showed up overtaking a jeepney on the front line.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Akala ko mahahagip na ako. Siguro, kung hindi lang may kamay na biglang humigit sa akin paalis sa kinatatayuan ko.
"Are you alright?" a low manly voice asked.
Still in state of daze, I turn my head to look up at his face. Pero mas lalo lang ata akong nalula nang makita kung sino ang nagligtas sa akin.
"Kaiden..." I blurted out unconsciously.
He press his lips together and glance in front of us, tila hindi narinig ang sinabi ko. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ko. How come I didn't notice him walking behind me? Dahil ba masyadong na-preoccupied ang isipan ko sa pago-overthink ng mga masasamang bagay?
"Laging may barumbado sa daan kaya dapat lagi kang alerto," aniya saka biglang inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
Itinikom ko ang bibig saka humakbang ng isang beses palayo sa kaniya. He's too close!
"T-thank you," I cleared my throat after speaking.
Sinulyapan niya ako pero hindi na siya nagsalita. I bit my lower lip. I don't know what to say to him. Sa katahimikan sa pagitan namin ay naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. The rhythm wasn't as fast as a while ago but the loud throbbing still hurt. I notice my hands are trembling a bit so I hide it behind me.
Napalunok ako. Just by his mere presence is making me like this.
"Should we cross the street?"
Nagulat ako sa muli niyang pagkausap niya sa akin. At nang sulyapan niya ako ay agad kong ibinuka ang bibig.
"I think we should," I voice hurriedly. I bit my lower lip after. Ang pangit ng boses ko.
Tumango siya saka nagpatiuna nang maglakad. When we're already at the middle of the pedestrian, he glance over his shoulder, probably to see if I'm following him. Awkward akong ngumiti nang magtama ang mga mata namin. He then swiftly averted his gaze.
Ngumuso ako. I can't believe that I am actually with Kaiden Gomez right now. Like never in my wildest dream that I thought a day like this would come. I guess I really put Kaiden on a pedestal.
I stand a meter away from him when we reach at the bus stop. He glance at the distance but he didn't say anything. We stayed that way until the solar streetlight of the streets lights up. Walang nagbalak na basagin ang katahimikan, maging ang umupo sa bench sa likod namin.
"I think it's your ride..."
"Ha?" saad ko dahil na rin sa pagkakagulat na muli siyang nagsalita.
"I think it's your ride," he repeated, more louder this time.
Ibinaling ko ang ulo sa parating na jeep. Pinaningkit ko ang mata upang mabasa ang nakasulat sa placard na nakasabit sa harapan. It is indeed my ride. I took a step backward when it pulled out and stop just right in front of us.
I turn my head to him. Nahuli ng mata ko ang pagbaba niya ng kamay.
"Uh, thank you... for earlier, Kaiden." I said to him, still thinking of what I saw.
Hindi ko lang sigurado kung narinig ba niya ang sinabi ko dahil sa lakas ng tunog ng makinarya ng jeep. But when he nodded, I assume that he heard what I said. Dahil doon ay napangiti ako. A genuine one.
Bago ako sumakay sa jeep ay lumingon ako sa kaniya. He's still standing there, his right hand on his pocket, as he watch me get on the jeep.
I smiled.