Chereads / The Future of Our Past / Chapter 13 - Kabanata 12

Chapter 13 - Kabanata 12

Mavin lead me to the other side of the restaurant.

Namangha ako nang makita ang isang outdoor eating area na tila nasa garden. There are only limited tables here, like it's the VIP area. Agad naman naming namataan ang mga kaibigan niya na nakaupo malapit sa may koi pond. They occupied a circular barn table for six.

"Oh! Nandito na kayo…" It was Siggy who first noticed us again.

Tipid akong ngumiti. Tinignan ko ang tatlong bakanteng upuan. Where should I seat? Tila nabasa ang nasa isipan ko, pinaghila ako ng upuan ni Mavin. It's the middle seat. I muttered my thanks to him before sitting down. Inukopa naman niya ang upuan sa kaliwa ko. Thinking that the seat on my right would be vacant, I placed my bag there.

Nang ibalik ko ang tingin sa harap ay naabutan ko ang pagtitig ni Jadriel kay Mavin habang umiinom ng… red iced tea? But his eyes immediately shifted to me. Ibinaba niya ang iniinumang baso saka ngumisi sa akin. I awkwardly returned the smile. Among them he's the most silent one. At madalas naka-poker face.

Habang inaantay ang order namin ay nag-usap muna sila. Sinigurado naman nilang hindi ako nababaliwala. They initiate talk with me from time to time. Nang dumating na ang mga pagkain ay biglang mas naging maingay ang table.

Siggy was so delighted seeing the greasy foods. Ang dami pala nilang order. The pizza and fries was at least a family size in serving. I guess they are big eater?

"Kumain ka na. Don't mind them."

Tumango ako sa sinabi ni Mavin. Sa kalagitnaan ng pagkain ay nalaman ko na pare-parehas pala kami ng pinapasukang school. Uno and Siggy are on the same grade as Mavin and I, while Jadriel was already a Senior. He's in grade eleven.

They are fun to be with. Even though it's our first time meeting each other, they made me feel like I am no outsider in their group. They see to it that I won't be left out in their conversation. Hindi ko man kilala iyong mga binabanggit nilang tao, just the mere fact that they are warm to me is nice enough.

Sinulyapan ko ang suot na wristwatch. It's already ten pass five. Hindi ko namalayan ang oras.

"What's wrong?" Mavin asked.

I cleared my throat and lean a bit closer to him to whisper, "I need to go home now."

Pagkarinig ng sinabi ko ay lumayo ng bahagya ang ulo niya. Tinignan ako bago sinulyapan ang relo niya. Inayos ko naman na ang gamit ko.

"Oh, bakit? Tapos ka na?" puna ni Siggy nang makita akong nag-aayos na.

Sinulyapan ko silang lahat bago tumango. Kung hindi pa ako uuwi ngayon, aabutan na ako ng dilim dito sa labas. I should strictly comply to Tita Emilia's condition if I want to have a 'next time' again.

"I should be home before the sunset," I explained.

"Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo," Uno pointed out.

Bumaba ang mata ko sa burger ko na halos kalahati palang nababawas. Ngumuso ako. It was delicious but I can't enjoy it fully because I am getting anxious. Tatandaan ko nalang siguro kung paano pumunta dito.

"Oh, alam ko na! Curfew, Akila?" si Siggy ulit.

Tumango ako kahit na hindi sigurado kung curfew ba ang tamang tawag doon.

"Ah, may curfew," dugtong niya. Sinulyapan niya si Mavin gamit ang makahulugang tingin at ngiting may bahid ng pang-aasar.

I heard a harsh pull of air from Mavin making my head turn to him. I look at him questioningly. Sinulyapan niya naman ako. Umiling at bahagyang ngumiti.

"Dito nalang kayo, ako na ang maghahatid kay Akila," deklara niya bigla nang ibalik ang tingin sa tatlo.

Napakurap-kurap ako habang nakatitig pa rin sa kaniya. I should decline his offer but when I remember that I'm not really familiar of my way around here, I pushed back the words in my mouth.

"Dinala mo ba?" vague na tanong ni Jadriel sa kaniya.

"Oo, nasa kapitolyo." si Mavin.

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. But after several exchange of words with them and bidding good bye, we made our way out of the restaurant.

"Alam mo ba kung nasaan ang sakayan ng mga jeep?" tanong ko sa kaniya nang nasa kalsada na kami, papunta sa pedestrian lane na magdadala sa amin sa kabilang parte ng kalsada.

"In what particular destination?" he replied while busy looking both ways for vehicles.

Nang makitang malayo pa ang mga sasakyan ay agad niya akong iginiya patawid sa kabila. His hand didn't touch my skin, even though I feel the presence of his left arm on my back. Sinabi ko sa kaniya ang jeep na direkta sa subdivision namin. Then I suddenly remember that he's living on the same neighbourhood as I.

"Hanggang anong oras may jeep na pumapasok sa subdivision?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad na kami sa may sidewalk.

"I'm not sure," he simply stated.

My brows furrowed. "Bakit hindi mo alam?"

Kumpara sa akin, tingin ko'y mas matagal na siyang nakatira doon so he must know. Unless he was being drive around by a car.

"I don't really live there, Akila," he suddenly revealed.

Napatigil ako sa paglalakad at tinapunan siya ng hindi makapaniwalang tingin. Napatigil rin siya sa paglalakad nang mapansing hindi ko na siya sinasabayan. Nilingon niya ako.

"You don't live there? But how come I saw you there a couple of times?" I asked him, confused.

He titled his head. Again, there's a hint of smile on his face.

"My uncle is the one who lives there, Akila. Bumibisita lamang kami…" he further explained.

"Ah," Is that so?

Ibinalik ko ang tingin sa harap. Itinuloy na namin ang paglalakad. Patuloy ko namang iniisip ang nalamang rebelasyon.

So all this time I was only assuming that he's living there? So that's explains why I never got to see him around the village after that day, when he helped me with my dog, and only saw him again when I visited the animal clinic.

I peered the back of his head. So saan siya nakatira kung ganoon? Nangangati ang dila kong tanungin siya. But I held back my curiosity.

Ilang minuto pa kaming naglakad. Nang tumigil siya eksakto sa tabi ng isang bus stop sign malapit sa may intersection ay tumigil rin ako. Tumayo ako isang hakbang ang layo sa kaniya.

"Dito ang ruta ng mga jeep na papunta sa South," inporma niya sa akin.

Tumango ako saka binalingan ng tingin ang mga paparating at dumadaan na sasakyan.

"Marami pa ring pumupunta sa park…" naibulalas ko nang makita ang mga kabababa lang sa jeep na papunta sa entrance ng park.

"Mas maganda ang parke at ang mga booths sa gabi. With the lights and such..." ani naman niya.

I pursed my lips. Sayang. Gusto ko sanang makita ang hitsura ng mga booths at ng parke kapag gabi. Lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring dumadaang jeep na papunta sa subdivision namin. I was agitated because the sky tells me that it's nearing sunset. When it's already quarter to six, I fish out my phone and compose a text message for Tita Emilia.

Ako:

Tita, wala pong masakyan. Baka po gabihin na ako.

I was hesitant to send it because it seems to be an excuse. In the end, after few minutes of hesitation, I change the recipient to Manang. Pagka-send ng mensahe ay ibinaba ko na ang cellphone ko saka muling bumaling sa kalsada.

"Bihira ata ang mga jeep mula sa subdivision niyo na dito ang ruta," inporma sa akin ni Mavin nang nagsisimula nang tuluyan nang bumaba ang araw.

I sighed. "Tingin mo, mag-dalawang sakay nalang ako? Bababa ako sa mall then doon nalang mag-aabang ng pupunta sa subdivision?" It sounded more like I am talking to myself that talking to him.

"Should we do that?" he glance at me.

Ngumuso ako, at wala nang nagawa kundi ang tumango. Wala na akong ibang pagpipilian kung gusto kong hindi abutan ng dilim dito sa labas. Lalo na dahil I find public vehicles scarier at night.

"Can I have your phone number?"

Natigilan ako. That was just so sudden…

"Nah. I'll give you mine instead," pagbawi niya sa agad sa sinabi.

Napahinga ako. I adjusted my stance to face him. "I'll just give you mine."

Inilahad ko ang bakanteng kamay ko para sa cellphone niya. He quickly grab his phone na all this time ay nasa back pocket lang ng pantalon niya saka ibinigay sa akin. We have the same model, only that his was in gray and mine was rose gold. Before tapping the phone icon, tinitigan ko muna ng ilang segundo ang wallpaper niya.

I cleared my throat before typing my number. Pagkakuha niya nito ay mabilis niya itong minaobra. Ilang sandali lang ay nag-vibrate ang cellphone ko. I mindlessly check it. An unregistered number texted me.

Unregistered Number:

This is my number. -Mavin

I immediately look at his way. But his attention is already on the road. I am still here beside him. Bakit hindi nalang niya sinabi? I save his number on my contacts. And not long after, a jeep pulled out in our front. Pinara niya ito.

"It's your ride," he stated.

I nodded. "I'll get going then. Thank you, Mavin." I turn my head to look at him. Nang mahanap ko ang mata niya ay nginitian ko siya.

He simply lift a corner of his lips. Hindi ko pa sana igagalaw ang mga paa ko kung hindi lang nagsalita iyong driver ng jeep. Sinamahan naman ako ni Mavin hanggang sa may pintuan. But efore going in, I glance at him once more.

"Text me when you get home," he said just enough for me to hear. "Please…"

Umawang ang labi ko sa pagkabigla sa huling salitang sinabi niya. I know that it was already a request but when he added that word, he made it sound like it's a plea.

Really. Mavin Jaranillo is making me more curious of him.

The ride going to the mall was rather uncomfortable. Kaya naman pagkarating sa mall ay dumaan muna ako sa convenience store upang bumili ng maiinom. It was already quarter to seven when I reached our home.

Inihahanda ko na ang sarili habang papasok ng bahay. Pagkatapak ko sa loob ay hindi na magkamayaw ang malakas na tibok ng puso ko. Papagalitan kaya ako ni Tita?

"Nandito na po ako," kinakabahang deklara ko sa pagdating.

Tita Emilia who's seated on the couch turn her head at my direction. "Oh, you're here…" she said, her face passive. "Maglinis ka na ng katawan tapos kakain na tayo."

Dahil doon ay napahinga ako ng maluwag. I immediately excuse myself and retire to my room. Pagkapasok ay hindi pa muna ako agad pumunta sa banyo. Inukopa ko ang rolling chair ko at nagtagal ng sapatos. Nang maalala ang sinabi ni Mavin ay kinuha ko ang cellphone sa bag.

Ako:

I'm already home.

Pagka-send ng mensahe ay nagtanggal na ako ng mga alahas na suot. Agad akong napatingin sa cellphone ko nang mag-vibrate ito.

He was quick to reply.

Mavin Jaranillo:

We'll stay here until late night.

Napatitig ako sa screen. Nag-iisip ng isasagot. Nang dumaan na ang ilang minuto ay wala pa rin akong maisip, bumuntong-hininga ako. It's been long since I exchange text messages with a guy. Sa huli'y nagdesisyon akong maligo nalang muna. Baka sakaling may maisip na isasagot.

Napatitig ako sa sarili sa salamin ng dresser ko habang pinupunasan ang basa kong buhok. My cheeks are flushed because of the hot bath. I pursed my pink lips as I take a closer look of my upturned eyes. Clarice said it's the part that makes my face intimidating.

I was distracted when my phone suddenly vibrated. I picked it up. I tap the new message, directing me into our conversation. I waited for the photo to load. At nang makita na picture ay hindi ko mapigilan ang pagkamangha.

Mavin Jaranillo just sent me a night view photo of the park!

My phone buzzed.

Mavin Jaranillo:

Because you weren't able to witness it.