Chereads / The Future of Our Past / Chapter 23 - Kabanata 22

Chapter 23 - Kabanata 22

I don't really know what to feel at this moment.

Luminga-linga sa paligid si Siggy pero sa ibang parte naman ng coffee shop siya nakatingin. Saka niya pa lamang kami nakita nang sapilitang ibinaling sa direksyon namin ang ulo niya noong kasama niya.

"Oy, nand'yan pala kayo..." natatawa niyang saad pagkalapit sa amin.

Saka ko palang namalayan na nakangiwi pala ako nang napatingin sa akin si Siggy. Itinikom ko agad ang bibig at kaunting ngumiti.

"Akila..." he said in awe. "Nice! Good to see you again," tinawid niya ang distansya namin at nag-alok ng fist bump.

"Same here," awkward kong saad bago itinaas ang kanang kamao at idinikit sa kamao niya.

He hummed. "Quite a progress I see," he vaguely uttered as his smirk grew wider and eyed Mavin who's standing beside me.

Nanatili ng ilang segundo ang titig niya dito, nagtaas ng kilay, at mayamaya ay mahinang humalakhak. Sa kuryusidad ay napatingin ako kay Mavin. Pero bago ko pa man makita ang mukha niya ay napatigil na ako nang bumalik ang tingin sa akin ni Siggy.

"Anyway, nakilala mo na si Josue, Akila?" aniya.

Umiling ako dahil hindi ko naman kilala kung sino iyong binanggit niya. "Oh? Ngayon, makikilala mo na..." pumihit siya at may itinango. "Josue Valduciel, the ace of the basketball team."

Napatingin ako sa itinuro niya. Bahagya akong natigilan nang magtama ang mata namin noong naka-army cut hair. And when he suddenly jerk his eyebrows while still looking at me, I got startled. I mean--that was so unexpected! At nang matunghayan ang reaksyon ko ay umangat ang isang sulok labi niya. Nagtataka naman siyang tinignan noong tatlong babae. So stabbing a corner of his lips, he looked away and busied himself looking at the menu boards.

Napakurap-kurap nalang ako. This is one of the reasons why we shouldn't judge a book by its cover.

"Naka-order na ba kayo?" pag-iiba naman ni Siggy.

Mavin shifted on his weight. "About to. Tara na ba?"

"Oo, gutom na ako e. Kanina pa kami nag-iikot ni Josue kahahanap ng ireregalo kay Ate Anica," si Siggy na nagsisimula nang maglakad papunta sa counter.

"Teka," halos sabay-sabay naming nilingon ang nagsalita. It's... Josue. May kinuha siya bulsa ng suot niyang slacks at agad na iniabot ito kay Mavin.

"Gamitin daw iyan sabi ni Santiago."

"Santi?" Bahagyang kumunot ang noo ni Mavin bago tinanggap ang card. "He's here?"

Napatingin ako dito. It's a dark blue-black gradient card with white dots that seems to be forming a figure. Nang makita ng logo ng coffee shop ay natanto ko na kung ano ito. Who's this Santiago?

"Alanis," sagot naman ni Josue.

Pagkarinig noon ay pinakawalan na niya ang pagkakakunot ng noo niya. "Yeah, of course." aniya na para bang hindi na dapat niya tinanong iyon.

I tilted my head in confusion--na dahilan upang makita ko si Eula. She seems to be as confused as I am. Siguro'y naramdaman niya akong nakatingin sa kaniya kaya napalingon siya sa banda ko. Nang magtama ang mga mata namin ay umangat ang labi niya at nagkibit-balikat. Like she's telling me that she also don't have an idea who those people are.

"Sebastien, nasaan nga pala si Jad?" tanong ni Siggy habang papunta na kami sa counter.

"Ask Eula," Mavin said simply.

My eyes move to Eula unconsciously. Nasa gilid ko kasi sila. Tila naman nagulat si Eula kaya lito sa gagawin. It take her a couple of seconds to open her mouth.

"Banda. May gig daw sila e."

Nilingon siya ni Siggy. "Kelan?"

"...Ewan ko? Bakit ba ako ang tinatanong niyo e kayo nga ang mas nagkakasama?"

Humagikhik naman bigla si Kassidy at Gia kay nagtataka ko silang tinignan. Pero agad din nilang itinikom ang bibig nang bigyan sila ng masamang tingin ni Eula. I blink in confusion when I also heard Mavin smirk. Can somebody tell me what's going on?

"Baka lang mas maraming alam ang best friend," may lamang saad ni Siggy.

Napakamot ako sa gilid ng noo ko. Okay. Paano nga ba biglang naging hangout with not-so-stranger friends of Mavin Jaranillo ang supposed to be 'hangout' lamang naming dalawa? Not that I don't like it... but I am feeling a bit uncomfortable now.

"Are you alright?"

Napatingin ako kay Mavin. Nauuna siya kanina kaya bakit--ah.

Nagpakita ako ng kaunting ngiti. "Oo naman..."

Pero hindi ata siya kumbinsido dahil nanatili pa rin ang nag-aalalang expression sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

"I'm sorry for the unexpected turn of events... But this bound to happen sooner or later anyway." Kumunot ng bahagya ang noo ko nang hindi gaanong naulinigan ang huling sinabi niya dahil sa humina ng kaniyang boses. A small smile made it's way through his mouth. "Anong gusto mo, Akila?"

And so I told him that I have reserved two slices of blueberry cake. Tinanong ko pa kung gusto ba niya iyong flavor na iyon. But he just smile and told me, "I can anything, Akila. I'm not really particular with food. And I don't have food allergies by the way."

Dahil doon ay nasabi ko naman ang mga ayaw kong pagkain which happens to be favorite niya. But still, Mavin Jaranillo being Mavin Jaranillo take it into consideration and declared that we won't have those food, ever. Is that even possible? It's his favorite after all.

"Is that all, Ma'am, Sir?"

Napatingin sa akin si Mavin, expecting an answer.

"That's all, po." baling ko sa cashier.

She recite our order and said the amount after. Pinakiramdaman ko si Mavin. Hindi naman siya gumagalaw dahilan upang umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Ako o ikaw?"

"Ang magbabayad?" paninigurado ko.

Tumango naman siya, bakas ang pagkatuwa sa mukha kahit na pilit na itinatado. Ipinasok ko sa bulsa ng palda ang isang kamay ko. Nang walang ibang mahawakan bukod sa cellphone ko ay napunta ang tingin ko sa inukupa kong table. They (his friends) are moving the adjacent table, joining it to the table I picked.

"Ikaw na muna," ani ko. "I left my wallet in my bag." Ibinalik ko na ang tingin sa harap. I smile apologetically to the staff because we're taking too much time.

"Alright," he drawled. Nag-abot siya ng card--the black card--sa cashier.

"Do you always pay in card?" I ask when we're already heading back to our table.

"Hindi naman. I don't really spend much so..."

Napa-'ah' naman ako. I eyed the two chairs that they left vacant. Pinili ko ang upuan sa tabi ni Kassidy kung nasaan ang bag ko. That leaves Mavin no choice but to take the seat on my left.

"Naka-order na kayo?" si Eula. She's seated across me. "Gusto ko sana iyong blueberry cake kaso may nakauna na daw. Sayang..."

Pasimple kong sinulyapan si Mavin--na nakatingin na pala sa akin. Nakataas ang isang kilay niya habang may pinipigilang ngisi sa labi. He's telling me that it's my fault, dahilan upang simangutan ko siya. Dahil doon ay tuluyan na siyang napahalakhak.

"Care to share what's funny, Jaranillo, para tumawa rin kami?" nakataas ang isang kilay na sita ni Gia sa kaniya.

I purse my lips and acted as if I'm looking for something in my bag. He stop chuckling. He cleared his throat and said, "Nothing..." Tapos biglang nawala ang bag kong nakapatong sa hita ko.

"Let me take care of this one," he explained before putting my bag behind him and his knapsack on the floor, beside his chair.

Napakurap at nag-angat ng tingin sa mukha niya.

"Pwede bang magtanong, Akila?" agad akong bumaling sa nagsalita. It's Gia.

"Sure," nag-aalangan kong saad. "Ano iyon?"

Pumangalumbaba naman siya habang hindi tinatanggal ang mata sa akin. "Anong ginagawa niyong first section? Puro lang ba pag-aaral ang inaatupag niyo na tipong halos libro nalang ang kaharap niyo? Halos kalahati sa klase niyo ang nakasalamin. Palatandaan ba iyon upang masabing sila ang pinakamatalino? Pang-ilan ka sa ranko ng mga pinakamatalino? Una ba? Huli?"

Nanatili akong nakatitig sa kaniya kahit na noong tapos na siya sa tanong--mga katanungan niya. That was a lot... Ano nga ulit iyong una niya tinanong?

"Gia..." halos sabay na saway sa kaniya nina Eula at Kassidy.

Gia widen her eyes in disbelief. "Ano? Wala naman akong below the belt na tinanong, ah?"

Nagpapaumanhin namang akong tinignan ng dalawa. Ngumiti ako at sinabing wala namang masama sa mga tinanong ni Gia upang mapanatag ang dalawa.

"Sa first question mo, no. Hindi naman pag-aaral lang ang focus namin. Maybe it is for the others, I'm not really sure. But for me, I also have hobbies. Doon ko inilalaan ang ibang oras ko kung hindi ako nag-aaral. And sa eyeglasses..." napakamot ako ng sentido ko. Paano ko ba sasagutin iyon?

"Bakit ka inglesera? Kaya tuloy nag-iingles ang mga tao dito para bagayan ka."

Now, that really caught me off-guard. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin. I want to defend myself but the last thing she said really bothered me. Napalunok ako at pinasadahan silang lahat ng tingin. They all look guilty. Well except for Josue because he's focused on his phone and for... Nagtagal ang mata ko kay Mavin.

He doesn't look guilty. More so, he look pissed. Nakatingin siya sa kung saan sa kanan niya. His tongue is stabbing the insides of his cheeks. Maya-maya ay magkakasunod na tinawag na ang mga pangalan namin.

"A-Ah, sakto nand'yan na iyong pagkain. Tara, kunin na natin..." si Eula. Sa gilid ng mata ko ay nasaksihan ko ang pilit na pagpapatayo niya kay Gia at kinaladkad ito papunta sa counter.

Nakaalis na silang lahat. Patayo na ako nang pigilan ako ni Mavin at sinabing siya na ang kukuha. I let him be.

"S-Salamat," ani ko pagkalapag niya ng pagkain at inumin ko.

"Tsk," napatingin ako sa kaniya, nagtatanong ang mga mata. Umiling lang naman siya.

At first, we ate in silent. It was awkward. Kaya mabuti nalang at binasag ni Siggy at Eula ang katahimikan. Later on, it was less awkward anymore. Gia also apologize to me and I accept it. Okay na ulit ang atmosphere sa table pero nanatili pa ring wala sa mood si Mavin. He just ate in silence.

"Have you tried making a portrait using watercolor?" si Eula nang mapag-usapan namin ang arts habang ang iba ay nasa kaniya-kaniyang usapan.

Tumango ako. "I'd been practicing... Nakagawa na ako ng portrait pero hindi pa gaanong kapulido. Gusto ko nga sanang makagawa na ng painting na mukha naman," narinig kong muli ang pag-tsk ni Mavin sa kalagitnaan ng pagsasalita ko pero hindi ko na ito masyadong pinagtuonan ng pansin.

"Gusto mo ba ng tips?"

Agad akong tumango. She then told me some techniques that I had never thought of doing before. As my thanks, I let her have my half-eaten blueberry cake that she gladly accept. Magdidilim na noong magpaalam kami sa isa't isa. Si Eula ay mananatili pa dahil may bibilhin pa daw siya habang si Gia at Kassidy ay ihahatid na daw nila Siggy at Josue. Nanatili ang mata ko kina Siggy at Kassidy kahit na noong nakalayo na sila. Tingin ko'y may nakita ako kanina.

Lumipat ang tingin ko kay Mavin nang marinig ko ang muli niyang paghugot ng malalim na hininga. "May problema ba, Mavin?"

Sa sinabi ko'y mariin niya akong tinitigan.

"I'm not using this language just because of you, Akila."

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. "...I know."

Pumikit siya sandali at pagmulat ay muling humugot ng hininga. "No, you don't know..." he licked his lips and part his lips.

I pressed my lips together and look away. "Sana nga totoo na hindi mo lang ako binabagayan, Mavin. I don't really know what to feel if it's true that you're only being like this because you want... to conform with me."

Nagawa ko na nga iyon sa mga kaibigan ko. Hindi ko na alam pa kung pati rin si Mavin o sa iba pa.

"No... Akila, look at me," he pleaded.

I chewed my lower lip. But then I stop doing so when I saw his left arm extending towards me. Pigil ang hininga ko habang hinihintay ay sunod niyang gagawin. But his hand then stop an inch away from my hair. It stayed on the air.

"Kung ano ang nakita mo sa akin, simula noong una, ay walang halong pagpapanggap... What you see is what you get, Akila. Do you understand?" he said looking at me straight from the eye.

Wala sa sarili akong tumango. The corner of his mouth twitches with an attempt at a smile. His hand right on top of my head then move to tuck the loose strand of hair to my ear.

"Now, why don't you ask me if why I am doing this? Why am I being like this, hmm?"