Chereads / The Future of Our Past / Chapter 24 - Kabanata 23

Chapter 24 - Kabanata 23

There was silence. Mayamaya ay nakarinig ako ng buntong-hininga. Sinulyapan ko siya pero nang maalala ang sinabi niya kanina ay ibinalik ko sa harap ang tingin.

The truth is I am not really sure why I am here.

"This is so fuck up," a sigh. "I don't know even know why I confessed it to you. Like... do you even 'care'?"

I pursed my lips as I watch some leaves falling off the branches. Mas iniyakap ko sa sarili ang jacket na para bang mas mababalot pa ako nito. I don't know if I'm permitted to speak my mind so to play safe, I just keep mum.

"...Have you even regretted something in your life? I mean the kind of regret that stays in you. Like five years or ten years from now, you'll still keep regretting about it? Is there something like that?"

"Every human being has a regret," I said simply.

I watch the orange sky disappear by a second. Sinubukan kong alalahanin ang kaibahan ng tanawin sa nakasanayan ko. But aren't sunsets the same wherever part of the world you are in?

"Do you? It would really make me feel great if you have a regret far more worst than mine though."

Umangat ang sulok ng labi ko. "D'you know what's worst than regret? Timing..."

"Timing? Bad timing?"

Nilingon ko siya. Tumagilid ang ulo ni Mavin. Ang mga mata niyang nasa sa akin ay nagtatanong. Umiling ako bilang sagot at tuluyan nang pumasok sa jeep.

Pagkapwesto ay muling bumalik ang mata ko sa kaniya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya kahit na nang umandar ang jeep. But until the moment the jeep turn to the driveway leading to the highway, Mavin is still standing at the sidewalk, a hand on his pocket, eyes on my way.

Nagbaba ako ng tingin. I feel bad that I wasn't able to answer him earlier.

A second after he said those words, my phone vibrated. Habang kinukuha ko ang cellphone sa bulsa ay binawi na niya ang kamay niyang nasa ulo ko at ito'y ibinulsa. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang makitang si Manang ang tumatawag.

"Sagutin mo muna..." sinulyapan ko siya. But then he showed an encouraging smile.

"I'm sorry. Wait lang, Mavin..." tinalikuran ko na siya. Saka ko palang sinagot ang tawag nang makuntento na sa distansya.

"Manang," bati ko.

"Nasaan ka na? Nasa daan ka na ba, Kila?"

Bahagyang kumunot ang noo ko, hindi mapigilan ang pagragasa ng kaba. "Bakit po?"

"Kakain daw tayo sa labas. Celebration para sa promotion ng Tito Andrew mo."

I let out a sigh of relief. Akala ko kung ano na. "Okay po. Uuwi na."

Nang maibaba ang tawag ay agad akong bumalik sa kinatatayuan ni Mavin. Nang mapansin ako ay napatingin siya sa akin.

"Ano nga ulit iyong sinasabi mo kanina?" pagbabaka sakali ko.

"Nonsense," he shrug. "Hinahanap ka na?"

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Why does it feel like it wasn't only a 'nonsense'? Gayunpaman, hindi ko na siya inusisa pa. Tumango ako.

Pagkarating ko ng bahay ay minadali ako ni Manang sa pagbibihis. Mula sa uniform ay nagpalit ako sa isang simpleng baby doll old rose dress. We had a dinner at this Filipino outdoor restaurant. Halos alas nueve na ng gabi nang makabalik kami sa bahay.

Pabagsak akong dumapa sa kama ko habang binabasa ang text ni Mavin. He texted me an hour ago pero ngayon ko lamang nakita.

Mavin:

Blueberry cake, again?

Umangat ang isang gilid ng labi ko. Subtle, eh?

Ako:

Hangout again with your friends?

Humilata ako at inilapag ang cellphone sa ibabaw ng aking tiyan. Sa katahimikan ay nag-play sa isipan ko ang mga nangyari kanina sa coffee shop. His friends are alright. They are nice to me nevertheless. Hindi lang ako sanay na naii-straightforward ng kausap lalo na kung estranghero sa akin. Give it time and maybe I'll get used to it. Tingin ko nama'y Gia isn't a bad person.

My phone buzzed after some time.

Mavin:

Nope. Only us this time.

Ako:

I'm cool with hanging out with your friends.

Mavin:

Sure. Let's just hangout with them some other time.

Ako:

Why? They are nice.

Then his name flashes on my screen, trying to call me. Tumikhim muna ako bago ito sinagot. Hindi ko alam kung kailan natapos o kung gaano katagal ang tawag. We kept talking about random things, one after another, and only drop the call when a yawn was heard from me.

Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Other than doing my assignments, watching some shows in a certain app, and exchanging texts with Mavin, my Saturday was uneventful as always. Gaya ng nakagawian tuwing Linggo, we attended mass at the church we frequently went.

Maraming tao sa simbahan for some reason, tuloy wala kaming choice kung hindi ang tumayo all throughout the mass. My legs hurt a little but it was tolerable. Habang binabaybay ang parking lot ay pinapasadahan ko ng tingin ang mga sasakyang nakahilera sa kanan ko. Paying some attention to every brand and plate number. But my eyes settled longer at a black SUV.

I'm not sure if its the same plate number as this one, but it's a Palisade. Ilang beses ko nang nakitang sakay nito si Kaiden. Nang umabante na ito para sa pag-alis ng parking lot ay pumagilid ako. I hold unto Manang's arm as an alibi for being too close. Nang mapansing lalampas na ito ay napatingin muli ako dito.

The window of the backseat was rolled down. And a familiar boy was seated next to it looking outside the window. Nagtama ang mga mata namin. Recognition comes a second late, because I only realized it's Kaiden when the car's already on the exit.

My heart leap with joy at the thought that he was also here. Hindi ko kasi siya nahanap sa loob kanina dahil na rin sa dami ng tao. But when the little pinch of joy subsides, I let out a sigh. It's a hopeless case.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang paghanga ko kay Kaiden Gomez. At first, it was just curiosity. But then, as the time passes by, seeing more and more of him made me somehow invested in knowing who's he really is. But as I know more, the gap between us was becoming farther and farther from reachable. He's like a star that what you can only do is to watch from afar.

"Si Jaranillo, Akila," agad na bulong sa akin ni Tricia pagkapasok na pagkapasok palang namin ng canteen.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Saan?" ani ko, nahihiwagaan kung paanong nandito siya.

If it's true that he's here, then it will be the second time that he will be seen buying here at this particular canteen. Sinundan ko ang inginunguso ni Tricia. Kumunot ang noo nang wala namang nakitang Mavin Jaranillo sa bandang iyon. Thinking that Tricia is messing with me I made a face. Nang makita niya ito ay yumugyog ang balikat niya sa paghalakhak.

"Oy, hanap niya," tukso niya sabay sundot sa pisngi ko.

Inilayo ko ang mukha sa daliri niya at umiling-iling. Hindi ko alam kung bakit binibigyan ng ibang kahulugan ng mga kaibigan ko ang pagkakaibigan namin ni Mavin.

"Hmm, hindi pa kasi aminin na may namamagitan sa inyo ni Mavin Jaranillo. Hindi naman kami magagalit, Kila. Tanggap naman namin ang realidad. Ganoon talaga, ang mayayaman ay para lang din sa mga mayayaman."

Kumunot ang noo ko. "I'm not rich."

Dahil doon ay binigyan ako ng nagdududang tingin ni Tricia. "Kung hindi ka mayaman sa lagay na 'yan, then paano nalang kami? Rat poor?"

Napakamot ako ng bahagya sa sentido ko. They are given the impression that there's something going on between us with Mavin other than friendship because of what happened last Friday. Umuulan at dahil napagkasunduan namin ni Mavin na sabay na pupuntang mall, he waited for me outside my classroom (because they are dismissed earlier than us). Kung ganito ang impresyon ng mga kaibigan ko, paano nalang kaya sa iba pang nakakita?

Iniba ko nalang ang usapan. Mabuti nalang at sumakay naman si Tricia. Because of what she said earlier about me being rich and such, I treat her. Binilhan na din namin ng meryenda si Clarice na nasa kalagitnaan ng isang meeting ngayon. Pagkabalik sa classroom ay naabutan namin ang kaibigan na nakaupo sa tabi ng upuan ko.

"May tree planting activity ang school sa Ransohan sa Biyernes."

Napatigil ako sa pagtungga ng inumin ko sa narinig, ganoon rin si Tricia na napatigil sa pagkagat sa kaniyang veggie burger.

"Sa Biyernes na agad?" si Tricia.

Tumango si Clarice. Nilunok muna ang nginunguya bago nagsalita. "May meeting bukas ang lahat ng YES-O members."

And it happened, before the recess we attended a meeting for all the YES-O members of the school held at the AVR of the Senior building. The org adviser brief us of the project, and it lasted for half an hour. Habang papunta sa canteen ay ito ang pinag-uusapan namin. Hindi pa tuluyang umaalis ang bagyo sa bansa kaya nakakabahala.

"Si Jaranillo, Akila!" ani Tricia pero hindi ko to pinagtuonan ng pansin. Inaalala ang nangyari kahapon.

Tinignan ko kung ano ang mga nakadisplay sa glass containers. Nang makita ang isang pamilyar na dilaw na kakanin na nakapatong sa dahon ng saging ay agad akong natakam. I really like that one.

"Hoy, totoo nga!"

Inignora ko siya at humalo na sa pila. Agad namang sumunod sa akin ang nagtatakang si Clarice. Hindi na masyadong marami ang mga estudyanteng bumibili dahil ilang minuto na rin ang nakalipas nang magsimula ang recess.

"Bibili ako nang nilupak. Do you want some?"

Nilingon ko si Clarice. Pero laking gulat ko nang imbes na ang kaibigan ang makita ay isang dibdib ang bumungad sa akin. I squint my eyes when a thin silver chain peek on his white undershirt. I recognize it. Ngumuso ako at nag-angat ng tingin.

So Tricia wasn't fooling around this time.

"Hi. I missed you yesterday," he said, his eyes smiling.

My lips curl for a small smile. "I missed you yesterday, too."

Sa sinabi ko'y umangat ng kaunti ang isang gilid ng labi ni Mavin. His eyes linger on me for a few seconds before moving it to the canteen's counter.

"Gusto mo ng nilupak? How about pichi pichi?"

Bumalik din ang tingin ko doon. I don't know what's that but I nodded. Pagkarating sa harap ay siya ang nagsabi sa canteen staff ng bibilhin. Napag-usapan na namin ang bibilhin ang drinks kanina sa pila kaya hinayaan ko na siya. Ganoon na rin sa pagbabayad.

Last Friday, the couple seated next to ours argued because the girl won't let the guy pay for their meal. The guy said that it bruise his ego that his girlfriend is the one taking care of the check.

"Did I also bruise your ego?" I whispered to him.

Imbes na sumagot ay tinignan niya lang ako ng mataman. Brows both raised and a smirk hinting on his lips. So I take his silence as yes.

"Ang dami mo atang binili," puna ko nang nakuha na namin ang binili.

"I can eat the rest," he simply said while looking around the canteen.

I stop walking and looked back. Hinanap ko ang mga kaibigan. Then I spotted them walking towards us wearing a grin that tells me mamaya-ka-sa-amin. Napangiwi ako habang hinihintay silang makalapit.

"That table is free," Mavin look behind his shoulders for me.

Tinignan ko ang sinasabi niyang table saka tumango. Sinulyapan ko naman ang mga kaibigan, nagkibit-balikat lang naman sila. So we all headed to that table for five in the corner. We got no problem with the awkwardness. In fact it was as if we'd been hanging out for a while. With my friends overly interested with Mavin, there's no room for me to talk.

"Aba, akala mo nakalimutan na namin ah. May Mavin Jaranillo lang nakalimutan na ang kaibigan."

I gape at my friends with disbelief. Hindi ba ganoon rin ang ginawa nila sa akin kanina? Halos makalimutan na ako dahil masyadong engrossed sa pakikipag-usap kay Mavin.

"Anyway, we forgive you na. Kung hindi lang kami sinuhulan ng boylet mo," si Tricia.

That made my forehead creased. "Sinuhulan?"

Nilingon ako ni Clarice. "Siya ang nagbayad ng mga pagkain namin. Sigurado ka bang wala talagang namamagitan sa inyo sa lagay na 'yan?"

Hindi ako nagsalita. It rained the whole the day next morning. The next day, lumabas na ang bagyo at umaraw na rin. And early morning of Friday, I'm already standing at the port. Regretting that I didn't bring any jacket because of the cold breeze.

"Pwede na raw sumakay sa bangka. Dala-dalawampu lamang ang sakay. Galaw-galaw na," ang presidente ng organization.

Gumalaw naman ako. I step on the plank of wood acted as a bridge towards the boat and accepted the boatman's hand when he offered. Bahagya akong kinabahan nang bahagyang gumalaw ang bangka pagkatapak ko. Afraid that I would soon lose balance, I take a seat and hold on to the edge of the boat.