Chereads / The Future of Our Past / Chapter 15 - Kabanata 14

Chapter 15 - Kabanata 14

"There's nothing we can do about it." I overheard my adviser mumbling to herself.

Nakatayo ako sa harap ng table niya. I adjusted my stance as my other hand still pinching my right thumb. Sa katahimikan ay naglalakbay ang isipan ko sa mga bagay-bagay.

I am going back.

It was so sudden. Maybe that's why it dawned upon me just now. But… What is it that I'm feeling? My heart's rhythm is faster than normal but also, it was as if I have gone numb. Is this due to shock?

Napaayos akong muli ng tayo nang mag-angat na ng tingin ang adviser ko.

"Pwede ka nang umuwi," aniya. "Ako na ang magsasabi sa mga subject teachers niyo. I bet it's urgent, am I right?"

I nod. Ngumiti ng kaunti si Mrs. Arevalo bago inabot sa akin ang isang papel. Nang makuha ito ay saka ko palang nalaman na pass slip pala.

"Thank you, Ma'am." I said softly.

Suddenly there's an emotion that crossed her eyes.

"Condolence to you and your family, Miss Tresvalles…"

Napakurap ako. Ah, so that's why the pity. Pilit akong ngumiti. It's not really my pain… but I felt a pinch in my heart.

Muli nalang akong nagpasalamat at kalauna'y nagpaalam na rin. Pagkalabas sa faculty room ay napasulyap ako sa grounds. Wala nang ni isang estudyante ang nakakalat. Kung sabagay tapos na ang recess. Nagsimula na rin ang sunod na exam.

Tinanggal ko ang tingin dito at itinuon ito sa harap. There's nothing to see except the end of this corridor. Huminga muna ako ng malalim bago tahimik na binaybay ang kahabaan ng corridor.

It's weird… It's so silent.

Hindi naman ako dati nabo-bother sa katahimikan ng paligid pero ngayon ay parang iba. The silence feels heavy and deafening.

Ah. Right.

It's not my pain but it's still a loss in my part.

I don't have that much memory of Abuelo, my great grandfather. But I remember him as a tall foreign man with a lot of freckles. And he's the reason why the family is oblige to learn the Spanish language. Now, he already fell in eternal slumber.

I feel bad knowing it just now. Naisip ko na iyon siguro ang dahilan kung bakit parang iba ang kilos ni Tita Emilia at Manang noong Linggo.

Napalingon ako sa nilalampasang classroom. My eyes quickly scan the room through its open window. Then I suddenly heard someone call my name. Hahanapin ko sana kung sino iyong nagsalita pero nang sawayin siya ng proctor ay agad akong napaiwas ng tingin.

May nakakakilala sa akin bukod kay Mavin sa section nila?

Strange.

Nang makababa, nagdebate ang isipan ko kung dadaan pa ako sa classroom para magpaalam sa mga kaibigan. But when I am already a step away, I decided to change my course. Pumihit ako at hinarap ang direksyon patungo sa covered pathway. I'll just inform them through text.

Nakalahati ko na ang pathway nang maramdaman ang pagba-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.

"Tita," bati ko sa kabilang linya.

"Are you already on your way, Kila? Nasundo ko na si Soliya."

I chewed my lower lip. "Papunta na po sa sakayan…"

Well it's a lie because I'm still here at the school's premises.

"Alright. We're going to prepare now. Mag-iingat ka."

"Op--ah!"

Nanlalaki ang mga mata kong nilingon ang taong biglang humigit sa isang braso ko.

"M-Mavin?" hindi ko makapaniwalang bulalas.

I immediately check my phone if the phone call is still on going. Thankfully it already ended. Muli kong ibinalik kay Mavin. Sinulyapan ang pinanggalingan niya.

"What are you doing here?" pagtataka ko.

"Where are you going?" he breathe. "Your exams are done? Uuwi ka na?" sunud-sunod niyang katanungan.

Mataman naman niya akong tinitignan habang bahagyang nakaawang ang kaniyang bibig. His chest noticeably rise and fall. Tumakbo ba siya?

"Uhh," I trailed. My eyes landed on his hands that's still holding my right arm. The blue veins caught my attention. Umangat ang mata ko sa mukha niya nang bigla niyang binitawan ang braso ko.

"Sorry about that. I don't intend to grab you, Akila…" he said in a low voice.

Napakurap ako.

"Ayos lang. Kakasimula palang ng pangalawang exam. Tapos ka nang magsagot?" lumibot ang mata ko sa mukha niya.

Napakamot siya bigla sa kaniyang batok. "Uh, nagpaalam lang akong pupunta sa banyo…"

Napa-'ah' naman ako. "So are you done taking your leak? Or papunta ka palang? The male's toilet is at the other way…" baka naliligaw siya.

Bigla siyang napaayos ng tayo at seryoso akong tinignan. "You haven't answered my question yet, Akila."

Napakurap ako. I lowered my eyes and recalled the things he asked. Nang maalala ay muli kong tinagpo ang mata niya.

"I'm sorry, Mavin. I think we should postpone tomorrow. We have an emergency at home so…" Hindi ko na alam ang idudugtong kaya pinutol ko na doon.

Confusion surge in me when Mavin bobbed his head. I look at him questioningly. Pero imbes na sumagot agad ay ngumisi siya saka ipinatong ang kamay sa ulo ko at bahagya itong tinapik.

"Silly. Ayos lang. Marami pa namang pagkakataon, 'di ba?" nakangiti niyang saad.

Ilang sandali muna akong napatitig sa mukha niya. Then the corners of my lips curled for a small smile. I nod my head. "I'll buy you a meal anywhere you want."

Sinulyapan ko ang suot na relo.

"Sige na…" nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sabi mo pupunta ka sa banyo, 'di ba? Time is running. May exam ka pa…" dagdag ko.

Mukhang aangil pa sana siya pero nang sulyapan din ang suot niyang relo ay napatango na rin siya.

"I'll see you around then, Akila." he said as he glance at me.

Muli na naman akong napakurap. "See you…" I whispered.

Ngumiti siya saka humakbang na patalikod. Gustong magdugtong ng mga kilay ko nang nanatili siyang nakaharap sa akin habang lumalayo.

"Oh!" naibulalas ko nang masaksihan ang kamuntikan na niyang pagkakatumba dahil sa isang misplaced stone sa gitna ng daanan.

"Turn around!" I ordered him when I can't take it already.

"Alright," he drawled, chuckling. Sumaludo pa siya sa akin bago pumihit patalikod.

"Tss," I hissed but in the end, it brought a smirk to my lips.

Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makaliko na siya. Nang hindi na siya makita ay kumilos na rin ako. Hindi naman ako nahirapan sa pagsakay kaya agad rin akong nakauwi. Sa kwarto ay naabutan ko si Manang na nag-eempake ng ilang mga damit ko.

"Ayos na ba itong mga hinanda ko, Kila?" tanong niya sa akin nang mapansin ako.

Mabilis ko namang pinasadahan ang mga damit na nasa ibabaw ng kama ko. It were mostly of white and black.

"Ayos na po, Manang."

Ibinaba ko ang bag sa rolling chair ko. Pumasok ako sa banyo at kinuha ang mga necessary toiletries na dadalhin. Sakto namang inilalagay na ni Manang sa hand carry luggage ang mga damit pagkalabas ko.

"Dumating na ba si Tito, Manang?" tanong ko nang iabot ko sa kaniya ang pouch na naglalaman ng mga toiletries.

"Ha? Hindi kami sasama ng Tito Andrew mo, Kila. Kayo lang ng Tita Emilia niyo."

Nagtataka ko siyang tinignan. "Bakit po?"

Sinabi naman niya na may pupuntahang convention si Tito Andrew kaya hindi makakasama. Iyon din ang rason kung bakit hindi makakasama si Manang Fely. I think more than me she should be present at Abuelo's wake. After all he was the one who adopted Manang into the family.

"Ilagay mo na sa trunk ang bag mo, Akila."

Napakurap-kurap ako sa narinig kay Tita Emilia. "We'll drive to Ilocos, Tita?"

Mula sa cellphone, lumipat ang tingin niya sa akin. "It wasn't conditioned for a long drive. Hanggang sa Manila lang, Kila. We'll use the de Silva's car…"

Napa-'ah' naman ako. Kalauna'y bumiyahe na kami. The drive to Manila was at least three hours. I really hate travelling when the sun is at its peak. Kaya naman pagkarating sa mga de Silva ay hilot-hilot ko na ang sentido ko. Today is scorching hot.

Umangat ang tingin ko sa grand staircase nang may napansin akong imahe sa gilid ng mata ko. Napaayos ako ng upo at mataman siyang tinitignan. I haven't seen Alandra for years so seeing her now as a teen feels strange. How old is she now? Thirteen?

"Good to know that you're still alive…" she said void of emotions upon nearing me.

Natawa ako. I guess some things never change. She's still that girl with an old soul trap in her body.

"I missed you, too." biro ko.

She sneered at me pero kalauna'y natawa na rin. "Nasaan sina Tita Emilia at Soliya?" aniya bago inukopa ang espasyo sa tabi ko.

"Tita Emilia is talking to your Tita Valeria. Soliya… I think she headed to the koi pond."

Pagkarating namin kanina dito sa mga de Silva ay sinalubong kami ng ginang. Matapos naman ang maikling kumustahan ay pumirmi na kami ni Soliya sa receiving area ng bahay nila. Masyado namang nagpaka-feel at home ang kapatid ko kaya naglibot.

"Why did you decided to study here in the city?" tanong ko nang makuryuso.

There's a sudden silence. Dahil doon ay napatingin ako sa kaniya. Agad din naman niya akong nilingon.

"The same reason as you," she grins.

My brows creased. What does it mean? Did Tito Leo… cheated? Nah. The Mazariegos are known for being faithful.

Napaayos ako ng upo nang mapansin sina Tita Emilia na papunta sa direksyon namin.

"Mamayang alas tres na tayo bibiyahe. Kinokondisyon pa daw ang dadalhing sasakyan," inporma niya sa amin.

Sinulyapan ko ang suot na relo. It's still quarter to two.

"Ilang oras ang biyahe, Tita?" si Alandra.

Right. It's been long so I don't even know now how many hours would it take us to reach our hometown. Napukaw ang atensyon ko nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko sa suot na body bag.

I was suddenly alerted when I saw his name. I quickly opened the text message.

Mavin Jaranillo:

Someone said you're going home to you province.

Then the three dots appeared…

Mavin Jaranillo:

Magtatagal ka ba doon?

Napatitig ako sa screen ng cellphone ko.

I have thought about it back then, but I push the idea aside thinking it's absurd. But… it's weird. It feels as though Mavin knows some things about me more than I have think of.

Gaya na lamang noong sinabi niyang nasa labas na ang mga kaibigan ko sa library noon. How did he came to know that they are my friends?

Gayunpaman, tumipa na ako nang reply.

Ako:

We'll be back by Sunday.

Gusto ko pa sanang itanong kung kanino niya nalaman. But again, I am hesitating.

It's hard. Hesitating.

That feeling when I know what I want to do or say but I in the end, I'm always interrupted by hesitation. I don't know where it all started. I always feel like I'm in restriction.

Bumalik ang atensyon ko sa hawak na cellphone nang mag-vibrate ito.

Mavin Jaranillo:

Ah, oo nga pala. I heard it from someone in your class.

Napakurap ako. Mavin Jaranillo… He's really something.

"Sino 'yan? You already have a boyfriend, Kila?"

Huli na upang itago ko ang cellphone ko. Alandra has already peeked through my phone. I glance at Tita Emilia's way. I am relieved when I realized she's so engrossed conversing to Tita Valeria.

Binalingan ko si Alandra. "Uh, privacy?"

She smirked, crossed her arms and lean on the couch. "Gwapo. I think he sort of resembling Tito Killian."

My mouth half-opened.