Chereads / The Future of Our Past / Chapter 25 - Kabanata 24

Chapter 25 - Kabanata 24

This part of the barangay has a poor signal. Ibinalik ko ang cellphone sa bag at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos ng tatlong subo ay tinakpan ko na ang lunch box at itinabi sa gilid.

"Oh? Tapos ka na Akila?" puna ng isang kaklase.

Tumango ako bago sumimsim ng tubig sa hydro flask. Maalinsangan ang panahon. Kahit nasa lilim ay mainit pa rin. Well the reason why this coastal barangay is chosen in the first place is because it's in need of trees. Madalas ding bahain kaya talagang kailangang taniman ng maraming puno. Well hopefully those seedlings can survive.

"Ang kaunti mo namang kumain. Kaya ang payat mo e."

Napatigil ako sa pagsimsim, nanatili ang bunganga ng flask sa labi ko. Seeing those Marines seated under the talisay tree across us made me suddenly remember what happened earlier.

Because I was seated at the end of the boat, hindering the others to board freely, I was told to move to the front. Dahil doon ay naitabi ako sa isa kong kaklase. My friends are late. The last rented jeep carrying them is still on its way. Pagkaraan ng ilang minuto ay umandar na ang bangka.

"Hindi ba close kayo dati ni Joaquin?" pagkausap sa akin nong kaklase ko.

May pag-aalangan ko siyang nilingon, 'di sigurado kung para sa akin ba ang katangungang iyon. But when I confirmed that it was really meant for me, biglang wala naman akong maisip na isagot. That was years ago. Naaalala pa niya?

"Bakit mo natanong?" balik ko.

Hindi naman siya nagsalita. May sinulyapan lang sa isang banda saka itinuon na ang tingin sa harap. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. The engine was loud. As we move farther from the port, the water becomes clearer. Nang nasa gitna na ay halos makita na ang sea bed sa linis ng tubig.

Hindi kalauna'y may natatanaw na akong dalampasigan. The sands chocolate in color. Later on, the engine died down. Tumalon ang bangkero sa tubig at giniya ang bangka sa may mababang parte. Then he place down the makeshift dock ladder on the front edge of the boat. Sakto lang ang haba ng hagdan upang makatungtong sa buhangin.

The first three people seated before me safely landed. Kaya hindi ko alam kung bakit noong ako na ang tumungtong sa makeshift ladder ay umalon ng mas mataas dahilan upang gumewang ang bangka, ganoon na din ang hagdan. Maybe if only the boatman wasn't alert enough to hold me in place and someone from behind supported me, perhaps I'm now submerged in the water.

"A-Ah, salamat po," ani ko sa mama nang bitiwan na niya ang braso ko.

Nagpatuloy ako sa pagbaba. Malakas pa rin ang tibok ng puso sa kamuntikan nang pagkakawala ng balanse. The makeshift ladder wobble sightly, telling me that there's someone following me. Hindi ko masyadong pinagtuonan ito ng pansin dahil nagfofocus ako sa aking pagbaba. Saka palang ako nakahinga ng maluwag nang nakatapak na ako sa buhangin.

"Mas mag-iingat ka sa susunod. Lalo at malayo pa naman ang uuwian mo."

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng malalim na boses, thinking that he's the one who catch me when I'm about to go off balance. Pero natigilan ako nang makita ang mukha niya.

'Joaquin,' I almost uttered but my mouth didn't cooperate and it stay half-opened. We stay still for a moment, just staring at each other, until he drift his gaze away.

"Sige," tinanguan niya ako saka umalis na sa harap ko.

Napakurap ako at sinundan siya ng tingin. Nang tumigil na siya sa paglalakad ay pumihit na rin ako. I walk towards the opposite way and stand a meter away from my other classmates. Pinanuod ko ang pagbaba ng mga naiwan at ang pagdaong ng iba pang mga bangka. Mayamaya ay wala na dito ang isipan ko. My mind is replaying what happened earlier. Inaalala ang pakiramdam nang ang mga kamay niya ay nasa balikat ko.

"Grabe, knight in shining armor! To the rescue agad sa kaniyang damsel in distress."

Binalingan ko ng tingin ang kaklase. Napatitig ng ilang sandali sa mukha niya at kalauna'y nagbaba ng tingin. But then, my eyes move to where he's standing.

"Kila, may wipes kang dala?" napalingon ako kay Clarice.

Napakurap-kurap muna ako bago tumango at gumalaw upang ilabas ang wipes sa bag. Pagkaabot ko ng wipes sa kaibigan ay ang sakto namang pagdaan sa likod niya ni Joaquin.

"Ano 'yon? Bigla kang natigilan d'yan?" si Tricia na humuhugot ng wipes.

Umiling ako at inilagay na sa bag ang lunch box. I would tell my friends what happened earlier if only they knew that there's a thing between Joaquin and I during our freshman year. Ang kaso lang ay hindi nila alam. Actually there's no one in school that probably knew about it other than the two of us.

Nang mag-ala una ng hapon ay ipinagpatuloy namin ang pagtatanim ng mga seedlings na hindi pa naitatanim. It was scorching hot. Mas lalo pa akong nagsisi na hindi ako nagdala ng jacket. It's so hassle planting while holding an umbrella.

Napatingin ako sa kalangitan. Gray clouds are beginning to take over the sky. It was exactly three in the afternoon when the tree planting activity ended. I thought we will ride a boat again going to the port but to my surprise the organization president declared that we would travel by land going to the port. And he meant walking for a couple of miles. Nagsisimula na akong magduda kung tama ba ang dinadaanan namin. Dahil kung may daan pala, bakit pa kami nagbangka?

I groaned inwardly when droplets of water began to fall. Kaniya-kaniyang reklamo din ang mga iba, lalo na ang mga walang dalang payong. Inilabas ko ang payong sa bag at agad itong binuksan. I look back to search for my friends. Nagpahuli kasi sila. Mayamaya'y lumaki at mas dumami na ang patak ng ulan. Sa pagmamadali ng isang ka-org na sumilong sa kung saan man ay nadanggil niya ang balikat ko dahilan upang mabitawan ko ang payong.

"Sorry, sorry!" aniya bago patuloy na tumakbo.

Huminga ako ng malalim saka pinulot ang payong na ilang beses ding nadanggil ng mga iba pa. Perhaps it wasn't my lucky day.

Hindi ko na itinuloy ang paghahanap sa mga kaibigan. Narinig ko sa kasabayang higher years na nasa kalahati palang kami. The port, she said, was at least fifteen minutes away more. The rain is pouring hard and with the sea breeze, it was cold. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng labi ko at pagtayo ng mga balahibo ko. Mas niyakap ko nalang sa sarili ang bag.

"Ang lonesome naman..."

I don't know for whom it is but I turn my head out of curiosity.

"Hi!" she said the exact moment my gaze land on her.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o babatiin siya pabalik. I know her... I think her name is Ciara. Kabilang din sa specialized section. She's charming, always smiling... and approachable. She's friends with Kyle so... I'm not sure if she has heard of what I have done to her friend years ago.

Sa huli'y ngumiti ako ng kaunti at nagdesisyong ibalik ang bati niya. "Hi..."

Her smile widens. "Nilalamig ka ba?"

"Uh..." my words hang there. Nabigla sa sunod niyang sinaad. "Not... really." naibulong ko nalang ang huling salita nang makita siyang hinuhubad na ang suot na itim na hoodie.

"Heto," aniya sabay abot sa akin ng itim na hoodie.

Imbes na tanggapin ito ay napatitig ako sa suot niyang pink cardigan. She come prepared I see. Umiling ako sa inaalok niyang jacket dahilan upang sumimangot naman si Ciara.

"Sige na, Akila. Gusto mo bang magaya kay Jack? Mamatay sa hypothermia?"

Napamaang ako sa kaniya. "Isn't that a bit extreme?"

Lumabi siya at nagkibit-balikat. Then she shove the jacket on my hand. Muntik pa itong mahulog sa sahig, mabuti nalang at agad kong naagapan.

"Water repellent 'yan," sabay kindat sa akin.

"Thanks, Ciara..." I blink. "Ibalik ko nalang sa 'yo sa Monday?"

She nodded. "Sure, babe. Una na ako," she wave at me and disappear.

I pursed my lips and stared at the jacket on my arms. She's so nice for someone close to being stranger. Bumuntong-hininga ako at isinuot na ang jacket. It was surprisingly warm and kind of big for me.

Out of curiosity, I pull the hem of the jacket's hood and smell it. I thought I am just imagining things but there really is a faint smell of perfume. It's powdery and smells... nice. It's kind of familiar. I think I already smelled it somewhere, on someone, but I can't pinpoint who.

When we finally arrived at the port, the jeeps the org rented are already lined up. Doon ko na hinintay ang mga kaibigan. Nang magkita-kita kami ay agad nilang inusisa ang suot kong jacket. Sinabi ko naman na pinahiram ni Ciara.

"Parang nakita ko kanina 'yan. Hindi ko lang maalala kung kanino..." si Tricia.

"Kay Ciara ba?" tanong ko.

Pinauna ko muna si Clarice na sumakay bago ako.

"No. Pang-lalaki 'yan e. Ay, hayaan na nga! Ayoko nang isipin..."

I hummed. Sa biyahe ay naramdaman ko na ang pagod. At kahit naka-jacket ay ramdam ko ang lamig dahil kalahati ng jeans ko pati ang suot na sapatos ay basa. Kaya naman pagkababa sa mall (dahil doon nagpababa ang mga kaibigan ko) ay agad na akong sumakay sa jeep ng subdivision, declining the offer of my friends na mamasyal sa mall.

After having a hot shower, I tossed my clothes on the washing machine, including the jacket. While waiting for it to be done, I made myself a cup of milk. Dinaanan ko rin ang cellphone sa kwarto bago bumalik sa laundry room.

Nakipagtitigan ako sa screen ng cellphone ko. I don't know why I'm disappointed that I didn't received any text message. I sighed and decided to put my phone down at the counter when it suddenly buzzed. Agad ko itong tinignan.

Mavin:

Are you already home?

Binago ko ang pagkakasandal sa pader.

Ako:

Yep. Nasa bahay na ako.

A second later he called. Agad akong lumabas ng laundry room at itinulak pabukas ang sliding door ng lanai. Doon ay sinagot ko ang tawag.

"Hi," I breathe.

"Hi. I missed you today," he greeted.

It immediately brought a smile to my lips. I'm not sure what he meant by that. But I am assuming of the literal meaning.

"I missed you, too." I checked the time. "It's not yet dismissal. Nasa school ka pa?"

He hummed. "There's still Homeroom. How's the tree planting? Fun?"

I pursed my lips. "Not really..."

He asked me why so I told him my experience. Our talk lasted for about ten good minutes before he was forced to end the call. Dahil nasa corridor pala siya, pinapasok siya ng tingin ko'y adviser nila sa kanilang classroom. Knowing that her teacher didn't give any special treatment to him for being someone big deal somehow made me feel at ease. And I think he prefer it, too.

Not long after tapos na ring malabhan ang mga damit. Naghanap ako ng paper bag para sa jacket. Luckily Manang recycle every paper bag. Pagkalapag ko ng paper bag na naglalaman na no'ng jacket sa desk ko ay napukaw naman ang pansin ko nang papel na nakalatag sa tabi nito.

Ah, why did I forget about it.

Sumabay ako sa mga patawid ng pedestrian at sumunod sa mga papasok rin ng mall. Maraming tao ngayon. Well it's expected during weekends, like today. Nang ma-clear na sa entrance ay agad akong dumiretso sa sadyang shop. Habang papunta ay hindi ko maiwasang mapairap sa ere.

I'm supposed to be home for the whole day of Saturday. That's the routine. But then, nalaman ko na responsibilidad din pala ng P.R.O na magpa-photocopy ng instructional materials.

Binasa ko ang pangalan ng shop. Pagkalapit sa open window ay agad akong nilapitan ng isang staff. Sinabi ko sa kaniya ang sadya ko.

"Kailangan mo na ba agad, Miss? Medyo marami kasi kaming kuha ngayon pero kaya namang tapusin itong iyo. Matatagalan nga lang."

Lumampas ang tingin ko sa kaniya, napunta ito sa kaniyang mga kasama. She wasn't lying though. Halos lahat ng machine nila ay ginagamit.

"Mga anong oras po sa tingin niyo pupwede nang kunin?"

Napaisip naman siya. "Mga alas tres, Miss. Ayos lang ba?"

Sinulyapan ko ang suot na relo. Wala pang bente minutos pagkatapos ng ala una. I told her it's fine. There's nothing I can do about it anyway. Binayaran ko na ito. Habang hinihintay ang sukli ay nag-vibrate ang cellphone ko sa suot na cross body bag. Wala sa sarili ko itong inilabas.

I felt myself smiling. It's Mavin. He's asking what I'm doing right now. I replied immediately.

Mavin:

Saang parte? I'm around the area.

My eyes slightly widened in surprise. I bit my lower lip and abruptly compose a reply, asking if he's not kidding. The staff called for my attention. Tinanggap ko ang sukli ko at nagpasalamat. Pagkalagay ng sukli sa wallet ay umalis na ako sa harap ng shop.

Mavin:

But I'm not. Papunta na ako dyan.

I began walking mindlessly. I keep on reading his text. Nagdedebate ang utak ko sa irereply. Maniniwala na ba ako? But Mavin has never lied... I stop walking. And from my phone I look around. Nasa gitna na pala ako ng mall.

Muli kong inilibot ang tingin. But then my gaze linger on the mall's main entrance door when I saw the boy in black polo shirt that the male guard is scanning.