Fifteen minutes after Mavin's gone, the Sorento pulled out of the driveway and stop just right in front of me. Agad naman akong gumalaw sa kinatatayuan ko, nilapitan ito at isinilid ang sarili sa shotgun seat.
Mabagal ang usad ng mga sasakyan paalis ng mall. With people loading and unloading from the jeepneys, the crossover move so slow.
"How's your day? Tapos ka na ba sa mga tests mo?" si Tita Emilia nang sa wakas ay nakaliko na sa kami sa highway.
I readjust the strap of the seatbelt and shifted on my seat. Tumango ako. "Tapos na po lahat, Tita."
She hummed. "Good to know. May project ba kayo ulit?"
I saw her glancing at the paper bags beside my feet so I was able to realize what she meant immediately. "Ah... Hindi po..."
"Another artwork...?"
I bit my lower lip and nodded my head timidly. Tumingin ako sa labas ng bintana. Tita Emilia just hummed. Hindi lingid sa kaalaman nila Tita na nagd-drawing ako o nagp-paint. In fact, some of my works are even hanged on the walls of the house.
Hindi ko alam kung siya ba o si Manang ang may pasimuno noon. Basta isang araw nakita ko nalang ang mga canvas na dating nakalagay lang sa isang sulok ng kwarto ko na nakasabit na sa dingding. Because the wall that would serve as a gallery in the house was still bare, my paintings (throughout the years) fill it. And to think that it wasn't even the best of bests.
But it's just that... I feel uncomfortable talking about my 'talent' with Tita Emilia. Because... I'm afraid she would asked me the question she often asked back then, when I'm still younger.
I'm afraid that she would asked me my dream.
Because right now, the fifteen year-old Akila doesn't know what's her dream anymore. I no longer want to become a chef nor want to become a fashion designer... I am no longer that ambitious kid.
Growing up, I realize that dreams come and go. And that sometimes, they aren't for everyone. But maybe, someday, I will have one again. After all I still have a lot of time to figure out my dream. If I ever have one.
Tumaas ang isang kilay ko nang salubungin ako ng kapatid sa foyer. Normally she's just holed up in her room, playing those clay or making crafts out of scraps.
"Why?" I asked her as I head to my room. She immediately tailed me.
"Ano 'yang mga binili mo, Ate? Gagawa ka ulit ng painting? Flowers ulit? O iyong guri-guri?"
Napatigil ako. Hawak ang door knob ay nilingon ko si Soliya. Hindi siya mapakali... And it just mean one thing; her going out of her way interacting with me and being agitated right now. Napahinga ako. Ibinalik na ang tingin sa harap at pinihit pabukas ang pinto. Pumasok na ako.
"Anong gusto mong sabihin?" udyok ko sa kaniya.
Sumunod naman siya sa akin. Siya pa ang nagsara ng pinto. Inilapag ko sa rolling chair ang mga paper bags. Sa kama naman ang bag ko. Habang nagtatanggal ako ng sapatos ay kinalikot naman ni Soliya ang mga paper bags. Inilabas niya isa-isa ang mga laman nito at inilalapag sa table ko. Hinayaan ko siya. Sunod ko namang tinanggal ang relo ko at suot na bracelet.
"Ate, ano ito?"
Mula sa jewelry box ay lumipat ang tingin ko sa ipinapakita ng kapatid. I didn't recognize it at first, but when I remember that it was the book Mavin was holding earlier, I snatch it from her hand.
"Bakit nandito ito?" wala sa sarili kong saad habang tinitignan ang kabuuan ng libro.
It was a book of guitar chords. For intermediate players.
He's playing a guitar...?
"Marunong kang maggitara, Ate?" kunot-noong tanong ni Soliya.
Ibinaba ko ang libro. Inilapag ito sa ibabaw ng maliit na canvas.
"Anong gusto mong sabihin?" ulit ko sa tanong kanina.
Dahil doon ay napanguso siya. Nagbaba ng tingin at tinadyak-tadyak ang isang paa sa sahig. I waited patiently. Minutes later, she stop her kicking and raised her head.
"May mga ayaw ka bang damit mo, Ate?"
I can't ignore the glint of hope I'm seeing in her eyes. Pumihit ako at naglakad patungo sa aking walk-in closet.
"Aanhin mo?"
Sa full-sized body mirror na nakadikit sa pinto ng isang cabinet ay nakita ko siyang nakasunod sa akin. Iniiwas ko ang tingin dito at binuksan ang cabinet kung nasaan ang mga pambahay na damit.
"Nasunogan kasi iyong isang kaibigan ko," natigilan ako sa pagkuha ng damit. "Iyong nakatira sa may riles d'yan, Ate... E wala silang naisalba."
Nilingon ko si Soliya. I'm aware that she has a variety of friends. Dahil sa public school siya nag-aaral, given na mas marami sa populasyon ng eskwelahan ang walang masyadong kakayahan sa buhay. I once question my aunt's decision in letting Soliya study in a public school, but now I am starting to understand her purpose in doing so.
A small smile made its way through my mouth. "Ilan silang magkakapatid?"
"Lima..."
Nag-angat ako ng kilay. "Edad?"
And so for the next hour, we are searching for our old clothes or not-so-like clothes in our closets to give her friend's family. Soliya was so happy that she keeps blabbering during dinner. Because Tito Andrew is really fond of her, he let her be. Halos silang dalawa ang magkausap buong sandali. And it made me wondering what could have been if the two of them had their own child.
Sometimes I think the world is unfair. Binibigyan ng anak ang mga hindi naman gustong magkaanak, pero ang mga gusto namang magkaanak ay hindi nabibiyayaan.
Ako:
You forgot this.
(attached a photo)
I tap the send button and put my phone back on the table. Pumasok na ako ng banyo at naligo. Nang matapos ay agad nang nagbihis ng pantulog. I was blow drying my hair when I check my phone. Nang makitang wala pa siyang reply ay nakaramdam ako ng disappointment.
"Maybe he's busy at the moment," I console myself.
I focused on blow drying my hair. When I'm done, I spaced out in the middle of my room. It dawned on me that I don't have anything left to do except to sleep. But the problem is I don't feel any ounce of sleepiness in my body.
Lumibot ang tingin ko sa paligid. Then I remember something when I saw my dresser. Nilapitan ko ito, inukopa ang stool saka binuksan ang isang drawer. It then revealed a complete set of make up that I still haven't touched. It was my mother's gift for me last Christmas. Hindi ko alam kung bakit naisipan niyang ito ibigay. Inisip ko nalang na baka gusto niyang mag-explore ako sa iba't ibang uri ng art.
Binuksan ko ang pinakamalaking palette at pinagmasdan ang iba't ibang shades ng eyeshadow na naroon. Nang magsawa ay sunod ko namang binuksan ang isa pang palette na blush on naman ang nakalagay. I even check the brushes and the expiration date of the brow pencils and such.
Binuksan ko ang ilaw sa paligid ng salamin at nakipagtitigan sa sarili. Nasa pagitan ng pagiging makapal at manipis ang kilay ko. Sa kuryusidad, sinubukan kong guhitan ang mga ito. When done, I stared at my face again, this time with a brows more defined than before.
The satisfaction that I did well on my first try is overwhelming. So I tried some of the products on my face too. Experimenting.
Napatigil ako sa pagpupunas ng wipes sa mukha nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Dali-dali akong umalis sa harap ng dresser at dinampot ang cellphone sa study desk. Agad akong nakaramdam ng tuwa nang makitang galing kay Mavin ang bagong text message.
Mavin:
Oh, shoot! Nakalimutan ko palang kunin. Kunin ko nalang bukas. Only if it's possible. Is it, Akila?
Napanguso ako.
Ako:
Of course. I'll give it you tomorrow at school.
Patingin-tingin ako sa cellphone ko nang dumaan ang ilang minuto ay wala pa rin siyang reply. It's already ten on the clock. I wonder what's keeping him... Pero nakatulogan ko na ang paghihintay.
Dinala ko ang libro niya sa pagpasok kinabukasan. Wala pa rin akong natatanggap na text message mula sa kaniya kaya naman hindi ko alam kung paano ito maiibibigay. I am even considering dropping it by their classroom. Kung hindi lamang sa maaring isipin ng iba.
"Hala, may benta silang carbonara! Mag-carbonara tayo ngayon, Akila!" si Tricia.
Tumango ako, lumilibot pa rin ang tingin sa paligid. Maalinsangan ang panahon ngayong araw. Hindi pa man tirik ang araw ang ramdam na ang init. Dahil doon ay itinali ko ang mahabang buhok. Napaawang ang labi ko at ilang beses akong napakurap nang makita ang 'di inaasahang mukha--mga 'di inaasahang mukha.
Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko nang makita si Kaiden na nakatayo ilang hakbang mula sa kinatatayuan ni Mavin. I don't often come across with Kaiden on the school grounds. Mabibilang sa kamay ang mga pagkakataong ganito. But Mavin... My eyes stayed at him. He stand out in the crowd. Probably because of his height but also because of something else I'm not sure of.
Mula sa pagtingin sa mga nakadisplay sa counter ay napalingon siya sa banda ko. Then he caught my eyes. Tumaas ang mga kilay niya. And in an instant, his face brightened. Pero agad ding nawala ang mata niya sa akin. My eyes followed him. Bahagya siyang yumukod upang marinig ang sinasabi ng kumakausap sa kaniya. It's a girl... Pero dahil nakaharang si Mavin ay hindi ko makita ang mukha noong babae.
"Saan ka pupunta?" agad akong napatigil at nilingon si Clarissa.
I blink. "Nowhere."
Lumunok ako at bumalik sa dating pwesto. Hindi mapakali, ibinalik ko ang tingin sa direksyon kung saan nakatayo si Mavin kanina. He's no longer there because he' already on the queue. Kahit na umusad na ang pila ay hindi ko matanggal ang tingin sa kung saan ko siya nakita kanina. Nang umabot na sa puntong kailangan nang maiwan ng ulo ko sa pagtitig doon ay ibinaling ko na sa harap ang tingin.
I didn't know that he's close with Eulace Mariano and her two other friends.
Wala sa sarili akong bumili ng meryenda ko. Saka lang natauhan nang imbes na pera ay ang card ang naiabot ko sa cashier. Tahimik kong pinagalitan ang sarili dahil sa kahihiyang natamo. My friends didn't even help because they keep on making fun of me as we head back to our classroom.
Ipinatong ni Tricia ang isang kamay niya sa balikat ko. "Oo na. Alam na naming may credit at debit card ka, Akila Fiorella Tresvalles. Hindi mo na kami kailangang inggiting mga poor kids," natatawa niyang saad.
Gusto ko mang depensahan ang sarili ay hindi ko na ginawa. Umirap ako sa ere at nag-iwas ng tingin. Laking pasalamat ko nalang nang biglang baguhin ni Clarissa ang usapan. She told us the latest gossip about some students in our batch she caught wind of.
Napangiwi si Tricia. "Sa classroom ba talaga? Hindi mapigilan ang raging hormones kaya pasikreto nalang naghawakan ganoon?"
She said my exact thought. Inukopa ko na ang upuan ko. Tricia and Clarice turn the armchairs in my front to face me. Tuloy pa rin ang pag-uusap nila tungkol sa nasagap na chismis kahit sa kalagitnaan ng pagkain.
"Tingin niyo posible bang mangyari iyon sa klase natin?" tanong ni Clarice na agad ring nagpatigil sa kaniya. Napatigil rin sa balak na pagsubo ng pasta si Tricia dahil sa sinabi ng huli. Nagpalitan kami ng tinginang tatlo at sa huli'y sabay-sabay na umiling.
Natatawa akong nagpaikot ng pasta sa tinidor. That question belongs to the list of never-think-of-it-because-it's-absurd things. Majority sa klase namin ay mga babae. Sa bilang ng mga lalaki, one-fourth noon ay binabae. And I don't know if it's only me or my friends that thinks that the boys of the first section, the 9-1 in particular, are a no-no. They are either a geek, weird or a fish. I don't know. I don't really see them as a 'boy'.
"Akila..." bakas pa ang tuwa sa mukha ko nang balingan ko ang nagsalita.
Nang makitang si Marga ay naitikom ko ang bibig, pero hindi pa rin nawawala ang tuwa sa mukha.
"Bakit?"
She looks serious, and curious at the same time. What could it be? She don't really talk to me unless we're groupmates or whatnots. Well that's because she has a lot of friends. Sa bawat section ng bawat year level ata ay makakilala siya (maybe that's an exaggeration).
"Magkakilala pala kayo ni Jaranillo? Magkasama daw kayo kahapon na pumunta sa faculty room..."
At nabura nang tuluyan ang bakas ng tuwa sa mukha ko.