Tulala ako sa jeep pauwi sa bahay. This feeling… It was unfamiliar. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko lang ay masaya ako. Pakiramdam ko ay nakangiti ako kahit na hindi naman. It feels strange but I like this feeling.
Naiiling nalang ako habang papasok sa bahay dahil lumampas ako sa dapat na bababaan.
"Nandito na po ako," hayag ko sa pagdating ko.
Agad kong namataan ang maliit na nilalang na nagmamadaling lumapit sa akin. Ngumisi ako habang inaantay siyang makalapit. I crouched so I could pet him. It was one of the things I look forward everytime I'm going home.
"You miss me that much?" I whispered to Kiho as I carry him into my arms.
Yakap-yakap ko siya, balak isama sa pagpunta sa kusina. I suddenly feel thirsty. Pero bago pa man ako tuluyang makaalis sa foyer ay tinawag ako ni Manang. Hindi ko napansin na nasa sala pala siya.
"Kila, halika rito, dali!" aniya, ang mga mata'y nakatuon sa TV.
"Bakit po?" tanong ko pero lumapit pa rin ako sa kaniya.
Kumawag-kawag si Kiho sa bisig ko kaya naman ibinaba ko na siya. Umusli ang strap ng backpack ko kaya nagpasya akong hubarin nalang ito at bitbitin. I raised my head, but only to be surprised.
Nabitawan ko ang bag sa pagkabigla. Dalawang beses naman akong sinulyapan ni Manang.
"Hindi ko alam na sikat na pala ang Papa mo, Akila. Siya pala ang nagdisenyo noong sikat na building ngayon sa Cebu. Ano ba ang ibig sabihin ng renowned architect?"
Wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi ni Manang. My head is spinning from the shock. My breathing strained. W-Why… Why is he being interviewed by that host?
"Papa, when are you going home?" I pouted. When I heard his low chuckle from the other line, I press the telephone closer to my ear.
"Kakarating ko palang dito sa Cebu, Kila. Miss mo na ba agad ako kaya gusto mo na akong umuwi?"
"Hmm-mm. Go home na, Papa. I miss you…" I said sadly.
"My… Kawawa naman ang baby ko. But Papa needs to work para makapunta tayo ulit sa Disneyland. 'Di ba sabi mo gusto mo ulit pumunta doon?"
I pouted more. "Kailan ka uuwi kung ganoon?"
"Hmm, hindi ko pa sigurado. Pero paggising mo bukas… makalawa, malay mo nand'yan na si Papa. Wait patiently for me, alright my baby damulag?"
"Hmp! Pasalubong ko, Papa ha!"
Sinakop ng mababang halakhak niya ang kabilang linya. "Syempre, hindi ko kakalimutan ang pasalubong ng prinsesa."
I felt my chest tightening. He look older now compared to my last memory of him but his voice remained the same. How long has it been?
"Oh? May sarili na palang kompanya si Killian? AT Architecture, Incorporated… Tignan mo nga sa internet, Akila."
Ikinuyom ko ang mga kamay ko. I pressed my lips together as I stare at the screen mounted on the wall across me. Habang nakatingin ako sa mukha niya ay bumabalik sa alaala ko ang mga memoryang pilit kong iniiwasang maalala. But knowing that he's doing fine after all the things he have done in the past just became an insult to the injury.
I can't believe him. Was it all just an lie? An act? Were we just really nothing to him?
"Manang," bumaling ako sa kaniya. "Saan na daw siya nakabase?"
Not that I am curious. I just want to know if he's still there at that damn province.
"Tinanong kanina 'yan ng host e," bahagya siyang napaisip. "Makati ata ang sinabi kanina. Hindi ko lang sigurado…"
I chewed my lower lip as I nod. So he's now in NCR.
"Sa kwarto lang ako, Manang." ani ko saka pinulot ang bag sa sahig.
"Kakain na tayo mamaya pagkarating ng Tita mo..."
Natigilan ako. "Opo."
Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Saka ko palang napansin ang bahagyang panginginig ng kamay ko nang pihitin ko ang door knob. Pagkapasok sa kwarto ay pabagsak akong umupo sa rolling chair ko. Isinandal ko ang ulo sa sandalan saka ipinikit ang mga mata.
It's natural that the first thing that we would feel after seeing someone, who hold a big part in our life, unexpectedly is longing, right? But when longing subsides, what will come next…
I chewed my food carefully. Sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko ang maya't mayang pangsulyap ni Manang at nila Tita Emilia sa direksyon ko. Umakto nalang akong hindi ito napapansin at nag-focus nalang sa pagkain.
"Kumusta ang araw mo, Kila?"
Hindi ko inaasahang pagtatanong ni Tita, dahil doon ay agad akong napatingin sa kaniya. It was rather unusual of her to ask me that. Not because she don't ask me that question, but because we usually ate in silence. Only the clanking sounds of the utensils to be heard.
I cleared my throat silently and brought my eyes back to my plate. "Ayos lang po, Tita. The school is busy these days. Midterms is around the corner…"
"Ah gano'n ba…" she pursed her lips. "Do well in your exams."
I bit my lower lip and nodded my head. Mukhang may sasabihin pa siya pero nang lumipas na ang ilang segundo at wala pa ring sumunod na salita, naisip ko na wala na sigurong idudugtong si Tita. Tahimik na ulit ang hapag hanggang sa matapos na kaming kumain.
"Kila," natigilan ako sa balak na pag-alis sa hapag sa muling pagtawag ni Tita sa pangalan ko.
"Bakit po?"
She's looking at me seriously. Her eyes has emotions that I cannot name.
"He's still your father…"
Napakurap ako habang nakatitig sa mukha ni Tita Emilia.
"He's still the father of your children, Alona." I overhead my aunt said to my mother.
"Anong klase siyang ama kung ganoon?! Itatakwil niya kaming mag-iina dahil lalaki ang nasa sinapupunan ng kabit niya? The audacity of that bastard!"
Nanginig ang mga kamay ko kaya ikinuyom ko ang mga ito. It's funny that it's still the 'he's still your father' card again.
Umangat ang gilid ng mga labi ko. "Of course, Tita." Tumikhim ako dahil bahagyang nanginig ang boses ko sa huli. "Sa kwarto na po ako."
Hinayaan naman nila akong pumunta na sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay napahilig ako dito.
The elders think that they understand what's going on the mind of the young ones. They thought they already knew. But they are not aware that their understanding was shallow and lacking. So I won't bother explaining my side because if they don't even understand my silence, more so my words.
Imbes na magmukmok ay nagpasya akong gawin nalang ang mga assignments na ibinigay sa amin. But in the middle of working, I drop the pen on my hand when my shoulders suddenly began to shook, a sob made its way out of my mouth.
It's hurts. It still hurts.
I want to ask him. I want to ask my father if it's worth it… If it's worth it abandoning your family just for a son.
"Kila?" Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ko.
"P-po?" Pinunasan ko ang mga luha ko at agad na inayos ang sarili.
"Ah, nothing… Don't sleep too late," was all Tita Emilia said.
Mapait akong ngumiti. I don't know what to feel anymore.
Isinandal ko ang buong sarili sa inuupuan at natulala nalang sa labas ng bintana. I wonder when would I stop waiting for him like the girl in the Little Match Girl. It's too tiring to wait. Nakakapagod ang maghintay sa isang tao na walang kasiguraduhan kung babalik.
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog. Pero kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Hindi pa gaanong tuyo ang buhok ko ay itinigil ko na ang pagbo-blow dry dito at lumabas na ako ng kwarto. Agad kong namataan si Tita sa may breakfast counter, nagt-tsa habang may binabasa sa iPad niya.
"Good morning po," bati ko pagkalapit sa kaniya.
Sinulyapan niya ako. "Kumain ka na. I'll bring you to Tiaong office."
Inukopa ko ang stool sa kaliwa niya. "Ngayon na po?" It's already nine o'clock.
She hummed. "Eat first."
Tumalima naman ako. Minadali ko nalang ang pagkain. Nang matapos ay bumalik na ako sa kwarto ko upang magpalit ng ibang damit. Nang makita ang ribbon-string linen olive midi dress sa closet ay ito na ang pinili kong isuot. Tita Emilia really like the color green, so most of my clothes are on this shade.
Nang kinatok na ako ni Tita ay nagmadali na ako sa pagsuot ng ankle straps sandals. Then I just grab a random sling bag on the rack and throw my wallet and phone inside of it.
"Seatbelt," Tita Emilia reminded me before starting the engine.
Sa biyahe ay kinamusta niya ang pag-aaral ko. I only told her the most important ones, leaving the small and 'personal' details behind. When there's nothing to talk about myself anymore, we then talk about Soliya and my other cousins.
When the silence enveloped us, bigla kong naalala ang pagkatok ni Tita sa kwarto ko kagabi. It was rather unusual of her to come over to my room like that unless there's something that she wants to talk about with me.
Don't tell me she overheard me crying? But my room's wall was kind of thick…
Nang pinatay na ni Tita Emilia ang makina ng crossover ay napatingin ako sa labas. We parked in front of the building. Hindi hamak na mas maganda at mas malawak ang opisina nila dito kaysa sa Lucena. However, the main plant is in the latter. I wonder how vast is the plant here in Tiaong. If there's one.
"Wait for me in the lounge," ani ni Tita habang naglalakad na kami sa pathway papasok sa building.
Tamihik naman akong tumango. We parted ways upon reaching the lobby. And just like what she instructed, I settled myself on the lounge area. Hindi maiwasang gumala ng mata ko sa interior design ng building.
It was dominated by local materials. The pendant light hanging on the ceiling was even made of bamboo. Inilabas ko ang cellphone mula sa bag at kinuhanan ng litrato ang maliit na sculpture na nakapatong sa coffee table. It's abstract and made of wood. It's intriguing. Matapos ay iponost ko ito sa FB Story.
Not long after, someone commented on it.
Clarissa Antolin:
Saan ka?
I shifted on my seat before composing a reply.
Ako:
RSJ Industries
Clarissa Antolin:
Sa bayan? Nagpa-renovate ng opisina ang Tita mo?
Ako:
Nope. In Tiaong.
We chatted for a little bit more before she go offline. Ginugol ko naman ang oras sa pags-scroll sa social media accounts ko. But when something suddenly came into my mind, I open my phone's web browser. I search his name. Habang naghihintay na mag-load ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba.
I never once searched him on social media, afraid that it would just bring me pain. And over the years, I didn't hear any news about him, until yesterday. It was like his name was treated as a taboo in the family.
Umawang ang labi ko nang makita ang mga results. There are a lot of articles about him and his projects. He's well-known.
The most sought after architect in the country.
Binasa ko ang lahat ng articles tungkol sa kaniya na umintriga sa akin. One after another. Sa huli'y nanikip lang ang dibdib ko.
No one at school knew about my parents. I didn't really intend to hide it, especially to my friends. But because I am uncomfortable talking about them, lalo na sa tatay ko, I don't bring them up. Kung mapag-uusapan man, I only give vague answers.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang old family picture namin nang ni-search ko ang pamilya niya. How come there's no article of him with his mistress and bastard mentioned?
What does it mean?